Friday , December 19 2025

Kakaibang ugnayan ni movie reporter sa actor, isasambulat

TOTOO bang nakahanda na ring magsalita tungkol sa isang kontrobersiyal na male star ang isang movie reporter na naging “friend” niya noong nagsisimula pa lamang ang kanyang career? Ang movie reporter ang unang nagpasok sa kanya sa isang folk house bilang isang singer, bago siya naging artista. Sa totoo lang, maraming kuwento ang kanyang “friend” na puwedeng i-drama sa Maalaala …

Read More »

Modernong bahay ni Paolo, marami ang napa-wow!

DINAIG ni Paolo Ballesteros ang ibang artista kung pagandahan ng bahay ang pag-uusapan dahil bongang-bongga at talaga namang sosyal ang kanyang modern house. Marami nga ang napa-wow nang ipost nito ito sa kanyang personal account at talaga namang humanga sa ganda at laki ng bahay nito na mula sa katas ng kanyang pag-aartista. Tsika ni Paolo sa isang interview, ”I made sure …

Read More »

Ynez, may buwelta kay Dupaya

MARIING pinabulaanan ni Ynez Veneracion na sinabihan niya ng scammer ang negosyanteng si Kathy Dupaya sa kanyang social media accounts. Ayon kay Ynez, ”No, hindi totoo iyon. Nag-post po ako. Sabi ko ho ganoon na magkakaroon po ako ng presscon about the Ignite (Regine Tolentino dance concert) show. “Sabi ko magsa­salita ba ako sa press kasi hanggang ngayon hindi ko pa nakukuha ang pera ko. …

Read More »

Mitch Byrne host ng WNBF Philippines First Amateur Championship

ANG Filipino-Canadian workout queen na si Mitch Byrne ang opisyal na host ng nalalapit na patimpalak ng World Natural Bodybuilding Federation (WNBF) Philippines na 2018 WNBF Philippine First Amateur Championship, sa Hunyo 9 na magaganap sa Johnny B. Good sa Makati City. Ang WNBF Philippines ay kinakatawan ni Mitch kasama ang kapwa mga international fitness guru na si Chris Byrne, na …

Read More »

Piolo, ginagamit ang Ramadan sa pagpo-promote ng Marawi

WALA kaming idea sa pelikulang gagawin ni Piolo Pascual na may kinalaman sa giyera sa Marawi City. Hindi namin alam kung sinimulan na o sisimulan pa lang. Bilang isang Muslim, hindi kami pabor sa paggamit ni Piolo sa aming fasting month, ang Ramadan na kailangan niyang maranasan ang pinagdaraanan ng mga kapatid na Muslim. Ang fasting ay isa mga fundamentals of Islam kaya …

Read More »

Kris sa posibilidad na pasukin ang politika: Nag-iisip ho talaga ako ngayon

KUNG walang aberyang nangyari, nagkita sina Nay Cristy Fermin at Kris Aquino kahapon dahil pinuntahan ng Queen of Online World at Social Media ang dati niyang kasamahan sa The Buzz sa radio program nito sa TV5 na Cristy Ferminute. Matagal nang gustong dalawin ni Kris si ‘Nay Cristy hindi lang nagsa-swak ang schedules ng una dahil laging may mga biglaang …

Read More »

Isa sa miyembro ng Boyband PH, kinikilig kay Ria

NAALIW kami sa mga nabasa naming post at litrato sa social media nina Ria Atayde at isa sa miyembro ng Boyband PH na si Ford Valencia. Sila pala ang magka-loveteam ngayon? Nagsimula ang loveteam nina Ria at Ford sa Wansapanataym Presents: Ohfishcially Yours na napapanood tuwing Linggo sa ABS-CBN kasama sina Elisse Joson, Nico Antonio, Janice de Belen at ang …

Read More »

Para malinlang at mabitag si Lakas (Enrique Gil), Ganda (Liza Soberano) iba-iba ang anyo sa “Bagani”

CONSISTENT pa rin ang “Bagani” sa mataas nilang ratings na umaabot na sa 33% to 36% at isa lang ang ibig sabihin nito palawak nang pala­wak ang fan base ng LizQuen love team nina Enrique Gil at Liza Soberano. Sa ilang teleserye na ginawa nina Liza at Enrique ay pinatunayan nila nang ilang beses ang lakas ng dating nila sa …

Read More »

Concert series ng dabarkads with Broadway Boys featuring Joey de Leon umani ng papuri

VERY rare na mapanood mag-concert si Joey de Leon. Pero dahil sa concert series ng EB Dabarkads na kabilang siya, napapanood siya ngayon sa weekend concert ng Broadway Boys tuwing Sabado. Last Saturday ay game na nakipagkantahan sa grupo ng mga talented na mga bata na produkto ng Lola’s Playlist si Tito Joey. At umani nang papuri ang performance ni …

Read More »

Baby Go, may bagong movie company at contract stars

PATULOY sa paghataw ang masipag at workaholic na movie producer/businesswoman na si Ms. Baby Go. Ngayon ay dala­wa na ang movie company niya, bukod kasi sa BG Productions International ay itinatag na rin niya ang Global Films Production International Inc. Ayon sa lady boss ng natu­rang film outfit, “BG Productions is not closing its doors to film production. We will be …

Read More »

Ina Alegre, pinagsasabay ang showbiz at public service

NAGAGALAK ang aktres/politican na si Ina Alegre dahil mu­ling nabigyan ng chance na maka-arte sa harap ng camera. Nakapanayam namin si Ms. Ina sa birthday party ni mayor Leandro Panganiban ng Pola, Oriental Mindoro. Si Ina ang vice mayor sa naturang municipality. Pansamantalang nawala siya sa showbiz limelight nang pumasok sa politika at nanalong Vice Mayor. Bago ito, naging beauty queen …

Read More »

Rep. Nograles dapat nang kalusin — TNVS drivers

TULUYAN nang napundi ang libo-libong TNVS drivers kay PBA Party List Koko Nograles dahil sa sinabing patuloy na panggigipit ng mamba­batas sa kanila. Kung dati ay tikom-bibig ang TNVS drivers, ngayon ay inihayag ng TNVS driver leaders na isusulong nila ang de­manda laban kay Nogra­les na siya umanong dahi­lan kung bakit nagka­kawindang-windang ang kanilang kabuhayan. “Dalawang buwan nang wala ‘yang P2 …

Read More »

Chief fiscal sibakin sa $10-M Okada estafa cases

READ: Fiscal sibak sa US$10-M Okada estafa cases READ: ‘Whitewash’ sa Okada case leakage pinalagan READ: Piskal lagot sa DOJ (Sa leak ng ‘lover’ ni Okada) READ: Piskal ipinahamak ng ‘lover’ ni Okada HINAHAMON si Justice Secretary Menardo Gue­varra na panindigan ang kanyang pangako na ibabalik niya ang tiwala ng publiko sa justice sys­tem sa pamamagitan ng pagsibak sa mga …

Read More »

Duterte inatake ng migraine

TINIYAK ng Palasyo na maayos ang kalagayan ng kalusugan ni Pangu­long Rodrigo Duterte. Pahayag ito ng Malacañang matapos ibunyag ng Pangulo na nagsusuka siya sa erop­lano bunsod ng migraine habang nasa biyahe mula sa tatlong araw na official visit sa South Korea pabalik ng Filipi­nas noong Martes ng gabi. Ayon kay Presiden­tial Spokesman Harry Roque, walang dapat na ipag-alala ang …

Read More »

8 Israelis, 482 Pinoys timbog sa Pampanga

ARESTADO sa mga opera­tiba ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group ang walong Israeli at 482 Filipino sa Clark Freeport Zone sa Angeles City, Pampanga dahil sa umano’y panloloko ng multi-milyong dolyar sa mga biktima sa online stock trading scam. Ang walong Israeli, at 232 lalaki at 242 babaeng Filipino ay nadakip sa sabay-sabay na operasyon nitong Martes ng umaga sa …

Read More »