Wednesday , December 17 2025

Nick Vera Perez, NVP1.0: NVP 1s More! ang titulo ng next album

KASALUKUYANG nakatutok si Nick Vera Perez sa paggawa ng kanyang second album. Metikuloso si Nick pagdating sa bagay na ito, palibhasa’y malalim kasi talaga ang pagmamahal niya sa musika.   Inusisa namin ang binansagang Total International Entertainer ukol sa kanyang second album. Tugon ni Nick, “It is called NVP1.0: NVP 1s More! (read as NVP once more).”   Aniya, “Naka-timeline ako …

Read More »

Miggs Cuaderno, si Nora Aunor ang peg sa BL series na Neo & Omar

IPINAHAYAG ng award-winning young actor na si Miggs Cuaderno na ang Superstar na si Nora Aunor ang naging peg niya sa tinampukang BL series na Neo & Omar-Unlocked Anthology.   Ito’y mapapanood sa GagaOOlala sa September. Mula sa pamamahala ni direk Adolf Alix, Jr., kasama rin dito ang anak ni Wendell Ramos na si Saviour Ramos. Gumaganap si Miggs dito bilang binatilyong hindi makapagsalita, kaya kailangang maging …

Read More »

Gardo, trending ang paghi-heels

KINAGIGILIWAN ngayon ng mga manonood ang pang-umagang programang sinasalangan tuwing 10:00 a.m. nina Pokwang, Pauleen Luna, at Ria Atayde sa Cignal TV5, ang #ChikaBesh. Mula nang ilunsad ito kamakailan, tinutukan na ang mga bagong pakulo ng tatlong dilag na magkakaiba ang personalidad pero nag-swak sa kakaibang ikot ng sistema sa paghahanapbuhay sa panahon ng pandemya. Marami ang natutuklasan nila sa mga nagiging panauhin nila kada …

Read More »

Ang Sa Iyo Ay Akin, gabi-gabing trending

MASAYA ang Kapamilya Channel dahil nagre-rate ang Ang Sa Iyo Ay Akin nina Jodi Sta Maria, Iza Calzado, Sam Concepcion, at Maricel Soriano. Matagal hindi nasundan ang huling teleserye ni Direk FM Reyes kaya naman ngumiti ang langit sa kanila. Talagang nanabik ang televiewers sa mga panooring mula sa Kapamilya. Tuloy-tuloy ang pag-arangkada ng Ang Sa Iyo Ay Akin na gabi-gabi ay trending sa social media dahil sa makapigil-hiningang mga eksena …

Read More »

Talents ng ABS-CBN, nagkalat

HUWAG nang magtaka kung saan-saan nang network o management agency makikita ang mga talent ng ABS-CBN. Hindi maiiwasang kumalat ang mga talent ng Kapamilya Network dahil looking for greener Pasteur ang mga ito. Siyempre kung saan may datung doon ang takbo nila. Wala na ang loyalty ngayon dahil mahirap ang magutom ang pamilya.   SHOWBIG ni Vir Gonzales

Read More »

Ate Vi, sabik nang makasal si Luis

NABIGLA si Kongresista Vilma Santos sa isang panayam  sa kanya nang tanungin siya kung tutol sa balak na pagpapakasal ng anak na si Luis Manzano kay Jessy Mendiola. Anang kongresista, “Naku hindi, wala akong tutol sa kung anong plano nila.”   Sa totoo lang nananabik na ring magkaroon ng apo si Ate Vi dahil sa grupo nilang sumikat, bukod tanging siya na lang yata ang walang …

Read More »

Andi Eigenmann, buntis na naman  

PARA kay Andi Eigenmann, sapat na ang isa o dalawang taon na pagitan sa pangalawa at pangatlo n’yang anak. Ibinalita ng aktres-surfer na nagdadalantao siya sa ikalawang anak nila ng mister n’yang sikat na surfer na si Philmar Alipayo. Pero pangatlong anak na nga ni Andie ang nasa sinapupunan n’ya dahil ang panganay n’ya ay ang anak n’ya sa aktor na si Jake …

Read More »

McCoy at Elisse, nagkabalikan

NAGKABALIKAN na kaya sina McCoy DeLeon at Elisse Joson? Palaisipan kasi sa 2M followers ng binata kung para saan ang larawang ipinost nito na magkasama sila ng dalaga na hinagkan niya sa noo habang sakay sa isang yateng umaandar. Ang caption ni McCoy sa post niyang larawan nila ni Elisse, “Always all ways,” na kung iaanalisa ay parang may something ang dalawa. Inisip naming may …

Read More »

Titulong The Voice Kids UK 2020, nasungkit ng Pinay na si Afante

NASUNGKIT ng batang Pinay na si Justine Afante, 13, ang titulong The Voice Kids UK 2020 nitong Sabado, Agosto 29 at nag-uwi ng premyong L30,000 na magagamit sa kanyang musical education. Tubong Dasmarinas, Cavite si Justine at sa kasalukuyan ay sa Swansea, Wales UK sila naninirahan kasama ang mga magulang. Anyway, nang mapanood namin ang blind audition ni Justine na Never Enough ni Loren Allred (OST ng pelikulang The Greatest …

Read More »

Jose Mari Chan, mas gustong matawag na Little Drummer Boy

BIDANG-BIDA ang singer na si Jose Mari Chan sa simula ng “ber” months kahapon, September 1.   Guest si Jose Mari sa Kapuso morning program na Unang Hirit kahapon at ipinarinig ang classic Christmas song niyang Christmas In Our Hearts na kasama ang ilang members ng family at kinanta ito.   Then, may phone patch interview siya sa DZBB radio show ni Arnold Clavio, 9:00 a.m..   Ang veteran singer ang …

Read More »

Naluluging negosyo ni actor, isinalba ni gay politician

TALAGANG mahirap na ngang makawala ang male star sa lover niyang gay politician. Pati pala kasi iyong negosyo niyang matagal nang bagsak bago pa man ang pandemic ay pinasukan ng bagong puhunan ng gay politician para ma-improve at kumita. Gusto raw kasi ng gay politician na kumita ang negosyo ng male star para hindi naman matanong kung saan nanggagaling ang pera niya. Isa …

Read More »

Direk Cloyd Robinson, pumanaw na

NAGING kami kahapon ng madaling araw, at ang bumulaga sa amin nang magbukas kami ng computer ay ang balitang sumakabilang buhay na si Direk Cloyd Robinson. Inatake raw sa puso si direk noong Lunes ng gabi, hindi niya natagalan iyon. Nauna nang nagkaroon ng stroke si Cloyd ilang taon na ang nakararaan, kaya nga hindi na siya masyadong aktibo kasi medyo …

Read More »

KathNiel, itinampok sa Tinig ng mga Nawalan; ABS-CBN, tuloy na sa Zoe TV

IYON pala ang sinasabing “collab” nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, iyong kantang Tinig ng mga Nawalan, na inilabas ng ABS-CBN noong Lunes, kasabay ng pagle-lay off nila sa karamihan sa kanilang mga empleado at pagsasara ng operations ng kanilang mga provincial station. Nagsimula iyon sa isang sentimyento ng mga nawalan ng trabaho. Medyo matapang ang statement ng kanta. Sinasabi kasi nila na hindi na mapipigil …

Read More »

Deniece Cornejo, after 7 years — I feel vindicated

ISA pang babaeng patuloy na lumaban sa kanyang kinasadlakan ay ang kinasihan na ng magandang pagkakataon at sitwasyon sa buhay na si Deniece Cornejo. Matapos ang dumilim na kabanata sa buhay niya, pinilit nitong ibangon ang sarili at nag-focus sa mga positibong bagay na makatutulong sa ikot ng kanyang buhay. Nabalita kamakailan na may magandang bunga ang isang kaso sa kanyang …

Read More »

Vivian Velez, palaban mula noon hanggang ngayon

MAYA’T MAYANG bullied ng kanyang bashers ang tinagurian sa kanyang panahon na Ms. Body Beautiful na si Vivian Velez. Lalo pa at nakakiling siya sa panig ng Pangulo ng bansa. Pero sa lahat naman ng pagkakataon, mababaw man o malalim, walang inaatrasan si double V lalo na at ang punto niya ang ipinaglalaban. Sa kanyang Facebook account, bago siya nag-host ng watch party sa idinaos …

Read More »