GALIT ang isang indie star, dahil kinausap daw siya ng producer, at ng isa pang tauhan niyon at sinabing gagawin siyang bida sa kanilang gagawing pelikula. Sabi pa niya, “pinagbigyan ko naman pati kung ano ang gusto nila.” Pero iyon ngang pangako sa kanya ay napako lang. Nagbabanta ang indie star, oras daw na hindi siya binigyan ng importanteng role sa pelikulang …
Read More »Lee Joon Gi, mas sikat na kay Lee Min Ho
MAY sinasabi silang ang pinakasikat na Korean actor batay sa internet following ay si Lee Min Ho, dahil ang kanyang combined followers sa social media ay umabot na sa 72 million. Kung sa bagay, maski rito sikat iyang si Lee Min Ho, kaya nga kinuha pa siyang endorser ng isang local underwear brand. Pero ngayon parang lumipas na rin ang popularidad …
Read More »Kim Chiu, dinalaw ng tikbalang?
NATAWA kami sa isang social media post ni Kim Chiu, iyon daw kaibigan ng ate yata niya, may nakitang kakaiba sa isang litrato niya. Kasi iyong tao raw ay “may third eye,” at nakita niyon na may nakasilip na tikbalang sa bintana ng kuwarto niya. Sa iba pang kopya ng pictures, binilugan pa nila kung saan nakita iyong sinasabing tikbalang. Maliwanag …
Read More »Buboy Villar kinompirma, hiwalayan nila ng partner na si Angillyn
HINDI sinagot ni Buboy Villar ang request naming panayam tungkol sa hiwalayan nila ng partner niyang si Angillyn Gorens dahil nangako siyang sa GMA News magpapa-interbyu. Taong 2016 nagsimula ang relasyon nina Buboy at Anggilyn pero 2018 ay hiwalay na sila base na rin sa pahayag ng single father ngayon. “Actually po, two years na po kasi kaming wala rin talaga ‘no so, nag-decide …
Read More »Cristine, 7 buwang walang trabaho, na-excite sa The Masked Singer
NAGPAPASALAMAT si Cristine Reyes dahil napasama siya bilang isa sa hurado ng Philippine adaptation ng reality show ng South Korea, The Masked Singer kasama nina Aga Muhlach, Kim Molina, at Matteo Guidicelli na mapapanood sa TV5 na line produced ng Cignal, Sari-Sari Channel at Viva Entertainment simula sa Oktubre 24, Sabado, 7:00 p.m.. Pitong buwan palang walang trabaho o walang ginagawa si Cristine kaya naman excited siya dahil first time niyang maging …
Read More »2021 budget ng PSC aprub sa Senate Committee
APROBADO sa committee level ng Senate ang ‘proposed budget’ ng Philippine Sports Commission (PSC) sa naging virtual hearing nitng isang araw na pinangunahan ng Chairperson ng Committee on Sports, Senator Christopher “Bong” Go, kasama sina Senators Imee Marcos at Nancy Binay. Sa opening statement ni Go, pinuri niya ang PSC sa pagiging overall champion ng Team Philippines sa katatapos na …
Read More »Lungsod Ilagan, bayan ng Enrile, isinailalim sa MECQ (CoVid-19 sa Cagayan Valley)
NAITALA sa lungsod ng Ilagan, sa lalawigan ng Isabela, ang 33 bagong kaso ng coronavirus disease (CoVid-19), kabilang ang isang 3-anyos at 13-anyos na batang lalaki. Karamihan sa mga kaso ay naitala sa sa mga barangay ng Bliss, Malalam, Baligatan, Naguilian Baculud Sur, Naguilian Baculud Norte, Calamagui 2nd, Naguilian Sur, at Santa Barbara. Ayon kay Ilagan City Mayor Josemarie Diaz, …
Read More »Murder suspect todas sa shootout sa Zambales
PATAY ang isang lalaking suspek sa pananaga at pamumugot ng ulo sa lalawigan ng Rizal, sa enkuwentro laban sa mga pulis-Zambales nitong Miyerkoles ng umaga, 7 Oktubre. Kinilala ng PNP-AKG ang napatay na suspek na si Edison Villaran, inisyuhan ng arrest warrant ng Regional Trial Court Branch 69 sa Binangonan, Rizal dahil sa pamamaslang. Ayon sa ulat, ihahain ng mga …
Read More »7 karnaper sa Munti, nakorner sa Bulacan
NASAKOTE ang pitong karnaper mula sa lungsod ng Muntinlupa, sa mainit na pagtugis ng pulisya laban sa mga suspek sa bayan ng San Miguel, sa lalawigan ng Bulacan, kahapon ng umaga, 7 Oktubre. Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, ang mga arestadong suspek na sina Christian Golez, Marlon Reyes, Jephreil Pulpulaan, Jayson Tiangco, Kevin Sabido, Charmaine …
Read More »Ate Lita, Beverly, at Patrick, ayos ang kabuhayan sa Canada
PARANG hindi naman totoong malungkot ang darating na Pasko dahil sa pandemic na Covid-19. Mula kasi sa Toronto, Canada ay tumanggap kami ng maagang Christmas gift galing sa dating movie producer na si Ms. Isabelita Santos. Kilala siya sa pangalang Ate Lita at takbuhan ng mga artista at staff ng kanyang production ng mga kailangan. Buhat noong …
Read More »Alex nagsintir, death anniversary ni Amalia walang nakaalala
PARANG unbelievable pero totoo ayon sa kuwento ng Wonder Film producer at Daddy ni Nino Muhlach, si Alex Muhlach na wala man lang nakaalala o dumalaw sa puntod ni Amalia Fuentes. One year death anniversary kasi ni Amalia kamakailan at sa puntod niya sa Loyola, ni isa sa mga apo ni Nena at manugang na si Albert Martinez ay walang naging anino roon. Nagpamisa si Alex …
Read More »Premium Films, Classics, Oscars Submissions, Tributes, tampok sa PPP4
MAHIGIT sa 100 pelikula ang ipalalabas ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa ika-4 na Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na magkakaroon ng kauna-unahang online na edisyon ngayong taon simula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 15 sa bagong FDCP Online Channel. Ang PPP4 ay isang omnibus project na pinangungunahan ng FDCP. Tampok nito ang mga pelikula mula sa mga lokal na film festival tulad ng Cinemalaya …
Read More »Michael V., may pandemya o wala, aktibo ang utak sa pag-iisip ng concept para sa Pepito Manaloto
MAY bagong aabangan sa award-winning comedy sitcom na Pepito Manaloto! Marami ang na-curious at na-excite sa ibinahaging teaser ng GMA Network na may caption na, “May mga kuwento-kuwento na may bago raw sa #PepitoManaloto! Ano kaya ito?” Post ng isang netizen, “Isa na ako sa mag-aabang diyan. Ano kaya?” May mga pumuri rin sa isa sa lead stars ng show na si Michael …
Read More »The Promise, mala-K-drama ang cinematography
USAP-USAPAN at inaabangan ang pilot episode ng drama anthology na I Can See You: The Promise na tampok sina Paolo Contis, Andrea Torres, Benjamin Alves, Maey Bautista, at Yasmien Kurdi. Ang The Promise ang ikalawang installment mula sa apat na mini-series ng weekly drama anthology ng GMA Network na I Can See You. Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang approval sa kakaibang kuwento at nakadadalang performance ng bidang …
Read More »Fans, nabibitin sa Temptation of Wife
HINDI pinalampas ng mga manonood at netizens ang pagbabalik ng Temptation of Wife sa telebisyon simula nitong Lunes (October 5). Marami ang naka-miss sa mga karakter nina Marian Rivera, Dennis Trillo, Glaiza De Castro, at Rafael Rosell sa Philippine adaptation ng Korean drama na unang ipinalabas sa GMA-7 noong 2012. Hanggang ngayon, ramdam pa rin ang kapana-panabik na kuwento at mga bigating eksena sa serye. Ayon sa user …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com



















