Monday , September 27 2021

Buwan ng Wika 2018: Filipino ang Wika ng Saliksik!

PINAGTIBAY ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng KWF ang Kapasiyahan Blg. 18-24 na nagpapahayag na ang tema ng Buwan ng Wika para sa taong 2018 ay “Filipino: Wika ng Saliksik.”

Ang tema ay kumikilala sa wikang Filipino bilang midyum sa paglikha at pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran.

Sa pamamagitan ng tema, layon ng KWF na palaganapin ang wikang Filipino sa iba’t ibang larang ng karunungan, lalo sa agham at mate­matika.

Nais mo bang maging bahagi ng pagpa­palaganap ng wikang Filipino bilang wika ng saliksik? Abangan ang susunod na mga anunsiyo ng KWF hinggil sa mga programang pangwika sa Agosto 2018!

About hataw tabloid

Check Also

Tagatangkilik ng Krystall herbal products nagbahagi ng maraming benepisyo

Dear Sis Fely Guy Ong, BLESSING from our Lord be with us. Ito po ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *