Saturday , April 27 2024

Gerard Butler, bibida sa Angel Has Fallen

ILANG beses siyang nasaktan, ngunit hindi siya kailanman napabagsak.  ‘Yan si Gerard Butler sa papel na Secret Service Agent Mike Banning sa global box office hits na Olympus Has Fallen (2013) at London Has Fallen (2016).

Ngayong 2019, ang tinatawag na ”the President’s top guardian angel”  ay haharap muli sa labanang susubok sa katatagan ng kanyang katawan at isipan.  Tulad ng ipinahihiwatit ng titulo ng pelikula, Angel Has Fallen at ang tanong, paano makababangon ang karakter ni Butler?

Si Mike Banning ay napili ni U.S. President Allan Trumbull (Morgan Freeman) na maging  director ng Secret Service.  Ngunit bago pa man makaupo sa posisyon si Banning, nagkaroon ng assassination attempt sa presidente.  Nailigtas ni Banning si President Trumbull, ngunit, siya ang prime suspect sa pangyayari.

Naniniwala si FBI Agent Thompson (Jada Pinkett-Smith) na guilty si Banning dahil bukod sa presidente, siya lang ang nabuhay sa pag-atake ng mga explosive drones.  Tila isang perpektong plano ang pagpatay sa lahat ng kanyang mga kasamahan.

Determinadong linisin ang pangalan at alamin ang tunay na salarin, tumakas si Banning sa pagkakabilanggo.  Habang tinutugis ng Secret Service at ng FBI, hinanap ni Banning ang kanyang ama (Nick Nolte) para humingi ng tulong.

Tulad sa mga nakaraan niyang laban, dapat mailayo ni Banning ang kanyang pamilya sa kapahamakan, mapanatiling buhay ang presidente, at mailigtas ang bayan sa mas matinding panganib.  Ang malaking kaibahan ngayon, kailangan niya ring ipaglaban ang sarili.

Idinirehe ni Ric Roman Waugh (Snitch, Shot Caller), ang Angel Has Fallen na puno ng aksiyon habang dinadala ang manonood sa ”much deeper, darker journey”, ayon kay Butler. Sinasabing dalawang script ang ibinasura bago napili ang kasalukuyang kuwento na kumuha ng inspirasyon sa mga pelikulang The FugitiveThe Bourne Identity, at Taken

Ani Butler sa isang panayam noong 2017, ”I couldn’t even see a way to make a third (Fallen film), you know we’d joke about it ‘What, Tokyo? Hong Kong? What is it going to be!?’ …Until this idea came along and until Ric came along – now I’ve gone from not knowing what to do with it, to thinking this is going to be the best one.”

Dagdag pa niya na gusto ni direk Waugh na gumawa silang dalawa ng pelikula na maaalala ng tatlong henerasyonSagot naman ni Butler, ”Well what about Has Fallen 3?”, at sabi ng direktor, ”That’s not what I was thinking!”  Hinikayat ni Butler na basahin ni Waugh ang script. Aniya, ‘Read this script, it’s kind of like The Fugitive, take it and let’s put your spin on it’.  

May pag-aalinlangan man si Waugh noon, iba na ang kanyang paniniwala ngayon. Ito lamang May 2019, nag-post si direk Waugh ng trailer ng Angel Has Fallen sa kanyang Twitter at sinabing, ”For years @GerardButler and I have been wanting to collaborate. Damn glad it was this one. It was definitely worth the wait!”  

Mapapanood ang Angel Has Fallen sa Philippine cinemas nationwide simula August 21, 2019.  Mula sa Viva International Pictures at MVP Entertainment.

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil, Left arm, Left shoulder

Pabalik-balik na frozen shoulder inabsuwelto ng krystall herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Una, magandang …

init Lamig Hi Temp Cold Water

Malamig na tubig hindi ipinapayong inumin sa gitna ng matinding init

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, HANGGANG ngayon po …

Krystall Herbal Oil

Makating butlig sa anit, natuyot at gumaling  sa Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong          Magandang araw po sa inyong lahat.          Ako po …

Puregold GRFSB

Puregold may pasilip sa isang “panalo collab” katambal ang pinakamalaking music artists

MALAKAS ang bulong-bulungan na magkakaroon ng kolaborasyon ang Puregold sa pinakamalalaking  pangalan sa lokal na industriya ng musika. Totoo …

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Sugat sa paa sanhi ng labis na init sa tricycle pinatuyong Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *