MASAMA ang loob ng kilalang businesswoman na si Kathelyn Dupaya dahil sa naging pahayag ni Ynez Veneracion na para siyang na-scam at iba pang celebrities ng isang businesswoman na ang isa sa negosyo ay loading sa mga OFW sa Brunei. Although walang pangalang nabanggit si Ynez, ang pagkakasabi raw sa OFW sa Brunei ang naging main reason para mag-react ang naturang businesswoman. “Hindi po ako scammer, hindi ako nanloko. Kasi, iba iyong scammer, iyong scammer, nawala ang pera mo, nangutang, o may kamuha ng pera mo. Iyong sa akin delayed po at sa transaction namin for how many years, si Sunshine (Cruz) four years mahigit, si Ynez almost two years. Do you think sir, scammer ‘yun? Naibalik ko ang puhunan niya… “Noong December po sir, nagpaalam siya (Ynez), kunin na raw niya lahat. Sabi ko, ‘Hindi tayo makapagbigay ng notice ngayon dahil December nagsisialisan lahat ng agents ko, nagbabakasyon, by January ako magbigay ng notice.’ Pero kahit ganoon pa man, kahit hindi pa nagsibalikan ang mga tao, my own pocket money nag-settle ako sa kanya. Kahit wala pa until now sir ‘yung P1.2 million niya, wala pa sa kamay ko, pero ako bayad na sa kanya,” naiiyak na pahayag niya. Si Ms. Dupaya ay kilalang negosyante sa Filipinas at Brunei na ang lifestory ay na-feature noon sa Magpakailanman. Kabilang sa business niya sa Brunei ang dalawang restaurants, bakery, tatlong spa, salon, at boutique. …
Read More »