Friday , December 5 2025

TV & Digital Media

Derrick Monasterio pinakamaganda ang costume sa GMA Halloween party

Derrick Monasterio Achilles

HATAWANni Ed de Leon NAGKAROON ng Halloween party ang GMA sa isang bar sa BGC, pero hindi kagaya ng mga nakasanayang costumes dito, ang ginawa nila ay mga anime character. Costume party iyon oo pero hindi Halloween. Masasabi mo pa ngang paseksihan lang ang suot ng mga babae. Ang medyo impressive lang sa tingin namin ay si Derrick Monasterio na naka-warrior costume at dumating …

Read More »

Jerome Ponce nanginig sa lovescenes nila ni Krissha Viaje

Jerome Ponce Krissha Viaje

ni ALLAN SANCON MATAPOS ang massive success ng The Rain in España ay magpapatuloy ang journey ng magkakabarkada at ipinakilala na ang mga bagong bibida sa bagong University series na Safe Skies, Archer na tiyak aabangan dahil sa  bagong love story nina Yanna played by Krissha Viaje at Hiro played by Jerome Ponce. Namangha ang mga press sa trailer ng Safe Skies, Archer dahil bongga ang mga eksenang aabangan sa …

Read More »

Janelle kina Vice Ganda at Ion: Sana inihingi na lang ng tawad

Janelle Jamer Vice Ganda Ion Perez

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Janelle Jamer, dating co-host sa Wowowee, ng komento tungkol sa suspensyon ng It’s Showtime dahil sa icing incident nina Vice Ganda at Ion Perez. “Kasi puwede namang magkamali kasi live show nga siya, eh. “Like what happened before naman sa amin, kahit ‘yung salitang ‘ihi’ yata, ‘ihi’ bawal naming sabihin, pinagbabawalan kami. “Noong time namin bawal iyon. Bago pa kami sumampa …

Read More »

Luis minsang naisalba ni Alden sa isang show

Luis Manzano Alden Richards Julia Montes

MA at PAni Rommel Placente NAGBALIK-TANAW si Luis Manzano nang mag-guest sina Alden Richards at Julia Montes sa YouTube channel nito para sa promo ng kanilang movie na Five Breakups and a Romance. Ito iyong sinagip siya ni Alden sa isang trabaho na tinanguan niya pero hindi niya napuntahan.  Si Alden daw ang pumalit sa kanya. At hinding-hindi niya malilimutan ang ginawang ‘yun ni Alden. Kaya naman personal niya …

Read More »

Jerome at Krissha posibleng mag-level-up ang relasyon

Jerome Ponce Krissha Viaje

PAREHONG single sina Jerome Ponce at Krissha Viaje kaya naman natanong ang mga ito kung may posibilidad na ma-attract sila isa’t isa. Sila kasi ang bida sa  pinakabagong seryeng handog ng Viva One, ang Safe Skies, Archer. Si Krissha si Yanna, isang sexually empowered tourism student samantalang si Hiro naman si Jerome, ang dashing young pilot at mechanical engineering student. Magkakaroon sila ng relasyon na matutuloy sa …

Read More »

My Plantito ng Puregold Channel sa YouTube mapapanood ng may English subtitles  

My Plantito Kych Minemoto Michael Ver

HABANG lalong nakakamit ng My Plantito ng Puregold Channel ang pagkilala dahil sa mahusay na pagpapakita nito ng kuwentong boy-love, pamilyang Filipino, at pakikipagkaibigan, mapapanood na ang serye ng retailtainment pioneer sa YouTube ngayon na may English subtitles. Tampok si Kych Minemoto bilang nangangarap na vlogger na si Charlie, at si Michael Ver bilang gwapong kapitbahay at plantito na si Miko, mabilis na sumikat ang digital na serye sa mga …

Read More »

KC gusto ng masayang pamilya, good vibes ang lahat 

KC Concepcion Isko Moreno

MA at PAni Rommel Placente SA panayam ni KC Concepcion sa YouTube channel ni Isko Moreno na Iskovery Night, tinanong siya ng dating mayor ng Manila ng, “Where do you see yourself 10 years from now?”  Ang sagot ni KC, “Sana may family na ako, sana gusto ko ng complete family, gusto ko ng happy marriage, happy children, healthy children. “Gusto ko maging close kami ng family ko, at …

Read More »

The Iron Heart ni Richard patok sa Indonesia 

The Iron Heart Richard Gutierrez Apollo

 IBANG klase talaga ang karisma ni Richard Gutierrez. Matapos tangkilikin at abangan ang action primetime serye niyang The Iron Heart, heto’t patok na patok naman ito sa Indonesian viewers na kasalukuyang napapanood ang Bahasa Indonesian-dubbed version nito na pinamagatang Apollo sa free TV channel na ANTV. Pinuri ng Indonesian audiences ang kabuuang kalidad nito—mula sa istorya, all-star cast, at sa maaaksiyon nitong eksena na kayang …

Read More »

Mimiyuuuh nagpakatotoo sa pagkalap ng tsismis sa pinakabago niyang TVC

Mimiyuuuh

MARAMI sa atin ang nae-excite at nabubuhayan ng dugo kapag narinig natin ang mga salitang “Uy, may chika ako.” Lahat tayo ay may itinatagong “Marites” sa ating mga sarili, na nagnanasang makasagap ng pinakamainit na  tsismis, at hindi pwedeng maiwan para malaman ang mga umaatikabong balita ng bayan. Ganyan ang tema ng pinakabagong video ng sikat na online celebrity na …

Read More »

Alice Dixson sasabak sa action series

Alice Dixson Maging Sino Ka Man

RATED Rni Rommel Gonzales ANG bongga naman ng Maging Sino Ka Man dahil magiging guest nila ang nag-iisang  Alice Dixson. Siyempre naman, may mga eksena si Alice sa nabanggit na special limited series na bida sina Barbie Forteza at David Licauco. Sikreto pa kung ano ang role ni Alice, pero sa isang eksena ay makikitang may hawak na baril si “I Can Feel It” girl. Mukhang …

Read More »

Elsa Droga naapektuhan sa suspensiyon ng It’s Showtime

Elsa Droga It’s Showtime

RATED Rni Rommel Gonzales SUMIKAT at nakilala si Elsa Droga bilang grand finalist ng Miss Q and A ng  It’s Showtime noong 2018 kaya natanong ito sa suspension ng noontime show. “Nakalulungkot po, kasi naging pamilya po namin ang ‘Showtime’ eh so roon po ako nakilala, parang sa akin isa ‘yun sa mga platform na nagpapakilala ng iba’t ibang klase ng tao. Sila ‘yung nagpapakilala …

Read More »

Alessandra at Empoy ‘nagkabalikan’

Alessandra de Rossi Empoy Marquez

I-FLEXni Jun Nardo SASABAK naman sa sitcom ang break out loveteam nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez matapos ang ilang pelikula nilang ginawa. Bida ang Al-Poy sa May For-Ever na futuristic ang konsepto, huh. Mag-asawa sina Alex at Empoy sa sitcom na sa back stories eh babalikan nila ang nakaraan. Naku, abangan  ninyo sa Marites University ang guesting nina Alex at Empoy at talagang ikababaliw ninyo.

Read More »

Pinoy artists naaagawan ng trabaho ng mga Koreano

Korean heart finger hand

HATAWANni Ed de Leon NAKALULUNGKOT kung minsan, ang daming mga artistang Filipino na walang trabaho sa kasalukuyan dahil kakaunti ang gumagawa ng mga pelikula. Bihira na rin ang gumagawa ng teleserye dahil nasisingitan na iyon ng mga ginagawa ng mga content creators gaya ng ABS-CBN, na gumagawa na lang ng content simula nang nawalan sila ng prangkisa.  Ibig sabihin niyan, nababawasan …

Read More »

Ilang programa ng ABS-CBN sa A2Z ‘di muna mapapanood

A2Z ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI muna mapapanood sa nakasanayang oras ang ilang programang palabas tuwing primetime ng ABS-CBN na napapanood sa A2Z para bigyang daan ang pagpapalabas ng PBA games. Anang ABS-CBN, suportado nila ang pagbabagong ito at maaapektuhan lamang sila sa tuwing may laro ng PBA.  Sa inilabas na statement ng ABS-CBN sinabi nilang simula Nobyembre 5, 2023 hindi muna mapapanood ang …

Read More »

Joshua at Gabbi nakabuo ng relasyon on and off cam

Gabbi Garcia Joshua Garcia

MA at PAni Rommel Placente ISANG buwan na lang at magtatapos na ang unang collaboration project ng ABS-CBN at GMA 7 with Viu Philippines na Unbreak My  Heart na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Gabbi Garcia, at Joshua Garcia. Ayon kay Joshua, sobrang nagpapasalamat siya kay Gabbi dahil all-out ang ibinigay na support sa kanya, lalo na sa paghugot ng tamang emosyon at makaiyak sa mga intense at madrama nilang mga eksena …

Read More »

Jennica naglabas ng saloobin kay Ynna

Jennica Garcia Ynna Asistio

RATED Rni Rommel Gonzales MULA sa pagiging aktres at negosyante, tumawid na rin si Ynna Asistio sa pagiging host ng isang talk show sa Youtube. Kasalukuyang napapanood na sa Youtube ang Behind The Scenes With Ynna na umiikot ang usapan sa pagiging ina at sa mga aspetong may kaugnayan dito. At siyempre, sa first episode ng show ay ang ina niyang si Nadia Montenegro ang guest niya. …

Read More »

Unbreak My Heart maraming pasabog sa pagtatapos

Unbreak My Heart

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MARAMI pang pasabog! Ito ang tiniyak ng direktor ng Unbreak My Heart sa final five weeks na natitira nito. Ani Dolly Dulu, direktor ng Unbreak My Heart na pinagbibidahan nina Jodi Sta Maria, Gabbi Garcia, at Joshua Garcia, asahan ang maraming twists at shocking scenes sa mga susunod na araw.  “Sa last five weeks, sa last 20 episodes remaining, mas marami pa ‘yung …

Read More »

Pelikula isusunod na pagsasamahan ng ABS-CBN at GMA

GMA7 ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASAYANG ibinalita ni Atty Annette Gozon-Valdes, GMA executive, na hindi natatapos ang partnership nila sa ABS-CBN sa matagumpay na pagpapalabas ng Unbreak My Heart. Sa finale media conference ng kauna-unahang TV show collaboration, inihayag ng GMA executive na may plano rin silang gumawa pa ng maraming proyekto sa Kapamilya. Anang GMA Senior Vice President for Programming, isa sa inaasahan niyang collaboration …

Read More »

Show ni Luis trending sa Twitter

Luis Manzano It’s Your Lucky Day

I-FLEXni Jun Nardo GINALINGAN nang husto ni Luis Manzano ang unang araw niya  bilang main host ng It’s Your Lucky Day na pansamantalang pumalit sa It’s Showtime na nagsimula ang 12 days suspension last Saturday, October 14. Bago simulan ang show, nagpasintabi muna si Luis sa Eat Bulaga at kina Tito, Vic and Joey ng E.A.T. Si Robi  Domingo ang nabalitang makakasama ni Luis sa show. Wala si Robi sa studio pero present siya sa taped …

Read More »

MTRCB, DICT, and Digital Pilipinas nagsanib puwersa upang labanan ang Cybercrime at ipalaganap ang Digital Literacy

Lala Sotto MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LUMAGDA sa isang Memorandum of Agreement (MOA) si Lala Sotto, Chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), kasama ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at Digital Pilipinas (DP) upang gawing opisyal ang pakikipagtulungan ng pamahalaan at pribadong industriya na layuning labanan ang Cybercrime at ipalaganap ang Digital Literacy at Commerce. Si …

Read More »

Harapan nina Bea at Andrea inaabangan

Bea Alonzo Andrea Torres Dennis Trillo

RATED Rni Rommel Gonzales PAINIT nang painit ang mga eksena sa GMA primetime series na Love Before Sunrise. Nagsisimula pa lang ang love story nina Stella (Bea Alonzo) at Atom (Dennis Trillo) pero marami nang challenges ang dumarating sa kanila. Bukod sa family problems ng isa’t isa, tuloy din sa pang-aakit si Czarina (Andrea Torres). Bibigay kaya sa tukso si Atom? Samantala, mangyayari …

Read More »

Barbie at David tuloy ang pagpapakilig

Barbie Forteza David Licauco

RATED Rni Rommel Gonzales KILIG overload ang fans ng Team BarDa sa behind-the-scenes ng special limited series na Maging Sino Ka Man. Ipinost sa GMA Network Facebook page ang video nina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at Pambansang Ginoo David Licauco ang kanilang holding hands at kulitan habang off-cam. Talaga namang very close na ang dalawa kaya tuwang-tuwa ang netizens. Komento ng ilang fans, “BarDa love team kilig forever! Bagay …

Read More »

Carla magpapakita ng bangis sa bagong afternoon prime

Carla Abellana Beauty Gonzalez Gabby Concepcion

RATED Rni Rommel Gonzales MAGSASAMA-SAMA sa hapon ang mga naglalakihang Kapuso star para sa isang mahiwagang kuwento ngayong Nobyembre. Tatampok sa mas pinatinding GMA Afternoon Prime ang seryeng Stolen Life na pagbibidahan nina Carla Abellana bilang Lucy, Beauty Gonzalez bilang Farrah, at Gabby Concepcion bilang Darius. Iikot ang kuwento nito sa agawan ng asawa with a twist. Dahil sa pamamagitan ng astral projection, puwedeng humiwalay ang kaluluwa ng isang tao …

Read More »

Luis ‘binasag’ ni Sandara, sinabihang sintunado

Luis Manzano Sandara Park

I-FLEXni Jun Nardo NAGING tampulan ng tukso si Luis Manzano nang maging guest niya sa vlog si Sandara Park. Nang tanungin kasi ni Luis si Sandara kung bakit hindi niya ginu-guest si Luis sa concert niya, sagot ni Sandara, “Sintunado ka kasi!” May nahanap na kakampi si Luis sa isang netizen kahapon sa Twitter   tungkol sa boses niya. Ni-retweet ni Luis ang tweet ng …

Read More »