Tuesday , January 21 2025
Apple Dy Aries Go

Aries Go, thankful na parte ng Karinyo Brutal

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MISTERYOSO ang papel ni Aries Go sa Vivamax movie na pinamagatang Karinyo Brutal.

Inusisa namin ang aktor kung ano ang masasabi niya sa kanilang pelikula?

Pahayag ni Aries, “Very interesting ang story, na mare-realize mo sa ending ng kuwento na ang mga tao hindi mo inaakala kung sino sila. Magugulat na lamang tayo kung sino talaga ang salbahe, tungkol din sa manggagamit o paggamit ng mga tao sa kapwa nila.

“Hindi ba, hindi natin maaalis sa buhay natin na tayo ay gumagamit ng tao at tayo ay nagpapagamit din? Pero hindi natin alam kung sino yung talagang may mali o masamang intention sa paggamit sa atin. Iyon ang twist na nakikita ko sa pelikula.”

Gaano siya ka-sexy dito? “As Eman na role, malalaman po nila kapag pinanood nila ang Karinyo Brutal,” nakatawang sambit niya.

Ano ang limitation niya sa pagpapa-sexy?

Esplika niya, “Actually, hindi naman po ako tinanong dito kung ano ang limitation ko sa role as Eman. Pero as I’ve said po, malalaman po nila ‘pag napanood nila ang aming pelikula, kung ano ang maipapakita ni Aries as Eman doon.”

Aminado si Aries na noon ay on and off ang kanyang showbiz career. Siya ay napanood sa Miracle in Cell no. 7 na pinagbidahan ni Aga Muhlach at sa TV series na Encounter na tampok naman sina Cristine Reyes at Diego Loyzaga.

Ipinahayag din ng aktor ang pasasalamat sa pagkakataong ibinigay sa kanya para makagawa ng project sa Vivamax. “Thankful ako and bless dahil binigyan ako ng chance na mapasama sa film ng Karinyo Brutal sa Vivamax,” masayang pakli ni Aries.

Mula sa pamamahala ni direk Joey Reyes, tampok dito sina Apple Dy, Benz Sangalang, Armani Hector, Manang Medina, Caira Lee, Ghion Espinosa, at iba pa.

Streaming na ngayon sa Vivamax ang Karinyo Brutal.

About Nonie Nicasio

Check Also

Jiro Manio Eroplanong Papel

Jiro Manio, nagbabalik-showbiz sa pelikulang ‘Eroplanong Papel’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG ganda ng pagpasok ng taong 2025 kay Jiro Manio …

BB Gandanghari Eva Cariño

BB Gandanghari nalulungkot sa tuwing tatanungin ni Mommy Eva ng ‘Sino Ka?’

MA at PAni Rommel Placente NASA ‘Pinas ngayon si BB Gandanghari.  Sa panayam sa kanya sa Fast …

Jiro Manio

Jiro Manio muling ipamamalas galing sa pag-arte sa Eroplanong Papel

MA at PAni Rommel Placente MATAPOS ang ilang taong katahimikan mula sa spotlight, ang dating …

Cecille Bravo Pete Bravo Miguel Bravo Morong Raceway Park

Raceway Park malaking tulong sa turismo ng Morong 

MATABILni John Fontanilla MAYAGUMPAY ang  Groundbreaking Ceremony ng Morong Raceway Park na ginanap last January 16, 2025 …

Gela Atayde Arjo Atayde Time To Dance

Gela Atayde naluha sa mensahe ni Arjo

MATABILni John Fontanilla HINDI napigilang maiyak ng tinaguriang New Gen Dance Champ at isa sa …