Saturday , July 27 2024
Harvey Bautista Criza Taa Tates Gana

Harvey Bautista big deal ang pagbibida: May kaba at excitement, it’s something that I’ve been waiting 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

BINATANG-BINATA na ang bunsong anak nina dating QC Mayor Herbert Bautista at Tates Gana, siHarvey Bautista at bida na sa bagong seryeng Zoomers.

Nakatutuwang mula sa pagiging Goin Bulilit mainstay ni Harvey heto at magbibida na sa pinakabagong youth-oriented series ng ABS-CBN Studios na Zoomers na mapapanood simula Lunes (Enero 22). Makakasama niya rito at makakapareha ang magandang dating PBB housemate na si Criza Taa na matapos nilang mapagtagumpayan ang madugong auditions at mapabilib ang tatlong kilalang direktor ay mapapanood na sila. 

Mula sa 18 Star Magic artists, sina Harvey at Criza ang napiling gumanap bilang Jiggs at Hope nina ABS-CBN Star Magic and TV production head Laurenti Dyogi, blockbuster film director Theodore Boborol, at He’s Into Her director Chad Vidanes

Makakasama nina Harvey at Criza ang tatlo pang nakitaan din ng tatlong director ng talento at potensiyal na sina dating YeY star Luke Alford, ang commercial model na si Ralph de Leon, at ang dancer na si Krystl Ball para kumpletohin ang mga main character ng serye. 

Iikot ang kuwento ng Zoomers sa barkada nina Jiggs (Harvey), Hope (Criza), Kokoy (Luke), Atom (Ralph), at Tania (Krystl) na nabuo noong kasagsagan ng pandemya. Sa kanilang pagsabak sa buhay matapos ang pandemya, samahan ang kanilang barkada sa kanilang pagtuklas sa kanilang mga sarili at kung paano masusubukan ang kanilang pagkakaibigan sa pagdaraanan nilang mga pagsubok. 

Ani Harvey sa isinagawang mediacon noong Lunes sa Dolphy Theater, hindi niya sasayangin ang pagkakataong ibinigay sa kanya nina Direk Lauren, Direk Ted, at Direk Chad. 

“Big deal ito para sa akin. Ito ‘yung first project ko with a partner. May kaba ng kaunti and excitement. It is something that I’ve been waiting for, and it’s something that I’m thankful for. I want to make them proud. I want to make the bosses proud,” anang binata.

Ayon naman kay Criza, gagawin niya ang lahat ng makakaya para mabigyan-buhay ang kanyang role. 

“Ito ‘yung first bida role ko under Star Magic at ABS-CBN ‘yung may hawak. Tumatak sa akin na I’m so grateful and thankful na pinagkatiwalaan nila ako sa ganitong role. Ang number 1 na maipapangako ko is ibibigay ko ‘yung 199% sa character ko. Isasabuhay ko si Hope,” aniya. 

Sobra rin ang pasasalamat ng mga baguhang artista na sina Luke, Ralph, at Krystl  sa oportunidad na mapanood sa isang seryeng tatalakay sa mga pinagdaraanan ng mga kabataan ngayon.

Ang Zoomers ay idinidirehe ni Vidanes at isinulat nina Charisse Bayona at Michael Transfiguracion

Abangan din sa serye sina Luis Vera Perez, Kei Kurosawa, Erika Davis, Hadiyah Santos, at Zabel Lamberth.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ruru Madrid Coco Martin

Ruru gagayahin si Coco magdidirehe at magpo-produce

RATED Rni Rommel Gonzales NADISKUBRE namin na may ambisyon pala si Ruru Madrid na maging isang producer. …

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine Bermas at Itan Rosales, unang nagkatikiman sa pelikulang Kaskasero

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio UNANG nagkasama sa isang project sina Christine Bermas at Itan …

Mark Anthony Fernandez Mariane Saint Carby Salvador

Mark Anthony bokya kay Mariane

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI issue kay Mark Anthony Fernandez kung nagpapakita siya ng skin sa …