Friday , December 5 2025

TV & Digital Media

Viva naglaan ng P1-B para sa VMB content

Viva Movie Box

I-FLEXni Jun Nardo TUMATAGINTING na P1-B ang inilaan ng Viva Films para sa lahat ng contents na gagawin nito para sa taong 2026. Inilahad ito ni Valerie  Salvador-del Rosario, President and Chief Operating Officer, Studio Viva. Inc. na pinamumunuan din ang project na Viva Movie Box na kabilang sa matagumpay na VMX at Viva One. “With Viva Movie  Box, we are effectively translating our established expertise  in serialized drama into a …

Read More »

Direk Jeffrey pinalampas pagiging antukin ni Angelica 

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian

I-FLEXni Jun Nardo INAANTOK habang bina-blocking ni direk Jeffrey Jeturian ang idinirehe niyang si Angelica Panganiban sa isang series. Inilahad ito ng director sa interview ni Allan Diones sa kanyang YouTube.  Hindi naman daw niya ito pinagalitan dahil hindi naman niya ugali ‘yon. “Pero nakatulong siguro ‘yung pagiging nanay na niya kaya nag-mature na siya. But I admire her sa batch nila gaya ni Jodi Santa …

Read More »

Angelina muntik mahimatay sa The Alibi, Sunshine lie low sa showbiz dahil sa autoimmune

Angelina Cruz Sunshine Cruz Alibi Samantha Chesca

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SUPORTADO ni Sunshine Cruz at ng kanyang mga kapatid na sina Samantha at Chesca ang ate nilang si Angelina Cruz sa kauna-unahang mystery-romance series nitong, The Alibi na pinagbibidahan nina Paulo Avelino at Kim Chiu. Noong Martes ginanap ang Blue Carpet at Screening ng The Alibi sa Trinoma Cinema at present ang ina at mga kapatid ni Angelina na gumaganap na kapatid ni Kim sa teleserye. Kitang-kita kung gaano ka-proud si …

Read More »

Donny nailang kay Raymond, Kyle nakahanap ng ina kay Janice

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si Donny Pangilinan na nailang o na-intimidate siya sa mga kasamang veteran actor sa pinakabagong action series na handog ng Kapamilya, ang Roja na prodyus ng Dreamscape Entertainment, idinirehe nina Law Fajardo at Raymund Ocampo at mapapanood simula November 24, 2025. Ani Donny nang makausap namin ito sa media junket with tabloid editors, nailang siya kay Raymond Bagatsing na gumaganap na ama niya sa action …

Read More »

Jillian Ward mukhang reyna ng Thailand

Jillian Ward

MATABILni John Fontanilla MARAMING humanga sa kagandahan ni Jillian Ward na nagmukhang reyna sa kanyang mga litrato na kuha sa Thailand nang magbakasyon doon ang magandang GMA star. Inihahalintulad ng mga netizen ang kagandahan ni Jillian sa yumaong reyna ng Thailand na si Queen Sirikit. Pinusuan at hinangaan nga ng netizens ang post ng tinaguriang “Star of the New Gen” sa kanyang Instagram na nakasuot ito ng …

Read More »

Viva inilunsad, VMB — bagong vertical content streaming platform 

Viva Movie Box

MATAGUMPAY na inilunsad ng Viva Communications Inc., ang Viva Movie Box, isang bagong streaming platform na idinisenyo para matugunan ang mga bagong gawi ng panonood gamit ang mobile. Ang paglulunsad ay kasabay ng ika-44 anibersaryo ng kompanya, na minarkahan sa ipagpapatuloy ng pag-evolve ng media consumption patterns.  Ang VMB o Viva Movie Box ay isang patayong (vertical) platform ng video na nagtatampok …

Read More »

Kim Chiu walang takot magpakita ng skin, maraming sikretong ilalantad

Kim Chiu Paulo Avelino Alibi

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “TAPOS na po tayo sa teeny-teeny.” Ito ang paliwanag ni Kim Chiu nang matanong ang kahandaan nitong magpakita ng skin sa kasalukuyang seryeng pinagbibidahan nila ni Paulo Avelino, mula Dreamscape Entertainment, ang The Alibi na mapapanood na simula Nobyembre 7, 2025, Biyernes sa Prime Video. Mula ito sa direksiyon nina Onat Diaz, Jojo Saguin, at FM Reyes. Gagampanan ni Kim ang mapang-akit na escort na si Stella, na …

Read More »

Manny Pacquiao pagagaangin buhay ng mga Pinoy sa MP 

Manny Pacquiao MannyPay

MATABILni John Fontanilla MASAYANG ibinalita ng Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao ang kanyang bagong negosyo na malaking tulong para sa mga Filipino para mabilis na makapagbayad ng bills, ito ang Manny Pay, isang online payment service app. na under ng 7th Pillar Integration Systems Corp.. Ayon kay Peoples Champ Manny, “We are not trying to compete with G-Cash. “We are trying to lessen …

Read More »

Ogie may pa-tribute kay Francis M sa Q&A

Ogie Alcasid Odette Quesada Francis Magalona

HARD TALKni Pilar Mateo OA naman talaga ang clamor para sa repeat ng pagsasama ng dalawang OA sa kagalingan pagdating sa talento nila sa pagkanta, pati na sa pagsusulat nito. Si Ogie Alcasid.  Songwriter. Na katakot-takot na hits na ang ginawaran ng parangal sa maraming pagkakataon. At patuloy pa ring inihihinga ang kanyang mga awitin. Si Odette Quesada. Bagama’t mas pinili na ang manahan …

Read More »

Beauty kitang-kita gutom at bagsik ni Kris sa pagbabalik-serye

Beauty Gonzalez Kris Bernal House of Lies

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SANIB-PUWERSA sina Beauty Gonzalez at Kris Bernal sa House of Lies. First time na magsasama sa isang project si Beauty at ang nagbabalik-serye na si Kris para sa House of Lies.  Sey ni Beauty, masaya siya para sa comeback ni Kris. “I know ‘yung hunger and fire niya kasi ilang years din siya nagpahinga, so I know how it feels na ‘yung excitement …

Read More »

Amor Lapus, game sumabak sa sexy-kontrabida role

Amor Lapus

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio HANDA na sa kanyang pagbabalik-showbiz ang sexy actress na si Amor Lapus. Si Amor ay nakilala noon sa mga daring at palaban niyang role sa Vivamax. Ayon sa aktres, gusto niyang subukan ang pagsabak sa role na kontrabida, kung mabibigyan siya ng chance. Bungad ni Amor, “Game naman po akong  sumabak sa kontrabida role, kung mabibigyan po tayo ng chance. Lalo na bago …

Read More »

Pacman inilunsad Manny Pay

Manny Pacquiao MannyPay

HARD TALKni Pilar Mateo SA ginanap na grand launch ng Manny Pay na pag-aari ng world boxing champion na si dating Senador Manny Pacquiao (katuwang si Marc Bundalian), hindi naialis ang mga tanong sa Pambansang Kamao sa pagkakapanalo ng kanyang isa pang anak na si Eman sa larangan ng boxing.  Na sinasabing siya ng susunod sa kanyang yapak. “Very proud ako siyempre sa kanyang tinatamo ngayon. At …

Read More »

Rave napagtagumpayan unang task ni Kuya

Rave Victoria PBB Collab

I-FLEXni Jun Nardo LAST man standing si Rave sa first task ni Kuya sa Pinoy Big Brother Collab 2.0! Markado agad ang pangalan ni Rave sa viewers dahil naitawid niya ang task na hawakan ang mahabang candle holder na walang namamatay na kandila. Pero tagumpay ang task marami man ang kandilang nawalan ng sindi, mayroong natirang isa na dahilan para magawa ang task …

Read More »

Andrew Gan bad guy sa “Sanggang Dikit FR,” pinuri si Dennis Trillo

Andrew Gan Dennis Trillo Kiel Rodriguez

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio UNANG sabak ni Andrew Gan sa taping ng TV series na “Sanggang Dikit FR” ng GMA-7 na tinatampukan nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, nang nakahuntahan namin ang aktor via FB. Matipid na bungad niya sa amin, “Opo, day one ko ngayon.” Aniya pa, “Bad guy ako rito tito, bad guy ang role ko, Niknok name ng …

Read More »

Bigtime papremyo sa Kapuso Bigtime Panalo Season 4

Kapuso Bigtime Panalo Season 4

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TALAGA namang Paskong panalo sa saya ang naghihintay sa Kapuso Bigtime Panalo Season 4!Bukod sa umaabot sa halagang P7-M worth of prizes, may apat na masuwerteng Kapuso ang mananalo ng P1-M each. Para makasali, bumili ng alinman sa apat (4) na participating products: Aji-Ginisa® Flavor Seasoning Mix, Bear Brand Fortified Powdered Milk Drink, Nescafé, at Nestea Iced …

Read More »

Rodjun Cruz Champion of the Dance Floor, Napaiyak napaluhod nang mag-kampeon

Rodjun Cruz Dianne Medina

NAPATUNAYAN ni Rodjun Cruz na wala sa edad para mag-kampeon sa sayaw. Ito ang napatunayan muli ng mister ni Dianne Medina na nag-champion at itinanghal na Ultimate Dance Star Duo sa Stars on the Floor! kasama si Dasuri Choi. Masaya at laging may ngiti lalo ngayon sa tuwing gigising si Rodjun dahil sa tagumpay na  nakamit kamakailan. Ito ang ipinagtapat ng aktor nang makahuntahan namin isang tanghali sa …

Read More »

Lovi Poe parang ‘di nanganak, sexy na ulit!

Lovi Poe

MATABILni John Fontanilla MARAMING netizens ang nagulat at humanga sa magandang hubog ng katawan ni Lovi Poe after two weeks ng panganganak nito sa kanilang first baby na si Monty Blencowe. Nag-post ito ng sa Instagram ng video na buntis siya at after two weeks nakapanganak na, at may caption na: “Last week of pregnancy vs 2 weeks postpartum.”   Maraming kapwa nito artista ang namangha at nagulat …

Read More »

Toni inayawan nga ba ng advertiser?

Toni Gonzaga

I-FLEXni Jun Nardo HINDI masyadong nabigyan ng pansin ang pagbabalik ni Luis Manzano sa Pinoy Big Brother 2.0. Totally out na kasi si Toni Gonzaga sa reality show kaya si Luis ang bumalik. Of course, biro lang naman ni Luis ang kantiyaw niya kay Kuya na nasa PBB siyang  muli. Pero totoo kaya ang tsismis na kaya hindi na ibinalik si Toni bilang main host sa PBB eh may …

Read More »

Sofia Pablo ninenega sa pagpasok sa Bahay ni Kuya

Sofia Pablo PBB

I-FLEXni Jun Nardo IKINUKOMPARA si Sofia Pablo sa Pinoy Big Brother alumnus dahil agad pinutakti ng hate comments ang kapapasok pa lang na Sparkle artist sa PBB 2.0. Gaya ni Sofia, humamig din ng maraming kontra/hate comments ang PBB alumnus na noong simula hanggang pagtatapos ng unang PBB Collab. Hindi pa rin maka-move on ang netizen sa nangyaring gusot between Jillian Ward at Sofia nang magsama sila sa ginawa nilang GMA series …

Read More »

Ralph de Leon idinepensa kahalagahan ng life coach

Ralph de Leon Pia Acevedo Cristine Reyes Dimples Romana

RATED Rni Rommel Gonzales MAYROON ng second season ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na hatid muli ng GMAat ABS-CBN kaya nahingan si Ralph de Leon, former housemate sa unang edisyon, ng maibibigay niyang advice para sa mga susunod na housemates. “Siguro ‘yung pinaka-tip ko na lang po talaga, siyempre magpakatotoo. “‘Yun naman talaga ‘yung bilin sa amin ni Kuya, na lalabas at lalabas din …

Read More »

Luis Manzano balik-PBB 

Luis Manzano PBB Collab

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na nag-umpisa na uli ang PBB Collab hoping na ma-duplicate if not malampasan nito ang tagumpay at kasikatan ng nagdaang edition.  Bumalik na rin si Luis Manzano bilang male host ng show at inaasahang makadaragdag ng kinang sa programa. Sa mga nakita naming listahan ng housemates na may total of 20, halos iilan lang ang aming nakilala. As per checking, halos …

Read More »

Arnold Reyes mahusay sa Akusada  

Arnold Reyes

MATABILni John Fontanilla TRENDING sa social media ang eksena na lumalabas na mag-bestfriend sa hit Kapuso serye na Akusada sina Benjamin Alves bilang si Wildred at Arnold Reyes bilang Dennis. Usap-usapan sa apat na sulok ng Pilipinas at sa mundo ng social media ang episode sa Akusada na nalaman na ni Wilfred  na si Dennis ang totoong pumatay sa kanyang unang asawa na si Joi, ang karakter na …

Read More »