Friday , December 19 2025

Showbiz

Darren at Cassy matagal nang wish magkatrabaho

Cassy Legaspi Darren Espanto

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio WALANG aaminin! Ito ang nilinaw at iginiit kapwa nina Cassy Legaspi at Darren Espanto ukol sa estado ng kanilang relasyon. Sa grand mediacon ng When I Met You in Tokyo na pinagbibidahan nina Vilma Santos at Christopher de Leon kinulit ang dalawa ukol sa kanilang relasyon. At dito nga iginiit ni Darren na wala naman silang aaminin. “Kung ano ‘yung nakikita n’yo sa ‘min, ‘yun …

Read More »

Alden G na G sa Hello, Love, Goodbye part 2; Panliligaw kay Kathryn ‘di totoo

Kathryn Bernardo Alden Richards

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HANDANG-HANDA na si Alden Richards na muling makatrabaho si Kathryn Bernardo at gawin ang part 2 ng Hello, Love, Goodbye. Kasabay nito ang paglilinaw na hindi niya nililigawan ang aktres. Sa pa-thanksgiving at Christmas party with the entertainment press ni Alden na ginawa sa Stardust Bar sa Jupiter, Makati City, inihayag nito ang kagustuhang muling makasama si Kathryn. Anito, ipapa-cancel …

Read More »

Pelikulang pinagsamahan at idinirehe

Janno Gibbs Ronaldo Valdez

NAKAGAWA pa pala ng pelikula ang mag-amang Janno at Ronaldo na directorial debut ng una. Hulyo 2023, nang proud na ibinahagi ni Janno ang ukol sa kanilang pelikula ng kanyang ama. Ipinasilip niya ang isang eksena ng taping nila at masayang-masaya at very proud na sinabing siya ang nagdirehe ng pelikula. “Directing my Papa [clapper board emoji] What an honor …

Read More »

Pagkamatay ni Ronaldo, kinompirma ni Janno

Ronaldo Valdez Janno Gibbs

SA kabilang banda, kinompirma ni Janno Gibbs ang pagpanaw ng kanyang amang si Ronaldo. Anito sa maikling post sa kanyang IG. “It is with great sorrow that I confirm my father’s passing. “The family would like to request that you respect our privacy in our grieving moment. Your prayers and condolences are much appreciated.” Maraming celebrities ang nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa naiwang …

Read More »

Kathryn kay Lolo Sir: You are the lolo I never had

Kathryn Bernardo Ronaldo Valdez

MALAPIT si Kathryn Bernardo sa veteran actor na si Ronaldo Valdez dahil nagkasama ang dalawa sa 2 Good 2 Be True kaya isa siya sa naisip namin na sobrang maaapektuhan ng pagkamatay ng huli. Naging malapit sina Kat at Ronaldo at dito sumikat ang tawag niyang ‘Lolo Sir’ sa veteran actor na siyang tawag niya sa kanilang serye. Naglabas ang aktres ng pa-tribute kay Ronaldo sa …

Read More »

Jabo Allstar, saludo sa super-idol niyang si Michael V.

Jabo Michael V

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PASOK ang kasabihang kapag may tiyaga, may nilaga para kay Jabo Allstar. Matagal din kasi siyang naghintay sa pagdating ng magandang kapalaran sa kanya sa mundo ng showbiz, at ngayon ay dumating na ito. Natatawang nabanggit nga niya na ang bansag sa kanya noon ay ang Pinakamagaling na Extra sa Buong Pilipinas. Pero ngayon, bukod sa ganap …

Read More »

Marian at Dingdong proud sa anak na si Sixto 

Dingdong Dantes Marian Rivera NWOW

ni Allan Sancon BONGGA talaga ang blessings ng mag-asawang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ngayong December 2023 dahil bukod sa kasali ang kanilang pelikula sa Metro Manila Film Festival ngayong taon ay sila ang napiling 1st Brand Ambassadors ng NWOW Philippines kasama ang kanilang bunsong anak na si Sixto Dantes. Ang NWOW Philippines ay ang kompanya na gumagawa ng mga dekalidad at magagandang klase ng electronic bike (e-bike) …

Read More »

Teejay Marquez may payo sa mga broken hearted

Teejay Marquez

MATABILni John Fontanilla NAKARE-RELATE si Teejay Marquez sa tema ng kanilang pelikulang Broken Hearts Trip dahil minsan na rin siyang na-heartbroken at pumunta sa ibang lugar para makalimot Ayon kay Teejay, “Nakare-relate ako sa movie namin dahil minsan na rin akong na-heart broken pero matagal na ‘yun. “Nagpunta ako sa beach sa Bali (Indonesia), roon ako nakare-relax at nakakapag-isip ng mabuti at nagmumuni-muni what …

Read More »

Kelvin ‘di apektado ng tsikang pumatol sa foreign singer

Kelvin Miranda

I-FLEXni Jun Nardo HINDI apektado ang Sparkle artist na si Kelvin Miranda sa pagtuturo sa kanya na pumatol sa isang foreign singer sa halagang P1-M per night. Eh nagagawa pang maki-chika at humarap sa tao ni Kelvin sa thanksgiving party ng Regal Entertainment last week, huh! Medyo nabago ang looks ni Kelvin ngayon dahil marahil sa gagawing GMA series na Sanggre, huh. Siya lang kasi ang nag-iisang lalaki na …

Read More »

Male sexy star mataas na ang lipad wala pa mang napatutunayan

blind item

ni Ed de Leon HANGGANG saan ba talaga ang lawak ng pagsasamahan ng isang artist at management? Kung kami ang tatanungin, base sa aming obserbasyon hindi naman talaga tumatagal ang artist-managemement relationship kahit na sabihin mong may kontrata pa sila.  Una ang kontrata naman ng artist at management ay maaaring palabasing void sa simula pa lang dahil wala namang manager …

Read More »

Tony Labrusca nasayang ang career

Tony Labrusca

MARAMI ang nakakapansin mukhang tahimik daw ngayon si Tony Labrusca. Noong nagsisimula pa lang ang career niya, napakaingay ng kanyang dating, todo push ang ibinigay sa kanya ng kanilang network sa pag-aakalang siya nga ang kanilang next big star. Pero nagkaroon ng mga problema. Una nakipag-away siya sa immigration officer sa airport at naging nega ang dating niya. Tapos nagkaroon pa …

Read More »

Eat Bulaga is TVJ, TVJ is Eat Bulaga

TVJ Eat Bulaga Capstone-Intel analysis

HATAWANni Ed de Leon ANO ba namang tanong iyan? Tinatanong pa ba kung identified sa TVJ ang title na Eat Bulaga? Ano ba naman ang inaasahan ninyo eh mahigit na apat na dekadang sila ang napapanood sa nasabing show. Kung napalitan na nga ba ng mga bagong host ang image ng Eat Bulaga bakit hindi nila talunin ang E.A.T. na obviously ay siyang totoong Eat Bulaga na nagpalit lang …

Read More »

 Irespeto nila ang proseso! — sigaw ng abogado ng TAPE Inc.

Eat Bulaga

I-FLEXni Jun Nardo IPINAUBAYA na ng TAPE, Inc. ang theme song ng Eat Bulaga dahil may bago na ring  host ang show nilang Eat Bulaga at may sarili na rin itong theme song. Kahit may desisyon na ang adjudicator ng Bureau of Legal Affairs ng Intellectual Property Office sa pagpabor ng trademark registration kay Joey de Leon, wala naman sa desisyon ng adjudicator na ipinagbabawal sa TAPE …

Read More »

Male starlet nakabili ng kotse at madalas sa hotel dahil sa sideline

Blind Item Corner

ni Ed de Leon “AY siya pala iyon,” ang nasabi na lang ng isang kakilala namin nang makita sa tv ang isang male starlet na sinasabing maraming “private sex videos” na hawak ng isang showbiz gay.  “May hitsura naman pala pero sayang na bata misguided iyan dahil kung hindi bakit siya pumasok sa ganoong sitwasyon?” Siguro nga napakataas ng pangarap niya, at alam …

Read More »

Kathryn at Daniel magsasama pa rin sa proyekto, propesyonalismo paiiralin

Kathryn Bernardo Daniel Padilla Kathniel

HATAWANni Ed de Leon NILINAW ng ermat ni Kathryn Bernardo na hindi totoo ang mga tsismis na lilipat ng network ang anak. As usual gawa na naman ng mga fake news peddlers sa social media ang balitang paglipat ng network ni Kathryn dahil break na sila ni Daniel Padilla.  Eh ano naman ang kinalaman ng ABS-CBN, sa naging break-up nila? Masasabi bang may kinalaman …

Read More »

Paolo muling binira ng netizens; TAPE Inc makipag-ayos na lang kay Joey

Paolo Contis Joey de Leon

HATAWANni Ed de Leon HUMUHUPA na sana ang pamba-bash ng netizens kay Paolo Contis pero ewan ba kung siya talaga ang naka-assign para maging attack dog ng mga Jalosjos laban sa TVJ.  Kung tutuusin, kung gusto pa nilang gamitin ang trade mark na Eat Bulaga, kahit na kinansela na ang registration ng IPO PHL, at sinabing ang may karapatan ay ang TVJ, ayos lang naman sana eh. …

Read More »

Rica Gonzales stepping-stone lang pagpapa-sexy sa pelikula, hataw agad sa sunod-sunod na projects

Rica Gonzales

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PALABAN sa pagpapa-sexy ang newbie actress na si Rica Gonzales. Kahit baguhan pa lang ang magandang alagang ito ni Ms. Len Carrillo,  sunod-sunod ang ginagawa niyang projects ngayon. Una na rito ang pelikulang Hibang na tinatampukan nina Sahara Bernales at Ali Asistio. Ito’y hatid ng Pelikula Indiopendent at BLVCK Entertainment, sa direksiyon ni Sigrid Polon at creative produced ni Roman Perez …

Read More »

Kim wish ang beautiful at challenging projects sa 2024

Kim Rodriguez

MATABILni John Fontanilla MORE beautiful projects  and  challenging roles ang hiling ni Kim Rodriguez sa 2024. Wala nang mahihiling at super blessed ang 2023 ni Kim sa dami ng magagandang projects nito simula nang mag-ober da bakod sa ABS SBN mula sa GMA 7. “Actually very thankful ako kay Lord dahil binigyan niya ako ng mga magagandang proyekto ngayong taon. “Nagpapasalamat din ako sa mga …

Read More »

Loisa at Ronnie positibong pwede pang magbalikan sina Kathryn at Daniel

Loinie Loisa Andalio Ronnie Alonte Kathniel Kathryn Bernardo Daniel Padilla

MA at PAni Rommel Placente SA interview ng TV Patrol sa magka-loveteam at magkarelasyon na sina Loisa Andallo at Ronnie Alonte, naniniwala sila na posible pa ring magkabalikan  sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. “Naniniwala pa rin kami na kaya pa ring pag-usapan ‘yan ‘di ba?,” sabi ni Ronnie. Dagdag pa ng aktor, “Umabot nga sila ng 11 years eh. Bakit ‘yung ganyang problema, hindi nila kayang ayusin?” Tugon naman …

Read More »

Alexa sa hiwalayan ng KathNiel — It’s sad, isang masamang panaginip

Alexa Ilacad Kathniel Kathryn Bernardo Daniel Padilla

MA at PAni Rommel Placente ISA si Alexa Ilacad sa nalungkot sa paghihiwalay nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Ang tanging hiling niya ay magkapag-move on ng payapa ang dalawa. “It is sad. Feeling ko masamang panaginip. I’m very sad along with everyone else,” sabi niya sa isang panayam ng ABS-CBN. “I cannot imagine how hard it must be to go through something so painful in front …

Read More »

Gigi de Lana simple at may mabuting puso

Gigi De Lana

REALITY BITESni Dominic Rea HINDI naging madamot ang mundo kay Gigi De Lana. Naging maluwag at bukas ang pinto ng kasikatan para sa isang baguhang singer tulad niya na nakilala sa ginagawa nitong live gig/ performance sa Facebook noong panahon ng pandemic na sa garahe lang pala ng isang bahay nila inumpisahan ang lahat na ginawang studio. Simula noong nag-viral siya at humahataw …

Read More »

Beauty Gonzales kabi-kabila ang projects

Beauty Gonzalez Kampon Stolen Life

COOL JOE!ni Joe Barrameda BALIK-SHOWBIZ si Derek Ramsay matapos ang matagal na pamamahinga at tahimik na umiikot ang buhay niya kasama ang asawang si Ellen Adarna at ang anak nitong si Elias. Hindi man Tunay na anak ni Derek si Elias ay kita natin sa mga post niya kung paano niya itrato si Elias. Sa pagbabalik-showbiz ni Derek ay isang magandang pelikula ang pagtatambalan nila …

Read More »

Cassy naaksidente, tumama ang ulo habang nag-e-exercise 

Cassy Legaspi John Gabriel Vilma Santos

I-FLEXni Jun Nardo NAGKARON pala ng freak accident si Cassy Legaspi habang nasa shooting ng festival movie rito sa Pinas na kabilang siya. Nasa isang tent daw si Cassy na tila nag-e-exercise. Malapit siyang nakikita ni John Gabriel na kasama rin sa movie habang nasa bandang malayo naman si Darren Espanto. Kuwento ni John nang mainterview sa Marites University, “Pinanonood ko lang si Cassy sa stretching …

Read More »

Male starlet inamin pakikipag-date sa mga bading

Blind Item, Mystery Man, male star

ni Ed de Leon ANG daming nagtatanong sa amin kung sino raw iyong sinasabi naming male starlet na may picture na ang suot ay isang monokini na kagaya ng ginagamit ng mga gay bar dancers.   Huwag na po ninyong usisain dahil kawawa naman. Kung kakalat iyon masisira na ang kanyang career dahil sino ba namang fans ang hahanga sa isang call boy? …

Read More »