Saturday , July 27 2024
Mark Bautista Karen Davila

Mark iginiit pwedeng mainlab sa babae (kahit inilantad na bisexual)

MA at PA
ni Rommel Placente

SA interview ni Mark Bautista sa broadcast journalist na si Karen Davila, ibinunyag niya na nang umamin siya noon sa kanyang tunay na kasarian ay naapektuhan ang kanyang karera dahil nawalan siya ng ilang mga proyekto.

Gayunman, nilinaw niya na hindi niya pinagsisihan ang naging paglalantad sa kanyang sekswalidad.

First noong lumabas ang dami palang ganitong reactions. Sabi ko, dapat ba hindi ko na itinuloy and all that,” simulang kuwento ni Mark.

Sey pa niya, “Pero ngayon masasabi ko it’s the best decision na nagawa ko. Sobrang iba ang pakiramdam. No regrets.”

Dagdag pa ng singer, “Kung anuman ang mangyari, kung hindi na ako tatanggapin sa showbiz o wala ng show, ready ako.”

Nilinaw din ni Mark na kahit siya’y bisexual ay pwede pa rin siyang ma-inlove sa babae at gusto pa rin niyang magkaroon ng sariling pamilya.

Open pa rin ako to fall in love with a girl kasi gusto ko talagang magka-family. Gusto ko magkaanak and all that,” sambit ng singer.

I’m still open to it na kung may babae na tatanggapin ako and all that. Kung mapa-fall ako or ma-in love ako sa isang babae, wala akong problema.

“Tatanda ako, sinong maiiwan? Saan ko ibibigay ‘yung pinaghirapan ko? Sino ang mag-aalaga sa akin, basically? Naisip ko rin na dapat siguro may kasama ako or may anak or something,” saad pa ni Mark.

About Rommel Placente

Check Also

Ruru Madrid Coco Martin

Ruru gagayahin si Coco magdidirehe at magpo-produce

RATED Rni Rommel Gonzales NADISKUBRE namin na may ambisyon pala si Ruru Madrid na maging isang producer. …

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine Bermas at Itan Rosales, unang nagkatikiman sa pelikulang Kaskasero

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio UNANG nagkasama sa isang project sina Christine Bermas at Itan …

Mark Anthony Fernandez Mariane Saint Carby Salvador

Mark Anthony bokya kay Mariane

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI issue kay Mark Anthony Fernandez kung nagpapakita siya ng skin sa …