Thursday , February 5 2026

Entertainment

Thia nahirapang pumapel bilang PSG

NAHIRAPANG umastang lalaki ang beauty queen na si Cynthia Thomalla dahil sa character niya sa GMA series na First Yaya na mag­sisimula ngayong gabi. Pa­papel na isang member ng Presidential Security Guard si Thia (tawag kay Thomalla) sa series. Eh dahil nasanay siyang rumampa bilang beauty queen, naging awkward sa simula ang character. “Kai­la­ngan matigas ang dating ko dahil member ng PSG. Nahira­pan noong …

Read More »

Rep. Vilma inendoso ni Yorme bilang National Artist

NAGKAROON ng isang resolusyon ang konseho ng Lunsod ng Maynila sa pangunguna ni Vice Mayor Honey Lacuna, na nilagdaan din ng mga konsehal ng lunsod na nag-eendoso kay Congresswoman Vilma Santos bilang isang National Artist. Ang resolusyon ay pinalabas nila, ipinadala sa committee na mag-aaral doon at mismong ini-announce ni Yorme Isko Moreno sa kanyang ulat sa bayan, iyong Capital Reports. Inanyayahan pa nila si Congw.Vi na …

Read More »

James & Nadine magkasama sa isang resto sa Tagaytay

MAY naka-spot na naman kina James Reid at Nadine Lustre sa isang restaurant sa Tagaytay. Siyempre para sa isang fan nila na nakakita sa kanila, excited at kinunan sila agad ng picture. Marami naman ang natutuwa at bagay pala kay Nadine ang walang make-up, na kitang-kita naman dahil wala silang face mask at face shield kahit na nasa isang pampublikong lugar. Pero ano ba …

Read More »

Sylvia, Cristine, Bela, Coleen, at Charlie magbabakbakan sa 4th EDDYS

SIGURADONG mainit at mahigpit ang magiging labanan para sa major awards ng inaabangang 4th EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ka-partner ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa Marso 22. Umaatikabong bakbakan na ang magaganap sa best actress category. Maglalaban-laban sina Charlie Dizon (Fan Girl), Coleen Garcia (Mia), Bela Padilla (On Vodka, Beers and Regrets), Cristine Reyes (UnTrue), at Sylvia Sanchez (Coming Home). Patalbugan naman sa pagiging best actor sina John …

Read More »

KathNiel kasali na sa Toktok fam

BAHAGI na pala ng Toktok sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Noong March 3 kasabay ng pagpirma ng kontrata ng KathNiel, inihayag din ang pagiging brand ambassador ng dalawa. Kasama na sila sa pamilya ng Toktok tulad nina Alden Richards at Maine Mendoza. Sa pagpasok ng KathNiel kasama sina Alden at Maine, lalong lalawak ang ukol sa Toktok services at maka-e-encourage sa mga supporter nila na mag-download at …

Read More »

Kate may paalala para makaiwas sa anxiety

MAY paraan si Kate Valdez na pangalagaan ang kanyang mental health ngayong Covid-19 pandemic. Hindi naman kasi talaga naiiwasan na maging “magulo” ang isip ng karamihan dahil sa masasabing “kakaiba” at nakatatakot na sitwasyon nating lahat dahil sa coronavirus. “Ngayong may pandemic, hindi maiiwasan na magkaroon ng anxiety,” umpisang pahayag ni Kate. “It’s really important to watch out for your thoughts and feelings.  …

Read More »

Barbie may sikreto kung bakit matatag

TUNGKOL pa rin sa mental health, hindi naman nakaranas ng depresyon o anxiety si Barbie Forteza sa kabila ng hindi magandang sitwasyon ng buong mundo ngayon na sanhi nga ng pandemya. “I try to take it one day at a time and deal with the current situation as much as I can without overwhelming myself.  “I surround myself with the people who …

Read More »

Netizens ‘di natuwa sa bday greetings ni Ge kay Julia

MAY ilang netizens ang ‘di natutuwa sa napaka­simpleng birthday greetings ni Gerald Anderson sa Instagram para sa girlfriend n’yang si Julia Barretto. Noong March 10 ang 24th birthday ni Julia at nag-post si Gerald ng solo picture nito sa Instagram. Makikita ang masayang si Julia na nakataas ang mga kamay habang naglalakad sa beach. Ang simpleng pagbati n’ya sa may kaarawan ay: ”Happy …

Read More »

Kylie at Aljur ok na; anak na panganay nakagat ng aso

OKAY na ulit ang mag-asawang Kylie Padilla at Aljur Abrenica dahil suot na ng una ang wedding ring niya base sa mga larawang ipinost ng aktor nang batiin niya ng Women’s month ang ina ng kanyang mga anak na sina Alas at Axl. Ang caption ni Aljur sa mga larawan ni Kylie, “Many faces of our Queen (emoji hears) #internationalwomensday.” Samantala, nitong Miyerkoles ng hapon ay itinakbo ng mag-asawa …

Read More »

Dito at Doon ‘di maipalalabas sa mga sinehan 

SA kasalukuyan, hindi muna maipalalabas sa mga sinehan ang pelikulang Dito at Doon nina JC Santos at Janine Gutierrez dahil muli itong ipinasara dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng Covid-19 cases. Dapat sana ay sa Marso 17 ang showing ng pelikula na produced ng TBA Studios at sa Marso 31 naman sa online streaming, pero dahil nga sa sarado pa ang mga sinehan kaya iniurong sa …

Read More »

Kim Chiu masaya ang buhay ngayon

ISA pang naoobserbahan ay si Kim Chiu na masayang-masaya sa kanyang buhay ngayon. Hindi kagaya noong araw na ang tingin mo parang laging problemado. Kung iisipin, mas may problema nga sila ngayon sa kanilang career dahil hindi pa rin nakababalik talaga ang ABS-CBN, at sa aminin man nila o hindi, iba pa rin ang following ng kanilang mga show na inilalabas nila sa …

Read More »

BG Productions all out na uli sa paggawa ng movies

MATAPOS madiskaril ang mga pelikula dahil sa pandemic, all out ngayon ang BG Productions sa bagong movie na Abe-Nida para sa comeback offering nito. Naganap ang press conference ng movie sa Marco Polo Hotel sa Ortigas Center na dinaluhan ni  Ms Baby Go pati na ang lead at supporting cast ng movie na passion project ng award-winning director na si Louie Ignacio. Makakatambal sa unang pagkakataon ng …

Read More »

Joshua mas sinwerte nang mawalan ng ka-loveteam

Joshua Garcia

MUKHANG mas sinusuwerte nga talaga si Joshua Garcia simula noong mahiwalay sa isang love team dahil tanggap na tanggap siya ng mga tao bilang isang actor. Ni hindi siya kailangang ihanap ng ibang ka-love team, at ngayon nakakukuha pa siya ng mas mahalagang assignment. Noong nakaraang taon pa ginawa ang announcement tungkol doon, pero ngayon pinaghahandaan na nila ang isang pelikulang gagawin niya kasama si Charo …

Read More »

4th EDDYS mapapanood sa FDCP channel

NAGSANIB-PUWERSA muli ang Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) at Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa ikaapat na edisyon ng EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) na magaganap sa Marso 22. Sa ikatlong pagkakataon, buo pa rin ang suporta at tiwala ng FDCP sa SPEEd, pati na rin sa EDDYS, ng pamunuan ni Chairperson at CEO Liza DinÞo. Virtual idaraos ang 4th EDDYS na magtatagisan ng …

Read More »

Diego sa pagkawala sa showbiz noon: Nagpahinga at nagmuni-muni

BINIGYANG-LINAW ni Diego Loyzaga ang dahilan ng pagkawala niya sa showbiz. Sa virtual media conference ng TV5 para sa Pinoy version ng Korean series na Encounter na pagbibidahan nina Diego at Cristine Reyes, natanong kung ano ang tunay na dahilan ng pagkawala niya noong 2019. Ani Diego, kailangan niyang magpahinga at magmuni-muni para sa kanyang buhay at kinabukasan. “I took a break a well-needed break. May …

Read More »

Katrina Halili, excited at kabado sa pelikulang Abe-Nida

AMINADO ang versatile Kapuso actress na si Katrina Halili na magkahalo ang nararamdaman niya sa pagsisimula ng kanilang pelikulang Abe-Nida next month. Ang Abe-Nida ang hudyat sa pagbabalik ng BG Productions International ni Ms. Baby Go sa paggawa ng pelikula na natigil dahil sa pandemic at pagkakasakit ng kanyang mister. Bukod kay Katrina, ang pelikula ay pangungunahan nina Allen Dizon at ng mga …

Read More »

Gari Escobar, sumuporta sa Gift Giving and Feeding project ng TEAM

HINDi kami nagdalawang salita sa masipag na singer/songwriter/businessman na si Gari Escobar nang humingi ng alalay sa kanya ang grupo naming TEAM o The Entertainment Arts & Media para sa aming Feeding and Gift Giving project. Ang Reception and Study Center for Children (RSCC) at Golden Reception and Action Center (GRACES), both located sa Bago Bantay, Quezon City ang beneficiary …

Read More »

Cristina Beautederm baby na rin

ANG magandang si Cristina Gonzalez Romualdez ang isa sa pinakabagong dagdag sa malaking pamilya ng Beautederm na pag-aari ni Rhea Anicoche-Tan. Post ni Cristina sa FB account niya, ”Today I officially join the BEAUTeDERM family with the launch of their Latest Product The  C’est Clair Banishing Gel! Say goodbye to unwanted acne and feel the Magic of BEAUTeDERM’s newest Product ! make sure to follow them …

Read More »

Cloe at Quinn bagong pasisikatin ng Viva

ISA ng certified Viva artist sina Cloe Barreto at Quinn Carrillo na parehong pumirma ng ng 10-picture guaranteed contract for five years sa   Viva Films. Parehong miyembro ng all female group na Belladonnas sina Cloe at Quinn na parehong mahusay kumanta at sumayaw, pero ngayon ay susubukan naman ang pag-arte. Malaki ang pasasalamat ng dalawa sa 3:16 Event and Talent Management ni Len Carillo dahil sa maganda ang pag-aalaga sa kanila …

Read More »

Young actor bibigyan ni gay millionaire ng Mercedes Benz V12 makilala lang

LALONG tumaas ang popularidad ng isang young actor hindi lamag bilang isang actor at matinee idol kundi bilang crush din ng mga kababaihan at ibang nag-aakalang babae rin sila. Nang mabalitaan ng isang gay millionaire na bumili siya ng isang SUV kamakailan, nagsabi agad iyon na ”padadalhan ko siya ng Mercedes Benz V12, para iyon na ang gamitin niya basta makilala ko siya.” Mukhang malaki …

Read More »

Cassy nanginig sa pagsalang sa First Yaya

Cassy Legaspi

TENSIYONADA si Cassy Legaspi nang tumuntong sa set ng una niyang Kapuso series na First Yaya. Alam niyang sanay sa TV at movies ang parents ni­yang si­na  Zor­en Le­gaspi at  Car­mina Villa­roel kaya alam niyang mataas ang expectations sa kanya ng tao. “I guess people would expect na sanay na ako sa showbiz because in my entire life I was in showbiz. “Noong first …

Read More »

Julia-Gerald nagpakita na sa publiko

I-BASH man sila nang i-bash netizens, dapat ituloy-tuloy nina Julia Barretto at Gerald Anderson ang pagpapakita sa publiko. Magsasawa rin ang bashers nila sa paglaon at makakahanap din ang mga ‘yon ng ibang panggigigilang laitin. Pero sana naman tumigil na sa pamba-bash ang mga netizen bago sila ma-bad karma ‘pag naubos na ang magandang karma nila sa mga kabutihang iniisip at ginagawa nila …

Read More »

Barbie inisnab ang acting ni Maricel

HINDI pinanood ni Barbie ang orihinal na pelikulang Anak Ni Waray vs Anak Ni Biday na tampok sina Maricel Soriano at Snooky Serna noong 1984. “Hindi, actually wala yata sa aming nakapanood, kahit ‘yung direktor namin, pero parang desisyon na rin ng lahat na huwag mapanood dahil hindi rin namin talaga totally…hindi namin talaga pinareho.” “Re-imagined version” ang tawag ni Barbie sa kanilang seryeng Anak Ni Waray …

Read More »

Sheryl tagumpay sa pagiging cougar

MAPANGAHAS si Sheryl Cruz sa serye nila sa  GMA na Magkaagaw. “If I’m going to do something might as well be recognized for it or kahit  paano man lang, mag-level up man lang ‘yung ginawa ko.” Taong 2017 huling napanood si Sheryl sa isang madramang serye, ang Impostora. At sa Magkaagaw ay unang beses na napanood si Sheryl sa isang mapangahas na papel, bilang isang cougar na …

Read More »