Friday , November 22 2024

Bulabugin

May barangay & SK elections ba o wala!?

sk brgy election vote

NAKATALI pa rin ang Commission on Elections (Comelec) sa nakatakdang kalendaryo ng Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) elections. Hanggang ngayon kasi, wala pang batas na lumalabas kung tuloy ba o hindi ang BSK elections sa 12 Oktubre 2017. At dahil wala pang batas na nagsasabing walang BSK elections sa nasabing petsa, tuloy din ang nakatakdang paghahain ng kandidatura mula 23 …

Read More »

Ex-Customs commissioner pinakaaabangan ngayon sa senate investigation

FACE-OFF sa araw na ito si ex-Commissioner Nicanor Faeldon kay Senator Panfilo “Ping” Lacson sa pagpapatuloy ng pagdinig sa isyu ng P6.4 bilyong shabu na nakalusot umano sa Bureau of Customs (BoC). Sabi nga ni Faeldon, wala siyang itinatago kaya lumagda siya sa isang waiver na puwedeng busisiin ang kanyang bank accounts. Ibig sabihin, para kay Faeldon, hindi siya natatakot …

Read More »

Kalibo airport magaling maningil kahit serbisyo ay bulok!

BILIB din naman talaga tayo sa isang opisyal sa lalawigang dinarayo ng mga turista, kapag diskarteng pagkakakitaan ang pag-uusapan. After daw ng P700 terminal fee na sinisingil ng Kalibo International Airport (KIA), napagdiskitahan naman daw ni CAAP Airport Manager Efren Nagahaman ‘este Nagrama na mag-impose ng P20 initial parking fee and additional P10 per succeeding hours para sa lahat ng …

Read More »

ASec. Mocha Uson dapat mag-ingat sa ‘snake pit’

DAPAT maging maingat si Presidential Communications and Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson sa nagkalat na ‘snake pit’ sa kanyang kapaligiran. Higit na mapanganib ang ‘snake pit’ na ‘yan kaysa basher na lantaran ang pagpo-post ng kanilang kritisismo sa kanya. ‘Yung mga basher hindi nagtatago, e ‘yung snake pit? Gaya nga nitong huling insidente na biglang bumulaga sa social …

Read More »

Ang tongpats sa kalakaran ng bato sa Tondo

MATAGAL na tayong nakatatanggap ng mga sumbong at reklamo ng ilang concerned citizens na residente sa Tondo, Maynila kaugnay sa illegal activities ng ilang personalidad na ayaw pa rin maglubay sa pagbebenta ng ilegal na droga sa kabila ng mas pinaigting na kampanya ni CPNP DG Bato Dela Rosa kontra droga! Sa kabila ng kaliwa’t kanang drug raids ng pulisya …

Read More »

The last ‘left’ unclinged from Duterte’s bough

TULUYAN nang ibinasura ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang pagtatalaga kay Department of Agrarian Reform (DAR) secretary Rafael ‘Paeng’ Mariano. Siya ang huli at ikaapat na appointee ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, mula sa kaliwa at progresibong hanay, na ibinasura ng CA. Kung sa kanta ng The Cascades ay “the last leaf clings to the bough” ang kay Ka …

Read More »

Matindi pa rin ang kamandag ng mag-BFF fixers sa BI! (Attn: SoJ Vitaliano Aguirre)

MATAPOS daw manahimik pansamantala ang mag-BFF fixers na sina Betty Chuachowchow at Anna Senghot sa kanilang transaksiyones sa Bureau of Immigration (BI), balitang umarya na naman ngayon ang pambabraso, sa mga papeles lalo sa opisina ng kanilang bespren na hepe. Marami raw ang naiiritang mga empleyado sa BI dahil kahit baluktot ang mga papel ay pilit itinutuwid! King-enuh! Hindi ba …

Read More »

Ex-TIEZA chief Mark Lapid hinahabol sa kuwestiyonableng pagbebenta ng Paskuhan Village

HINDI na pala pag-aari ng gobyero ang Paskuhan Village na matatagpuan sa Dolores, San Fernando, Pampanga. Naibenta na pala ito ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (Tieza) na dating pinamumunuan ni Mark Lapid sa Premier Central Incorporated. Ang Paskuhan Village ay isang theme park sa Pampanga na ang makikita ay iba’t ibang parol, Christmas tree, pailaw at iba pang …

Read More »

Alituntunin sa imported na semento rerepasohin ng DTI

MATAPOS mabunyag ang barko-barkong semento na sinasabing ipinupuslit ng anak ni Senador Panfilo “Ping” Lacson Jr., na si Pampi Jr., sa bansa, naalarma ang Department of Trade and Industry (DTI). Mismong si DTI Secretary Ramon Lopez ay nagsabi na rerepasohin ng pamahalaan ang kasalukuyang mga alituntunin at regulasyon sa pag-aangkat ng semento. Kasunod ito ng nagaganap na kaguluhan sa hanay …

Read More »

Pambansang atleta hinihilang pababa ng ‘uugod-ugod’ na kayabangan ni Peping Cojuangco

Peping Cojuangco Philippine Olympic Committee POC money peso

NAG-UWI ng 24 medalyang ginto ang mga nanlulumo at desmayadong pambansang atleta ng ating bansa sa katatapos na Southeast Asian Games (SEA Games) sa Kuala Lumpur, Malaysia. Mula sa target na 50 medalyang ginto, nakakuha ng 24 ang Filipinas pero karamihan ng sports na sinabi nilang susungkit ng medlaya ay bokya. Hindi lang laglag ang balikat, hindi kayang ilarawan ang …

Read More »

Mainland Chinese visa upon arrival rebisahin mabuti!

RP philippines China Visa Arrival

MARAMING haka-haka ang lumalabas kung tuluyang maisasakatuparan ang visa upon arrival (VUA) ng mga mainland Chinese national. Ang sabi ng iba, bakit daw bibigyan ng pribilehiyo ang mga tsekwa gayong hindi naman maganda ang relasyon natin sa bansang ito? Kung susuriin nga naman, sa bansang China nagmumula ang mga sangkot sa pagluluto ng shabu o iba pang droga! Nandiyan din …

Read More »

A few good men…

ISA pang dapat bigyan ng pagsaludo sa hanay ng mga opisyal ng Bureau of Customs (BoC) ay si Deputy Commissioner Ariel Nepomuceno… Matapos ang turn-over ceremony nina outgoing Commissioner Nicanor Faeldon at incoming Commissioner Isidro Lapeña, naghain ng kanyang courtesy resignation si Deputy Commissioner Ariel Nepomuceno. ‘Yan ay para magbigay-daan kay bagong Commissioner Sid Lapeña na malayang makapamili ng mga …

Read More »

Mabilis sa dakdak bida sa press release, makupad sa aksiyon

KAILANGAN daw ng Intelligent transport System (ITS) ng ating bansa kaya lumagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) ang bansang Filipinas sa pamamagitan ni Transportation Secretary Arthur Tugade at ang bansang Singapore sa pamamagitan ni CEO Kong Wy Mun ng Singapore Cooperation Enterprise, para magtulungan umano sa pagreresolba ng talamak na problema sa trapiko. Ang problema natin sa nasabing lagdaan …

Read More »

Tinipid na security force sa condo ni Sharon, 6 na buhay ang nagbuwis

LAGING problema ang burarang seguridad hindi lang ng mga condominium kung hindi maging sa mga subdivision lalo na’t hindi nagkakaisa ang homeowners association. Tinutukoy po natin rito ang naganap na amok sa Central Park II Condominium sa Pasay City nitong Martes ng gabi. Patay ang apat na babae na kinabibilangan ng girlfriend (Emelyn Sagun, 30-anyos, nakikitira sa Unit 14004, 14th …

Read More »

Welcome incoming Customs Commissioner Isidro Lapeña

HINDI akalain ng mga taga-Bureau of Customs (BoC) na maagang lilisanin ni former Commissioner Nick Faeldon ang kanyang puwesto. Parang kanta ni James Ingram, “I did my best, but my best wasn’t good enough…” Sa kabila nito, hindi pa rin nagbabago ang pananaw ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na mas bilib siya kung mula sa military ang maitatalaga niyang pinuno …

Read More »

PNP official na nagbunyag ng iregularidad sa Pope Francis visit’s allowance tinambangan sa Munti

HANGGANG ngayon ay hindi pa batid kung ano ang ultimong motibo sa ambush kay police Chief Inspector Ernesto Eco. At nakalulungkot na wala man lang nagdalamhati sa habay ng mga nagpapakilalang nagmamahal kuno sa demokrasya at kalayaan. Walang nag-ingay sa pagpaslang sa nasabing pulis, siguro nalimutan na nila na si Major Eco ang pulis na nagbunyag na mayroong iregularidad sa …

Read More »

Mabilog dapat nang maglinis ng bakuran (Nasa Iloilo City na si Espenido)

ITINALAGANG officer-in-charge ng Iloilo City PNP si Senior Inspector Jovie Espenido. Dahil mayroong batas o regulasyon na ang hepe ng pulisya ay kailangang may ranggong senior superintendent, kaya OIC lang ang status ng pagkakatalaga ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa kay Espenido. Hindi na tayo nagtataka kung bakit madalas na bisita ng iba’t ibang media outlet si …

Read More »

‘Kaliwete’ sa gabinete ni Digong tuluyan na kayang mawawalis?

DEFERRED ang hearing para sa interim appointment ni Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA). Itutuloy ang pagdinig sa Martes, 5 Setyembre dakong 10:00 ng umaga, ayon kay Senator Vicente Sotto III, chairman ng CA committee on agrarian reform. Kabilang sa 10 hindi pabor sa nominasyon ni Mariano ang grupong Noel Mallari, et al; Manuel Gallego …

Read More »

Body cameras sa raiding operatives dapat ipatupad

MARAMING aral na mapupulot ang mga awtoridad sa pagkakapaslang sa binatilyong si Kian Loyd delos Santos. Isa na rito, ang rekesitos na kailangan magsuot ng body camera ang law enforcers na nakatalaga sa mga ahensiya ng pamahalaan na nagsasagawa at nagsusulong ng anti-illegal drug war ng administrasyong Duterte. Lalo sa panahon na sila ay magsasagawa ng pagsalakay. Kung mayroong body …

Read More »

Imbestigasyon sa recognition for sale, kailan SoJ Vitaliano Aguirre!?

HABANG inaabangan ng lahat kung ano ang kahihinatnan ng imbestigasyon ng Ombudsman tungkol sa nangyaring bentahan ng ‘instant’ Filipino citizenship sa Bureau of Immigration (BI), marami ang nagtatanong kung kaninong panahon ng mga umupong Justice secretary nangyari ito. Bakit nga raw ito pinalusot nang ganoon na lamang ng Department of Justice (DOJ) gayong ang recognition as Filipino citizen ay daraan …

Read More »

C/Insp. Jovie Espenido itinalaga na ni Tatay Digong sa Iloilo City

KAHAPON, ginawaran ng “Order of Lapu-Lapu” si police Chief Inspector Jovie Espenido sa pagdiriwang ng National Heroes Day sa Taguig City. Bago ito, ginawaran din si Espenido ng Magalong Medal, na iginagawad sa mga opisyal o kawani ng pamahalaan na nakapagbigay ng “extraordinary service” na nakapag-ambag nang malaki sa tagumpay ng kampanya o adbokasiya ng isang pangulo. Pero hindi ang …

Read More »

Pres. Rodrigo “Digong” Duterte dapat gayahin ni Sen. Ping Lacson

HABANG binabakbakan si outgoing Customs Commissioner Nicanor Faeldon ng mga mambabatas kaugnay ng nasakote nilang P6.4 bilyones na pinalusot na shabu, pinilit din kaladkarin ng ilang ‘anti-Duterte’ group ang pangalan ng anak ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na si Davao city vice mayor Pulong Duterte. Inakusahan ng ‘anti-Duterte’ group ang anak ni Pangulong Digong na siya umanong may kontrol sa …

Read More »

Travel ban sa Lebanon tanggalin na! (Attention: DFA)

immigration passport plane map lebanon

ATING babatiin muna ang koponan ng GILAS Pilipinas sa magiting na pakikipagsagupa sa kanilang mga nakalaban sa larong basketball sa Beirut, Lebanon. Matapos mamayagpag laban sa mga koponan ng China, Iraq at Qatar, sinamang-palad sila nang itiklop ng mga Koreano sa knock-out game quarterfinals. Sa kabila nito, dagsa ang naging suporta ng ating mga kababayang Pinoy na umabot pa raw …

Read More »

Walang ‘alibi’ sa integridad at delicadeza

LIDER Kuomintang man o Komunista, nagpakita ng integridad at delicadeza ang mga pangunahing lider ng China, sa Taiwan, sa Macau at sa Hong Kong sa gitna ng malalaking sakuna at disgrasya na labis na nakaapekto sa marami nilang mamamayan. Una rito, nang magbitiw sa tungkulin ang Taiwanese minister matapos magkaaberya ang power plant na naging sanhi para mawalan ng elektrisidad …

Read More »