Thursday , December 26 2024

Bulabugin

Saan patungo ang impeachment hearing laban kay CJ Sereno?

SA pinakahuling development, pinayagan na ng Supreme Court na humarap ang en banc justices kung ipatatawag ng House Committee on Justice sa impeachment hearing laban kay Chief Justice Lourdes Sereno. Sa pagpayag ng Supreme Court, ang tatlong justices at court employees ay puwede nang humarap sa House panel sa impeachment rap laban kay Chief Justice Sereno. Ibig sabihin nakahanda na …

Read More »

Kudos Mayor Oscar Malapitan! Congratulations Caloocan City!

Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan

SA IKATLONG pagkakataon muling ginawaran ng Seal of Good Local Governance ang Caloocan City. Kung local governance ang pag-uusapan, hindi na matatawaran ang kakayahan ni Mayor Oca Malapitan. Ikatlo na ito at tingin natin ay patuloy na nagsisikap ang administrasyon ni Mayor Oca na pagbutihin ang kanilang pamumuno at pag-aangat sa kalagayan ng mga taga-Caloocan, may award man o wala. …

Read More »

Licensing power ng PAGCOR ililipat sa Kongreso (Sa House Bill No. 6514 nina Alvarez at Bondoc)

KAPAG naaprubahan ang House Bill No. 6514 na inihain ni Speaker Pantaleon Alvarez na co-author si Rep. Juan Pablo Bondoc, ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) ay magiging Philippine Amusement and Gaming Authority (PAGA) na lamang. Ayon sa explanatory note sa nasabing House Bill, dahil parehong operator at regulator ng mga casino ang PAGCOR, hindi maiiwasang pagdudahan kung may …

Read More »

Parking sa malls dapat nga bang pasanin ng customers?

  MATAGAL na nating pinupuna ang sistema ng mga mall, malalaking ospital, at iba pang business establishments  na pinagbabayad ng parking fee ang kanilang mga kliyente. Mabuti naman at naisipan maghain ng House Bill 5061 ni Manila District 1 Rep. Manny Lopez na naglalayong huwag singilin o pagbayarin ang mga kliyente o customers ng isang mall kapag namimili sa kanilang …

Read More »

Joma hindi mamamatay sa sariling bayan — Duterte

MUKHANG nauubusan ng respeto sa isa’t isa sina Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Ma. Sison. Ayon kay Pangulong Digong: “I won’t allow dying Sison to return home.” Inihayag niya ito sa San Beda College of Law alumni homecoming. Sabi ng Pangulo,  “I will not allow him to enter his native land and …

Read More »

May revolutionary government nga ba?

MAUGONG ang balitang magtatayo ang administrasyong Duterte ng revolutionary government. E saan ba manggagaling ang sinasabing re­volutionary government? Sino ba talaga ang magtatayo nito? Saan ba galing ito? Paputok ba ito ng Libe­ral Party? Naitatanong po natin ito dahil marami ang nagsasabi na ngayon pa lang ay nag-iikot ang grupo ni Vice President Leni Robredo sa iba’t ibang organisasyon at …

Read More »

Transport Usec Cesar Chavez nagbitiw na (Sa kapalpakan ng MRT 3)

“SIMPLE sense of delicadeza.” ‘Yan ang rason kung bakit tuluyang nagbitiw si Undersecretary Cesar Chavez bilang Undersecretary for Railways ng Department of Transportation (DOTr). “I’m tendering my irrevocable resignation. Hindi puwedeng lagi ta­yong naninisi sa nakaraan dahil  responsibilidad na natin ito,” pahayag ni Chavez sa press briefing. Ang tinutukoy dito ni Chavez, ang walang katapusang kapalpakan ng MRT 3. Mula …

Read More »

No peace talks sa CPP-NPA-NDF ni Digong tumpak lang!

NANINIWALA ang inyong lingkod na wasto lang ibasura ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang peace talks sa Communist Party of the Philippines, New People’s Army at National Demo­cratic Front (CPP-NPA-NDF). Para naman kasing ‘nag-uulyanin’ na sa pakiki­pag-usap ang mga lider nila. Mantakin ninyong habang nakikipag-usap ang top honchos nila sa mga kinatawan ng Govern­ment of the Republic of the Philippines …

Read More »

Biktima nga ba si ex-Gen. Dionisio “Tagoy” Santiago?

SA pinakahuling mga pangyayari hinggil sa pagkakasibak kay ex-Gen. Dionisio Santiago sa Dangerous Drug Board (DDB), lumalabas na fictitious ang lumagda sa liham na sinasabing ‘reklamo’ ng mga empleyado ng nasabing ahensiya laban sa kanya. Ang tanong ngayon, kung ‘fictitious’ ang nakapirmang pangalan, peke rin kaya ang mga reklamo?! Tampok sa mga reklamo ang pagbiyahe sa Europa ni Tagoy kasama …

Read More »

Tuloy ang ligaya ng mga ‘nakasahod’ sa illegal terminal sa Plaza Lawton

‘YAN na nga ba ang sinasabi natin. Mukhang nagpakilala lang ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kaya ‘nilusob’ ang Plaza Lawton o ang Liwasang Bonifacio para palayasin kuno ang mga UV Express, mga provincial bus at kolorum na van sa illegal terminal sa nasabing lugar. Pero wala pang dalawang linggo, hayun, nagbalikan din ang nasabing mga sasakyan. Kumbaga tuloy ang …

Read More »

Walong taon na ang Maguindanao massacre

SA araw na ito, walong taon na ang nakali­lipas nang maganap ang madugong Maguindanao massacre. Umabot sa 52 katao ang pinaslang na ki­nabibilangan ng 32 mamamahayag. Hanggang ngayon, hindi pa tapos ang kaso. Hindi nakapagtataka dahil sa 100 mahigit na akusado, ilan pa lamang ang naisasalang sa pag­lilitis. Marami na rin ang mga nangamatay sa mga akusado. Sa araw na …

Read More »

Kapalpakan ng MRT 3 ayusin at tapusin na!

ISA sa vital needs ng isang bansang naghahangad umunlad ang transportasyon. Pansinin na ang lahat ng mauunlad na bansa ay may moderno, abanse at maayos na mass transportation system. Ang rickshaw o tuktuk na hinihila ng tao sa mainland China at Hong Kong ay napalitan na ngayon ng mga express train. Ang bansang Japan ang unang nagkaroon ng bullet train. …

Read More »

Roque, Mocha Uson ‘sinunog’ ni Alvarez sa senatorial slate?!

ANG BILIS! Katatalaga lang kay Secretary Harry Roque, hayun at pinaputok na tatakbo raw na Senador sa 2019 kasama si Assistant Secretary Mocha Uson sa PDP Laban senatorial slate. Agad itong sinansala ni Secretary Roque at sinabing wala siyang milyon-milyong pondo para tumakbong Senador. Aba, Secretary Roque, malaking factor kapag ruling party candidate ka. Pinakamahina ang tig-P10 hanggang P20 milyones …

Read More »

Saludo sa integridad at delicadeza ng mga Hapones (Attn: DOTr USEC CESAR CHAVEZ)

DEEP apology o mahigpit na paumanhin ang ipinaabot ng Tsukuba Express train sa Japanese public nang umalis nang maaga, 20-minutos bago ang takdang oras, sa Minami Nagareyama, kamakalawa, dahil sa malaking abala na nagawa nila sa mga pasahero. Ang Tsukuba Express train po ay nagdurugtong sa Tokyo at kanugnog na mga lugar sa hilagang bahagi ng Japan. Batid ng lahat …

Read More »

Babala ng MIAA: Travelers mag-ingat sa mga padala

NAGBABALA at umapela ang pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga biyahero na mag-ingat sa mga nakikiusap sa kanila na magpadala ng kahit ano nang walang kaukulang inspeksiyon lalo kung hindi nila kilala ang nakikiusap. Ayon kina MIAA General Manager Ed Monreal at Bureau of Customs (BoC) NAIA district collector Ramon Anquilan, kung magiging mai­ngat sila laban sa …

Read More »

Ex-CIBAC Party-list Rep. Joel Villanueva sinibak ng Ombudsman sa P10-M agri pork barrel scam

joel villanueva ombudsman morales congress kamara

MAGPALIT man ng kolyar, hindi garantisadong mapagtatakpan kung ano man ang dahilan kung bakit pinalitan ang dating kolyar. Tila ganito ngayon ang karanasan ni dating CIBAC party-list representative and now senator Joel Villanueva, na ipinasisibak ng Ombudsman. Mula man siya sa Liberal Party at lumipat ng loyalty kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, hindi ito garantiya na mabubura ang asunto laban …

Read More »

Criminal activities back  to normal na naman?

UY, tipong back to normal na naman ang mga kriminal sa kanilang mga aktibidad na lately ay pawang young professionals (yuppies) ang binibiktima. Ang isa sa kanila ay ‘yung bank teller na nasa gate na ng kanilang bahay sa Rosario, Pasig City at naghihintay na lang ng magbubukas, nadale pa ng mga demonyo. ‘Yung magkasintahan sa Bataan na natagpuan ang …

Read More »

Sino-sino ang mga double agent sa BI?!

ISANG intelligence report ang tinututukan ngayon ng Malacanañg tungkol sa ilang personalidad (double agent) ng Bureau of Immigration na nagbibigay ng ilang malalalim na impormasyon sa mga kilalang ‘detractors’ ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito rin ang pinatututukan ng Malacañang kay SOJ Vitaliano Aguirre kaya naman ganoon din ang naging babala niya sa mga ahensiyang kanyang pinamumunuan na maging alerto at …

Read More »

Limited access sa CQSS

ISA raw sa naging problema ngayon sa lahat ng opisina ng BI ang pagkawala ng kanilang access sa CQSS o ang Central Query and Support System. Ang CQSS ang access file ng lahat ng airports, seaports at mga opisina ng BI para malaman kung may derogatory record ang isang local or foreign national kung papasok o lalabas sa bansa. Ito …

Read More »

Palace blogger pambansang palengkera!?

ANO nga ba ang pagkakaiba ng mga journalist (mamamahayag) sa Pa­lace bloggers? Ang mga journalist ay nangangalap ng detalye sa pamamagitan o mula sa iba’t ibang resources sa isang pangyayari o sa isang ahensiya ng gobyerno para gawin itong balita. Ang Palace bloggers, base sa mga nakaraang pangyayari ay gumagawa ng mga kakaibang eksena gamit ang ‘lisensiyang’ sila ay supporters …

Read More »

Good job PNP-NCRPO & MMDA

oscar albayalde NCRPO Danny Lim MMDA

GUSTO nating batiin at purihin ang National Capital Region Police Office (NCRPO) at Me­tro­politan Manila Development Authority (MMDA) sa kanilang papel sa maayos na pagdaraos ng Asean Summit nitong November 13-15, 2017. Hindi gaya noong mga nakaraang panahon na maraming nai-stranded na commuters at natutulog na motorista sa mahaba, mabagal at minsan ay tumitigil na daloy ng mga sasakyan, ngayon ay …

Read More »

Tatay Digong tagumpay sa ASEAN

NAGMARKA ang liderato sa kanyang mga kapwa lider ng bansa sa Association of Southeast Asian Nations (Asean) ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. In short, bigo ang mga gigil na gigil na hilahing pababa si Tatay Digong. Bukod sa 31st Asean Summit sa Cultural Center of the Philippines (CCP) sa Pasay City ipinagdiwang din ang 50th anniversary ng Asean. Kasama ang …

Read More »

Seguridad ng mga pasahero sa MRT dapat pagtuunan ng pansin

ISA na namang malaking eskandalo ang pagkahulog sa MRT ng pasaherong si Angeline Fernando, 24, isang Quality Assurance (QA) engineer, na ikinaputol ng kanyang kamay. Sa pinakahuling ulat, sinabing naikabit ang kamay ni Fernando sa Makati Medical Center (MMC). Salamat naman po. Pero ang usapin dito, kahit saan tingnan ay hindi safe ang mga pasahero ng MRT at LRT. Sa …

Read More »

May sumalisi ng ‘mansanas’ sa BI-Intel ops sa Subic!?

ANO ba itong kumakalat na balita sa BI main office na naging kaduda-duda raw ang isang BI-Intelligence operations sa Subic, Zambales nakaraang buwan? Mayroon umanong mga hinuling tsekwa sa isang hindi napangalanang online gaming? Imbes ‘daw’ sa opisina idiretso ang mga hinuli sa illegal online gaming ay sa isang Buma Hotel umano tumuloy at doon inareglo ang ilan sa mga …

Read More »

Pakner-in-pitsa noon magkalaban ngayon?!

GAANO kaya katotoo ang balita na nagsaulian na ng kandila ang two liars ‘este lawyers na kilalang tropapips sa BI? Nag-ugat daw ang kanilang samaan ng loob sa agawan ng teritoryo. Sus ginoo! Well, ano pa nga ba? Pitsaan blues na naman ‘to! Money is the root cause of all evils ‘di ba nga?! Marami nga ang ‘di makapaniwala sa …

Read More »