Friday , November 22 2024

Bulabugin

Turismo sa Boracay apektado na sa planong pagsasara

SA darating na June ng taong kasalukuyan ay tila ipatutupad na ng pamahalaan ang direktiba ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na pansamantalang pagsasara ng isla ng Boracay. Ito ay napag-usapan din sa ginawang “Se­nate hearing” noong nakaraang linggo na pinanguna­han ng mga senador na sina Cynthia Villar, Loren Legarda, Juan Miguel Zubiri at Joel Villanueva. Nandoon din sina DENR secretary …

Read More »

Dinarayong beach resort sa buong bansa nabulabog sa Boracay scam

Boracay boat sunset

HINDI lang mga negosyante sa Boracay ang nataranta, lahat ng lugar o lalawigan sa bansa na dinarayo ang dalampasigan ay biglang na­bulabog dahil nag-ikot na ang mga operatiba ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Kung hindi pa nagbanta si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ay hindi pa matataranta ang mga establishment na may malalang paglabag sa DENR law. Nagkukumahog …

Read More »

Imee sa Senado nakapondo na ang boto

SA nakaraang 15th Liga ng Mga Barangay-Cagayan Congress sa Clark, Pampanga, napabalitang humingi ng basbas si Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa mga opisyal ng barangay sa Cagayan na suportahan sila, sakali mang may tumakbo sa kanilang pamilya sa national elections. Pero dahil may nakahain pang protesta si dating senador Bongbong Marcos sa Presidential Electoral Tribunal (PET) mas malamang na si …

Read More »

Barangay & SK elections kanselado na naman? (Galit na ang bayan!)

sk brgy election vote

HUWAT?! Kanselado na naman ang Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) elections na itinakda sa buwan ng Mayo. Muntik na ngang magsapakan sa Kamara ang mga mambabatas. At maging si ACT party-list Rep. Antonio Tinio na kilalang militante pero mahinahon ay nakapagsabi na ng salitang, “Ang kakapal ng mga mukha ninyo!” ‘Yan ay dahil ipinagpaliban na naman hanggang sa Oktubre ang …

Read More »

Divorce Bill umiinit na sa Kongreso

marriage wedding ring coffin

MATINDI ang pagtutol ni party-list Rep. Lito Atienza sa pinag-uusapang Divorce Bill ngayon sa Kamara at sa Senado. Ayon kay Rep. Lito Atienza, hindi siya papayag na magtagumpay ang Divorce Bill. Gagawin niya ang lahat para hindi makapasa sa Kongreso ang Divorce Bill. Ganoon din naman sina Senate Majority Leader Vicente Sotto III at Senator Sherwin Gatchalian. Sabi nga ni …

Read More »

Senator Juan Ponce Enrile nagboluntaryong maging taga-usig ni CJ Lourdes Sereno

Juan Ponce Enrile Lourdes Sereno

MUKHANG gusto na namang mag-landing sa history ni Senator Juan Ponce Enrile. Boluntaryo siyang nagpresenta para maging prosecutor sa impeachment trial ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Ang sabi niya kay House justice committee chairman, Rep. Reynaldo Umali, nais niyang ibahagi ang kanyang ‘institutional memory’ sa prosekusyon ni CJ Sereno. Agad naman itong sinunggaban ni Rep. Umali. Huwag …

Read More »

Regulasyon ng HOA dues & fees sapol sa ordinansa ni Mayor Edwin Olivarez

ISA tayo sa mga natuwa sa nilagdaang City Ordinance ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez kaugnay ng napakaraming bayarin sa iba’t ibang homeowners associations (HOAs) sa iba’t ibang subdibisyon na nasa loob ng lungsod. Tinawag na “An Ordinance Regulating the Imposition of Dues and Fees by the Homeowners’ Association/Federation of Homeowners’ Association within the Territorial Jurisdiction of the City of …

Read More »

Teachers sinisi ni Sen. Manny PacMan sa kapos na patriotismo ng mga kabataan

MARAMING kabataan daw sa kasalukuyan ang hindi makabayan (patriotic) sabi ni Senator Manny Pacquiao. At kasunod niyan ay sinisi niya ang mga guro na hindi nagtuturo nang tama kaya hindi umano nagiging makabayan ang mga kabataan. Kaya maghahain umano siya ng bill na magdadagdag ng kurikulum o asignatura ukol sa patriotism. Pero hindi naging positibo ang pagtanggap dito ng mga …

Read More »

P1-B environmental fees saan nga ba napunta? (Sa Boracay)

HINDI pa si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang nakaupong presidente ng bansa ay tinatanong na natin kung saan napupunta ang P75 environmental fees na sinisingnil sa mga turista, dayuhan man o lokal. Noon pa kasi natin napapansin ang deterioration o pagkasira ng isla ng Boracay. Napuna na natin ang hindi mabilang na pagtatayo ng malalaking estruktura pero hindi natin maintindihan …

Read More »

Impeach Sereno aprobado sa komite ng Kamara

HAYAN na. Nagkabotohan na sa Justice Committee ng Kamara para sa impeachment ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Para sa kanila may basehan ang impeachment complaint na inihain laban kay Chief Justice. Kaya ang resulta ng botohan 38-2. Tanging sina Rep. Kaka Bag-ao (Dinagat Islands) at Rep. Jose Christopher “Kit” Belmonte (Quezon City), ang hindi sumang-ayon sa mo­syon na inihain …

Read More »

e-Passport printing bakit nanatili sa APO-UGEC kahit maraming reklamo ng iregularidad?

MULI na namang umalingasaw ang isyu ng e-passport printing sa ilalim ng  APO Production Unit at United Graphic Expression Corp. (UGEC). Sa hearing ng House of Representatives’ good government and foreign affairs committees hinggil sa alegasyon ng iregularidad sa printing ng e-passport tahasang sinabi ni dating Foreign Secretary Perfecto Yasay Jr., na ang joint venture agreement ng state-run APO Production …

Read More »

Malakas ba ang raket sa POEA One-Stop Shop Service Center?

ATING napag-alaman na kasali pala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga ahensiya na may sariling representative sa itinatag na One-Stop-Service Center (OSSC) diyan sa POEA. Kasama raw sa function ng BI sa OSSC ang magbigay ng departure clearance information para sa OFWs. Ayon sa report, itinalaga ang isang immigration officer para sa nasabing task. Pero teka, may info tayong …

Read More »

Hinaing ng airport police

GOOD am sir, kaming mga airport police ay desmayado sa isang opisyal namin na may bansag na bulalakaw. Magta-time-in ng madaling araw pero wala sa ofis at babalik bandang 4:30 pm, kunwari pagod n pagod sa trabaho at saka mag-time out. Magaling lang sa sipsip-bulong sa mga hepe. Sana maipa-monitor ni GM Monreal ang ginagawa niya. – Concerned airport police.  …

Read More »

Ginto sa Olympic sisikaping sungkitin ni POC Chairman Bambol Tolentino

ILANG dekada nang hilahod sa gintong medalya ang mga atletang Filipino sa Olympiada kaya ito ang pangarap ngayon ni Philippine Olympic Committee chairman Abraham “Bambol” Tolentino. Naniniwala si Chairman Bambol, sa pamamagitan ng Siklab Atleta Pilipinas Sports Foundation, Inc., mahusay na matutukoy ang pangangailangan ng mga manlalarong Filipino upang maisakatuparan ang kanilang “Olympic dreams.” Sa 2020 Olympics na gaganapin sa …

Read More »

Lubog na pulis namamayagpag sa mga ilegalista sa Divisoria!

MARAMI ang nagtataka kung bakit hindi masawata ang matagal nang bulok na kalakaran na 15/30 system sa hanay ng pulisya. Gaya sa Maynila, may namamayagpag pa rin na mga nakalubog na tulis ‘este pulis na pakuya-kuyakoy lang at hindi pumapasok sa duty pero patuloy na nakakokobra ng ‘PAY SLIP’ tuwing kinsenas at katapusan. Napakarami niyan partikular sa NCRPO. Sa Manila …

Read More »

Kapag may trouble sa mga mall; Business premises first before human safety, motto ng mga sekyu ‘yan?!

MATAPOS ang isang pamamaril nitong nakaraang Sabado sa 999 Mall sa Divisoria lalong nagkagulo ang mga tao sa loob dahil biglang isinara ng mga nakatalagang security guards ang lahat ng lagusan (exit and entrance) sa mall. Wattafak!? Lalo tuloy nag-panic ang mga tao na nasa loob ng mall. Kaya hindi lang ang mga target ng pamamaril ang nasaktan kundi maging …

Read More »

PDEA agents na hao shiao dapat lang linisin

SINIBAK na si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Calabarzon Director Archie Grande at ang kanyang 61 agents. Pinalitan siya ni Director Adrian Alvariño habang 39 agents mula sa iba’t ibang PDEA offices ay pinagre-report sa Southern Tagalog regional office. Agad ‘yang ipinag-utos ni PDEA Director General Aaron Aquino matapos mabuyangyang sa publiko ang ipinamudmod na identification card sa dalawang drug …

Read More »

Barangay & SK elections walang dahilan para hindi matuloy

sk brgy election vote

MAGING si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ay hindi na pumapayag na mabinbin pa ang barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) elections sa darating na 14 Mayo 2018. Ilang beses na nga namang na-delay ito mula noong Oktubre 2016 at Oktubre 2017. Ngayon nga ay marami na ang hindi pumapayag na hindi pa matuloy sa Mayo ang BSK elections. Marami nga naman …

Read More »

Peace & order enforcers numero unong manggugulo

HINDI na tayo nagtataka kung bakit mainit ang ulo ni NCRPO chief, P/Dir. Oscar Albayalde sa Manila Police District (MPD). Noong araw ang tawag sa pulisya ng Maynila, Manila’s Finest. Ang tawag noon ay Western Police District  (WPD). Iba ang performance ng mga lespu noon — achievers. Marami man tayong narinig na pagkakasangkot sa ilang ilegal na gawain, natatabunan ito …

Read More »

Medical mission & relief distribution ng MIAA sa Bicol malaking tulong

UMABOT sa 1,500 pamilya ang benepisyado ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa ginawa nilang relief distribution and medical mission kabilang ang free haircut nitong Sabado sa mga apektado ng pag-aalboroto ng Mayon Volcano sa Anislag, Daraga, Bicol, isa sa mga evacuation site. Pinangunahan ni MIAA General Manager Ed Monreal kasama ang iba pang opisyal sa pama­mahagi ng 4 kilo …

Read More »

‘ENDO’ hindi pa mawawaksan ni Tatay Digong (Sa pangakong nakabitin)

NAGPAPAKA-HONEST lang naman siguro si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte nang aminin niyang hindi niya kayang tuparin ang kanyang pa­ngakong tuldukan ang “endo” o end of contract o contractualization sa bansa. Sinabi ito ng Pangulo sa inagurasyon ng bagong shooting range ng ARMSCOR sa Buhangin, Davao City, na hindi kakayanin ng mga kapitalista na mabigyan ng kaukulang benepisyo ang mga manggagawa. …

Read More »

Tycoon KTV Bar sa Macapagal Blvd., namamayagpag pa rin

Club bar Prosti GRO

TULOY pa rin ang ligaya ng mga ‘tongpats’ sa Tycoon KTV bar diyan sa Macapagal Boulevard. Walang tigil ang rampa ng Chinese prostitutes na nagpapanggap na mga customer ng KTV bar pero nakikipag-deal pala sa kanilang mga parokyano. Nagtataka naman ang inyong lingkod kung bakit sa Angeles City ay timbog lahat ang mga bebot na Eastern European na panay ang …

Read More »

Public officials hindi dapat exempted sa bank secrecy law

MAGTAGUMPAY kaya ang hangarin ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa inihain niyang House Bill No. 7146, bilang amyenda sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees? Naglalayon itong pasulatin ang public officials and employees na magbigay ng written permission para payagan ang Office of the Ombudsman na ma-examine, at matanong ang kanilang bank deposits. …

Read More »

Imbestigasyon ng Senado sa Dengvaxia itigil na

dengue vaccine Dengvaxia money

ANG Senado o ang Kamara, tuwing may ginagawang “investigation in aid of legislation” parang laging nagpapatawa. Parang kanta ng Yano, “Santong Kabayo, Banal na Aso, natatawa ako, hihihihihi.” Nakatatawa na lang naman talaga. Kasi paulit-ulit lang ang kanilang ginagawa pero sa huli wala namang nangyayari. Ang ipinagtataka naman natin kay Madam PAO chief, Atty. Persida Rueda-Acosta, kung mayroon siyang dokumento …

Read More »