Friday , November 22 2024

Bulabugin

‘Tambay’ man may karapatang pantao pa rin

arrest posas

MATAPOS ang kontrobersiyal na ‘tokhang’ umaa­rangkada naman ngayon ang pagsakote sa mga ‘tambay.’ Dapat daw disiplinahin ang mga tambay na hindi marunong sumunod kahit sa mga ordinansa ng munisipalidad o lungsod. Wala naman tayong pagtutol dito. Pero ang ipinagtataka natin, bakit buong puwersa yata ng NCRPO ang rumaratsada sa mga tambay? Ibig sabihin, bakit pulis ang dumidisiplina sa mga tambay?! …

Read More »

Welcome MPD DD Gen. Rolando Anduyan!

KAMAKALAWA ng gabi, nabalitaan natin na napadaan umano si Pangulong Rodrigo Duterte diyan sa United Nations Avenue at nakita ang mga ‘nakagaraheng’ sasakyan kaya agad inatasan ang bagong talagang Manila Police District (MPD) director na si Gen. Rolando Anduyan na linisin ang ‘illegal terminal’ sa nasabing kalsada. Agad namang tumalima si Gen. Anduyan at ipina­tawag ang kanyang mga opisyal para …

Read More »

Sandamakmak na ‘armasan’ sa Filipinas

duterte gun

PINAG-IISIPAN daw ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na armasan ang mga opisyal ng barangay. Bakit?! Duda ba si Pangulong Digong sa kakayahan ng Philippine National Police (PNP) kaya kailangan pang armasan ang mga barangay official?! E ano pala ang papel ng mga barangay tanod bakit kailangan pang armasan ang mga barangy official? Hindi lang ‘yan, pati raw ang mga pari …

Read More »

Relief goods ng Boracay OpCen hindi makain ng mamamayan (Attn: DSWD!)

GINUTOM na, nilason pa?! ‘Yan ang sigaw ngayon ng mga residente sa Boracay. Una, isinara ang Boracay dahil kailangan linisin. Ang epekto, marami ang nawalan ng trabaho at hanap­buhay. Nangako ang Palasyo na padadalhan ng tulong ang mga residenteng mawawalan ng hanapbuhay sa pamamagitan ng pagkakaloob ng allowance. Pero sa realidad, relief goods lang pala ang ipamimigay. Ito ngayon ang …

Read More »

CAAP walang planong i-rehab ang Kalibo Int’L Airport?!

Tugade CAAP DOTr KIA Kalibo International Airport

WALA ba talagang plano ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na pagan­dahin at ayusin ang pasilidad ng Kalibo Inter­national Airport diyan sa Aklan habang sarado o non-operational pa ang kanilang international commercial flights? Ang balita kasi, imbes modernization at improve­ment ang inaasikaso ngayon ng pamu­nuan ng CAAP ay biglang naging “martial arts” ang passion ng mga tao niya?! …

Read More »

Gaano katagal nang nagdurusa ang mga mangingisda sa Panatag Shoal?

ITINATANONG natin ito kasi bigla na namang uminit ang isyu ng pa­ngingisda ng mga Filipino sa Panatag Shoal matapos lumabas sa isang documentary report sa isang TV program, ang sapilitang ‘panghihingi’ o ‘pang-aagaw’ ng mga Chinese national sa huling isda ng ating mga mangingisda. Kaya marami ang nagtatanong, gaano na katagal na nagdurusa ang ating mga mangingisda?! Totoo bang mas …

Read More »

ePayment inilunsad ng DFA

UPANG tugunan at makaagapay sa lumalaking bilang ang pumipila sa passport appointment, pormal na inilunsad ng DFA kahapon ang kanilang passport ePayment Portal upang madagdagan ang kapasidad nilang tumanggap at magproseso ng passport applications. Sa ilalim ng ePayment Portal, inire-require ang mga aplikante na magbayad ng kanilang processing fees sa mga payment center at sa kalaunan, sa pamamagitan ng debit …

Read More »

Jueteng hataw sa south Metro

Jueteng bookies 1602

HUMAHATAW na naman ang paboritong ‘laro’ ng mga ilegalista — ang jueteng. Yes, namamayagpag po ngayon ang ‘jueteng’ sa South Metro dahil isang napakagaling na financier sa katauhan ng isang alyas Sani T ang nagpapalarga ng puhunan. Partner ng financier na si Sani T., ang kanyang mahusay na management sa national — si alyas Balero. Sa Parañaque, bahala sa kanilang …

Read More »

MCIA T2 binuksan na!

NOONG nakaraang linggo ay nagkaroon ng inauguration para sa bagong Terminal 2 ng Mactan Cebu International Airport (MCIA). Ang itinuturing na World’s First Resort Airport na may sukat na 65,500 metro kuwadrado ay tinatayang ginastusan ng P17.5 bilyon at sina­sabing isa ngayon sa pinakamodernong airport sa Asia. Kasama sa mga nagdisenyo sa nasabing pasilidad ang Hong Kong based Integrated-Design Associated …

Read More »

Bong Go ‘wag kaladkarin kung ayaw sa politika

ILANG beses nang sinabi ni SAP Bong Go, hindi siya nagtatrabaho para ambisyonin ang Senado. Gumagawa siya batay sa utos ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at bilang suporta rin sa kanyang liderato. Ilang beses niyang binigyang-diin ang ganyang pahayag at paulit-ulit itong lumalabas sa media. Kaya nakapagtataka kung bakit nanatili ang pang-uurot ng mga gustong mawala sa tabi ni Pangulong …

Read More »

Bakit hindi maubos-ubos ang shabu?!

ARAW-ARAW hindi zero ang balita tungkol sa mga napapatay dahil sa ilegal na droga gaya ng shabu. Araw-araw laging may nasasakoteng kilo-kilong shabu o marijuana. Mayroon pang high grade shabu at sabi nila maging party pills. Pero ang nakapagtataka, bakit parang hindi nababawasan ang ilegal na droga sa kanilang merkado? Parang lalo pang dumarami?! Natitiyak kaya ni PNP chief, Director …

Read More »

Party-list system sa Kongreso dapat na talagang ibasura

SA SIMULA, nagampanan ang layunin na maglingkod sa marginal sector ang sistemang party-list sa Kongreso. Isa nga sa layunin nito dapat ay bigwasan ang political dynasty at mailantad sa publiko ang pag­ka­kaiba ng isang tunay na kinatawan ng mamamayan sa Kongreso kompara sa mga TRAPO (traditional politician). Pero sabi nga, kapag gusto may paraan… ‘Yung bentaha na naibigay ng party-list …

Read More »

Hirit-epal ni Carpio lalong ikapapahamak ng maliliit na mangingisda

IMBES humingi ng opinyon sa mas maraming sektor kung paano aayusin at tutulungan ang maliiit na mangingisda hinggil sa kanilang hinaing mukhang malayo ang tingin nil Justice Antonio Carpio kaya ang mungkahi niya maghain muli ng Arbitration Case sa International Court. Hindi natin alam kung bakit gustong tumosgas ni Justice Carpio ng milyon-milyong dolyar ang pamahalaan para umupa ng mga …

Read More »

Sino ba talaga ang may malasakit sa mga mangingisdang Filipino?

NAKAGUGULAT ang pag-iingay si Party-List Rep. Gary Alejano tungkol sa mga mangingisda sa Scarborough Shoal? Bilang dating sundalo, bakit hindi niya pagtuunan ng pansin ang pondo para sa moder­nisasyon ng AFP o ng Philippine Coast Guard? Mukhang nasasama sa tropang “barking up the wrong tree” si Cong. Gary?! O baka naman gusto niyang ibaling ang sisi sa admi­nistrasyong Duterte para …

Read More »

Pag-asang pagbabago para sa illegal drug victims ipinagkaloob ng Caloocan LGU

BUKAS na ang Balay Silangan Reformation Center, isa sa rehabilitation and therapeutic center na itinayo ng pamahalaan para sa mga biktima at nalulong sa illegal substances kagaya ng illegal na droga. Bilang anti-illegal drug advocate, natutuwa tayo sa proyektong ito ni Caloocan Mayor Oscar Malapitan sa tulong ng national government — ang pagtatayo ng isang rehabilitation and therapeutic centerna makatutulong …

Read More »

Sobra na tama na Asec. Mocha Uson

SABI nga, kantiin mo na ang peklat ng nakaraan pero huwag ang alaala ng mga pumanaw. At dito na naman sumalto si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson nang lapastanganin niya ang alaala ng yumaong Senador Benigno Aquino Jr. Sa pagkakataong ito, pinupuna natin si Asec. Mocha at hindi na natin siya maipagtatanggol. Simple lang naman sana ang …

Read More »

Pagkakarga ng gasolina bantayan ng motorista

oil gas price

PAYONG biyahero o motorista lang po lalo na sa mga laging nagmamadali. Kapag nagpapakarga ng gasolina o diesel tingnan mabuti ang metro at pagkatapos ay i-check ang inyong gauge kung nakargahan nga kayo ng gasolina o diesel. Ilang kaibigan natin ang nakaranas na magpakarga ng gasolina, full tank, pero hindi naging metikuluso. Aba humaharurot na siya sa highway nang mapansin …

Read More »

‘Survey says’ uso na naman!

ILANG buwan bago ang filing ng certificate of candidacy (COC) para sa midterm elections heto’t nauuso na naman ang sari-saring survey. Isa sa sinasabing tumataas ang rating sa survey ang natalong senador at dating chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na si Atty. Francis Tolentino. Mula sa pamilya ng politiko sa Tagaytay City, lalong pumutok ang kanyang pangalan nang …

Read More »

Muling pagbubukas ng Boracay matatagalan pa

boracay close

MALUNGKOT na balita para sa mga mama­mayan at turista ng Boracay. Ayon sa nakalap nating impormasyon, higit pa raw sa 6 na buwan ang itatagal ng pagsasara ng isla. Susmaryosep! Matapos daw magkaroon ng sagutan sa pagitan ni DENR Secretary Roy Cimatu at ng Henann Group of Resorts CEO Alfonso Chusuey tungkol sa nadiskubreng sandamakmak na illegal pipes na dinaraanan …

Read More »

Goodbye Dela Serna welcome Doc Ferrer

MARAMI ang natuwa nang sibakin ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte bilang presidente ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) si interim president Celestina dela Serna. Kahapon, opisyal na inilabas ng Office of the President sa pama­magitan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang pagtatalaga ni Pangulong Digong kay Dr. Roy B. Ferrer bilang acting President at Chief Executive Officer ng PhilHealth. Ang …

Read More »

Mag-ingat sa scam huwag masilaw sa dobleng ‘income’

BABALA sa lahat ng mga naniniwalang mabilis kumita ng pera kahit walang pagod at hirap. Sa mga naniniwalang ang kanilang nakatagong pera sa banko ay kikita nang malaki at doble sa mga iniaalok sa kanilang ‘investment’ e mag-isip-isip po kayong mabuti. Totoong napakaliit ng interes sa banko kung doon lamang nakalagak ang pera ninyo pero huwag naman kayong maniniwala na …

Read More »

Solvent boys sa M. Orosa St., sa Ermita garapalan na

HALOS ilang bloke lang ang layo ng M. Orosa St., sa Manila Police District (MPD) Headquarters at sa estasyon ng MPD Ermita police station (PS5) na nasa kabilang dulo lang ng T.M. Kalaw St., sa Katigbak Drive malapit sa Manila Hotel, pero tila hinahamon sila ng solvent boys na walang takot na nagsisinghutan sa harap ng Corporate Inn at Mang …

Read More »

Mall-based Consular offices pinalawak pa ng DFA

BILIB tayo sa pagiging innovative ng Department of Foreign Affairs (DFA) para nga makaabot ang kanilang serbisyo sa mga kababayan natin na nasa malalayong probinsiya. Imbes nga namang magbiyahe pa ang mga kababayan natin mula sa malalayong probinsiya upang kumuha ng passport, inilunsad nila ang mga proyektong maglalapit ng kanilang serbisyo sa publiko. Kahapon, malugod na inianunsiyo ng DFA ang …

Read More »

Huwag kayong iyakin (Sabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno)

“Huwag kayong iyakin sa pagtaas ng presyo ng langis…” “Ang mahihirap na Filipino ay hindi nagba­bayad ng buwis…” Sa edad na 70-anyos, ayaw naman nating pagbintangan si Budget Secretary Benjamin Diokno na isa nang ulyanin. Sabi nga, it’s less becoming of a gentleman, kung nagsasalita nang ganyan sa kapwa. Pero hindi rin naman natin ma-imagine na sa isang ekonomista at …

Read More »

Nasaan ang P25-bilyong kita ng gobyerno sa Malampaya Plant?

MULING uminit ang ulo ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte dahil sa korupsiyon. Pero sa pagkakataong ito, dahil sa biglang pagtaas ng  presyo ng mga produk­tong petrolyo kasunod ng pagtaas ng presyo ng mga batayang bilihin, bigla rin naalala ng Pangulo ang eskandalo at korupsiyon sa Malampaya Plant. Ayon sa Commission on Audit (COA) hanggang ngayon ay hindi pa rin nila …

Read More »