Thursday , December 26 2024

Bulabugin

Solons gigil sa sandamakmak na GI (Genuine Intsik) sa Ph… PAGCOR isasalang sa POGO license ng online gaming

PAGCOR POGOs

TARGET daw isalang ng mga kongresista sa Kamara ang mainit na isyung pinag-uusapan hinggil sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) at ang ‘paghugos’ ng sandamakmak na GI as in Genuine Intsik sa bansa. Pangunahing magsusulong ng imbestigasyon sa Kamara si Congressman Benny Abante at sinususugan ito ni CIBAC Party-list Rep. Eddie Villanueva at Tondo Rep. Manny Lopez. Isa umano sa …

Read More »

Walang direksiyong traffic management panahon na para seryosohin at resolbahin nang tama

SENSIBLE para sa inyong lingkod ang mungkahi ni Caloocan City Rep. Egay Erice. Sa wakas nakarinig din tayo nang matino-tinong suhestiyon mula sa hanay ng mga mambabatas. Ang mungkahi ni Cong. Egay, gamiting “mass transport highway” ang Epifanio delos Santos Avenue (EDSA). Bilang vice chair ng House committee on Metro Manila development, masasabi nating makabuluhan ang mungkahing ito lalo’t lahat …

Read More »

Incumbent vice mayor very insecure kay ex-vice mayor?!

PANINI sa posh coffee shops ang isang tila paranoid na vice mayor sa south Metro Manila. Natatawa tuloy ang mga beteranong politiko sa kanilang lugar kasi siya na nga naman ang nakaupo, ‘e grabe pang naiinsekyur sa dating vice mayor. Kung tutuusin napakasuwerte ng vice mayor na tawagin na lang nating VM Praning dahil nang mag-last term ang dating VM …

Read More »

Crackdown vs pekeng Filipino passports

Ano itong narinig natin na sandamakmak ang nahuhuling ‘fake Filipinos’ o ‘yung tinatawag na Pipino diyan sa NAIA Immigra­tion? Ito raw ‘yung mga GI o Genuine Intsik na gumagamit ng Filipino passports para lumabas at pumasok ng bansa! Partikular daw sa NAIA Terminal 2 ang kadalasang dinaraanan ng mga GI! Alam kaya ni Boy Pisngi ‘yan!? Ayon sa nasagap nating …

Read More »

DPWH Secretary Mark Villar, prehuwisyo ng ‘sipag at tiyaga’ sa mga motorista at commuters sa C-5, Multi Ave., at Kaingin Road iyong pagmasdan at danasin

MARAMING motorista na dumaraan sa kalsadang ibinunga ng sipag at tiyaga o ang C-5, ang nagnanais na imbitahan si Department of Public Works and Highways (DPWH)  Secretary Mark Villar para matunghayan niya ang paghihirap  na dinaranas nila sa araw-araw. Ang kalsada pong ito ay ‘yung dulo ng C-5 na nagkukrus sa Multinational Ave., at dederetso sa napakaliit na Kaingin Road …

Read More »

Record high attendance ng mga kongresista ngayong 18th Congress ayos na ayos!

NAKAMAMANGHA ang ipinapakitang sigasig at sipag ng mga kongresista sa pamumuno ni Speaker Alan Cayetano. Aba’y tila, siksik at punong-puno ng good vibes ngayon ang kongreso dahil sa average na 247-record high attendance ng solons sa sesyon ng kamara. Ang makasaysayang record-high attendance ay naitala sa loob ng 18 session days na ginawa mula 22 Hulyo hanggang nitong Lunes, 10 …

Read More »

BI Cebu bukas sa pamamasahero! (Gateway ng tourist-workers)

HINDI na raw malaman ng ilang tulisan sa airport kung saan nila padaraanin ang kanilang pasahero. Wala raw kasing pumapayag ngayon sa mga batikang namamasahero sa takot na sila ay mahugutan ng pasahero ng mga bagong upong TCEU. Buti pa nga raw noon at lumulusot ang “close open” sa arrival at departure pero ngayon ay totally closed ang tindahan?! Kay …

Read More »

Sa pamumuno ni Cayetano… Kamara muling nag-aproba ng 2 prayoridad na batas

MAYROONG nagawa ang 18th Congress ng House of Representatives sa ilalim ni Speaker Alan Peter Cayetano na hindi pa nagagawa ng mga nakaraang kongreso. Isang buwan at ilang araw pa lamang ang nakalilipas matapos magbukas ang 18th Congress para simulan ang unang regular na sesyon noong Hulyo, ang House ay nakapagpasa na ng tatlong priority bills, sa kabila ng nagaganap na …

Read More »

Work, work, work legacy ng mga kongresista sa Kamara history na

congress kamara

HATAW to the max sa work, work, work ang Kamara sa pamumuno ni Speaker Alan Peter Cayetano. Nagtatala ngayon ng ‘historic’ o makasaysayang hakbang ang mga kongresista sa pag-aaproba ng mga panukalang batas lalo ang mga prayoridad na programa ng Duterte administration. Aba’y nitong Martes, sinumulan na ang plenary debate sa 2020 National Budget nang maagang natapos ng House Committee …

Read More »

Nakaaalarma ang pag-atake at panununog sa imprenta ng pahayagang Abante

media press killing

HINDI biro ang ginawang pagsalakay at panununog ng mga armadong kalalakihan sa imprenta ng pahayagang Abante sa Parañaque City. Hindi ito usapin kung ang punto de vista ng nabanggit na pahayagan ay hindi nakaayon sa punto de vista ng kasalukuyang administrasyon. Ang isyu rito, ang isang pahayagan na daluyan ng balita, komunikasyon, at nagtatala ng kasaysayan sa araw-araw, ay hindi …

Read More »

Paggamit ng cellphone sa immigration counter tuloy pa rin!

SA kabila ng “memo” ni Bureau of Immi­gration (BI) Commissioner Jaime Morente na nagbabawal sa paggamit ng mobile phones sa immigration counter ay marami pa rin ang hindi sumusunod. Kailan lang ay may nagbigay ng video sa inyong lingkod tungkol sa patuloy na paggamit ng cellphone ng Immigration Officers diyan sa BI-NAIA. Hindi kaya ito napapansin ng mga Immigra­tion bisor …

Read More »

Nababahala sa pagdami ng G.I. (Genuine Intsik) sa bansa

PHil pinas China

Dear Sir, Biglang lobo talaga ang populasyon ng mga Chinese dito sa Filipinas. Halimbawa na lang sa area ng Aseana, paglabas mo ng condo maka­kasa­bay mo sa elevator ang mga Chinese national. Habang naglalakad naman ako, Chinese pa rin ang nakakasalubong ko, pati ba naman pagpasok ko sa fastfood chain Chinese pa rin ang bumungad sakin? ‘Yung totoo, nasa China …

Read More »

Puwede pala! Pagdinig ng Kamara sa 2020 National Budget, tapos na

MABILIS na tinapos ng House Appropriations Committee ang pagdinig sa pambansang badyet sa loob lamang ng ilang araw. Ayon sa pinuno ng komite na si Rep. Isidro Ungab, “in record time” nilang tinapos ang pagtalakay sa pambansang badyet dahil na rin sa hangarin ng liderato ng kamara na maaprobahan sa kongreso ang badyet bago ang 4 Oktubre 2019. Kinompirma ni …

Read More »

Bakit namamayagpag ang ‘Chinese loan sharks’ sa PH casinos?

TANONG po ‘yan ng marami lalo’t nagiging talamak ang kidnapan ng mga magkakababayan na Chinese nationals. Ang unang rason, masyadong maluwag ang mga batas o regulasyon kaugnay ng pagsusugal sa mga casino sa ating bansa. Kaya ang nangyayari, rito na nagsusugal ang mga Chinese national at dito rin nangungutang ng pangsugal nila sa mga kababayan nilang ‘loan shark.’ Kapag natalo …

Read More »

Matang Agila laban sa korupsiyon

WALANG makalulusot na kahit anong iregularidad o uri ng korupsiyon sa Kamara. ‘Yan ang pangako ni Speaker Alan Peter Cayetano sa ilalim ng kanyang pamumuno.  Kaya naman bantay-sarado si Cayetano sa panukalang 2020 national budget na tinatalakay ngayon sa Kamara. Tinitiyak ni Cayetano na ang unang General Appropriations Bill (GAB) sa ilalim ng kanyang Speakership ay walang bahid ng korupsiyon, …

Read More »

PNP-FEO bakit kinapos na rin ng PVC ID card?

WALA na rin palang maibigay na PVC identification card ang Firearms and Explosives Office (FEO) ng Philippine National Police na pinamumunuan ni  P/Col. Valeriano de Leon. Nagtataka lang tayo kung bakit walang maiisyu na PVC ID card gayong patuloy namang nagbabayad ang mga aplikante o ‘yung mga ngre-renew ng lisensiya nila para sa armas. Kung hindi tayo nagkakamali, halos apat …

Read More »

Kapag recycle sa government hindi reusable, bow

SAAN na ba napunta ang delicadeza ni Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon, ngayong nagpuputukan na naman ang mga kontrobersiyal na isyu na nakadikit sa kanya?! ‘Yan na nga ba ang sinasabi natin. Pinag­kati­walaan ni Pangulong Digong pero imbes makatulong ‘e naghahanap pa ng mga magagalit sa administrasyon. Marami tuloy ang nagtatanong, wala bang gagawin si Faeldon na maipagmamalaki …

Read More »

Mayor Edwin Olivarez may tunay na malasakit sa pulisya ng Parañaque

KUNG si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ay naging ehemplo sa paglilinis ng buong Maynila at pagtatanggal ng mga obstruction sa kalye, si Parañaque Mayor Edwin Olivarez ay puwedeng pamarisan sa kanyang malasakit at pagpapanatili ng dignidad ng pulisya sa kanilang lungsod. Bakit natin nasabi ito? Aba, sa bagong proyekto ni Mayor Edwin Olivarez ay pinatayuan niya ng two-storey o …

Read More »

Lifestyle check sa Bureau of Corrections officials

nbp bilibid

MAINIT na namang pinag-uusapan itong si Bureau of Corrections (BuCor) chief, Director General Nicanor Faeldon.      Sa ganang atin, mukhang may nakakabit na malas kay BuCor chief Faeldon dahil sa kanya na naman pumutok ang isyung ito. Hindi ba’t ganyan din ang nangyari sa kanya sa Bureau of Customs (BoC). Pero kung tutuusin, matagal nang isyu ‘yan sa loob ng National …

Read More »

Hacking sa BDO hindi ba kayang solusyonan nang mabilisan?

thief card

HINDI lang minsan nating naririnig at nababasa ang reklamo ng mga depositor ng BDO na biktima ng hacking sa kanilang banking system. Sa pagkakataong ito, isang kabulabog natin ang direktang naging biktima ng hacking. Kung sa ibang tao, baka sabihing maliit lang ang nakuha doon sa kabulabog natin. Pero, iklaro lang natin na hindi rito pinag-uusapan kung malaki o maliit, …

Read More »

GCTA ng BuCor dapat talagang repasohin

nbp bilibid

MUKHANG nagtayo na naman ng sariling awtonomiya ang Bureau of Corrections (BuCor) kung pagbabasehan ang mga ibinunyag ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na kabilang sa mga pinalayang preso ang limang Chinese drug lords nitong nakaraaang dalawang buwan. Ang paglaya ng nasabing limang Chinese drug lords ay sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law. Ani Lacson, sina Chan Chit …

Read More »

‘Malasakit’ lang wala munang politika sa programang nakatutulong sa sambayanan

NAGTATAKA naman tayo sa ibang politiko lalo na ‘yung mga mam­babatas na kapag nakabubuti sa mga kababayan natin, lalo ‘yung mahihirap na kababayan na nangangailangan ng tulong, e nanggagalaiti sila sa pagbatikos. Huwag na tayong lumayo, itong Malasakit Centers na nagkataong pet project ni Senador Bong Go, kahit noong hindi pa siya senador. Mantakin ninyong akusahan na ginamit ni Bong …

Read More »

No assignment bill sa Kamara makatulong kaya sa paghubog ng mabuting pag-uugali at pagkatuto ng kindergarten at HS students?

Students school

BATA pa tayo madalas nang sabihin ng mga magulang, ang ugali ay kultura at ang kultura ay hinubog ng magandang kaugalian. At bahagi ng pagpapanday na ‘yan ang pagbibigay ng assignments sa mga estudyante. Diyan nahuhubog ang study habits ng mga bata na mahalagang katangian lalo na kung maghahangad ng mataas na edukasyon ang isang inidibiduwal. Kaya naman nagulat tayo …

Read More »

P30-M on-the-spot areglo pabor sa illegal POGO workers hambalos sa ulo ni BI Commissioner Jaime Morente

QUOTA to the max daw ang isang ‘raiding team’ na sumalakay sa isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa south Metro Manila na sa palagay natin ay may lisensiya mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Supposedly ay monitoring lang daw dapat ang gagawin ng ‘team’ pero nang matuklasang halos 50 porsiyento ng nagtatrabahong Chinese nationals sa nasabing …

Read More »