Monday , November 25 2024

Bulabugin

Bookies front ng Shabu

ISANG building ang sinalakay ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Martes ng hapon sa Sampaloc, Maynila. Ang unang ulat na natanggap ng NBI ay BOOKIES pero nang kanilang mapasok ang loob ng building ay natagpuan daw nila ang ‘undetermined amount’ of shabu, high powered firearms, at permit to carry firearms documents. Ang pagpapa-RAID sa nasabing building …

Read More »

Paano kung walang foreign aid para sa Yolanda victims?

NGAYON natin nakita kung gaano KAHINA ang GABINETE ni Pangulong Noynoy. Sinsasabi natin ito hindi para laitin ang administrasyon kundi para makaambag tayo sa realisasyon na the PRESIDENT and his CABINET members must have a room for improvement lalo na sa pagtatalaga ng quick response team (QRT) sa mga sitwasyong gaya ng nangyari sa Visayas nitong Nobyembre 8. Ang QRT …

Read More »

Pakikiramay

IPINAABOT po natin ang taos pusong pakikiramay sa pamilya ni Honorable Marciano M. Pineda, former Congressman ng Pampanga 4th district Pampanga at dating NHA General Manager, na pumanaw kahapon, Nobyembre 19. Ang kanyang labi ay nasa Premiere Chapel 2 ng Loyola Memorial Chapel, Commonwealth Avenue, Q. C.

Read More »

Mabuhay Barangay Talipapa Homeowners Association and Senior Citizens

IMBES gastusin para sa kanilang Christmas and New Year’s celebration, ipinagkaloob ng San Agustin Residents and Homeowners Association at ng San Agustin Senior Citizens ang halagang P20,000 para sa mga biktima ng super bagyong Yolanda at mga biktima ng lindol sa Bohol. Mabuhay po kayo! Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. …

Read More »

Paggamit ng Pork Barrel, Malampaya at PSF idineklarang unconstitutional ng Supreme Court

SALAMAT sa deklarasyon ng KORTE SUPREMA. Sa pagkahaba-habang panahon (mula noong panahon ni dating Pangulong Cory Aquino) sa wakas ay mayroon isang institusyon na nagkaroon ng lakas ng loob para sabihing ‘UNCONSTITUTIONAL’ ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o PORK BARREL. Hindi po tayo abogado, pero gusto ko pong linawin na iba ‘yung UNCONSTITUTIONAL. Ibig sabihin po nito, mula sa …

Read More »

Manila City Hall Masa, para sa masa o para sa kotong?

ANG tinutukoy po nating MASA ay ‘yung Manila Action and Special Assignment (MASA) na nasa ilalim ng hurisdiksiyon ng Manila City Hall. Gusto nga nating tanungin kung itong MASA ba ay parang isang city hall police detachment pa ba? Kung hindi tayo nagkakamali, matagal nang ipinag-utos ng Philippine National Police (PNP) ang pagbuwag sa mga city hall police detachment dahil …

Read More »

‘Carol Bakulaw’ bakit hindi hinuhuli ng Pulis-MPD?

SINCE time immemorial ‘e lagi na nating nababasa  ang pangalan nitong si ‘CAROL BAKULAW’ sa mga pahayagan. Kapag may istorya at reklamo ang mga VENDOR sa Divisoria, t’yak kakabit ang pangalan ni ‘CAROL BAKULAW.’ Si ‘CAROL BAKULAW’ ay tila isang  monster na malayang nakapangongotong sa teritoryo ng mga vendor lalo na d’yan sa DIVISORIA. Ultimo paslit ay kilalang-kilala ang pangalang …

Read More »

Mga bagong hari ng Video Karera, Lotteng, Karera Bookies sa Pasay City

HINDI pa man nagpa-PASKO ‘e meron nang nagpapakilalang ‘TATLONG HARI’ ng 1602 sa Pasay City. ‘Yan daw ‘yung GRUPONG CASTRO na kinabibilangan ng isang alyas ‘Erik’ Butch, alyas Bato at alyas Christian. ‘Yang GRUPONG CASTRO raw na ‘yan ay kilalang malapit sa Pasay KAMAGANAK INC. Ipinagmamalaki pa ng GRUPONG CASTRO na sila na ang bagong ‘TATLONG HARI’ ng mga demonyong …

Read More »

PAL at PALEA nagkasundo na after 2 years

NATUTUWA tayo dahil “in good faith” ang ipinakikitang attitude ng bagong Philippine Airlines (PAL) management sa kanilang mga empleyado upang tuldukan ang labor dispute sa kanilang mga manggagawa. Pagkatapos ng halos dalawang taon magkasunod na inihayag ng PAL at PAL Employees Association (PALEA) na winawakasan na nila ang labor dispute. Sa kanilang joint statement, sinabi ng PAL na sinimulan na …

Read More »

Homemark naglinaw sa kasong Syndicated Estafa na inihain laban sa kanila (PESCA may utang pa)

ISANG masamang bangungot ang nararanasan ngayon ng Homemark, isang real estate developer na pinerhuwisyo ng kliyente nilang mag-asawang Ely at Teodora Pesca. Nauna nating naikolum noong Oktubre 21 (2013) ang ipinaabot sa ating hinaing ng mag-asawang Pesca dahil hindi pa umano sila nabibigyan ng deed of sale. Agad po natin tinugunan ang hinaing ng mag-asawang PESCA dahil ang pinag-uusapan po …

Read More »

Samar provincial official VIP player sa Resorts World Genting Casino

HABANG maraming taga-LEYTE at SAMAR ang hindi pa alam kung ano gagawin sa pananalanta sa kanila ng super bagyong si Yolanda, namataan naman ng ating mga impormante ang isang provincial official na naglalaro sa VIP Genting room ng RESORTS WORLD CASINO. Matatagpuan po ‘yang GENTING na ‘yan sa third floor ng Resorts Worst ‘este’ World Casino. Hindi po natin masasabing …

Read More »

Konsehal ng Maynila, CALABARZON Congressman lulong din sa Solaire Casino

HETO pa ang dalawang makakapal ang mukha. Isang konsehal ng Maynila na mukhang lulong na rin sa kasusugal sa Solaire Casino. Talaga naman, sa gitna ng napakalagim na kalamidad na nanalanta sa mga kababayan natin sa kabisayaan, nakukuha pang MAGSUGAL nitong kamoteng konsehal ng Maynila. Hoy MAG-ISIP-ISIP ka naman kung paano ka makatutulong at hindi ‘yang lulong na lulong ka …

Read More »

Busy pa ba si People’s Champ Manny Pacquiao?!

MASYADO sigurong intense ang ensayo ni people’s champ Saranggani Rep. Manny Pacquaio kaya hindi natin naririnig o nabalitaan na nagpapadala ng TULONG ang isa sa mga multi-milyonaryong Pinoy sa mga kababayan nating sinalanta ni Yolanda sa Leyte, Samar, Iloilo at Capiz. Kung hindi tayo nagkakamali, si Mommy D., ay tubong-Leyte … hindi kaya naalala ni Manny ang mga kaanak niya …

Read More »

Salamat CNN!

HINDI naman tayo sa nagpapakasipsip sa mga PUTI. Pero aminin man natin sa hindi, nakatulong nang malaki sa sitwasyon natin ang pag-uulat ni CNN broadcast journalist Anderson Cooper tungkol sa kalagayan ng mga kababayan natin sa Tacloban, Leyte pagkatapos ng pananalanta ni Yolanda. Matapos iulat ni Cooper na … “no real evidence of organized recovery or relief effort coming from …

Read More »

Cebu Pacific itinangging empleyado ang 3 tirador sa talamak na pilferage sa airport (Attn: MIASCOR)

MATAPOS po nating dalawang beses na ilabas ang TALAMAK na kaso ng pilferage sa Cebu Pacific, agad pong nakipag-ugnayan sa isa nating kaibigan ang nasabing kompanya. Agad daw po nilang ipina-CHECK ang tatlong tirador na sina CHRISTOPHER RUFINO, JERSON GAGATIN at CHE BONILLO. ‘Yang tatlo pong ‘yan ay binansagan na ‘MATITINIK’ sa ‘ceasarian operation.’ Ang STYLE nga raw ng mga …

Read More »

Rape, nakawan sa Tacloban dapat linawin ng PNP at AFP

MAYROONG mabigat na tungkulin ngayon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) para LINAWIN ang mga naglabasang KWENTO na mayroong mga BIKTIMA ng RAPE, mga bahay na pinasok umano at NINAKAWAN at iba pang lumutang  na krimen kaugnay  ng pagkagutom at kakapusan ng mga biktima ng super bagyong si Yolanda. Kahapon, opisyal nang sinibak si …

Read More »

Bureau of Customs hinagupit rin ng ‘Yolanda’

MATINDI raw ang demoralisasyon ngayon sa Bureau of Customs (BoC), ang balita ay parang hinagupit din sila ng SUPER TYPHOON na si YOLANDA. Buti pa nga ang buong bansa tiyak na makararaos din sa DELUBYO ni YOLANDA pero sa BoC daw hanggang ngayon hindi pa rin nila alam kung kailan magwawakas ang tila araw-araw nilang walang bukas. Ito ay kaugnay …

Read More »

Ang pinsala ni Yolanda ay hindi mareresolba sa tit for tat na propaganda

IMBES pasalamatan si CNN reporter Anderson Cooper sa kanyang pag-uulat sa tunay na kalagayan ng mga kababayan natin sa Tacloban, ‘e nagbalat-sibuyas si Ms. Korina Sanchez at nagpakataklesang sinabi na, “Itong si Anderson Cooper, sabi wala (daw) government presence sa Tacloban. Mukhang hindi niya alam ang sinasabi niya. (This Anderson Cooper, he said there is no government presence in Tacloban. …

Read More »

‘Organisadong kotong’ sa Divisoria vendors ni Konsehal Dennis Alcoriza?

SA ilalim ng United Street Vendors of Divisoria Association, Inc., (USVDAI) gustong gawing lehitimo ni Konsehal Dennis ang ‘organisadong kotong’ daw sa mga vendor. Hindi natin alam kung ang organisasyong ito ay rehistrado sa Securities and Exchange Commission (SEC), sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at bakit tila pinalulutang na ito ay nakakabit sa Manila City Hall? Isa pang tanong, …

Read More »

Fairy tale Club may pokpokan na may poker-an pa

NITONG nakaraang gabi ay sinalakay ng National Bureau of Investigation (NBI) ang Fairy Tale Club (formerly Infiniti 8 Club) sa Roxas Blvd., Pasay  City dahil sa paglabag sa PD 1602. Bukod pala sa ‘pokpokan’ ay mayroon din POKER room sa Fairy Tale Club. Arestado ang isang bigtime financier na kung tawagin ay BIG MIKE pero ang isang Mr. Marcos ay  …

Read More »

SILG Mar Roxas, Gen. Garbo, Gen. Francisco Uyami kinakaladkad ni alias Allan Aspileta sa mga ilegalista

ISANG nagpapakilalang bata-bata ng isang ‘PULIS-CRAME’ na alyas ALLAN ASPILETA ang parang bagyong ‘YOLANDA’ rin na nananalanta sa mga 1602 sugalan, putahan, vendors, club & sauna bath at iba pang mga illegal sa Metro Manila. Ayon sa ating INFO si ASPILETA ay batang sarado ng isang alias ALI BOTAL – ang nagpapakilalang pulis-Crame. Ibang klase si Botal, hindi lang kasi …

Read More »

Thanks but no thanks China!

PAKITANG-TAO ba ang tawag doon sa tutulong daw pero parang napipilitan lang?! Ito po ‘yung pangakong tulong ng China sa mga bitkima ng ‘Yolanda’ sa ating bansa na US$100,000. Mantakin n’yo naman, ‘yung ibang bansa nga kung magbigay ng donasyon ay milyon-milyong dolyares, ‘e itong China na world’s second largest economy ‘e magbibigay ng donasyon na US$100,000 lang. Iba pa …

Read More »

Ano ba silbi ng National State Calamity status?

SABI ni Pangulong Benigno S. Aquino III, bibilis daw ang ‘TULONG’ sa mga nasalanta ng YOLANDA kapag idineklara niya ang NATIONAL STATE OF CALAMITY. ‘E kailan ba niya idineklara? At anong petsa na? Limang araw na ang nakalilipas mula nang manalanta si Yolanda, pero hanggang ngayon ay isa pa rin ang daing ng mga kababayan natin sa Capiz, Iloilo, Samar, …

Read More »