Monday , January 6 2025

Bulabugin

PNP ‘Ask’ Forces binuwag nina Generals Charles Calima at Benjamin Magalong

GUSTO natin ang TIKAS ngayon ng mga bagong pinuno ng PNP IG at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG). Nariyan ngayon si Chief Supt. Benjamin Magalong bilang acting director ng CIDG habang si Chief Supt. Charles Calima naman ay itinalagang Acting Director for Intelligence.        Ang unang ginawa ng tandem na Magalong at Calima ay pagbuwag sa ASK este task forces …

Read More »

Tuluyan nang namantot ang Maynila (Attn: Manila City Hall)

SISING-ALIPIN na raw talaga ang mga nagsipagbaliktaran lalo na roon sa mga area ngayon na malapit na malapit sa mga ginawang tambakan ng basura sa Maynila. After NEW YEAR kasi ‘e naglaho na ang mga tagahakot ng basura. Hindi natin alam kung ano ang tunay na kwento pero ang sabi-sabi  ‘e hindi na raw ini-renew ng administrasyon  Erap ang kontrata …

Read More »

Mapanganib manirahan sa Baseco Compound

ITINUTURING na ng mga naninirahan sa Baseco Compound (matatagpuan po ang lugar na ito sa Port Area) na ang kanilang isang paa ay lagi nang nakaumang sa hukay. Ganyan po kapanganib manirahan sa Baseco. Sa tala ng pulisya, ang BASECO ay isang lugar na pinamumugaran ng mga pusakal kaya ‘matik na ang mga tao roon ay laging subject for scrutiny. …

Read More »

Biktima ng paputok taon-taon problema ng DoH at PNP

MULA yata nang magkaisip tayo ay lagi na natin nakikita tuwing unang araw ng taon ang mga larawan sa diyaryo at news clips sa telebisyon na pawang nasabugan ang kamay, ang mukha, putol ang daliri, ‘yung iba kamay na nga. Merong mga walang malay nang dalhin sa ospital dahil tinamaan ng ligaw na bala mula sa mga demonyong mahilig magpaputok …

Read More »

Admin Chief sa Manila Prosecutors’ Office, inirereklamo (Attention: SoJ Leila De Lima)

HINDI na raw makatuwiran at tila ganid na umano sa kapangyarihan ang isang administration officer ng Manila fixcal ‘este’ Fiscal’s Office dahil hanggang ngayon ay ‘kapit-tuko’ pa rin daw sa kanyang posisyon gayong retarded ‘este’ retired na noong nakalipas na buwan ng Nobyembre. Ayon sa reklamo ng mga empleyado sa Manila Fiscals’ office, wala na raw sa posisyon si Stella …

Read More »

168 mall payola kanino napupunta!?

MAY nasagap tayong impormasyon na umaangal ang mga Chinese trader sa 168 Mall sa Divisoria dahil sa pagkakahuli (raid) sa kanila ng Bureau of immigration (BI) nakaraang disyembre. Para saan daw at sinisingil sila ng admin ng 168 Mall ng P500 per stall per month para hindi raw sila hulihin ng BI? Kung ganito ang sistema, saan napupunta at inire-remit …

Read More »

Masaganang Bagong Taon sa lahat

BUKAS ay bisperas ng pagsalubong sa taon 2014. Tapos na ang taon 2013 na hindi maitatatwa ng sambayanan na ISANG TAON ng walang katapusang pagsubok, kalamidad, sakuna at bangayan sa hanay ng mga itinuturing nating mga pinuno ng bayan. Ang sabi ng Palasyo, umunlad ang ekonomiya at ang pamumuhay ng Pinoy. Ang sabi ng mga negosyante, matumal ang ikot ng …

Read More »

Pito-Pito ‘ipinanghilot’ sa Konseho ng Pasay City

KAYA naman pala… Kaya naman pala ang bilis daw ‘bumaliktad’ ng ilang KONSUHOL este KONSEHAL sa KONSEHO ng Pasay City. Nakausap kasi natin ‘yung isa nating source d’yan sa Pasay City hall at ang tsismis na kumakalat ngayon ay IPINANGHILOT nga raw ng ‘3 Betlog’ ni Ka Tony at ng KAMAGANAK Inc., ay ‘yung gamot na PITO-PITO. Hindi po ito …

Read More »

Bagong amo (PNP), bagong bagman?

GANYAN ba talaga ang KALAKALAN ‘este’ KALAKARAN pa rin sa Philippine National Police (PNP)?! Kapag itinalaga ang mga bagong HEPE sa isang yunit o dibisyon ‘e nagbabagong-anyo rin ang mga BAGMAN?! E ang bulong nga sa atin ng mga susukot-sukot na hindi man lang uminit ang mga puwet, meron na raw umiikot na bagman si Gen. Benjamin Magalong Director ng …

Read More »

Double standard Memorandum ng Malacañang

PARA sa pagdiriwang ng kaarawan ni Dr. Jose Rizal bukas (Disyembre 30), ipinaalala ng Malacañang na bawal daw ang sabong, karera, at jai-alai. Wala namang masama sa PAALALA na ito ng Palasyo na sinabi kamakalawa ni Usec. Abigail Valte… ‘yun ‘e kung ‘CONSISTENT’ sila. Bawal ang sabong, karera at jai-alai … e how about CASINO? Lotto at iba pang amusement …

Read More »

Sino si Joseph Ang? (Ang Chinese casino financier na hinabol ng saksak ni Jerry Sy) Attention: BIR, NBI, PNP

HINDI na mapigil ang paglabas ng katotohanan. ‘Yun nga lang, news reporters and police investigators must dig deeper to reveal the truth. Hindi lamang si Jerry Sy, ang Chinese national na nanghabol ng saksak ang dapat imbestigahan … Dapat din imbestigahan ang hinabol niya ng saksak na si Joseph Ang. Makailang beses na namin naikolum sa BULABUGIN si Joseph Ang …

Read More »

Fruit vendors sa Divisoria nag-iyakan dahil kay Onse bagman a.k.a. Mr. Fruit Salad

KAHAPON ay nagawi tayo sa Manila Police District Press Corps office, dahil naimbitahan tayo sa kanilang munting salo-salo. At isa nga sa ‘GOOD NEWS’ e nalaman natin na si Supt. Alexander ‘Yanqui’ Yanquiling, Jr., ‘e ang bagong station commander ng MPD (PS 5) Ermita Station. Congratulations, Yanqui! Back to Mr. ONSE BAGMAN a.k.a. TATA BONG KRUS hindi po sinasadyang namataan …

Read More »

Ang bukulan ‘este’ hilutan sa SM-Pasay City reclamation project

MATAPOS ang nabistong multi-milyong bukulan umano sa Pasay City – SMLI 300 hectares reclamation project, heto’t maugong naman ang balita na walang tigil daw sa ‘panggagapang’ ang kampo na pabor matuloy ang paglamon ng lupa sa bahaging iyon ng Manila Bay. Bago mag-Pasko, Disyembre 21, to be exact, medyo lumamang na raw ang grupo ng mga Konsuhol ‘este mali’ Konsehal …

Read More »

PNoy dapat bang dalawin si GMA?

MARAMI sigurong pagdadalawang-isip ngayon ang Malacañang hinggil sa kalagayan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Pinapayuhan  kasi ng Simbahang Katoliko si Pangulong Benigno Aquino III na dalawin ang kanyang predecessor. Dumalaw na raw kasi sina FVR at Erap kaya dapat lang din daw na dumalaw si PNoy. Sa ating personal na palagay, HINDI magandang tingnan na dumalaw si PNOY, ngayong …

Read More »

Magdiwang nang may kabuluhan ngayong Pasko

MUKHANG bago matapos ang 2013 ‘e isang malaking eskandalo pa ang sasabog … Ito naman ay personal na palagay lang natin, dahil sa mga nakikita at nababasa natin sa social network at sa mga pahayagang malalaki. Naniniwala ako na mayroong ilang ‘UTAK’ at ‘PWERSA’ na nagtutulak sa mga pangyayaring ‘yan. Kung sino sila, sisikapin nating ‘ABUTIN’ sa mga susunod na …

Read More »

Pasay Chief of Police napalitan na naman!

IBA na naman pala ang CHIEF OF POLICE ng Pasay City ngayon. Si Supt. Florencio Ortilla na ang napili umano ng Office of the Mayor. Mabilis lang pala ang naging tour of duty ni Supt. Mitchel Filart … hindi man lang uminit ang kanyang puwet sa kinauupuan. Hmmmnnn … bakit kaya? Ansabe … ganyan daw sila sa PASAY. Kapag hindi …

Read More »

SILG Mar Roxas, anyare sa Manila Police District!?

MANILA’s Finest kung tagurian noon ang Manila Police District (MPD). Walang malalaking kaso noong araw na kapag nahawakan ng MPD ay hindi nalulutas. Kaya nga maraming bagitong pulis ang nangarap na mapabilang sa MPD at masanay sa ilalim ng pamumuno ng mahuhusay na imbestigador at operatiba. Ganoon din naman, maraming opisyal ng pulisya ang nangangarap na pamunuan ang MPD dahil …

Read More »

Playing ‘different colors’ si Rep. Zenaida Angping

SA uri raw ng politika sa bansa, ang unang dapat na katangian umano ng mga POLITIKO, e ‘yung maging eksperto sa ‘paglalaro ng iba’t ibang kulay’ at ‘lumangoy nang mabilis’ kapag malapit nang lumubog ang isang barko. At d’yan tayo napapahanga ni Madam Rep. ZENAIDA ANGPING ng 3rd district ng Maynila. Aba ‘e nakita n’yo ba ang napakalaking retrato sa …

Read More »

IO Solomon strikes again!

MATAPOS natin banatan sa nakaraang kolum natin si Immigration Officer (IO) Solomon Delos Trinos dahil sa kanyang panghaharabas umano sa mga Bombay at mga Intsik, heto at may balita na naman na sa Antique kumana ang hinayupak! Isang report ang ating natanggap na namataan si IO Solomon sa Antique at hina-harass ang ilang shipping agent at kapitan ng mga barko …

Read More »

Happy Birthday Mayor Alfredo Lim

IPINAGDIRIWANG ngayong araw ni Manila Mayor Alfredo Lim ang kanyang ika-84 kaarawan. Si Mayor Lim, isang napakasimpleng tao, at taon-taon ay nakikita natin kung paano siya nagdiriwang ng kanyang kaarawan sa isang payak na paraan. Alam naman nating lahat na ang kaarawan ni Mayor Lim ay sinisimulan niya sa pagsisimba (kahit hindi niya birthday nagsisimba po siya). Pagkatapos nito ay …

Read More »

Anyare sa airport?!

TALAGA naman! Sigurado tayo, pati mismo si Manila International Airport Authority (MIAA) GM Bodet Honrado ay nagulat sa naganap na pananambang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3. APAT ang patay, kabilang ang mayor ng Labangan, Zamboanga del Sur, ang kanyang misis at dalawa pa. E ano nga ba ang nangyari, GM Bodet? Mukhang kapos na kapos ang seguridad …

Read More »