Saturday , December 28 2024

Bulabugin

APD HQ isang taon na wala pa rin koryente!?

ANG bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang noong inirereklamo sa atin ng mga Airport police na walang koryente ang Airport Police Department (APD) HQ. Isang taon na pala ‘yung reklamo na ‘yun? Ang masaklap, ‘yang reklamo na ‘yan ay nanatiling reklamo hanggang ngayon dahil hindi naaksiyonan/inaksiyonan ng mga kinauukulan ayon sa mga airport police. Ibig sabihin hanggang ngayon, WALEY …

Read More »

Pitong kaalyado ni PNoy kasamang kakasuhan sa Pork Barrel Scam

ISASAMPA na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang third batch ng mga politikong sangkot sa P10-billion pork barrel scam. Isang senador (Sen. Gregorio Honasan II) at pitong kaalyado ni PNoy na sina Joel Villanueva, chief ng Technical Education and Skills Development Authority (Tesda), Rep. Rufus Rodriguez ng Cagayan De Oro, La Union Rep. Victor Ortega, Gov. Manuel Ortega at dalawa …

Read More »

Mayor Rex Gatchalian mabubulok sa bilangguan dahil sa kapabayaan!?

KLARO ang pananagutan ni Valenzuela Mayor Rexlon Gatchalian sa pagkamatay ng 72 manggagawa dahil sa sunog na naganap sa Kentex Manufacturing, ang pabrika ng tsinelas na pag-aari ni Veato Ang sa Barangay Ugong. Mismong si Presidente Benigno Aquino III ang nagsabi na dapat managot si Gatchalian at ang iba pang opisyal na sangkot sa pagmamaniobra ng papeles ng Kentex Manufacturing …

Read More »

Nasaan ang hustisya sa mga ‘itinapon’ na immigration officers? (Attn: SoJ Leila de Lima)

Parang kanta nga raw ni Phil Collins na True Colors na habang nagtatagal sa posisyon, lumalabas ang totoong kulay ni Immigration Commissioner Siegfred Mison. Kamakailan lang ay hindi kukulangin sa 10 Intelligence officers and agents ang ipinatapon ni Mison sa mga Border Crossing Points ng Pilipinas! Ang matindi rito,  itinapon ang mga naturang empleyado nang walang malinaw na dahilan o …

Read More »

Sen. Chiz Escudero ayaw na sa VP  na may letrang B

TULUYAN nang ibinasura ni Senator Chiz ‘heart’ Escudero ang kanyang suporta sa VP na may letrang B nang siya ay pumirma sa Senate blue ribbon subcommittee plunder report laban kay Vice President Jejomar “Jojo” Binay. Ito ay matapos kompirmahin ni Senator Grace Poe na nilagdaan niya ang nasabing plunder report na ihahain sa Ombudsman for further investigation. Marami ang nagsasabi …

Read More »

Tumulo ang kisame at bumaha sa P1.4-B newly rehabilitated  NAIA Terminal 1

PARANG napunta raw sa Ocean Park ang mga empleyado at pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 nang bumuhos ang malakas na ulan nitong nakaraang linggo. Nag-trending pa nga sa social media ang kuhang retrato ni NAIA press corps president Raoul Esperas sa nasabing insidente. ‘E paano ba naman, pagbuhos ng ulan, tumagas sa kisame deretso sa baldosa, …

Read More »

Climate Change Commission puro biyahe sa labas ng bansa zero accomplishment!?

  ABA’Y katakot-takot na international conference ang dinadaluhan ng delegasyon ng bansa kaugnay ng tinatawag na climate change pero wala namang nanyayare!? Wala pa umanong matibay na solusyon na nakikita mula sa Commission sa mga panawagan ng mga international conferences na dinaluhan nito. Nagpadala ang bansa ng delagasyon sa Warsaw noong 2013. Sa Lima, Peru naman noong December 2014. Pero …

Read More »

Maginoo pero bastos? Mison’s wacky photo op with BI Mactan OJT

AKALA natin ay pirming seryoso, kapita-pitagan at tindig-militar si Immigration Commissioner Siegfred Mison. Minsan pala ay nagiging kenkoy rin siya, lalo na kung isang magandang on-the-job trainee (OJT) ang kanyang nakakasama. Kakaiba nga raw ang adrenalin ni Commissioner Mison kapag mga youth ang kanyang nakakasama sa trabaho o sa isang project. Gaya na lang nang minsang bumisita siya sa BI …

Read More »

Kampanya ng MPD vs illegal na droga

Kaliwa’t kanan ang operasyon ngayon kontra ilegal na droga ang isinasagawa ng Manila Police District (MPD) nitong mga nakaraang araw. Ikinasa ng ilang police station ang Oplan Galugad laban sa mga markadong most wanted personalities sa bawat AOR nila. Isa na rito ang MPD Abad Santos Station (PS7) na ratsada ang ginawang anti-illegal drugs operation sa mga drug-prone area o …

Read More »

MPD official kinuyog ng Divisoria vendors (Napuno na ang salop?)

  NABALITAAN natin na hindi maganda ang naging karanasan at nanganib ang buhay ni Manila Police District BC DPSB chief S/Supt. Marcelino Pedrozo, Jr., sa Divisoria vendors. Naglunsad umano ng clearing operations ang grupo ni Kernel Pedrozo sa Divisoria area, pero nang pakialaman at tangkang sisirain o kokompiskahn ang mga paninda nila, nagalit ang mga vendor at kinuyog umano ang …

Read More »

Suweldo ng airport employees sa NAIA laging delay…bakeet!?

MARAMI po tayong natatanggap na tawag, text and private messages na nagrereklamo dahil halos apat na buwan nang laging delay ang release ng suweldo ng mga airport employees na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Noon kasi, 3 days  before the payday, nasa ATM na nila ang kanilang mga suweldo. Pero iba raw po ngayon. Late daw lagi ngayon …

Read More »

Police security ng pul-politiko babawiin sa eleksiyon

ILANG buwan na lang at tatanggalan na ng police security ang mga pulpol ‘este politiko. Magaganap ‘yan kapag opisyal nang pumasok ang election period, ayon sa PNP Police Security and Protection Group (PSPG). Epektibo ito, oras na maghain ng certificate of candidacy ang mga nasabing opisyal. Tumpak lang naman ‘yan! Lalo na siguro ‘yung mga sandamakmak ang mga police security …

Read More »

Opisyal ng organized vending program ni Erap sinibak sa pwesto!?

Kamakailan pumutok ang balita sa Manila city hall na pinatalsik na ni Yorme Erap ang isang opisyal ng organized kotong ‘este’ ven-ding program. ‘Yan ay dahil umano sa problema sa remittances ng milyones na koleksiyon mula sa Divisoria vendors. Base sa mga nagkalat na istorya sa Manila City hall at MPD Press office, nabigo raw mag-entrega ang isang BORROMEO ng …

Read More »

Mar Roxas, ikaw na!

ISANG taon bago ang 2016 elections, nagdeklara na si Pangulong Benigno Aquino III kung sino ang magiging pambato ng Liberal Party. S’yempre walang iba kundi ang herederong si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas. Kung credentials ang pag-uusapan, walang kuwestiyon kay Secretary Mar. Bukod sa matalino, masasabing diligent din siya at determinado. At nakita natin ‘yan sa iba’t ibang …

Read More »

Ang ‘Express Epal’ ni Madame SoJ Leila, bow!

MAHILIG daw talagang ‘lumundag si Justice Secretary Leila De Lima. Kumbaga, konting putok lang, ‘napapalundag’ kaagad. In short, mahilig siyang sumawsaw at sumakay agad sa mga bagong issue sa bansa. Gaya na lang nga nang aminin ni Davao City Mayor Rodrigo ‘Digong’ Duterte na konektado siya sa kinatatakutang Davao Death Squad (DDS). Aba, biglang pumutok ang butse ni Madam Secretary …

Read More »

Chief warden ng MPD integrated jail sibak na naman!

DALAWANG buwan na ang nakararaan (Marso 2015), nang masibak ang dating chief warden ng Manila Police District – Integrated Jail dahil sa paggamit ng kadena at kandado kapalit ng posas sa apat na preso na ililipat sa Manila City Jail. Ngayon, sibak na naman ang ipinalit na chief warden na si Insp. Manuel Madlangbayan ‘yan ay dahil naman sa umano’y …

Read More »

Aberya sa LRT/MRT mukhang wala nang solusyon (Mass transportation system bigo sa Pinas, the worst is yet to come)

MUKHANG wala nang solusyon ang hindi na mapigilang pagbagsak ng kalidad ng serbisyo at unti-unting pagkasira ng Light Rail Transit at Metro Rail Transit (LRT/MRT). Nangyayari ito sa administrasyon na dala ang pangako ng ‘daang matuwid.’ Hindi lang natin alam kung naiintindihan ba ni Department of Transportation and Communication (DoTC) Secretary Joseph Emilio A. Abaya ang kanyang tungkulin. Baka akala …

Read More »

NCRPO Chief Gen. Carmelo Valmoria nagdeklara raw ng giyera vs illegal gambling?

‘YAN ang nabasa nating praise ‘este press release kamakailan. Galit na raw si Gen. Carmelo Valmoria laban sa illegal gambling. Target umano ni Gen. Valmoria na suyurin ang bookies, loteng, sakla, video karera, cara y cruz, jueteng pati jai-alai. O sige na, huwag natin pagdudahan si Gen. Valmoria, pero mas lalo tayong maniniwala sa kanya kung uunahin niya ang Maynila. …

Read More »

After “B” sa 2010 VP letter “P” naman daw ngayon ang gusto ni Chiz

AKALA natin ‘e mapapahanay si Senator Chiz Escudero sa mga mambabatas na puwedeng maging statesman sa hinaharap. Pero nabigo tayo sa ating inaasahan, dahil mas unang natutuhan ni Chiz ang makipagpatintero sa ‘kapangyarihang’ mapoprobetso sa politika kaysa maging isang mahusay na mambabatas. Nakita natin ito noong 2010 elections. Sa kabila na marami ang umasa na susuportahan niya ang tambalang Noynoy-Mar, …

Read More »

MPD bagman namamayagpag sa kolek-tong (Attention: Gen. Carmelo Valmoria)

MULI  na  naman palang namamayagpag ang isang ‘tulis’ ‘este pulis  ng Manila Police District (MPD) dahil sa walang habas na pangongolektong sa Kamaynilaan. Isang alias TATA MANLAPASTANGAN ang bidang-bida ngayon sa kolektong sa lahat ng vices, KTV club at sa mga pobreng vendor. Dati raw ay nawalan ng galaw at naihawla ang kamoteng pulis noong administrasyon ni dating MPD district …

Read More »

NAIA Press Corps bakit sinisingil ng MIAA ng P2.8-M bill sa telepono!?

MEDIA harassment na ba ito? Gusto ba ng Manila International Airport Authority (MIAA) na tuluyan nang ‘lumayas’ ang mga mamamahayag na nakatalaga sa Airport kaya ipinamumukha na may utang na P2.8-milyon telephone bill ang media group?! Nakagugulat na kailangan pa munang lumaki nang ganyan ang bill ng media group tapos saka sasabihin na may utang sa management?! Saan kukuha ng …

Read More »

COD casino & hotel representatives may special access sa NAIA T3

MARAMI ang nakapupuna ngayon sa inaasal ng ilang City of Dreams casino & hotel representatives diyan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3. Kapag naroroon kasi sila sa NAIA terminal 3, aba e kung magsiasta umano ang mga hotel representatives ‘e parang nabili na nila Airport. Kahit siguro i-review pa ang CCTV cameras sa nasabing area ‘e walang ibang …

Read More »