INIHARAP ni Bureau of Customs (BoC) police OIC Willy Tolentino sa airport media ang dalawang kilo ng liquid cocaine (12mm) na nasabat sa dumating na overseas Filipino worker (OFW) na kinilalang si Mary Joy Soriano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula sa Dubai sakay ng Qatar QR-962 kahapon ng umaga. (JERRY YAP) ISANG overseas Filipino worker (OFW) mula Qatar …
Read More »Gov’t inutil sa LPG, oil price hike
AMINADO ang pamahalaan na mistulang nakatali ang kamay nila sa harap ng malakihang pagtaas ng presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) at presyo ng produktong petrolyo ng mga kompanya ng langis. Ayon kay Energy Sec. Jericho Petilla, deregulated ang oil industry kaya’t walang magagawa ang pamahalaan lalo na kung ang dahilan ng pagtaas ng presyo ay mula sa pandaigdigang pamilihan. …
Read More »Biazon nagbitiw sa Customs
NAGBITIW na sa pwesto si Customs Commissioner Ruffy Biazon, ilang araw makaraang isabit sa pork barrel fund scandal. Sa kanyang biglaang press conference sa Bureau of Customs (BoC), inianunsyo ni Biazon ang kanyang paghahain ng irrevocable resignation kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Sinabi ni Biazon, isinulat niya ang kanyang resignation letter bago siya nakipagpulong sa pangulo. “Being a presidential …
Read More »Fast and Furious star patay sa Yolanda (Charity event pupuntahan)
LOS ANGELES — Kinompirma ng kampo ni “The Fast and the Furious” star Paul Walker ang pagkamatay ng aktor dahil sa “tragic car accident” habang papadalo sa isang charity event para sa mga biktima ng super typhoon Yolanda sa bansa. Ayon sa ulat, nangyari ang aksidente sa Santa Clarita, Los Angeles. Habang lulan si Walker ng Porsche sports car nang …
Read More »12 COA auditors, ex-solons kinasuhan sa ‘Pork’ scam’
INIHAIN na ng Department of Justice (DoJ) sa Office of the Ombudsman ang kasong malversation laban sa 12 auditor ng Commission on Audit (COA), mga dating congressman at ilan pang indibidwal kaugnay ng pork barrel scam. Ang mga dating congressman na kinasuhan ay sina Bureau of Customs chief Rosanno Rufino “Ruffy” Biazon, da-ting kinatawan ng Muntinlupa City (P1.75 million), Douglas …
Read More »Assets ni Gigi, 3 pa may freeze order na
NAGPALABAS na ng freeze order ang Court of Appeals (CA) sa bank accounts ng mga dating congressman at staff ng mga senador na sangkot sa multi-million pork barrel scam. Sa 43-pahinang kautusan na isinulat ni CA Associate Justice Manuel Barrios, magiging epektibo ang freeze order sa loob ng tatlong buwan o 90 araw. Kabilang sa may freeze order sa bank …
Read More »Mighty target ng BIR at BoC ( Guilty sa US court )
TARGET ngayon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at ng Bureau of Customs (BOC) ang Mighty Tobacco Corporation kung sangkot sa smuggling at posibleng tax evasion matapos mapatunayang guilty sa kasong “acts of unfair competition” na isinampa laban sa kompanya sa Estados Unidos. Pinagbasehan din ng pag-iimbestiga laban sa Mighty ang multang US$21 milyon o P 918 milyon na ipinataw …
Read More »Garnishment harassment — PacMan ( Hindi galing sa PDAF, DAP )
“HINDI ako makapag-withdraw ni isang singkong sentimo sa sarili ko pong pera, hindi ko magamit para man lang makatulong. Ang pera kong ginarnish ng BIR ay hindi po nakaw at hindi po PDAF o DAP, ito po ay galing sa lahat ng suntok, bugbog, pawis at dugo na tiniis ko sa boxing.” Ito ang himutok ni boxing idol at Sarangani …
Read More »Minahan sa Rapu-Rapu sumabog ( 2 patay, 2 kritikal )
LEGAZPI CITY – Dalawa ang naitalang patay habang dalawa pa ang kritikal sa pagsabog sa isang minahan sa Brgy. Bagawbawan sa islang bayan ng Rapu-rapu, Albay. Kinilala ang mga biktimang sina Antonio Grageda at Jerson Dela Cruz, 33, agad na binawian ng buhay sa insidente. Kritikal naman ang dalawang iba pa sa ospital na kinilalang sina Boyon Moises, 43, at …
Read More »PacMan sinisiw si Rios ( He’s back )
NAGPAKITA ng napakalaking pagkakaiba sa boxing IQ si Manny “Pacman” Pacquiao sa kanyang laban kay Brandon “Bam Bam” Rios, ayon sa local boxing analyst na si Ed Tolentino. Ipinunto ni Tolentino, sa mabagal na pagkilos ni Rios, naipakita ni Pacquiao ang kanyang talino sa loob ng “ring” sa pamamagitan ng paggamit ng highly tactical bout laban sa Mexican-American brawler. “Manny …
Read More »6-anyos pamangkin ‘kinalkal’ saka inutusan mangalakal ng stepbro ni mom (Pinagparausan na pinaghanapbuhay pa)
ISANG 6-anyos batang babae ang nakaranas ng pang-aabuso sa stepbrother ng kanyang ina nang sekswal na abusuhin nang paulit-ulit saka pinagpulot ng mga plastic na kalakal para kanilang ipangkain sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ang suspek na si Aries Lozano, 32, ng Valdez Compound, Brgy. Paso de Blas, kinasuhan ng paglabag sa Republic Act 7610 habang nasa detention …
Read More »Hustisya sa Maguindanao massacre victims malabo pa rin (Pagkatapos ng apat na taon)
PATULOY ang panawagan ng mga pamilya ng mga biktima ng Maguindanao massacre na sana’y bigyan sila ng pag-asa para sa hustisya ngayong apat na taon na mula nang mangyari ang malagim na krimen. Ayon kay Mary Grace Morales, secretary general ng Justice Now Movement, desperado sila na makamit ang hustisya para sa kanilang mga kaanak na walang awang pinatay noong …
Read More »Halos 5,000 na, Yolanda death toll sa Region 8
TACLOBAN CITY – Umaabot na sa 4,927 katao ang naiulat na namatay sa nangyaring pananalasa ng super typhoon Yolanda sa Region 8. Ito’y batay sa inilabas na report kahapon ng Office of Civil Defense (OCD-8) mula sa Ormoc City, Tacloban City, Baybay City at Borongan City. Kasama rin sa naturang bilang ang casualties na nagmula sa lalawigan ng Leyte, Western …
Read More »Bill vs political dynasties aprub sa House Committee
SA kauna-unahang pagkakataon, inaprubahan ng House Committee on Suffrage ang consolidated bill na nagbabawal sa political dynasties sa Filipinas. Ipinagbabawal sa nasabing panukala ang pagtakbo sa kaparehong eleksyon ng asawa o kamag-anak ng incumbent ng hanggang “second degree of consanguinity or affinity.” Ipagbabawal din ang posibleng overlap ng magkakamag-anak sa termino sa pag-upo sa pwesto. Isiningit din ni Bayan Muna …
Read More »Nepomuceno new BoC-EG Dep Comm (Dating DND-OCD director)
SA PATULOY na paglilinis sa mga nalalabi pang tiwaling kawani ng Bureau of Customs (BOC) na nakikipagsabwatan sa smugglers sa pagsabotahe sa ekonomiya ng bansa, nagtalaga na ng bagong deputy commissioner si Pangulong Noynoy Aquino upang maging katuwang ni Customs Commissioner Ruffy Biazon sa pagreporma sa ahensya. Itinalaga ni Pangulong Aqunio si Ariel Nepomuceno bilang Customs Deputy Commissioner for Enforcement …
Read More »Ka Freddie, Jovie ikakasal sa ritwal ng Muslim (Islam niyakap)
PAGKATAPOS magsagawa ng humanitarian mission para sa mga biktima ng super typhoon Yolanda sa Visayas, tutuldukan naman ng opisyal ng lalawigang ito ang sinasabing kontrobersyal na romansa ni Filipino music icon Freddie Aguilar sa kanyang 16-anyos fiancé na si Jovie Gatdula Albao sa pamamagitan ng pagpapakasal sa dalawa sa ilalim ng Muslim rites. Sinabi ni Maguindanao Gov. Esmael “Toto” Mangudadatu …
Read More »Baby boy pinugutan ng tatay
LAGUNA – Pinugutan ng ulo ang sanggol na lalaki ng kanyang sariling ama sa Brgy. Taft, bayan ng Pakil, sa lalawigan ng Laguna kahapon. Naganap ang insidente makaraan ang pitong araw matapos isilang ang biktimang si Vincent Charles Versoza ng kanyang inang si Jovelle Versoza. Sa ulat ni Senior Insp. Jojo Sabeniano, hepe ng Pakil Police, dakong 11 a.m. nang …
Read More »Pork Barrel unconstitutional
IDINEKLARA ng Supreme Court kahapon bilang unconstitutional ang controversial pork barrel fund o Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga mambabatas. Ipinunto rin ng High Tribunal na illegal ang mga probisyon sa dalawang batas na nagpapahintulot sa Pangulo na gamitin ang Malampaya Fund at President’s Social Fund sa mga layuning hindi kasama sa mandato para sa nasabing mga pondo. Ang …
Read More »Local officials iimbestigahan — Utos ni PNoy (Sa typhoon hit areas)
PINAIIMBESTIGAHAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang posibleng kapabayaan ng mga lokal na opisyal kaya napakalawak ng naging pinsala at libo-libo ang namatay sa hagupit ng bagyong Yolanda sa Easter Visayas. “That is a matter that is subject of investigation. I’d rather have the investigation finished before I accused anybody,” anang Pangulo sa panayam kahapon sa Palo, Leyte. Katwiran niya, …
Read More »Mass graves kapos sa dami ng bangkay
TACLOBAN CITY — Kinukulang na ng lugar na maaaring paglibingan ang lokal na pamahalaan ng Tacloban para sa mga narekober na mga bangkay sa nagpapatuloy na retrieval at clearing operations ng mga awtoridad. Ayon sa ulat, karagdagang 200 bangkay pa ang narekober ng retrieval team sa lungsod, kaya umakyat na sa 800 ang kompirmadong namatay habang 300 iba pa ang …
Read More »EV PNP RD sinibak sa ‘10,000 death toll’
SINIBAK sa pwesto ni PNP chief, Director General Alan Purisima ang regional director na nagsabing umabot sa 10,000 ang bilang ng mga namatay sa super typhoon Yolanda sa Easter Visayas Region. Pansamantalang ilalagay sa Camp Crame si Police Regional Office (PRO) 8 Director, Chief Supt. Elmer Soria. Matapos ang kontrobersya, agad nagpalabas ng order si Purisima para sibakin si Soria …
Read More »200 pugante sa Tacloban tinutugis na
PUSPUSAN ang paghahanap ng mga awtoridad sa 200 preso na pumuga mula sa Tacloban City Jail sa kasagsagan ng pananalasa ng super typhoon Yolanda. Inatasan na ni DILG Secretary Mar Roxas si PNP Region-8 Director Elmer Soria na pag-ibayuhin ang paghahanap sa mga nakatakas na ang iba ay may mabibigat na kaso. Inabisohan na rin ang mga chief of police …
Read More »Int’l media binira si Aquino
BINATIKOS ng mga miyembro ng international media na nag-cover sa epekto ng super typhoon Yolanda sa Visayas, ang administrasyong Aquino sa mabagal na distribusyon ng relief goods para sa mga biktima ng kalamidad. Sa post ni Anderson Cooper ng CNN sa kanyang Twitter account nitong Nobyembre 12, ‘there is no real evidence for organized recovery or relief” sa Tacloban City. …
Read More »Yolanda update 2,357 patay
UMAKYAT na sa 2,357 ang bilang ng kompirmadong mga namatay sa pananalasa ng bagyong Yolanda sa Visayas. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), bukod sa naturang bilang, nasa 77 pa ang nawawala habang nasa 3,853 ang nasugatan. Karamihan sa mga namatay ay mula sa lalawigan ng Leyte lalo na sa lungsod ng Tacloban. Nasa 1.7 milyon …
Read More »6 patay, 44 sugatan sa EDSA loading zone (MGP Bus sinalpok ng Elena Bus)
ANIM ang patay makaraang araruhin ng pampasaherong bus ang loading bay sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) sa Magallanes, Makati City kahapon ng umaga. Sinabi ni Makati City police chief, Supt. Manuel Lucban, Jr., sinalpok ng Elena Liner Bus (TXN 191) ang MGP Trans bus (NXV 350) at sinagasaan ang ilang pasahero sa loading bay sa EDSA-Magallanes southbound lane. Limang …
Read More »