Thursday , May 2 2024

Danny Vibas

Ian, dinedma ang birthday ni Nora: Hiniling na bigyan ng pagkakataong maalagaan siya

HINDI sumipot si Ian de Leon sa pa-birthday party ng ina n’yang si Nora Aunor noong Biyernes, Disyembre 11 sa Alfred’s Steak House sa Quezon City. Noong Linggo, Disyembre 13, inamin n’yang hindi totoo na dahil sa masakit na gout n’ya sa paa ang dahilan kung bakit siya ‘di nakapunta: sinadya n’yang ‘di pumunta. Ginawa ni Ian ang pagtatapat sa isang livestream session sa YouTube channel …

Read More »

Elijah Canlas, inisnab ng PPP4 (Special Jury Award, pampalubag-loob?)

SPECIAL Jury award for Performance in a Lead Role ang iginawad kay Elijah Canlas sa pagtatapos ng Pista ng Pelikulang Pilipino 4 pero ang entry n’yang He Who is Without Sin ang kumita nang pinakamalaki kaya nagwagi rin ito ng Audience Choice Award. Noong Sabado ng gabi, Oktubre 12, ipinalabas sa Facebook page at You Tube channel ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang awards ceremonies ng PPP4 na pre-taped na sa …

Read More »

Kinainisang ugali ng staff kay Vice, susi ng kanilang tagumpay

Vice Ganda

MABILIS magalit at maiksi ang pasensiya. Ganyan daw si Vice Ganda, ayon mismo sa tatlong staff members niya na itinuturing ding mga kaibigan ng comedian-TV host. Ang tatlong ‘yon ay ang hairstylist na si Buern Rodriguez, ang make-up artist/road manager na si Glorious Asaral, at road manager/personal assistant na si Remigio “Erna” Piano. Kabilang sila sa Team Vice, tawag ng It’s Showtime host sa staff n’ya …

Read More »

Pia Wurtzbach, sa mga kumokondina bilang Woman of the World 2020: Okey lang, may mga nakakakita naman ng mabubuti kong ginagawa

DINAMDAM ni Pia Wurtzbach ang walang pakundangang pagsasabi ng ilang netizens na ‘di n’ya deserve ang ipinagkaloob sa kanya na Woman of the World 2020 award ng isang organisasyon sa Dubai, Middle East. At dahil sa pagdaramdam n’yang ‘yon, sinagot n’ya ito sa Instagram. Pero as usual, dahil Miss Universe 2015 siya, napakadisente pa rin ng paraan n’ya ng pagsagot sa kanila. Pasakalye n’ya (published as is): “I usually dont like answering them but I …

Read More »

Pinoy Idols, sumasagip ng buhay ng tao at aso

MATITINDI talaga ang Pinoy idols. Ibang klase sila. Hindi sila sumasagip ng buhay sa pamamagitan ng pagpa-fundraising para ipantulong sa madla sa panahon ng kalamidad at pagdarahop na dulot ng pandemya, literal din silang sumasagip ng buhay ng isang tao na literal na nalulunod sa gitna ng literal na dagat. Ganoon ang ginawa ni Rachel Peters, ang Miss Universe Philippines 2017 na sinuong …

Read More »

John Lapus, ipinagtapat kung paano nalampasan ang pagkakaroon ng autophobia

KUNG mag-isa lang talaga  kayong namumuhay, at ni isang kasambahay, ay wala kayong kasama, huwag n’yong ilihim sa malalapit n’yong kaigan na ‘di na kayo nakatutulog dahil sa takot at sa kalungkutan. Most likely ay may magagawa sila sa panahong ito para maibsan ang takot at kalungkutan n’yo. ‘Yan ang payo ng komedyanteng si John “Sweet” Lapus na umamin kamakailan na mayroon …

Read More »

Wendell at Dell Savior Ramos, pangatlong mag-amang gaganap na bading

MAITUTURING na ring makasaysayan ngayong 2020 at panahon ng pandemya, ang paggganap na ng mag-amang Wendell Ramos at Dell Saviour Ramos.  Actually, sila ang pangatlong mag-amang aktor na gaganap na bahagi ng LGBTQ. Pero ang naunang mag-ma na gumanap na bading ay nangyari  maraming taon na ang nakalipas. At ang pagganap nila ay sa magkakahiwalay na taon. ‘Di gaya ng sa mag-amang Wendell …

Read More »

Isang Boys Love at tungkol sa healing priest, pinaka-interesting entries sa 2020 MMFF

SA sampung entries sa paparating nang 2020 Metro Manila Film Festival, dalawa ang masasabing super-interesting dahil sa pagiging ‘di nila typical bilang Pamaskong pelikula: ang The Boy Foretold by the Stars at ang Suarez: The Healing Priest. BL (Boys Love) story ang unang nabanggit na pelikula at may suspetsang hindi papatulan ng madla ang kuwento ng mga batang lalaking nag-iibigan lalo na kung may …

Read More »

YT subscriber ni Ivana Alawi, lagpas na ng 10 milyon sa loob lamang ng 14 mos.

ANG tindi pala talaga ng pang-akit ni Ivana Alawi! Sayang at hindi na humabol pa sa deadline ng paparating na Metro Manila Film Festival ang entry sana nila ni Vice Ganda na Praybeyt Benjamin 3 na co-production sana ng Viva Films at Star Cinema.  Mantakin n’yo bang umabot sa lagpas ng 10 milyon ang subscribers n’ya sa You Tube sa loob lamang ng 14 buwan! Pwedeng ang ibig sabihin niyon …

Read More »

Dating member ng K-pop na The Boyz, bida na sa isang BL movie

NOONG 2012 pa pala nagsimulang magkaroon ng BL (Boys Love) films at drama series sa South Korea. Pero parang hindi na pa-publicise ang mga ‘yon dahil marahil sa konserbatismo ng mamamayan ng South Korea at dahil na rin marahil sa hindi sikat ang mga artistang gumaganap. Pero ngayong 2020, biglang may ipina-publicize sa mga K-pop websites na dalawang BL drama …

Read More »

Brad Pitt, namahagi ng ayuda sa mga pobre sa LA

SUPERSTAR na superstar pa rin, kundi man megastar na, ang reputasyon ni Brad Pitt. Kahit wala siyang ginawang pelikula bilang aktor ngayong 2020, sinusubaybayan pa rin ng Hollywood media ang mga pinagkakaabalahan n’ya off-camera. At isa roon ang naganap kamakailan lang: nagmaneho siya ng isang truck na pinuno n’ya ng kahon-kahong groceries, dinala ang mga ‘yon sa South Central sa Los …

Read More »

Lea Salonga, nagalit sa isang self learning module (Mga taong may tattoo, itinuring na kriminal)

BUTI naman at may panahon at malasakit si Lea Salonga na punahin ang klase ng mga learning modules na ipinagagamit sa mga kabataang estudyante sa panahong ito ng homestudy system sa bansa dahil sa pandemya. Nagbuga sa Instagram n’ya ng ngitngit ang pangunahing Broadway actress-singer sa bansa  tungkol sa lumaganap na learning exercise sa Araling Panlipunan (Social Studies) na nakasaad, na ang mga taong …

Read More »

Pia, balik-‘Pinas na; Sarah at ina, nagkaa-ayos na?

NAGKAAYOS na siguro ang ina ni Pia Wurtzbach at ang nakababatang n’yang kapatid na si Sarah Wurtzbach kaya nagpasya siyang bumalik na ng Pilipinas. Ang mga nakagugulantang na akusasyon ni Sarah kay Pia at sa kanilang ina ang dahilan ng biglang pagbalik ni Pia sa London, England mula sa Pilipinas noong kalagitnaan ng Oktubre kahit na kauuwi lang niya mula  noong huling linggo ng …

Read More »

Papa P, tampok sa International lifestyle magazine na Vulcan 

PANG-PANDEMIC si Piolo Pascual. And by “pandemic” we mean “global” and “international.” Tampok si Papa P sa international lifestyle magazine na Vulkan (at may “k” talaga ang pangalan ng babasahin, hindi “c”), kasama ang ilang international celebrities. Mas picture magazine ang Vulkan kaysa textual kaya, siyempre pa, naka-play up talaga sa isang picture ang kaseksihan ng Pinoy actor na binansagang “Papa P.” May paniniwalang kaya …

Read More »

Kondisyon ni Ruffa para payagang mag-aral-abroad si Lorin–Study self-defense, attend a Bible study

HINDI pera ang problema ni Ruffa Gutierrez sakaling seryosohin ng anak n’yang panganay na si Lorin Bektas, 17, na sa ibang bansa ipagpatuloy ang pag-aaral. Hindi limitadong allowance ang kondisyong ipinahayag n’ya kamakailan para payagang sa abroad magkolehiyo si Lorin. Nilinaw pa nga n’yang ni hindi na n’ya kailangang humingi pa ng permisyon sa ama ng mga anak n’yang si Ylmas Bektas tungkol sa mga …

Read More »

Pia Wurtzbach, iwas-media, iwas madla pa rin

Pia Wurtzbach

NAMAMAYAGPAG sina Catriona Gray at Gloria Diaz, pero iwas-media at iwas-madla si Pia Wurtzbach. Nagtatago ba si Pia sa media at sa madla? Hanggang kailan kaya gagawin ito ng Miss Universe 2015? ‘Di kaya siya biglang malaos sa kakatago n’ya? Mauungusan na naman siya ni Miss Universe 2018 na si Catriona. Nagsimula ang pagtatago ni Pia noong October 11, nang lumabas sa Instagram ang ratsadang panlalait sa kanya at …

Read More »

Piolo at Maja, ‘di exclusive sa Brightlight Productions

‘YUNG mga ibinabalita sa mga website na mga artistang lumipat sa TV5 ay hindi sa TV5 nakakontrata, kundi sa Brightlight Productions.   Nilinaw na rin ni Mr. Albee Benitez, big boss ng Brightlight, noong grand media conference ng blocktime shows ng kompanya sa TV5, na hindi exclusive ang kontrata ng mga artista sa kompanya n’ya para nga malaya silang makatanggap ng trabaho sa alinmang …

Read More »

BTS, binoboykot sa China

MAY ilang kapitalista sa China na binoboykot ang Kpop band na BTS ng South Korea dahil lang sa isang gratitude speech ng leader nitong si RM na may kinalaman sa panggigiyera noon ng North Korea sa South Korea.   Sa nasabing panggigiyera, na binansagang Korean War, sinuportahan ng China ang North Korea at ang Amerika naman ay ang South Korea.   Binigkas ni RM …

Read More »

Liza, hinikayat na idemanda ang “troll” na nagbansag sa kanya ng Komunista

Liza Soberano

NASA Amerika pa si Liza Soberano, kasama ang boyfriend n’yang si Enrique Gil, habang isinusulat namin ito at mainit siyang pinag-uusapan dito sa Pilipinas.   Nasa Amerika sila para alagaan ang maternal grandmother ni Liza na may sakit.   Matinding pinag-uusapan si Liza rito sa Pilipinas dahil sa bintang sa kanya ng pinaghihinalaang isang troll (taong bayaran para manirang puri sa mga …

Read More »

Pia Wurtzbach, ‘di sumipot sa Queentuhan

Pia Wurtzbach

FOR the first time mula noong naging host siya ng online weekly talk show na Queentuhan, hindi nakasipot si Miss Universe 2015 Pia Wurtz­bach  noong gabi ng Martes, October 13. (Queentuhan na letter “u” ang gamit, hindi “o,” dahil may ibang online show na Queentohan ang titulo at iba rin ang mga host ng show.) Co-hosts ni Pia sa Queentuhan ang kapwa beauty queens n’ya at mga kaibigang sina Bianca …

Read More »

Sarah, may mental issue nga ba? (Panunumbat kay Pia, tuloy pa rin)

MAY pinagdaraanan ang nakababatang kapatid ni Pia Wurtzbach na si Sarah Wurtzbach na nagbunsod para batikusin sa Instagram ang Miss Universe 2015 sa apat o limang sunod-sunod na posts pero biglang nakiusap sa publiko na itigil ang pamba-bash sa kapatid na reaksiyon lang naman nila sa paratang ni Sarah sa ate n’ya at sa ina nilang si Cheryl Alonzo Tyndall. Nasa London si Sarah, pati na ang kanilang …

Read More »

Pia, deadma sa patutsadang ‘ghost’ ni Miss Columbia

ANG bait at ang ganda talaga ng breeding ni Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach.   Hindi n’ya pinatulan ang mga patutsada sa kanya ng tinalo n’yang Miss Columbia 2015 na parang multo (“ghost”) lang daw ang Bb. Pilipinas Universe noong panahon ng pageant sa Las Vegas, USA.   Ganoon ang paglalarawan ni Ariadna Gutierrez kay Pia sa isang interbyu sa kanya kamakailan. At kaya naman n’ya tinawag …

Read More »

Magkapatid na Cathy at AJ, magkakademandahan; Caridad, ‘di totoong may dementia

NAWA’Y sa paglaon ay magkasundo rin ang dalawang anak ng retired actress na si Caridad Sanchez. Nagkakairingan sa ngayon si Cathy Babao, isang grief counselor at Philippine Daily Inquirer columnist, at si Alexander Joseph Babao, bunsong kapatid ni Cathy. Si AJ (palayaw ni Alexander Joseph) ang matagal nang kasama ni Caridad sa bahay ng pamilya. Nagalit si AJ sa ate n’ya dahil ibinalita nito sa PDI na …

Read More »

Docu ng buhay ni Jake Zyrus, nominado sa International Emmy Awards

MAGKAROON kaya ng panibagong sigla ang career ni Charice Pempengco bilang Jake Zyrus kung manalo sa International Emmy Awards sa Nobyembre ng taong ito ang dokumentaryo tungkol sa buhay n’ya na may titulong Jake and Charice?   Nominado ang dokumentaryo sa kategoryang “art programming,” kasama ang tatlo pang iba mula sa iba’t ibang bansa.   Officially ay hindi entry ang Charice and Jake buhat sa Pilipinas kundi buhat sa …

Read More »

70 kongresista, sinisi sa pagliit ng kita ng MTRCB

Apatnapung porsiyento ang ini-expect ng Movie abd Television Review and Classification Board (MTRCB) na mababawas sa kita nila ngayong 2020 dahil sa pagkawala ng broadcast franchise ng ABS-CBN na napakalaki pala ng ibinabayad na review fees taon-taon sa nasabing ahensiya ng gobyerno. Gayunman, isang dahilan din ang pagsasara ng mga sinehan dahil sa Covid-19 kaya lumiit ang kita ng MTRCB.   Mismong ang MTRCB …

Read More »