Sunday , May 19 2024

Danny Vibas

Katotohanan, magliligtas kay Julia

NEVER na pinagbintangan ni Bea Alonzo si Julia Barretto na inagaw si Gerald Anderson sa kanya bilang boyfriend. Kung babalikan natin ang mga Instagram post ni Bea, madidiskubre nating ni parunggitan si Julia ay ‘di ginawa. Sa totoo lang, walang panahon si Bea para kay Julia. Ang inuusig n’ya ay ang ngayong ex-boyfriend n’yang si Gerald na basta tumigil na lang sa pakikipag-usap sa kanya. Si Gerald ang …

Read More »

Hiwalayang Julia-Joshua, for real o pang-promo?

DAHIL ba gumagawa pa rin naman pala ng pelikula bilang magkatambal sina Julia Barretto at Joshua Garcia, sapat na pruweba na ba ‘yon na sila pa rin naman? Biglang may mga nagdudang hiwalay na ang mag-sweetheart dahil sa misteryosong ‘di pagbanggit ni minsan man lang ni Julia sa pangalan ng kilala ng madla na boyfriend n’yang si Joshua noong sumagot siya sa vlog …

Read More »

Iza, ibinando ang mga kamot sa tiyan

NAG-POST si Iza Calzado sa Instagram n’yang @missizacalzado kamakailan ng litrato n’yang naka-bikini siya at kita ang mga cellulite, stretch mark, at loose skin sa katawan at hita n’ya. Naghahanda na ba siyang mag-quit sa showbiz at maging dakilang housewife at plain Mrs. Ben Wintle na lang? O gusto na ba n’yang maging ang komedyanteng Pinay na may pinakamagandang mukha? Gusto na ba n’ya ng …

Read More »

Dimples, Eula Valdez in the making

DOMINATED din pala ng Kapamilya Network ang afternoon block. Ang laki-laki na rin ng bilang ng sumusubaybay sa Kadenang Ginto na ang time slot ay kasunod ng It’s Showtime. Sa tindi ng following ng show, hindi ito tinapos noong March. Sa You Tube pa lang ay 8 million na ang subscribers ng Kadenang Ginto. Ipinakikita sa isa sa mga You …

Read More »

Kris, ‘di balansyado ang buhay

HINDI pa rin balansyado ang buhay at kamalayan ni Kris Aquino kaya dumaranas pa rin siya ng pisikal na pagka-out of balance. Kamakailan ay naibalita n’ya sa kanyang Instagram na na-out-of-balance siya at nahulog sa mababa n’yang kama. Kinailangan n’yang tumuntong sa kama pagkalabas n’ya ng banyo. Tumuntong siya at na-out-of-balance. Dahil nasa loob siya ng kuwarto, walang nakarinig sa …

Read More »

Nadine, ‘di sabik palitan si Liza sa Darna

PARANG interesado rin naman si Nadine Lustre na gumanap na Darna, pero hindi naman siya pumopormang atat na atat na mapunta sa kanya ang role na bale tinanggihan na ni Liza Soberano dahil sa payo ng doktor n’ya. Mahihirapan ang contract star ng Star Cinema na girlfriend ni Enrique Gil na gawin ang mga stunt ng pelikula na maraming action scenes dahil crime-fighting superheroine ang legendary  komiks character na Darna. …

Read More »

Juday, dapat pamarisan; Yohan, ‘di pa pwede mag-social media

KAPURI-PURIang desisyon ni Judy Ann Santos na huwag muna n’yang payagan ang anak na si Yohan na magkaroon ng kahit na anong social media account. Hintayin muna ni Yohan na tumuntong siya ng 18 years old bago siya makapag-Facebook. Fourteen years old pa lang si Yohan. Pinapayagan naman ni Juday na gumamit ng internet ang anak ‘pag nagri-search para sa school assignments n’ya, pero …

Read More »

Liza, may sagot sa mahaderang fan

NAKATIKIM ng taray ang isang mahaderang netizen mula sa basically ay sweet naman na si Liza Soberano. Mahirap limiin kung fan o basher ng lead actress ng Alone/Together ang netizen na ‘yon. Kung fan siya, bakit ang taray naman n’yang magsermon sa girlfriend ni Enrique Gil.  Napag-alaman ng netizen na nagbabakasyon sa Bali, Indonesia si Liza, kasama si Enrique, at isang nakababatang kapatid ni Liza. …

Read More »

Greta to Dani: Ano ako, multo?

PARANG kulang sa pangaral ng ina si Dani Barretto na unang anak ni Marjorie Barretto. Kung kailan engaged na siyang magpakasal, at saka pa umaasta si Dani na parang pinalaki siyang mag-isa ng ina n’ya at walang itinulong ang ama n’ya o kahit na ang mga kapatid at kaanak ng nanay n’ya. Dinamdam ng mga tiyahin n’yang sina Gretchen  at Claudine Barretto ang vlog (video blog) …

Read More »

Gerald Santos, bongga na kung mag-concert

PAGLULUTO ng chicken-pork adobo at sinigang ang isa sa mga natutuhan ni Gerald Santos habang nasa London at gumaganap siyang  Thuy sa Miss Saigon (na tumagal ng dalawang taon). Oo nga pala, alam n’yo na sigurong narito sa Pilipinas sina Gerald at Aicelle Santos mula sa halos isang taon na pamamalagi sa London, England at sa iba pang European countries (gaya ng Germany at Switzerland) bilang miyembro …

Read More »

Korina, super enjoy sa pag-aalaga sa kambal

GAANO karami kaya ang naipon ni Korina Sanchez na advanced episodes ng kanyang well-followed news magazine show na Rated K sa Kapamilya Network? Alam n’yo na sigurong halos isang buwan na sa US ang mag-asawang Korina Sanchez at senatorial candidate na si Mar Roxas. At batay sa mga ibinabalita ni Korina sa Instagram posts n’ya, parang ‘di siya nagmamadaling makabalik …

Read More »

Nadine, mangunguna sa paglilinis ng karagatan

SERYOSO pala talaga si Nadine Lustre na makiisa sa pag-aalaga sa  karagatan. Willing talaga siyang maglaaan ng oras sa advocacy na ito. Nitong nakaraang Sabado lang, nag-time-out muna si Nadine sa pagpo-promote ng upcoming movie n’yang Ulan para makasampa at makaikot siya sa Rainbow Warrior na isang barko ng international environmental group na Greenpeace na kasalukuyang nakadaong sa Maynila. Layon …

Read More »

Karla, may hiling sa fans ng KathNiel

Kathniel karla estrada

“H uwag tayong manghimasok sa private life nila,” pa-sweet na payo ni Karla Estrada sa media at sa fans sa isang press conference kamakailan. At ang “nila” na pinatutungkulan n’ya ay ang anak na si Daniel Padilla at ang real-life girlfriend at ka-loveteam nitong si Kathryn Bernardo.  Pagmamalasakit ba ‘yon kina Daniel at Kathryn o kayabangan? O kawalan ng pag-a-analyze ni Karla kung paano nanatiling …

Read More »

Liza, Janella, at Julia, sosyal magpurihan

NAGPURIHAN sa isa’t isa kamakailan sina Liza Soberano, Julia Barretto, at Janella Salvador. Sina Angelica Panganiban, Kim Chiu, at Bela Padilla naman ay nagpalagay ng tuldok na tattoo bilang sinyal ng pagiging malapit na magkakaibigan. Okey lang na magpurihan ang mga celebrity sa isa’t isa para mabalanse naman ang parang ‘di mapipigil na pamba-bash ng netizens sa kanila. Pamba-bash na …

Read More »

Jessy, handa nang maging ina… pagpapakasal kay Luis, ‘di pa handa?

PAGIGING ina na ng mga magiging anak nila ang pinag-uusapan ngayon nina Luis Manzano at Jessy Mendiola. Hindi kasal, kundi pagkakaroon ng mga anak! Mukhang balak nilang magkaanak muna bago magpakasal—kung magpapakasal nga. Mas madali kasi ang magkaanak kaysa magpakasal. Lalo na kung sa simbahahan ang kasal, napakaraming preparasyon ang kailangan kaysa magsiping na lang muna at maghintay na magka-baby after eight months. Sa …

Read More »

Kinabukasan ni Tony, ‘wag sirain

KUNG isa kayong balikbayan na nilayasan na ang America dahil wala naman kayong nakikitang magandang kinabukasan sa pagkalaki-laking bansa na ‘yon, maiintindihan n’yo kung bakit nagalit si Tony Labrusca noong ayaw siyang bigyan ng isang taon na permit na manatili sa Pilipinas pagkagaling n’ya sa US. Sa Pilipinas siya may nakikitang magandang kinabukasan. May mga project na ang KapamilyaNetwork para sa kanya …

Read More »

Sarah, survivor ng pressures sa career at lovelife

Sarah Geronimo

SA pagpapatuloy ng ating column ukol sa listahan ng pinakamaiinit na bituin ng Pinoy Showbiz. 8. Pambansang kabadingang bisyo pa rin si VICE GANDA. Tinatalo ng Fantastica n’ya sa box office ang combined stardom ng FPJ’s Ang Probinsyano at Eat Bulaga. Ayon sa ulat ng isang entertainment website, si Vice talaga ang Box Office King/Queen mula pa noong 2011. Tanggap na tanggap ng madlang Pinoy ang …

Read More »

Showbiz Psychiatrist, nagbigay ng tips sa mga nabu-bully

Dr Randy Dellosa

MAY tips pala ang showbiz psychiatrist na si Dr. Randy Dellosa sa mga kabataang binu-bully. Ipinaskil n’ya ang tips sa Facebook (FB) account n’yang Randy Misael Dellosa.  “Showbiz Psychiatrist” ang bansag sa kanya dahil sa kanya ipinakonsulta ni Kuya ng reality show na Pinoy Big Brother sa ABS-CBN ang housemates na nagkakairingan habang nasa loob ng Bahay ni Kuya. Pero …

Read More »

Bea, may kidney failure

NAKATUTUWA naman si Bea Rose Santiago, ang Pinay na Miss International 2013. Siya na nga ang nanganganib ang buhay, siya pa itong nag-aalala at nagbabahala sa madla. May malubhang sakit sa kidney si Bea. “Kidney failure” ang tawag sa Ingles sa kondisyon n’ya. Siya mismo ang gumamit ng mga salitang “kinda have a kidney failure” sa paglalarawan sa malubha n’yang karamdaman. Gaano ba kalubha? Nabubuhay …

Read More »

Lotlot, Iza, pinakasalan kahit may mga edad na

Lotlot de Leon Iza Calzado

BASTA’T maayos pa rin ang pagkatao at hitsura ng isang babae, at kahit halos 40 years old na, o lagpas na siya sa edad na 40, may lalaki pa ring pakakasalan siya. At ang very recent na ebidensiya ay sina Lotlot de Leon at Iza Calzado na ikinasal ngayong Disyembre. Noong Dec. 18 lang ikinasal si Lotlot sa negosyanteng Lebanese na si Fadi El Soury sa …

Read More »

Kathryn, may magandang New Year’s resolution

NAGSIMULA na ba kayong mag-sip ng tungkol sa gusto n’yong maging New Year’s resolution? Baka gusto n’yong tularan ‘yung “three words to forever” ni Kathryn Bernardo na walang kinalaman sa pelikula niya with Sharon Cuneta at Richard Gomez na ang titulo ay Three Words to Forever. Ang kay Kathryn ay, “I am sorry.” “We think that whenever we say sorry, …

Read More »

Neri at Chito, ‘di nagpapakialamanan ng negosyo

Neri Naig Chito Miranda

  Maganda ring gawing New Year’s resolution ang kasunduan ng mag-asawang Neri Naig at Chito Miranda ng bandang Parokya ni Edgar, may sari-sarili silang negosyo na hindi nila pinagpapa­kialamanan. “Siyempre bilang mag-asawa, hati kami sa lahat. Pero naniniwala kami na mas maganda na may kanya-kanya kaming mga business at income. Iyong mga business ni Neri, sa kanya lang ‘yan at …

Read More »