MANILA — Kasunod ng survey ng pollster na Social Weather Stations (SWS) na nagbigay indikasyon sa paniniwala ng mga Pinoy na palipas na ang problema sa pandemyang coronavirus sa bansa, muling nagbabala ang health experts sa lumalaganap na complacency o pagwawalang-bahala ng publiko, lalo ang mga kabataan, sa pagsunod sa minimum health safety standard na itinakda para mapigilan ang pagkalat …
Read More »Feng Shui sa Year of the Ox 2021
Kinalap ni Tracy Cabrera ITO ang panahon muli para alamin kung ano ang nakalaan para sa atin ngayong may bagong taon tayong hinaharap — batay sa Chinese zodiac — na sinasabing aayon ngayon sa Year of the Ox. At lubhang mahalaga ito makaraang malusutan natin ang halos isang taong pandemya ng coronavirus at gayon na rin ang sunod-sunod na kalamidad …
Read More »Janssen ng Johnson & Johnson mas may benepisyo kaysa ibang bakuna
MANILA — Sa pagkokonsidera ng mga bentaha sa pagpapabakuna ng single-dose Covid-19 vaccine na gawa ng American pharmaceutical company Johnson & Johnson, idineklara ng Department of Health (DoH) na ang nasabing bakuna ay mas mayroong benepisyo para sa Filipinas dahil ang pagbibigay nito ay “operationally simple” kung ihahambing sa mga bakunang inaalok ng ibang drug makers, kabilang ang Sinovac ng China at …
Read More »Babae hinatulan ng 43-taon pagkabilanggo sa pagsalangsang sa hari ng Thailand
HINATULAN ng korte sa Thailand ang isang dating civil servant ng 43 taon at anim na buwang pagkabilanggo sa paglabag sa batas na nagbabawal sa pag-insulto o pagsalangsang sa monarkiya ng nasabing bansa. Napatunayan ng Bangkok Criminal Court na nagkasala ang babae ng 29 bilang ng paglabag sa lese majeste law ng bansa sanhi ng pag-post nito ng mga audio …
Read More »Sino nga ba si Christine Dacera?
Kinalap ni Tracy Cabrera MANILA — Ayon sa ina ng biktimang si Christine Angelica Dacera, pinayagan niyang dumalo sa pagdiriwang ng Bagong Taon ang kanyang anak—kasama ang kanyang mga kaibigan—dahil may tiwala siyang hindi gagawa ng masama ang kanyang supling. Ngunit lumitaw na ang itinuring na mga ‘kaibigan’ ang nagpahamak sa dalaga dahil tatlo lamang umano ang kakilala rito ng …
Read More »Katarungan para kay Christine
THERE may be times when we are powerless to prevent injustice, but there must never be a time when we fail to protest. — Nobel Laureate Elie Wiesel PASAKALYE: Sa National Bureau of Investigation (NBI), minsan dumalo ako sa kanilang press conference para ipresinta ang isang kababayan nating hinuli sa kasong extortion at panloloko sa isang Austalian national na …
Read More »Covid-19 maaaring maging dahilan ng erectile dysfunction sa kalalakihan
CLEVELAND, OHIO — Masamang balita sa kalalakihan — lumilitaw na makasasama ang CoVid-19 sa kalusugang seksuwal ng mga lalaki at posibleng maging dahilan ng erectile dysfunction (ED). Napagalaman mula sa bagong pag-aaral na ang surviving CoVid-19 ay maaaring iugnay sa ED at tinutukoy sa isinagawang research sa tatlong factor ang sinasabing potensiyal na nagbubunsod sa ED sa mga lalaking nagkaroon …
Read More »Vatican citizens mabibigyan na ng Covid-19 vaccine
VATICAN CITY, ROME — Sa kabila ng kawalan ng kompirmasyong mababakunahan na ang Santo Papa Francis ng bakunang likha ng Pfizer at BioNTech, inihayag ng Vatican City State na matatanggap na ang CoVid-19 vaccine doses sa kalagitnaang ng kasalukuyang buwan. “It is likely that the vaccines could arrive in the state in the second week of January in sufficient …
Read More »Lamay bawal sa loob ng bahay — Belmonte
NAGBABALA ang pamahalaang lokal ng Quezon City sa mga opisyal ng barangay at kawani ng punerarya na papatawan ng parusa ang gaganaping lamay sa loob ng tahanan ng mga namatayan dahil ang ganitong mga aktibidad ay maaaring maging dahilan ng pagkalat ng impeksiyon ng coronavirus. Ayon kay QC Barangay Community Relations Department (BCRD) head Ricky Corpuz, ang desisyong hindi payagan …
Read More »Fantastic Beasts ng Harry Potter makikita sa London Museum
MAAARING pamilyar na ang Harry Potter fans sa iba’t ibang halimaw na nasa aklat ni J.K. Rowling na Fantastic Beasts and Where to Find Them ngunit mamamangha sila kung makikita nila nang tunay at harap-harapan sa pagtatanghal ng Natural History Museum ng London sa mga likha ni Rowlings katabi ng mas kilalang mga unicorn, dragon at sirena. Ang exhibit — …
Read More »Babala ni Isko ng Maynila: Bakasyonista dapat magpa-swab test o maharap sa kaso
MANILA — Sanhi ng obserbasyong marami ang bumabalewala sa ipinaiiral na minimum health safety protocol para mapigilan ang pagkalat ng CoVid-19, pinaalalahanan ni Manila mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mga residente sa lungsod na nagbabalik mula sa pagbabakasyon sa mga lalawigan na kailangan silang sumailalim sa mandatory swab test bago tuluyang makauwi sa kani-kanilang tahanan sa Kamaynilaan. Nagbabala si …
Read More »Maaabsuwelto si Durante
The end justifies the means. But what if there never is an end? All we have is means. — American author Ursula Le Guin PASAKALYE: Text Message… May puna ako sa sinabi ng isang senador, matuto na raw tayo sa naging karanasan. Sabi, matuto na tayo sa naranasan natin sa siyam na buwan. Huwag natin daw hayaang pumasok dito …
Read More »‘Second Wave’ ng HIV sanhi ng Covid-19
KUNG pagmamasdan si Rina ay maayos siya at walang karamdaman. May asawa siya at isang 2-anyos na supling at mahilig siyang bumiyahe at mamasyal bukod sa pagiging abala sa kanyang negosyo sa kanilang barangay sa Paco, Maynila. Ngunit sa likod ng kanyang kaaya-ayang panlabas, may dalang trauma ng pang-aabuso si Rina. Noong 15 anyos pa lang siya, isang 30-anyos na …
Read More »Mga nars nabighani sa special delivery mula kay Liam Neeson
ANG pagkilala sa frontliners bilang bayani sa gitna ng pandemya ng coronavirus ay laganap na sa mundo at kahit ang aktor na si Liam Neeson ay nagbigay pugay sa mga nurse at doktor sa pamamagitan ng pagpapadala ng bouquet ng mga bulaklak sa Royal Melbourne Hospital sa Australia. Sadyang nabighani ang hospital staff makaraang matanggap ang ‘surprise delivery’ mula kay …
Read More »Papuri kay Miranda at pagsalubong kay Francisco
ni Tracy Cabrera MAYNILA — May ‘reserbasyon’ si Brigadier General Rolando Fernandez Miranda sa paglisan niya sa Manila Police District (MPD) bilang hepe makaraang magsilbi sa Manila’s Finest sa loob ng walong buwan at 11 araw. Gayonman, sa kabila ng pagiging hepe ng sandaling panahon at sa gitna pa ng pandemyang coronavirus, naging mahusay ang paninilbihan ni Miranda at tunay …
Read More »Mga biktima ng taal, wala pa ring ayuda
Who against hope believed in hope. — Romans 4:18 PASAKALYE: Text Message… Itong si PI DSWD Sec. BAHOTISTA, ang babaho ng pinagsasabi sa pamimigay ng SAP-SAP. Bilasa na nga iyong SAP-SAP e hindi pa namin makuha. Ang dami niyang post sa YouTube, paiba-iba ang sinasabi kung paano makukuha ang bilasang SAP-SAP. Mula March hanggang ngayon (ay) hindi pa rin mabigyan lahat ng …
Read More »Maskaradong rider nagwagi sa Tour de France
SA MASASABING kauna-unahang pagkakataon sa mahabang kasaysayan ng Tour de France, nakasuot ang nagwaging siklista ng kulay dilaw na face mask para pumarehas sa iconic jersey ng kampeon habang nakatindig sa podium para tanggapin ang kanyang tagumpay. Sa kabila ng patuloy na pananalasa ng pandemya ng coronavirus sa bansa, nagpatuloy ang premyadong cycling tournament at may naideklara namang kampeon sa …
Read More »Higanteng Canvas para sa Kabataan ng Daigdig
Kinalap ni Tracy Cabrera NAGPAPABALIK-BALIK sa higanteng canvas na nakalatag sa sahig ng ballroom ng luxury Dubai hotel, layunin ng British artist na si Sacha Jafri na masungkit ang bagong Guinness World Records para sa pinakamalaking art canvas at makalikom ng US$30 milyon para sa health at education initiatives na nakalaan sa mga kabataan mula sa mahihirap na bahagi ng …
Read More »Buntot ng balyena sumagip sa tren
Kinalap ni Tracy Cabrera ISANG runaway metro train sa Holland ang nasagip sa kapahamakan makaraang bumangga ito sa isang stop barrier ngunit humantong sa higanteng eskultura ng buntot ng balyena para mapigilang lumaglag sa 10 metro ng tubig sa kanal — napatigil ang harapang bagon ng tren na nakabitin sa hangin habang nakatuntong sa buntot ng balyena. Walang pinsala o …
Read More »Buwis sa pagkain ng karne hiniling ng mga siyentista (Para sa pagsugpo ng pandemya)
MAGUGUSTUHAN kaya ng mga Pinoy ang pagpataw ng buwis sa livestock production at pagkonsumo ng karne — sa gitna ng pandemyang coronavirus, paghina ng ekonomiya, at iba pang mga problemang kinakaharap ng ating bansa? Ngunit ayon sa mga international health expert, makabubuti kung ang ating mga policymakeray pag-iisipan ang pagpataw ng ganitong uri ng buwis para mabawasan ang banta …
Read More »Babae gumasta ng US$120,000 o P6-M para sa tattoo (Puting mata ginawang asul, dila hinati sa gitna)
Kinalap ni Tracy Cabrera ISANG babae sa Australia ang gumasta ng US$120,000 o katumbas na P6 milyon para sa body modifications upang magbagong-anyo mula sa isang blond-haired teen patungong “blue eyes white dragon.” Ibinahagi ng 25-anyos na si Amber Luke sa kanyang selfie sa Instagram Stories sa ilalim ng caption na — “body modification is the ultimate form of self-expression” — …
Read More »‘My Way’ nina Isko at Jonvic
I PITY our parents and students who are trying to go through online schooling while being disturbed by karaoke noise in the background. — Manila mayor Isko Moreno BAWAL na ang paggamit ng karaoke sa Maynila — kaya iyong mga adik kumanta (tulad ng pinsan ng misis kong si Ernesto), itabi n’yo na ang inyong mikropono dahil ipinagbabawal na …
Read More »Pinakamatandang alak sa mundo nais ba ninyong matikman?
ANG sabi nila, hindi raw napapanis ang alak — pero kung kayo ang tatanungin, iinumin n’yo kaya ang alak sa bote na sinasabing pinakamatandang botelya ng wine sa buong mundo? Tiyak na magdadalawang-isip kayo para inumin ito dahil ang sinasabi naming bote ng alak na kung tawagin ay Speyer wine bottle o Römerwein, ay sa kataunyan isang selyadong sisidlan, na sinasabing …
Read More »Marikina magbibigay ng pabuya sa mga huhuli ng daga
SA GITNA ng pandemya ng coronavirus at sa pagsisimula na rin ng panahon ng tag-ulan, inilunsad ng pamahalaang lungsod ng Marikina ang all-out war laban sa sakit na leptospirosis sa pamamagitan ng pagbibigay ng pabuya sa sa mga residenteng makahuhuli ng mga pesteng daga. Ayon kay Marikina vice mayor Marion Andres, isang doktor, ibibigay ang mga pabuya sa mga taong …
Read More »Chess: Bagong Hari ng Pandemya
SA iba’t ibang lungsod sa mundo, nagsasagawa ang mga tao ng malikhaing pamamaraan upang makayanan ang epekto ng mga coronavirus quarantine at kabilang sa mga aktibidad na ginagawa ay balcony singing, workout at iba pang mga gawain para maibsan ang stress at agam-agam. At sa halos pagkawala ng professional sports, pinasok ng mga atleta ang virtual training para mapanatili ang …
Read More »