Monday , December 23 2024

Roldan Castro

Seryeng pagsasamahan nina Alden at Jen, shelved na

HOW true na shelved na ang serye na pagsasamahan nina Jennylyn Mercado at Alden Richards? Totoo ba na naudlot na ang Korean adaptation ng My Love from the Star dahil walang mahanap na tamang kapalit kay Alden? Dahil kumita ang Imagine You & Me ay napagdesisyonan na ‘wag munang ipartner sa iba ang Pambansang Bae. Napabalitang si Jake Ejercito ang …

Read More »

John Lloyd at Maja, walang romansang nagaganap

ITINANGGI ng kampo nina John Lloyd Cruz at Maja Salvador na may romansang namamagitan sa kanila. Hindi nga ba si Maja ang tinutukoy na bagong GF ng actor at kapalit ni Angelica Panganiban? Naiintriga ang dalawa dahil sa photo na post ni Maja sa kanyang Instagram account na kasama si JLC at hawig ang pose nila sa How To Be …

Read More »

Osang at Angel, may back to back concert

PANALO talaga ang performance ng X Factor USA na si Angel Bonilla sa Hataw Superbodies 2016 sa Music Hall noong July 30 dahil  sinigawan siya ng more. Bigay-todo talaga sa pagkanta si Angel kaya nagustuhan siya ng mga matataray na bading na nanoood ng bikini open. Nabitin sila sa two songs ni Angel. Patikim pa lang ‘yan ni Angel dahil …

Read More »

Mas bata, sexy at Tisay ipapalit kay Maja sa serye ni Coco

USAP-USAPAN ngayon kung bakit nagpaalam na si Maja Salvador sa seryeng FPJ’s Ang Probinsiyano. Ayon sa aming source, noon pa raw  nagpapaalam si Maja sa nasabing serye pero pinipigilan lang ng Dreamscape Entertainment . Hindi kasi bida si Maja sa serye ni Coco Martin gaya ng mga huling nilabasan niya tulad ng The Legal Wife at Bridges Of Love. May …

Read More »

Star for all Seasons, dream makatrabaho ni Juday

AMINADO si Judy Ann Santos na natakot siya na mapanood ang advance screening ng pelikula niyang Kusina na kalahok sa 2016 sa Cinemalaya Independent Film Festival na magsisimula ngayong August 5 at magtatapos sa August 15. “Nandoon kasi ’yung takot ko at kaba kasi ibang-iba siya. Kumbaga, hindi siya ’yung normal na pelikulang ginagawa ko na nagpapatawa ako, ’yung kung …

Read More »

Kris, makikipagtrabaho sa AlDub

MAY mga ambisyosang palaka na AlDub fans na hindi lumagay sa tama. Nakikialam na naman sila at nagpo-protesta sa chism na makakasama umano ni Kris Aquino sina Alden Richards at Maine Mendoza sa isang pelikula. Ano ito sila na lang ba ang magdedesisyon para sa career ng dalawa? Nandiyan sila para sumuporta at hindi mag-feeling manager na magdedesiyon sa career …

Read More »

Joseph, ikinasal na sa theater actress na si Franchesca

BAGO pa ikasal si Joseph Bitangcol noong Sabado, July 30 ay nabalitaan na namin ito sa isang malapit kay Senator Jinggoy Estrada. Kinukuha kasing ninong si Jinggoy kahit nakakulong ito sa Camp Crame. Naging malapit kasi si Joseph sa mga anak ni Senator Jinggoy. Napangasawa ni Joseph ang theater actress na si Franchesca Tonson na nakarelasyon niya mula noong December …

Read More »

Career ni Myrtle, umarangkada nang mawalan ng BF

HAVEY ang career ngayon ni Myrtle Sarrosa kung kailan wala siyang boyfriend. Mukhang nakabuti pa na hiwalay na sila ni Bryan Llamanzares, anak ni SenatorGrace Poe. Bagamat wala silang closure ay aminado siyang marami siyang natutuhan ‘pag tungkol sa love ang usapan. Matured na ang pananaw niya na kung dati ay galit na galit siya kay Bryan ngayon ay nagpapasalamat …

Read More »

PakikipagLampungan ni Coleen sa movie, okey lang kay Billy

AMINADO si Billy Crawford na seloso siya pero naiintindihan niya kung may love scene ang girlfriend niyang si Coleen Garcia. Hindi nga  niya ito binawalan kina Derek Ramsay at Piolo Pascual. Natuwa lang siya na mga kaibigan niya ang kaeksena ng girlfriend. “It’s part of it (work). Part of the story ‘yon. ‘Pag mag-asawa, they make love. It’s part of …

Read More »

Jolo, ayaw kompirmahing nagkabalikan na sila ni Jodi

MATUNOG ang balitang nagkabalikan na sina Jodi Sta. Maria at Vice GovernorJolo Revilla. Madalas silang makitang magkasama. Pero ayon kay Jolo, “Magkaibigan pa rin naman kami.” Mukhang ayaw nang magdetalye ni Vice Gov sa kanilang dalawa. Mabuting tahimik na lang daw kung ano ang namamagitan sa kanila. Pero mukhang may balikan talagang nangyari dahil puwede namang diretsong sabihin ni Vice …

Read More »

Mawala na ang lahat, ‘wag lang ang pamilya ko — Karla

NOONG presscon ng seryeng The Greatest Love ay nabanggit ni Rommel Padilla na si Karla Estrada ang greatest love niya at siya rin ang nang-iwan kay Rommel. “Sabi ba niya?,” bungad na reaksiyon ni Karla nang makatsikahan namin sa set visit ng kanyang sitcom na Funny Ka, Pare Ko. Napapanood ito sa Cine Mo! saABS-CBN TV Plus tuwing Linggo  ng …

Read More »

Miho Nishida, ‘di nakapagsalita nang makaeksena sina Bayani at Karla

NAIINTINDIHAN ni Miho Nishida, Big Winner ng Pinoy Big Brother 737 kung bakit nag-voluntary exit si DJ Chacha sa Pinoy Big Brother –Vietnam. “Actually naiintindihan ko siya sa part ng nakalulungkot. Kasi nakaka-overthinking naman talaga sa bahay ni Kuya. Nakaka-overthinking, OT, ‘yung parang nakaka… kahit wala namang nangyayari napapaisip ka ng negative. Nakaka-OT, actually OT, nakaka-OT naman kasi. “Pero ako …

Read More »

Jason, ‘di big star para mag-demand

MARAMI ang nabababawan kay Jason Francisco sa pagseselos niya sa pagkakaroon ng leading man si Melai Cantiveros sa katatapos na We Will Survive. Imagine, hawak lang naman ang ganap kina Melai at Carlo Aquino sa serye pero big deal na kay Jason? Isang magaling na actor ang kapareha ng asawa tapos gagawan niya ng big deal? Ang daming artista na …

Read More »

John Lloyd, may bago na raw GF

DALA-DALA pa rin ni Ruffa Gutierrez ang pagiging showbiz talk show host dahil nabanggit niya na may bagong girlfriend na raw ang ex-boyfriend at Home Sweetie Home actor na si John Lloyd Cruz. Wala siyang ibinigay na details dahil magmumukha naman siyang tsismosa. Kung sa tunay na buhay ay may kapalit na si Angelica Panganiban sa puso ni JLC, sa …

Read More »

Pagsasama nina Alden at Jen sa serye, ‘di na tuloy

BIKTIMA ng bashers sa social media si Alden Richards nang mga makikitid ang utak sa pagbisita niya at pagbati ng happy birthday kay Nay Cristy Fermin. May kinalaman siguro ito sa post niya sa Twitter na ”Don’t worry about other people’s opinions of you. God never told you to impress  people, only to love them.” Pati ang kabaitan ni Alden …

Read More »

ABS-CBN, mas pinagkatiwalaan sa paghahatid ng SONA

abs cbn

SA TV man o online, mas pinagkatiwalaan ng mas maraming Filipino ang komprehensibo at malawakang pagbabalita ng ABS-CBN sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong July 25. Ayon sa datos mula sa Kantar Media, nakakuha ng 21.5% national TV rating ang Pangako ng Pagbabago: SONA 2016 special coverage ng pinakamalaking news organization sa …

Read More »

Funny Ka Pare Ko!, ‘di binibitawan ng viewers

MAS pinalaki ang hit show ng ABS-CBN TVplus na Funny Ka Pare Ko!,ang first-ever sit-com sa Philippine digital TV, dahil mas siksik ito sa katatawanan, mga aral sa pera, at ang pagsama ng loveteam na TomiHo sa cast para sa isang family bonding na puno ng good vibes. Umiikot pa rin ang kuwento ng season two ng Funny Ka Pare …

Read More »

Erik gusto nang mag-asawa, Angeline ‘di pa handa

ISA pang pabor sa same sex marriage ay si Angeline Quinto. “Unang-una po ang dami kong kilala na parehong lalaki at babae ikinasal at saka minsan may mga nag-iinvite pa po sa akin na kumanta sa kasal nila, eh, ‘di trabaho rin ‘yun,” deklara niya. Dagdag raket daw ito at dollars pa dahil sa ibang bansa niya ito ginawa. Legal …

Read More »

Same sex marriage, ‘di isyu kay Kean

MAHALAGA ba ang mga bading sa buhay ng isang Kean Cipriano? “Oo naman, sa akin sa buhay ko? Kumbaga, parang  hindi maikukuwento itong istorya  na ito kung hindi siya nanggaling sa mga gay people. Wala kaming istorya sa ‘That Thing Called Tanga Na’ kung walang gay people. Ganoon siya ka-relevant. Mayroon akong brilliant director, you see like  Tito Boy Abunda, …

Read More »

Angeline, okey lang sakaling makapag-asawa ng bading

APAT na bakla ang kaibigan ni Angeline Quinto sa pelikulang That Thing Called Tanga Na. Ito’y sina Eric Quizon, Billy Crawford, at Kean Cipriano. Sa pelikula ay nabuntis siya ng iresponsableng asawa at lalo siyang nabaliw nang matuksalang isa sa mga kaibigang bakla ay naka-one night stand ng asawa niya. Paano kung sa totoong buhay ay madiskubre niyang bakla ang …

Read More »

Alden, walang kinalaman sa P1,000 meet & greet at P700 na per screening ng Imagine You and Me

KAWAWA naman si Alden Richards dahil biktima ng demolition job at gusto siyang pabagsakin ng masasamang espiritu na pailalim kung tumira. Binigyan din ng kulay at intriga ang isang block screening ng Aldenatics. Ginawang isyu at gustong siraan ang image ni Alden na nagpapabayad umano ng P1,000 para sa meet and greet at P700 sa panonood ng Imagine You and …

Read More »

Joshua, nainggit sa pagiging sweet ng KathNiel

REBELASYON si Joshua Garcia nang makasama niya sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo para sa bagong pelikula nila na kinunan sa Barcelona. Nagbiro siyang nainggit sa ka-sweetan ng dalawa. Wala kasi siyang partner doon kaya si Direk Olive Lamasan na lang daw ang niyayakap niya. Bilib siya sa KathNiel dahil inalalayan siya bilang baguhan. Hindi rin siya  nakatitikim pa ng …

Read More »