Saturday , January 29 2022

Osang at Angel, may back to back concert

PANALO talaga ang performance ng X Factor USA na si Angel Bonilla sa Hataw Superbodies 2016 sa Music Hall noong July 30 dahil  sinigawan siya ng more. Bigay-todo talaga sa pagkanta si Angel kaya nagustuhan siya ng mga matataray na bading na nanoood ng bikini open. Nabitin sila sa two songs ni Angel.

Patikim pa lang ‘yan ni Angel dahil may back to back concert sila ng X Factor Israel Grand Winner na si Rose “Osang” Fostanes sa Zirkoh, Tomas Morato, Quezon City sa August 24, 9:00 p.m. entitled Voices …The Concert, Featuring the X Factor Stars. Mas marami pang awitin ang iparirinig ni Angel with Knights Band kasama na ang kanyang winning song sa Discovery Pop Music Festival. Naging representative siya ng Pilipinas at naging second runner up.

Makasasama rin  nila sa concert ang produkto ng X Factor, New MilleniumKilabot ng mga Kolehiyala at 1st Runner-Up sa Your Face Sounds Familiar na si Michael Pangilinan at ang X Factor Philippines /stand-up comedian na siOsang.

Nandiyan din  ang Kapuso star  Marika Sasaki, ang recording artists na sinaIdolito Dela Cruz at Mei Cruz. Tampok din ang all female group na alaga ni Jojo Veloso na The Fabulous Girlfriends at all male group na Brat Boys. Aaliwin din tayo ni Ron Mclean, ang Zero Ground at Four Dimensions.

Para sa ibang detalye, tumawag sa 09053595091.

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Baguhang poging male star nakatanggap ng malaking offer kay dirty old rich gay

HATAWANni Ed de Leon AKALA namin ay hindi bibigay at talagang matino ang isang baguhang poging …

Gladys Reyes Christopher Rojas

Gladys at Christopher dapat tularan (30 taon ng kasal)

HATAWANni Ed de Leon ISIPIN mo 30 years na palang kasal sina Gladys Reyes at Christopher Rojas. Teenager …

NTC ‘di dapat i-bash, pagkuha ng franchise asikasuhin

HATAWANni Ed de Leon ANG ginawang pamimigay ng NTC sa mga dating frequencies ng ABS-CBN sa ahensiya ng Advance Media …

Leni Robredo Boy Abunda

Sa interbyu kay Boy Abunda
VP Leni pinuri sa malinaw at matibay niyang plano para sa bansa

UMANI ng papuri si presidential candidate at Vice President Leni Robredo sa iba’t ibang artista sa pagprisinta …

Mike Defensor

City of Stars itutuloy ni Defensor (‘pag nahalalna mayor ng QC)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ITUTULOY ni Cong. Mike Defensor ang matagal ng plano ng namayapang Master …

Leave a Reply