Wednesday , June 26 2024

Mas bata, sexy at Tisay ipapalit kay Maja sa serye ni Coco

USAP-USAPAN ngayon kung bakit nagpaalam na si Maja Salvador sa seryeng FPJ’s Ang Probinsiyano.

Ayon sa aming source, noon pa raw  nagpapaalam si Maja sa nasabing serye pero pinipigilan lang ng Dreamscape Entertainment .

Hindi kasi bida si Maja sa serye ni Coco Martin gaya ng mga huling nilabasan niya tulad ng The Legal Wife at Bridges Of Love. May mga nakakapansin na dekorasyon lang si Maja sa Probinsyano at parang nasasapawan pa siya sa bigat ng role at exposure ni Bela Padilla noon.

Pero ngayon, maayos siyang nagpaalam dahil baka may offer na rin sa kanya ang ibang unit na bidang-bida siya sa isang serye.

Ayon sa aming source, maraming commitment daw ang natanguan ni Maja kaya kailangan na raw niyang magpaalam sa Ang Probinsyano. Nakakontrata raw kasi siya.

Sino na ang papalit kay Maja at love interest ni Coco?

Magiging regular na kaya si Meg Imperial na love interest ni (Benny) Pepe Herrera at minsan ay pinagseselosan din niya si Coco sa istorya?

How true na mas maganda, bata, tisay, at sexy ang ipapalit kay Maja sa serye?

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Poging BL Star nalaglagan ng poppers at lubricant habang pinagkakaguluhan ng mga faney

ni Ed de Leon IYON namang isang Poging BL Star, nagbakasyon yata sa abroad. Nasalubong siya roon …

Blind Item, Men

Young Male Star madalas sa orgynuman, fave imbitahan sa secret gay parties

ni Ed de Leon NAALALA tuloy namin ang isang tsismis pang narinig namin, iyong si Young …

Ronnie Liang Harry Roque AR dela Serna

Ronnie Liang nadamay lang sa usaping Harry at AR

HINDI naman daw date ang nakita sa video na magkasama sina Ronnie Liang at Harry Roque. Iyon pala …

KDLex KD Estrada Alexa Ilacad

KDLex marami pang proyektong kaabang-abang

HOTTEST Musical Pair ang taguri ngayon kina KD Estrada at Alexa Ilacad o mas kilala sa kanilang tambalang KDLex. Mula …

Kathryn Bernardo Barbie Forteza David Licauco

Barbie sa pagkokompara kay Kathryn—big honor for me, sana makatrabaho ko siya

GRABE pala ang paghanga ni David Licauco kay Kathryn Bernardo. Maging si Barbie Forteza ay wish nitong makatrabaho ang Box-Office …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *