Wednesday , June 26 2024

Non-stop ang smuggling ng luxury cars sa Cebu nina L. Ogarta at Harold

00 Kalampag percyNAGBANTANG papatayin ni Commissioner Nick Faeldon ang sinomang tiwaling opisyal at empleyado ng Bureau of Customs (BOC) na kanyang mahuhuli.

Ilang opisyal at empleyado na may mga dating kinakaharap na kaso ng katiwalian ang ipinatawag ni Faeldon at ang iba sa kanila sa takot ay agad na rin nagbitiw sa serbisyo matapos sibakin sa puwesto.

Pero mukhang minamaliit lang ng iba ang banta sa kontekstong hindi naman tuwirang ibinawal ni Faeldon sa kanila ang magnakaw.

Ang pagkaintindi nila, ang warning na papatayin ay para lamang doon sa mga tanga kaya puwede pa rin namang magnakaw sa pamamagitan ng pakikipag-sabwatan sa mga smuggler.

Katunayan, wala pa namang banta si Faeldon laban sa mga smuggler kaya pwedeng magnakaw at makipagsabwatan basta’t huwag lang pahuhuli.

Ganito nga kaya ang paniwala ng iba kaya tuloy lang ang pamamayagpag ng mga smuggler, sa tulong at pakikipagsabawatan ng mga tiwaling opisyal at empleyado ng Customs?

Halimbawa, sa Port of Cebu ay walang bisa at binabalewala ng mga tiwaling opisyal at empleyado ng Customs ang babala ni Faledon.

Balita natin, non-stop ang smuggling ng imported luxury vehicles ng untouchable tandem nina L. OGARTA at KING HAROLD sa Cebu.

Si L. Ogarta ang broker at si King Harold naman ang importer ng car smuggling sa Port of Cebu.

Masasabing naipamana muna ni Nardong Putik ang mga naipon niyang anting-anting sa mga tiwaling opisyal at empleyado ng Customs sa Cebu bago siya napatay kaya ang paniwala nila ay hindi sila tatablan ng bala ni Faeldon.

Napapalusutan lang kaya nina L. Ogarta at King Harold ang Import Assessment Service (IAS) ng Customs sa Cebu o sadyang may sabwatan sila ng mga smuggler?

Kabilang sa luxury cars na ipinupuslit ng dalawa sa Cebu ay pawang high end edition at latest model na LANDCRUISER, LEXUS at MERCEDES BENZ.

Posible sigurong napapalusutan lang ang IAS kung ang luxury vehicles ay sinlaki ng butil ng mani na magagawang isilid sa bulsa palabas ng Port of Cebu.

Mula sa Cebu Port, ang mga puslit na sasakyan ay ikinakarga sa mga Ro-Ro para ibiyahe papuntang Batangas.

Mainit daw sa North Harbor dahil bantay-sarado sa Batangas ang salida ng mga sasakyan bago ibiyahe sa Maynila.

Ayon sa impormante, UNDERVALUE ang gamit nilang MODUS sa smuggling ng imported luxury vehicles imbes nakabase sa valuation na nakatadhana sa Tariff and Customs Code of the Philippines (TCCP).

Kargado rin ng katakot-takot na mahiwagang kontrabando ang nakapalaman sa bawat puslit na sasakyan na tanging sila-sila na lamang ang nagkakaalaman.

KAILANGAN NI PDU30
SI MORATO SA PCSO

HANGAD ni Pang. Rody Duterte na mapatino ang pamamalakad ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at mailaan sa totohanang pagtulong sa mahihirap ang kita nito.

Kaya naman nahihirapan siyang pumili ng itatalaga dito dahil ang nais ng pangulo ay tama ang kanyang ipupuwesto upang matiyak na ang kita ng PCSO ay mapunta sa mahihirap at kapos-palad at hindi na rin maulit ang mga nangyaring katiwalian sa PCSO.

Simple lang sagot diyan, ibalik niya si dating Chairman Manoling Morato sa PCSO.

Sa panahon ni Morato lumaki ang kita ng PCSO nang itatag niya ang LOTTO sa bansa.

Maraming karaniwang tao ang nakinabang at nakakuha ng prangkisa para makapagtayo ng kanilang LOTTO outlets dahil simple ang mga requirement.

Sayang nga lang dahil binaboy ng mga pumalit sa kanya ang maganda sanang simulain na kanyang naitatag sa PCSO.

Wala tayong nabalitaan na sinomang kapos-palad ang nabigong makakuha o tinanggihan ng tulong sa PCSO sa panahon ni Morato dahil na rin sa simple at mabilis ang proseso.

Talagang nagamit sa wasto at naging sapat ang tulong hindi lamang sa pagpapa-ospital at pagpapagamot, kundi ultimo sa panganganak hanggang sa pagpapalibing ay nagamit ang pondo ng PCSO para matulungan ang mahihirap nating kababayan.

Nababoy lang naman ang pamamalakad sa PCSO pagkatapos mapalitan si Morato.

Kaya kailangan ni PDU30 ang mga tulad ni Morato na mayroon nang napatunayan.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Dapat bang suportahan ni Digong si Imee sa halalan 2025?

SIPATni Mat Vicencio SILIP NA SILIP ang diskarte ni Senator Imee Marcos at halatang ginagamit …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Ang ‘mischievous’ na misis ng Pangulo

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BAGO mag-weekend, isang pahayag kontra kontrobersiya ang umalingawngaw mula …

Sipat Mat Vicencio

Dapat lang sibakin si Migz

SIPATni Mat Vicencio WALANG ibang dapat na sisihin sa pagkakasibak ni Senator Juan Miguel “Migz” …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

General lie

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PINAKAWALAN sa Shangri-La Dialogue ng pinakamatataas na opisyal ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Pananakit ng grupong MANIBELA kay Gonzales, kinondena ng QCPDPC

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKALULUNGKOT ang balita o nangyari kahapon sa kapatid namin sa pamamahayag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *