Friday , June 14 2024

Ayaw nang magpa-cover sa FHM dahil nainsulto nang iretoke ang picture!

Hahahahahahahahaha Ayaw na raw magpa-cover pa sa FHM ang isang somewhat mature ng aktres pero gorgeous and sexy pa rin.

Ang sabi, nainsulto raw nang iretoke ng nasabing publication ang kanyang picture kahit na feeling niya’y okay naman ito.

Well, oo nga naman. The actress has the right to feel insulted because she feels that her curves are in the right places and she’s not in the least bit obese. Hahahahahahahahaha!

Kung mataba siguro siya at maraming bilbil, ‘di siya maiinsulto kung i-photoshop man ang kanyang retrato. But the way things are, okay naman ang kanyang katawan at walang extra poundage na kailangan i-photoshop.

Dahil dito may silent ban sa kanya ang nasabing publication na para sa ami’y fair lang naman.

Pero siyempre, iba naman ang ibibigay niyang reason kung bakit ayaw na niyang i-grace ang cover ng nasabing publication.

Bagama’t hindi naman nagsasalita ang kanyang boyfriend, feeling daw niya’y gusto na niyang grumadweyt sa mga ganong eksena.

Okay lang daw sa mga pelikula but never again on the cover of that magazine.

Ganuned? Hahahahahahahahaha!

‘Yun nah!

DAPAT COOL LANG SI MAINE

Negative ang dating ni Maine Mendoza sa mga netizens at maging sa karamihan ng movie press.

Kaya as you can very well see, her bad press is fast increasing and at the rate things are going, it seems there’s no stopping the netizens from ‘mauling’ her at the net.

Pero naiintidihan namin si Maine. Feeling siyempre niya, graduate na naman siya sa mga ka-cheap-an and she deserves a modicum of respect.

But you are not going to win if you meet them headlong.

The best way to deal with them is to keep your mouth shut and stop answering them.

In short, ignore them and they will just stop. Mapapagod din ‘yan sa pagpapatutsada sa ‘yo if you just maintain a stoic facade.

Ang importante, endorsements are still coming your way unabated and that’s a good sign.

‘Yun lang!

TAMA ANG DESISYON

Tama lang ang desisyon ni Maja Salvador na mag-stop na sa Ang Probinsyano.

Kung dati kasi’y maganda ang kanyang role at sa kanila ni Coco Martin naka-focus ang flow ng story, this time, episodic na ito at halos on a weekly basis na ang pagpapalit ng kuwento.

Dahil dito, naapektohan talaga ang role ni Maja at parang hindi na siya nabibigyan ng tamang highlight dahil kina Onyok, Aura at Ms. Susan Roces na ang focus ng kuwento.

Suffice to say, good decision na mag-exit na siya dahil nahihirapan na rin ang writer ng soap na ibalanse ang kuwento.

If it’s any consolation, Maja has got a new excitement these days in her life. Tipong playing sweet music silang dalawa ni John Lloyd Cruz and that’s veritably exciting.

At least naman, may new focus ang kanyang dati-rati’y very much wanting of excitement na lovelife.

Congrats, Maja. At least, there’s a big possibility that you’ll own a brand new imported car.

Probably a Mercedes Benz.

A Meredes Benz raw, o! Hahahahahahahahahaha!

‘Yun nah!

NO TO DOM

Slow but sure ang climb ni Myrtle Sarroza sa show business.

Nang manalo siya sa PBB, marami ang nag-akalang she’s going to make it big in show business.

Unfortunately, stardom did not come on a silver platter.

Matagal na panahon ang kanyang pinaghintay bago dumating ang suwerteng kanyang pinakahihintay.

Anyway, may mga DOM rin na nag-offer sa kanya ng mga ‘instant’ kaginhawan sa buhay but she was not carried away with their promises.

Decided kasi si Myrtle na kumita ng pera sa malinis na paraan. Liberated nga siguro siyang tao but not to the point of becoming a libertine.

Si Myrtle nga pala ang napiling endorser ng Sisters Sanitary Napkin. At dahil mahusay rin siyang singer, catch her on SM Baguio on Aug. 20, and SM Rosales, Pangasinan on Aug. 21.

Incidentally, the much-awaited Sisters’ Day celebration will be on August 7 and will be held in Starmall Alabang. Myrtle and the Hotlegs will be joined by bubbly Nash Aguas, Joaquin Reyes, John Bermundo, Brace Arquiza and Grae Fernandez.

SOLENN HEUSSAFF MAY KAKAIBANG STYLE!

Makikigulo at magbibigay ng kakaibang style sa katatawanan ang It Girl at Kapuso TV host/actress na si Solenn Heussaff bilang celebrity guest sa nag-iisang improvisational comedy game show ng bansa, ang Laff, Camera, Action! ngayong Sabado (Agosto 6).

Matapos pataubin ng team nina Epy Quizon, Kris Bernal at Dyosa Pockoh ang team ng defending champions last week, maipagpatuloy kaya nila ang kanilang panalo ngayong makakalaban nila ang team nina Kristoffer Martin, Petti at Joyce Ching na bagitong kombinasyon pero asintado ring pasukin ang Grand Champion’s Hall of Famer Circle?

Maging gentle kaya sa kanila ang ating mga MapanghusGANG sina award-winning comedy actor Sef Cadayona, outstanding performer-comedienne-biritera Gladys Guevarra at comedy royalty Direk Caesar Cosme?

Pakatutukan ang makulit na episode ng Laff, Camera, Action! ngayong Sabado (Agosto 6) pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA Sabado Star Power.

Alamin ang latest updates ng Laff, Camera, Action! mula sa official website ng GMA Network www.gmanetwork.com  at sa official Facebook page ng GMA Network www.facebook.com/GMANetwork.

BACK TO BACK – Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Kapuso Fans Day Independence

Kapuso stars lilibutin ang ‘Pinas sa Araw ng Kalayaan

RATED Rni Rommel Gonzales TIYAK na memorable at espesyal ang paggunita sa Araw ng Kalayaan …

Sam Verzosa Yul Servo

VM Yul at Rep Sam magsasalpukan sa pagka-Manila mayor 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAPARAMDAM na ang bofriend ni Rhian Ramos na si partylist representative Sam Versoza sa ilang barangay …

Alden Richards Miss Universe MUPH

Alden ‘di raw pwedeng maging voice talent ng Waze

HATAWANni Ed de Leon NATAWA kami sa isang video sa social media. Hindi raw dapat …

Richard Gomez Lucy Torres

Richard nawala nga ba kagwapuhan at ningning nang pumasok sa politika?

HATAWANni Ed de Leon NATAWAG ang aming pansin ng comment ng dating kasamahang si Ronald Carballo na …

The EDDYS

7th EDDYS sa July 7 na; delayed telecast sa ALLTV sa July 14

MAS maningning at kaabang-abang ang The 7th EDDYS awards night ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ngayong 2024. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *