Friday , July 26 2024

Same sex marriage, ‘di isyu kay Kean

MAHALAGA ba ang mga bading sa buhay ng isang Kean Cipriano?

“Oo naman, sa akin sa buhay ko? Kumbaga, parang  hindi maikukuwento itong istorya  na ito kung hindi siya nanggaling sa mga gay people. Wala kaming istorya sa ‘That Thing Called Tanga Na’ kung walang gay people. Ganoon siya ka-relevant. Mayroon akong brilliant director, you see like  Tito Boy Abunda, My dear friend Vice Ganda na dominating kung ano man ang ginagawa nila,” bungad niya.

May maituturing ba siyang gay na may malaki siyang utang na loob?

“Oo naman. Maraming mababait at magagandang puso na bakla na nandiyan para tumulong sa amin,” tugon niya.

Sinabi rin ni Kean na na-enjoy niya ang role niya sa That Thing Called Tanga Na.” Kahit after shooting ay nadadala niya. Masaya raw ang maging bakla. Kung sa next life niya ay maging gay siya, wala raw problema.

Hindi rin isyu kay Kean ang same sex marriage. Wala naman daw pinipiling rules pagdating sa pag-ibig.

“Kumbaga, hashtags love wins. ‘Yun naman talaga ang pinaka- importante sa mundo. Kung ano ka, kung lalaki ka, babae ka, bakla ka, tomboy ka, aso ka. All is fair in love so for me love wins. Kumbaga, preference naman talaga ng tao ‘yan, eh. At the end of the day it’s is love,” deklara pa niya.

Talbog!

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *