Thursday , July 7 2022

Sakaling magka-apo agad kay Daniel: Walang problema sa amin ‘yan — Karla

BUONG ningning na sinabi ni Karla Estrada na maggi-guest si Daniel Padilla sa last episode ng second season ng kanilang sitcom ni Bayani Agbayani sa CineMo na Funny Ka Pare Ko.

“Oo ini-request ko. I think sa last day namin ng second season. Hindi kasi masingitan ng schedule dahil nga patuloy na nag-su-shooting ngayon from Barcelona na umuwi sila rito,” tugon ng Queen Mother.

Kinuha rin ang reaksiyon niya sa pag-amin nina Daniel at Kathryn Bernardo na exclusively dating na.

“Okay sila. Alam mo nakatutuwa kasi ever since may narinig ba tayong nega tungkol doon sa pagsasama ng dalawa? Bongga naman ‘yun kasi minsan nakatutulong ‘yun sa trabaho, eh. Nakatutulong sa trabaho na nagkakaintindihan kayo at hanggang sa trabaho kayong dalawa ang magkasama. Minsan kasi ‘pag mayroon kang ine-entertain na iba, tapos ‘yun hindi nakauunawa kung anong klaseng trabaho mayroon ka, roon ‘yan nagugulo eh. Nagugulo talaga. So happy ako. Ang importante sa nakikita ko ngayon ay naghihilahan sila pataas. ‘Pag marinig mo silang mag-usap, ‘yung mga plano, maluwag, relaxed, chill lang sila,”  deklara ni Karla.

Nabanggit din na 21 na si DJ, tanggap na ba niya na papasok na talaga ang tinaguriang Teen King sa  mga mature roles?

Feeling ni Karla ay totodo na ito ‘pag 26 na ang anak. Sa ngayon nariyan pa ang mga batang fans ni Daniel.

Buong ningning namin siyang tinanong kung paano kung biglang bigyan siyang nagka-apo kay Daniel. Ready ba siya?

“Hiyang hiya naman ako kasi ako 20 noong nanganak ako (sabay tawa). Minsan masasabi mo lang kung handa ka o hindi ‘pag nandiyan na sa harapan mo, ‘di ba? Siyempre ngayon ‘pag sinabi mo sa akin parang hindi pa … pero kung nandiyan na, kilala naman namin ang pamilya namin, walang problema sa amin ‘yan.

“Si Daniel kasi conservative. Mas pilyo pa ‘yung isa ko, ‘yung sumunod, si Carlito. ‘Yung tipong, ‘Ang ganda ng chicks, Ma.’ Si Daniel hindi mo mariringgan ng ganyan, ayaw niya ‘yung mga kapatid niyang babae humahalakhak na parang nanay niya na parang wala ng bukas. Ayaw niya maigsi ang damit. Pero kung ganoon man, ano’t ano man ang mangyari, andito pa rin ako. Susuportahan ko 100%. No questions at all tulad niyong pagtulong niya sa akin at pag-alaga niya sa buong pamilya namin ng wala ring questions,” deklara pa ni Karla.

Sinabi pa ni Karla na gusto niyang lumaki si DJ na independent man.

As a single mom, Karla said she wants DJ to grow up an independent man. “Siyempre lalo na ako dahil ‘yung lalaki ‘yung sa akin so si Daniel kasi gusto ko tumibay na ang mga buto-buto niya. Pero si Daniel hindi naman lumalabas eh. Ayaw. Homebody. Sobrang homebody. Alam naman nila ‘yun. Ang labas niyon basketball,” sey pa niya.

Boom!

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Pokwang Ella Cruz

Pokwang binuweltahan ng fans ni Ella  

I-FLEXni Jun Nardo KINAMPIHAN pero nabatikos din si Pokwang sa komento niya sa statement ni Ella Cruz na “history …

Blind Item, male star, 2 male, gay

Beki handang suportahan si male star ‘pag mawalan ng trabaho

ni Ed de Leon NAGSABI naman daw ang isang bading na ka-on din yata ng isang male star na …

Ambeth Ocampo Ella Cruz

Pinoy historian umentra sa pasabog ni Ella

HATAWANni Ed de Leon ANG lakas ng tawa namin nang makita sa isang social media …

Tirso Cruz III Johnny Revilla Bongbong Marcos BBM

Tirso Cruz III bagong FDCP chair, Johnny Revilla sa MTRCB

UMAGA pa lang kahapon, July 5 umugong na ang balitang pinalitan na si Liza Dino Seguerra bilang Film …

Euriz Sagum John Rey Malto

Euriz Sagum, handa na sa mundo ng showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SI Euriz Sagum ay 18 taong gulang at kasalukuyang gumagawa …

Leave a Reply