Saturday , December 21 2024

Robert B. Roque, Jr.

Pagkitil sa pagkatao

SA TINGIN ng marami ay hindi dapat balewalain ang lumalaking bilang ng napapaslang sa kampanya ni President Duterte laban sa ipinagbabawal  na droga. Noon ay sinasabing adik at tulak ng droga ang nasasawi pero nitong huli ay may kabataan na rin. Halimbawa rito ang 17-anyos na si Kian delos Santos na lumabas sa awtopsiya na hindi lumaban sa pulis na …

Read More »

Biktima

NARAGDAGAN muli ang talaan ng mga kabataang nasasawi bunga ng karahasan matapos matagpuan ang bangkay ng 14-anyos na binatilyo na si Reynaldo de Guzman alyas “Kulot” sa isang punerarya sa Gapan, Nueva Ecija noong isang linggo. Nakita raw ang katawan ni De Guzman sa isang creek ng mga residente ng lugar. Umabot umano sa 30 saksak sa iba’t ibang bahagi …

Read More »

Nabunutan ng tinik

TOTOONG hindi matatawaran ang mga accomplishment ni Chief Ins-pector Jovie Espenido bilang opisyal ng pulis, lalo na kaugnay ng digmaan laban sa droga. Pero hindi lahat ng naisin ay ating makukuha. Maaalalang si Pre-sident Duterte pa mismo ang nagpahayag na maililipat si Espenido sa Iloilo City nitong 28 Agosto. Pero nagpahayag si Police Regional Office (PRO) 6 Director Cesar Binag …

Read More »

Hustisya

INIHATID sa huling hantungan ang 17-anyos at grade 11 student na si Kian delos Santos noong Sabado, Agosto 26, sa La Loma Cemetery. Inilibing si Delos Santos, mahigit isang linggo makalipas ang malupit na police operation na natapos ang kanyang buhay sa kamay ng mga pulis na hanggang ngayon ay iginigiit na sangkot siya sa ilegal na droga. Pero nanatiling …

Read More »

Nakaaalarma

MAGING ang Senado ay naaalarma na sa lumalaking bilang ng mga nasasawi sa mga isinasagawang operasyon ng pulisya laban sa ilegal na droga. Ang lalong nagpainit sa paksang ito, ang naganap na pagpatay ng mga pulis kamakailan sa 17-anyos na si Kian delos Santos dahil nanlaban umano sa pag-aresto. Nagliliyab sa galit ang maraming senador at pati ang mga kaalyado …

Read More »

Ugat ng problema

NAPAKAINIT na isyu ang kargamento ng ilegal na droga mula China na nagkakahalaga ng P6.4 bilyon na nakalusot sa Bureau of Customs (BoC) bunga umano ng katiwalian ng ilang opisyal. Ito ang pinakamalaking shipment ng shabu na nakapasok sa bansa kaya nararapat masibak ang mga sangkot na opisyal. Pero ayon sa liham ni Zhang Xiaohui, pinuno ng International Enforcement Cooperation …

Read More »

Balewalang karangyaan

ANG pagkakaroon ng sobra-sobrang yaman ng ilang ‘pinagpalang’ nilalang ay madalas hinahangaan at kinaiinggitan din ng maraming tao, lalo na ng mga naghihikahos sa buhay. Hindi nga naman makatatakas sa pagpuna ng ilang maralita ang malapalasyong kabahayan sa malalawak na lupain, naggagandahang sasakyan, nagkikislapang alahas, mamahaling gamit at kasuotan ng tinaguriang “may kaya” sa buhay habang sila ay “isang kahig, …

Read More »

‘Kapag Puno na ang Salop’

TULAD ng pamagat ng isa sa mga pelikula ng yumaong aktor na si Fernando Poe Jr. na “Kapag puno na ang salop” ay napuno at naubusan na rin ng pasensiya si President Duterte sa mga komunista at pati na sa kanilang lider na si Jose Maria Sison. Si Sison na founding chairman ng Communist Party of the Philippines (CPP) ay …

Read More »

Kaligtasan ng pasahero

KASALUKUYANG naghihigpit ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa hindi awtorisadong operasyon ng mga sasakyan ng Uber at Grab na kapwa napaiilalim sa transport network vehicle services (TNVS). Dahil dito ay naglabas ng open letter sa kanyang Facebook page ang CNN Philippines anchor na si James Deakin para kay Transportation Secretary Arthur Tugade. Binatikos ng CNN anchor ang …

Read More »

‘Weather-weather lang’

NGAYON nadarama ni dating President Noynoy Aquino kung gaano kabigat ang mawala sa poder ng kapangyarihan. Nagpahayag si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Pa-nelo na ang panahon ng pagtutuos ay dumating na para sa dating pangulo matapos isakdal ng Office of the Ombudsman dahil sa pagkakasangkot sa pumalpak na operasyon sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 2015. Ayon kay Panelo, walang …

Read More »

Mabilis na hustisya

ISA-ISANG inuubos ang tinaguriang “persons of interest” o mga tao na may kinalaman sa malagim na pamamaslang sa limang miyembro ng pamilya ng security guard na si Dexter Carlos na binansagang Bulacan massacre. Una na rito si Ronaldo Pacinos alyas “Inggo” na sinaksak nang ilang ulit at pinuluputan ng fan belt sa leeg. Pinutulan din ng apat na daliri sa …

Read More »

Masahol pa sa hayup

PAANO nga ba natin mailalarawan ang kalupitan na nagawa ng mga suspek sa pagmasaker sa isang pamilya sa Bulacan na ikinasawi ng limang tao? Nang umuwi ang security guard na si Dexter Carlos sa San Jose del Monte, Bulacan ay binalot siya ng hilakbot nang makita ang hubad at walang buhay na katawan ng asawang si Estrella sa labas ng …

Read More »

Kapalpakan

MALIWANAG na nagkaroon ng malawakang kapalpakan kaya nakalusot ang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) na sumusuporta sa Maute group sa ginawang pananakop sa Marawi City. Unahin natin sa panig ng gobyerno. Hindi maikakaila na nagkaroon ng kapabayaan sa pagkuha ng impormasyon kaugnay ng seguridad ng mga mamamayan at kapaligiran kaya hindi man lamang nila natunugan na kumikilos na …

Read More »

Kongreso sasawsaw sa casino

BALAK ng ilang kong-resista na mailipat sa House of Representatives ang kapangyarihan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) na mag-isyu ng lisensiya sa mga casino. Ito ay ibinunyag ni Majority Leader Rodolfo Fariñas sa isinagawang pagsisiyasat ng House joint committee sa pagwawala na ginawa ni Jessie Javier Carlos sa Resorts World Manila (RWM) noong Hunyo 2. Si Carlos ay …

Read More »

Hanggang saan tatagal ang Maute?

GAANO katatag ang Maute group sa paki-kipaglaban sa gobyerno? Ipinakikita nila ang kanilang tapang na lalong pinalakas ng suporta na nakukuha mula sa mga dayuhang teroristang miyembro ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS). Ang kanilang samahan ay pinamumunuan ng magkapatid na Omar at Abdullah Maute, dating tapat na tagasunod ng yumaong Hashim Salamat, na pinuno noon ng Moro …

Read More »

Pinoys maging mabuting mamamayan (Panawagan ni Digong sa ika-119 Araw ng Kalayaan)

NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Filipino na suklian ang kabayanihan at sakripisyo ng ating mga ninuno sa pamamagitan ng pagiging mabuting mamamayan. Sa kanyang mensahe para sa ika-119 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, inihayag ng Pa-ngulo ang kanyang paki-kiisa sa sambayanang Fi-lipino sa paggunita sa mga sakripisyo ng ating mga bayani na nagbuwis ng buhay para palayain ang …

Read More »

Sindak sa martial law

HANGGANG ngayon ay marami ang nagkikimkim ng sindak sa puso kaugnay ng martial law na idineklara ni President Duterte sa buong Mindanao. Bagaman ilang dekada na ang nakalilipas ay hindi pa rin nila nalilimot ang kalupitan at pang-aabuso na nalasap sa kamay ng mga sundalo habang umiiral ang batas militar na idineklara noon ng yumaong dating President Ferdinand Marcos. Sa …

Read More »

Martial law dapat ba?

HANGGANG ngayon ay may agam-agam ang marami kung nararapat magdeklara ng martial law si President Duterte sa buong Mindanao. Ang ugat nito ay kapalpakan ng puwersa ng gobyerno na mahuli si Isnilon Hapilon, isang pinuno ng Abu Sayyaf at lider umano ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa Southeast Asia, na wanted hanggang sa Amerika dahil sa pagi-ging …

Read More »

Protektahan ang Philippine Rise

MISMONG si President Duterte na ang nag-utos na protektahan ang Benham Rise laban sa poachers at illegal fishers dahil sa atin ang naturang lugar na matatagpuan sa malawak na continental shelf ng Luzon. Sa katunayan ay inutos ng Pangulo na palitan ang pangalan nito sa Philippine Rise dahil matagal na itong pinangingisdaan ng mga Filipino bago pa ipangalan sa US …

Read More »

Simpatiya kay Gina

ANG pagkabigo ni Gina Lopez na masungkit ang napakahalaga at inaasam niyang kompirmasyon mula sa Commission on Appointments (CA) na maging kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay pagkabigo rin ng taong-bayan. Umani siya ng paghanga nang sa unang pagkakataon ay nakita ng mga mamamayan sa katauhan ni Lopez ang isang opisyal ng DENR na hindi kayang …

Read More »

Pergalan hindi mapigilan

ANG mga perya ay maliliit na karnabal na madalas makitang nagsusulputan kapag may piyesta o kaya ay malapit na ang Pasko, upang pasyalan ng mga tao na ibig magsaya sa kanilang handog na rides na tulad ng Horror Train, Ferris Wheel at Merry-Go-Round. Ang mga ‘pergalan’ naman ay maliit na perya sa paningin ng tao na naghahandog ng bawal na …

Read More »

Economic sabotage

ITO ang ikakaso ni Agriculture Secretary Manny Piñol sa matutuklasang nagtatago ng bigas sa kanilang mga warehouse. Una rito ay binalaan na ng kalihim ang mga negosyante ng bigas na huwag palalabasin na may kakulangan sa bigas kahit wala naman. Kapag hindi sila sumunod ay hindi mag-aalinlangan si Piñol na hilingin kay President Duterte na bumuo ng task force na …

Read More »

Matuto sa mga nagma-marijuana

HABANG nagtatagal ay lalo tayong nabibigla sa mga natutuklasan kaugnay ng marijuana, na noon ay mahigpit na ipinagbabawal sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Dahil maraming pag-aaral at modernong teknolohiya ay nadiskubre sa kasalukuyan na ang marijuana ay gamot, na batid na ng mga sinaunang tao sa loob ng libo-libong taon. Ngayon ay puwedeng hanguin sa cannabis ang bahagi nito …

Read More »

‘Ginatasan’

SA kabila ng daan-daang milyong piso na ibinubuhos ng gobyerno sa Philippine Dairy Program, bukod pa sa tulong na natatanggap mula sa pamahalaan ng Amerika at New Zealand, ay hindi umano ito umaasenso. Nang umupo si Manny Piñol bilang kalihim ng Department of Agriculture and Fisheries matapos magwagi si President Duterte ay noon niya natuklasan ang umiiral na katiwalian sa …

Read More »

Mga kompanyang lumuray sa kalikasan

KINONDENA ni President Duterte ang mga kompanya ng minahan dahil sa pagluray na ginawa nila sa kalikasan sa ilang bahagi ng bansa. Sa isang pulong balitaan ay inilabas ni Duterte ang kanyang galit, kasabay ng paggamit ng makukulay na salita na kanyang nakagawian, habang ipinakikita ang mga larawan ng nakawiwindang na epekto ng minahan sa lugar. Daig pa ang dinaanan …

Read More »