Wednesday , December 11 2024

Krisis sa bigas

ANG krisis sa bigas sa lungsod ng Zamboanga at sa mga lalawigan ng Basilan, Sulu at Tawi­tawi (Zambasulta) ay matinding babala sa kapalaran na maaari nating sapitin kung magtatagumpay ang mga economic manager sa kanilang mungkahi na umasa sa inangkat na bigas at bawasan ang paggasta sa programa ng gobyerno sa bigas sa Filipinas.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, ang mga lugar na nasasakupan ng Zambasulta ay umasa sa smuggled rice mula sa Vietnam at Thailand na idinaraan sa Sabah, Malaysia sa loob ng maraming taon at ibinebenta sa palengke sa mas mababang presyo kaysa commercial rice. Akalain ninyong ibinebenta ito sa halagang P29 sa mga isla at hindi bababa sa P35 sa Zamboanga City.

Natigil lang ito tatlong linggo na ang nakalilipas matapos makipagpulong kay President Duterte ang bagong namumuno sa Malaysia na si Prime Minister Mahathir Mohamad at magdesisyon na ipatigil ang ilegal na aktibidad sa mga border ng dalawang bansa.

Sa palagay ni Piñol ay nakatuon ang desisyon laban sa aktibidad ng mga terorista pero mabuti na lang at natigil din ang operasyon ng smuggling bunga nito. Ang problema ay nagtaasan ang presyo ng bigas sa Zambasulta kaya biglang hinanap ng mga mamimili ang bigas mula sa National Food Authority (NFA) na dati nilang binabalewala.

Para kay Piñol, kung aasa sa inangkat na bigas at babawasan ang paggastos ng gobyerno sa rice program ay maitataboy ang mga magsasaka palayo sa kanilang taniman. Baka mag-iba na lang sila ng itatanim o ipaupa ang kanilang mga lupa.

Ang dami ng bigas na ibinebenta sa world market taon-taon ay hindi kukulangin sa 40 million metric tons. Dahil may banta ng climate change, ang bigas na magmumula sa ibang bansa ay maaaring maapektohan ng El Niño o mga pagbaha. Kapag nangyari ito ay puwedeng mabawasan ang dami ng bigas na ipadadala nila. Kahit na may pera tayo ay mahihirapan tayo kung walang mabibiling bigas sa world market.

Tulad ng Filipinas, lumalaki ang populasyon ng mga bansang nag-aangkat ng bigas. Darating daw ang panahon na ang pangangailangan ng sarili nilang mamamayan ang pipigil sa kanila na makapag-export ng bigas.

Nais ng Department of Agriculture na mapalakas ang produksiyon natin ng bigas upang makapag-supply na rin ng bilang ng aangkatin natin mula sa ibang bansa kung kakailanganin para maprotektahan ang ating palengke sa manipulasyon ng rice traders.

Sang-ayon ang Firing Line kay Piñol na hindi tayo dapat umasa sa inangkat na bigas dahil baka balang-araw ay maging alipin tayo at sunud-sunuran sa pagsasamantala ng mga dayuhang negosyante at supplier.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE
ni Robert Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

YANIG ni Bong Ramos

Abolished na police department/s ipinangongolekta pa rin

YANIGni Bong Ramos DALAWANG departamento ng pulisya na matagal na panahon nang abolished ang ipinangongolekta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *