Wednesday , December 11 2024

Rice hoarders, bakit wala pang naisasako?

MAGKANO na kaya ang bigas sa mga susunod na panahon —- kapag nagpamilya ang mga apo natin? P100 per kilo? Posible at maaaring mas mataas pa rito.

Naalala ko, noong bata pa ako —- marahil 10-anyos, sumasama na ako sa aking tatay sa pamamalengke. Kaya ako’y natutong mamalengke at makipagtawaran.

Noon, apat na dekada na ang nakalilipas, ang isang kilo ng bigas ‘este, hindi pa kinikilo ang bigas noon at sa halip ay per salop o ganta. P5.00 yata noon. Bagamat, nabantayan ko rin ang unti-unting pagtaas ng presyo.

Tumataas ang presyo ng bigas noon, pero ang pagtaas ay madalang lang. Hindi tulad nga­yon na halos araw-araw o kada linggo ang pag­taas ng presyo —- per kilo na ngayon ha, hin­di sinasalop.

Ang pinakamababang bigas ngayon  ay P40.00 kada kilo. Mahal na  iyan pero hindi masasabing magandang klase. Puwede na kung baga. Hindi iyong puwedeng-puwede.

Bagaman mayroon nang NFA rice, P27.00  at P32.00 per kilo, hindi pa rin ramdam ito ng mamamayan dahil walang nakikitang pagbabago sa presyo ang mga commercial rice. Napakataas pa rin. Mapapamura ka nga sa taas ng presyo.

Inaasahang lalo pang tataas ang mga commercial rice dahil ang panapat na NFA rice, hayun marami nang nabulok -— nagbukbok at kinuto.

Napabayaan kasi ng pamunuan ng NFA. Kaya, lalong malabong bumaba ang presyo ng bigas.

No choice tayo sa mga napakamahal na bigas.

Kawawang mga susunod na henerasyon, mga apo natin at mga magiging anak at apo nila. Hindi malayong magiging P100 o higit pa ang per kilo. Buti sana kung sa susunod na henerasyon ay magiging P1,500 o higit pa ang minimum wage.

Hindi nga ba nabanggit ko na noon ay P5.00 lang ang bigas pero ngayon, magkano na? At ang masaklap pa nga e, simbilis ng bullet train ang pag-arangkada ng presyo. Pinahihirapan tayong mga Pinoy.

Mabuti na lamang at marami nang Pinoy na natutong magdiyeta sa pagkain ng kanin dahil sa mataas na sugar level. Alam naman natin kapag asukal ang pinag-uusapan, nakasasama ito sa kalusugan —- diabetes.

Sino nga ba ang dapat na sisihin sa ‘nakama­matay’ na presyo ng bigas? Ang NFA nga ba? Bagamat sinasabing ginagawa daw nila ang lahat para matigil na ang paglobo ng presyo ng bigas.

Hindi raw NFA, ayon sa kanilang ahensiya o mga namumuno, at sa halip ang kanilang itinutu­rong may sala o dahilan nang walang humpay na pagtaas ng presyo ay rice hoarders —- mga mapagsamantalang kapitalista.

Sa katarantadohan ng rice hoarders, hindi lamang Metro Manila ang apektado ng mataas na presyo kundi halos buong bansa. Sa Zamboanga nga po e, umaabot na sa P60.00 ang per kilo o higit. Ganoon kasama ang presyo ngayon dahil sa mga lokong hoarders.

E ano naman ang ‘ika ng Department of Agri­culture (DA)? Maayos na raw ang situwasyon sa Zambaonga dahil nagpadala na sila ng 200,000 sakong NFA rice sa lalawigan. Sana nga maibsan na ng NFA rice ang napakataas na presyo ng bigas sa Zambaonga at ilan pang lalawigan sa Mindanao.

Ipagpalagay nating rice hoarders ang nasa likod ng lahat, e bakit hanggang ngayon ay wala pang hinuhuli o sinasalakay na bodega ng mga hoarder?

Enero 2018 pa nang magsimula ang walang tigil na pagtaas ng presyo pero hanggang ngayon pulos ngawa nang ngawa lang ang NFA at DA laban sa mga gahamang negosyante.

E ang tanong, bakit nga hinayaan lamang sa loob ng walong buwan na maghasik ng kataran­tadohan ang mga hoarder, ang dapat dito ay hulihin na at kasuhan.

Hindi ba kilala na ng Palasyo kung sino ang mga hoarder? So, ano pa ang hinihintay natin, ang maging P100 na ang presyo bago tapusin ang katarantadohan ng hoarders?

Kung nagawa ni Pangulong Duterte sa pama­magitan ng PNP at PDEA na unti-unting durugin ang nasa likod ng illegal na droga, walang dahilan para hindi damputin at asuntohin ang mga hoarder.

Takot ba ang DA at NFA sa mga protektor ng mga hoarder kaya hanggang ngawa na lamang ang mga nagpapatakbo ng ahensiya? Aba’y kung magkagayon, magsibitiw na kayo riyan sa NFA at DA.

Kaya napapanahon nang si Pangulong Duter­te ay makialam hinggil sa hoarders dahil kapag ang Pangulo ang kumilos, malamang mananahimik na ang mga hoarder. Bukod dito, panahon na para magpagulong ng mga ulo sa dalawang ahensiya.

Batid na nga ng dalawang ahensiya na hoarders ang may sala ng walang tigil na pagtaas ng presyo ng bigas pero hanggang ngayon ay wala pa silang naisasakong hoarders.

Anong ibig sabihin nito? May protektor mula sa dalawang ahensiya?

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

YANIG ni Bong Ramos

Abolished na police department/s ipinangongolekta pa rin

YANIGni Bong Ramos DALAWANG departamento ng pulisya na matagal na panahon nang abolished ang ipinangongolekta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *