Saturday , November 23 2024

Hataw

4 killer ng brodkaster natukoy sa CCTV

CAGAYAN DE ORO CITY – Tukoy na ng pulisya ang apat  suspek na bumaril at nakapatay sa radio anchorman sa lungsod ng Ozamiz City, Misamis Occidental. Ito ay makaraan mapag-aralan ng Special Investigation Task Group (SITG) ang laman ng CCTV camera at nakita ang apat na mga suspek na bumaril sa biktimang si Cosme Maestrado ng DXOC Radyo Pilipino sa …

Read More »

NBI nagbabala sa pyramiding scam sa Facebook

Nagbabala ang National Bureau of Investigation (NBI) sa patuloy na pagkalat ng iba’t ibang uri ng pyramiding scam lalo ang mga pinakakalat sa pamamagitan ng social media tulad ng Facebook (FB). Ipinatawag kamakalawa ni Anti-Fraud Division chief Atty. Dante Jacinto ang opisyales ng AlphaNetworld Corporation sa pangunguna nina Juluis Allan Nolasco,  Josarah Nolasco at June Paolo Nolasco matapos silang ireklamo …

Read More »

Misis, anak ini-hostage ni mister

ROXAS CITY – Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children ang dating bodyguard ng alkalde ng Sigma, Capiz makaraan i-hostage ang kanyang mag-ina sa loob ng kanilang bahay kamakalawa. Nalagay sa alanganin ang buhay ni Mary Jane Gregorio at anak nang i-hostage ng asawa na si Jojo Gregorio habang nasa impluwensiya ng droga. …

Read More »

DOTC makialam

NANAWAGAN ng tulong ang National Coalition of Filipino Consumers (NCFC) sa pamamagitan ng abogado at tagapagsalita na si Atty. Oliver San Antonio sa mabilisang panghihimasok ng matataas na opisyal ng Department of Transportation and Communications (DOTC) at sa administrasyong Aquino hinggil sa maanomalyang renewal ng maintenance contract para sa LRT Line 2 kasabay ng pahayag na agarang aksyon ang kailangan upang …

Read More »

Titsers tumaya kay Poe

TUMAYA na rin ang sektor ng mga guro na may kinakatawan sa Kongreso kay Sen. Grace Poe at sa panawagan ng mas malaking alokasyon ng pondong panustos sa patuloy na operasyon ng Tulong Dunong program, isang student financial assistance program (StuFAPs) sa ilalim ng pangangasiwa ng Commission on Higher Education (CHED), at pagpapalawak ng saklaw nito.    Sinusugan ni Ave …

Read More »

Mar, Leila ‘di bumigay sa Iglesia

ITINANGGI ng matataas na opisyal ng Aquino administrasyon ang akusasyon na may naganap na areglohan kaya natapos ang protesta ng Iglesia Ni Cristo na nagsimula noong Huwebes at natapos nitong Lunes ng umaga. “Wala pong ganoon,” ani DILG Secretary Mar Roxas sa isang interbyu sa DZMM. “Ang nangyari ay nagkaroon ng paliwanagan, nilinaw na hindi special treatment ang INC, for …

Read More »

Binay, Grace pinaiikot lang ni Erap

KAILANGAN linawin ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada kung talagang mayroon pang maaasahang endorsement sina Vice President Jojo Binay at Sen. Grace Poe o hindi na nila ito dapat asahan pa at kalimutan na lang. Kamakailan, pumutok ang balita na nagkasundo at nagkaroon ng isang deal  sina Erap at Interior Sec. Mar Roxas.  Si Erap umano ay pumayag na ibigay …

Read More »

Kelot nilagare sa leeg ng ama

KALIBO, Aklan – Sugatan ang isang 23-anyos lalaki makaraang gilitan sa leeg ng kanyang sariling ama gamit ang lagare sa Brgy. Bakhaw Sur, Kalibo, Aklan kamakalawa. Ang biktimang agad isinugod sa Aklan Provincial Hospital ay kinilalang si John Marvin Esperidion, residente ng Brgy. Cogon, Malinao, habang ang suspek ay si Tranquilino Esperidion, 52-anyos, ng nasabi ring lugar. Sa inisyal na …

Read More »

Gov’t Makupad (Maanomalyang kontrata sa LRT 2 binatikos)

”MALA-KRIMEN na ang kawalan ng malasakit ng DOTC sa mga mananakay. Nakakasuka ang kakapalan ng mukha ng mga opisyal ng DOTC at ng LRTA dahil sa pagmamatigas na ituloy ang isang kontratang batbat ng katiwalian na isinasakripisyo ang kapakanan at kaligtasan ng milyon-milyong komyuter pero walang magawa kundi ang tangkilikin ito araw-araw. Kailangan pa bang may masaktan o mapinsala bago …

Read More »

1 pang BI employee kinasuhan ng graft si Mison

NAHAHARAP sa karagdagang kasong kriminal si Bureau of Immigration Commissioner Siegfred Mison makaraang sampahan ni NAIA Terminal I head supervisor Maria Rhodora Abrazaldo ng graft and corruption. Inakusahan ni Abrazaldo si Mison ng paglabag sa Sec. 3 (e) ng Republic Act 3019, bunsod ng pagdudulot ng “undue injury to the government and given the private party unwarranted benefits, advantage and …

Read More »

5 UP Manila mountaineers nalunod, 6 missing sa Tarlac creek

NALUNOD ang limang mountaineers habang anim ang patuloy na pinaghahanap makaraan tangayin ng alon sa Nagsasa Creek sa San Jose, Tarlac, nitong Lunes ng hapon.  Ayon kay Cha Mallari ng Region 3 Office of the Civil Defense, tumatawid sa creek ang mga biktima bandang 3 p.m. nang biglang tumaas ang tubig at tinangay ng mga biktima.  Dagdag ni Mallari, ang …

Read More »

P4-M droga nakompiska sa Davao Norte (4 patay, 9 arestado)

DAVAO CITY – Umabot sa P2.2 milyong halaga ng shabu at P1.7 milyong halaga ng marijuana ang nakompiska ng Davao del Norte PNP sa inilusad na simultaneous implementation ng warrant of arrest. Matagumpay at sabay-sabay na nahuli ang siyam suspek sa operasyon laban sa illegal na droga, ng Davao Del Norte Police Provincial Office (DNPPO), CIDG Eastern Mindanao, RAIDSOTG 11, …

Read More »

5 patay, 1 missing sa Batangas fire

 LIMA ang patay at isa ang nawawala sa naganap na sunog sa Taal, Batangas kamakalawa ng madaling-araw. Ayon kay Taal PNP Chief Inspector Apolinario Lunar, may limang bangkay na ang kanilang natagpuan ngunit hindi na nila makilala dahil sa sunog na sunog ang mga katawan. Ngunit ayon sa nakaligtas na si Gerry Paz, anim aniya ang alam niyang naiwan sa …

Read More »

Kuwestiyon sa Customs tagos sa gov’t

“LAHAT ito ay hahantong sa kuwestiyon ng tiwala. At sa ngayon, wala nito ang gobyerno.” Ito ang mariing pahayag ni OFW Family Rep. Juan Johnny Revilla kasabay ng pahayag na ang galit ng overseas Filipino worker (OFW) sa Bureau of Customs (BoC) at sa gobyerno matapos mapabalita ang planong buksan ang mga balikbayan box ay resulta ng  masamang karanasan sa …

Read More »

Roxas, De Lima nanindigan sa batas

PUMANIG sa Iglesia ni Cristo ang maraming politiko dahil na rin sa pambabatikos ng netizens sa ginagawang pagkilos ng INC. Nagsimula ang pagkilos nang magprotesta ang mga miyembro ng INC sa Padre Faura sa harap ng Department of Justice (DoJ) nitong nagdaang Huwebes. Kinabukasan, Biyernes, ay lumipat sila sa panulukan ng EDSA at Shaw Boulevard na naging sanhi ng mas …

Read More »

Yolanda survivor patay, anak sugatan sa ratrat ng 4 armado (Tulong pinansiyal pilit kinukuha)

TACLOBAN CITY – Nahaharap sa kaso ang apat suspek sa pagpatay sa isang benepisaryo ng Emergency Shelter Assistance (ESA) na ipinamimigay ng National Government sa survivors ng bagyong Yolanda. Kalaboso ang mga suspek na sina Felix Boring, George Palconit, Eugenio Gervacio, at Michael Corpin, agad nahuli makaraan ang pagpatay sa biktimang si Romeo B. Lauron, 55-anyos, residente ng Sitio Dalupingan …

Read More »

OA si Leni Robredo

Halatang naghahanap ng media mileage si Rep. Leni Robredo.  Mapansin lang ng media, sari-saring gimik ang ginagawa niya. Nandiyan ang sumakay sa bangka, mag-abang ng bus at ‘yung pinakahuling gimik niya, ang hindi pagdaan sa red carpet sa Kamara noong nakaraang State of the Nation Address o Sona ni Pangulong Aquino. OA as in overacting na itong  si Leni.  Dahil …

Read More »

OFWs sa Hong Kong nagprotesta vs BoC

NAGKILOS-PROTESTA ang overseas Filipino workers (OFW) sa Hong Kong kahapon laban sa anila’y “oppressive” taxation at inspection na nais ipatupad ni Customs Commissioner Alberto Lina sa balikbayan boxes. Ayon sa Migrante Hong Kong, sinimulan ng OFWs ang demonstrasyon dakong 11 a.m. sa Chater Road at nagtungo sila sa Philippine consulate general para sa programa. Panawagan ng grupo sa pamahalaan ni …

Read More »

Kelot tigok sa hit & run ng 2 kotse

AGAD binawian ng buhay ang isang lalaki makaraan mabundol ng dalawang kotse sa Boni Serrano, Katipunan-bound, sa kanto ng 19 Putol St., Murphy, Cubao, Quezon City kahapon. Ayon kay BPSO Richard de Ticio, isang residente ang humingi ng tulong upang madala sa pagamutan ang biktima ngunit bago dumating ang ambulansiya ay wala na siyang buhay. Kinilala ang biktimang si Von …

Read More »

Deped Usec utas sa motorbike

BINAWIAN ng buhay ang isang undersecretary ng Department of Education (DepeD) sa isang aksidente dakong 9 a.m. sa lalawigan ng Rizal nitong Sabado. Hindi na umabot nang buhay si DepEd undersecretary for Finance and Administration Francisco Varela sa Padilla District Hospital sa Antipolo City makaraan dumulas at tumumba ang sinasakyan niyang motor sa kahabaan ng highway sa Rizal. Ayon sa …

Read More »

CCW Magpupulong sa BBL, Tribo

NAGPULONG ang anti-crime group Citizens Crime Watch (CCW) kahapon upang isulong ang kapayapaan at kapakanan ng mga tribo at Muslim sa Cordillera at Mindanao. Ayon kay CCW leader  sa Cordillera Administrative Region (CAR) Leonardo Balicdan, ang program ay nasa ilalim ng proposed Bangsamoro Basic Law (BBL) na ang bersiyon ay inamyendahan sa Senado ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., chairman …

Read More »

INC hihirit magpalawig ng protesta

NAGPAHIWATIG ang Iglesia ni Cristo (INC) na posibleng humirit sila ng extension sa kanilang permit upang maipagpatuloy ang pagsasagawa ng rally sa Mandaluyong. Nitong Linggo nakatakdang matapos ang permit na ibinigay sa kanila ng lokal na pamahalaan ng siyudad. Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang city government kaugnay ng pagpapalawig ng bisa ng permit ng INC. Unang nagsagawa ng …

Read More »

Pambubugbog sa ABS-CBN cameraman iimbestigahan

 IIMBESTIGAHAN ng Iglesia ni Cristo (INC) ang pambubugbog sa cameraman ng ABS-CBN nitong Biyernes. Ayon sa tagapagsalita ng INC na si Edwil Zabala, aalamin nila kung totoong mga kaanib ng sekta ang tatlong lalaking nanakit sa cameraman na si Melchor Pinlac sa kasagsagan ng protesta sa EDSA. Tiniyak ni Zabala na kung mapatutunayan na miyembro ng INC ang mga kumuyog …

Read More »

4 sugatan sa sunog sa Koronadal

KORONADAL CITY- Apat ang sugatan at 15 pamilya ang apektado sa sunog sa Prk. Magsaysay Brgy GPS, Koronadal dakong 4 p.m. nitong Sabado. Ayon kay SFO1 Cezar Salarza ng BFP Korondal, walong bayhay ang totally damage at may kabuuang P500,000 danyos. Idineklarang fireout ang sunog dakong 4:51 p.m. Sa imbestigasyon ng BFP, nag-umpisa ang sunog sa bahay ni Nenita Samudin. …

Read More »

Positive Poe, constructive Chiz sa 2016 — Mendoza

“SAMYO ng sariwang hangin sa napakaruming mundo ng politika.” Ganito ang pagha-hambing ni Batangas Rep. Mark Mendoza kay Sen. Grace Poe kasabay ng obserbasyong patuloy na lumulobo ang bilang ng mga sumusuporta sa babaeng mambabatas dahil sa kanyang positibong paningin, talino at kaaya-ayang disposisyon. “Makikita ito sa reaksiyon ng mga estudyante ng University of San Carlos sa Cebu noong maimbitahan …

Read More »