Saturday , December 21 2024

Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Kalunos-lunos

  KALUNOS-LUNOS ang inabot ng isang anim na buwang gulang na sanggol diyan sa isang ospital sa Pasay City kamakailan. Binawian ito nang buhay dahil sa kawalan ng pasilidad at kapabayaan ng mga nars at manggagamot doon. Ayon sa kaanak ng namatay, dinala nila ang sanggol sa nasabing ospital matapos itong mag-kombulsiyon sa hindi malamang dahilan, Dahil ma-lapit ito sa …

Read More »

Ang Katipunan

SA darating na Biyernes ay ika-125 taon ng pagkakatatag ng Kataastaasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK AnB o Katipunan) ngunit hanggang ngayon ay wala tayong nakikita o naririnig man lamang na organisadong kilos ng pambansang pamahalaan upang ito ay gunitain. Mas pinagtuunan ng pansin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang madugong digmaan laban sa bawal na gamot …

Read More »

Pekeng balita

DAHIL sa kawalan ng propesyonal na kasana-yan, kaalaman sa etika ng pagbabalita at pagiging abot kamay ng teknolohiya para makapagbalita tulad ng smart phones at laptop computer ay dumarami ngayon ang nagkakalat sa social media ng mga impormasyong baluktot o di kaya ay tahasang inimbentong balita na mas kilala sa tawag na fake news o pekeng balita. Ang mga fake …

Read More »

Hindi dapat i-ban o ma-censor ang fake news

ANG pamamahayag ay likas, sagrado at isa sa pundamental na kalayaa’t karapatan ng tao. Ito ang nagbibigay buhay sa demokrasya at lahat ng kalayaan na tinatasama natin ngayon. Ito ay nagbibigay ng liwanag sa ating kaisipan. Kung walang kalayaan sa pamamahayag ay hindi uusbong ang demokrasya at hindi lilinaw ang ating mga pananaw sa buhay. Ang katangian na ito ng …

Read More »

Education Act ng 1982

PASUKAN na naman at tiyak na nagkukumahog ang mga magulang dahil sa taas ng tuition at gamit sa eskuwela. Pero ang hindi alam ng marami ay malaki ang kaugnayan ng Batas Pambansa 232 o Education Act ng 1982 sa taas ng tuition fee. Dangan kasi ang batas na ito ang nagsapribado at komersiya-lisado ng sistema ng edukasyon sa Filipinas. Ang …

Read More »

Tama ba ang Batas Militar laban sa mga kriminal?

HIGIT sa lahat, dapat matanim sa ating isipan na ang mga miyembro ng Maute at Abu Sayyaf ay sangkot sa mga karumal-dumal na krimen bago pa nangyari ang kaguluhan sa Marawi City. Sila’y mga kriminal na nagbabalatkayong jihadist o mandirigma ng Islam. Huwag tayong pabobola sapagkat ang kanilang pagiging biglaang jihadist ay maliwanag na paraan lamang upang mapagtakpan ang kanilang …

Read More »

Alingawngaw ng mga maling balita

HABANG tumatagal ang bakbakan ng pamahalaan at mga kriminal na grupong Maute at Abu Sayyaf sa Marawi City ay lalong lumalaganap ang mga alingawngaw ng maling balita sa social media, ilang pipitsuging pahayagan at estasyon ng radyo’t telebisyon. Ito ang dahilan kung bakit dapat maging maingat, subalit bukas at matapat ang pamahalaan sa pagpapahayag ng mga kaganapan sa Lungsod ng …

Read More »

Mawalang galang na po, magtatanong lang

ANG karahasang naganap sa Resorts World Manila kamakailan ay nag-iwan ng maraming katanungan sa taong bayan, mga katanungan na naghihintay pa rin ng kasagutan hanggang sa ngayon. Marami ang nagtataka kung paanong ang mga nangamatay sa insidente ay binawian ng buhay dahil sa pagkakalanghap ng makapal na usok mula sa mga sinunog umano ng suspek na mga mesang ginagamit sa …

Read More »

Naduro?

GANO’N-GANO’N na lang kung murahin o ‘di kaya ay bastusin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko ang sino man na hindi sumasang-ayon sa kanya maging pinuno ng isang bansa tulad ni Barack Obama kaya kataka-taka na hindi niya pinagmumura si Pangulong Xi Jinping ng Tsina matapos siyang pagbantaan nito ng digmaan kung ipipilit niya ang pagminina ng langis sa pinagtatalunang …

Read More »

Nakababahalang pagkakoryente

  NAKABABAHALA talaga na ang isa sa palusot na ginamit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagdedeklara ng batas militar sa Mindanao ay koryenteng balita. Sa isang pulong balitaan matapos dumating mula sa Rusya, ikinuwento ni Duterte na pinugutan umano ng ulo ng mga miyembro ng kriminal na grupong Maute at Abu Sayyaf si Romeo Enriquez, ang hepe ng pulisya …

Read More »

Hipokrito

TAMA ang ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanggihan ang may taling tulong ng European Union dahil ito ay ginagamit lamang upang mapanatili ang kanilang kakayahang makialam sa atin. Ang masakit nito ay ginagamit pa ng EU ang Human Rights bilang kublihan sa kanilang mapanghimasok na ugali. Huwag natin kalilimutan na ang mga bansang kasapi ng EU ang dahilan kung …

Read More »

Turkey at Mongolia hindi puwedeng sumali (Charter ng ASEAN hangga’t hindi binabago)

  HINDI natin alam kung ano ang pumasok sa isip ni Pangulong Rodrigo Duterte na isponsoran ang membership ng Turkey at Mongolia sa Association of Southeast Asian Nations of ASEAN kaya nagmukhang hindi niya alam ang kanyang ginawa matapos siyang tanungin ng lider ng Burma na si Aung San Suu Kyi kung ikinonsidera niya ang heograpiya ng mga nasabing bansa. …

Read More »

Isa sa masamang ugali nating mga Filipino

NAGING ugali na nating mga Filipino na ipangalandakan ang pagiging galak na galak kung binibigyan ng affirmation o pagkilala ng mga dayuhan, lalo na kung kanluranin o westerner, ang ating kilos o causa na parang doon nakasalalay ang kredibilidad ng ating paniniwala o ipinaglalaban. Nakalulungkot ang ibinubuyangyang na lugod ng mga sinasabing beteranong aktibista nang sang-ayonan ng United Nations Human …

Read More »

Walang pagbabago sa mga pulpolitiko

SA kabila ng sigaw ng mga pulpolitiko na ang hatid nila ay pagbabago sa ating buhay at sistemang politikal ay malinaw na walang pagbabago sa kanilang mga asal bilang mga tradisyonal at pulpol na lider ng bayan. Isang halimbawa nito ang patuloy na walang kahihiyang paglipat ng ilang mga miyembro ng Liberal Party at iba pang partido sa kasalukuyang mayoryang …

Read More »

Kakampi sa salita, hindi sa gawa

MARAMI ang nagtataka kung bakit mukhang pinabayaan na nag-iisa ni Pangulong Rodrigo Duterte si Bb. Gina Lopez sa bicameral Commission on Appointments sa kabila ng kanyang mga naunang pahayag nang pagsuporta. Napansin nila na ang madaldal na pangulo ay biglang tumahimik lalo nang pumutok ang alitan ni Bb. Lopez at isa pang miyembro ng kanyang gabinete na sinasabing malapit sa …

Read More »

Inilaglag si Gina Lopez sa ngalan ng makasariling interes

KAKATWANG tinaggihan ng bicameral Commission on Appointments ang pagtatalaga kay Bb. Gina Lopez bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources dahil ginagampanan niya nang mahusay ang kanyang trabaho at hindi dahil palpak siya sa pagtupad dito. Kitang-kita ang matinding lobby ng mga dambuhalang kompanya ng pagmimina sa mga miyembro ng CA ang nasa likod ng desisyon ng mga …

Read More »

Ang Dakilang Araw ng mga manggagawa

IPINAGDIRIWANG sa buong daidig ngayong araw na ito, Mayo Uno, ang Dakilang Araw ng mga tunay na gumagawa ng yaman ng bansa, ang mga manggagawa. May palagay ako na inaakala ng marami sa atin na mga komunistang Ruso o Intsik ang nagpaumpisa ng ganitong tradisyon sa daigdig ngunit tiyak ko na magugulat kayo dahil ang araw na ito ay pamana …

Read More »

Ang tradisyon ay para sa tao, hindi ang tao ang para sa tradisyon

MAHALAGA ang mga tradisyon sapagkat nagbibigay saysay ito sa ating kaakohan o self identity pero dapat din nating matanggap na hindi ito pang-habambuhay. May mga yugto sa kasaysayan kung kailan dapat muling suriin kung may kabuluhan pa ang tradisyon na isinasabuhay sa lipunan, lalo na kung ito ay may kaugnayan sa siste ng akademia. Nasabi ko ito matapos kong mabasa …

Read More »

Ang Bataan (Ikalawa at huling Bahagi)

WALANG masama na ginunita natin kahapon ang kabayanihan ng ating mga sundalo na nakasama sa pagtatanggol sa Bataan at Corregidor noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig pero dapat din ilahad ang mga tunay na pangyayari upang maging makabuluhan ang kanilang sakripisyo. Ang madugong nangyari sa Bataan at Corregidor noong 1942 ay ginagamit hanggang ngayon upang mapanatili ang mito na parehas ang antas …

Read More »

Ang Bataan (Unang Bahagi)

ILANG araw mula ngayon ay gugunitain ng bansa ang Araw ng Kagitingan bilang pagkilala sa kabayanihan ng magkasamang tropang Filipino-Amerikano na nakipaglaban sa mga Hapones sa peninsula ng Bataan noong 1942. Wala akong duda sa tapang na ipinakita ng ating mga kababayan. Pero hindi ganito kabuo ang aking paniniwala sa ating mga kasamang Amerikano sapagkat ang kanilang puwersa ay pakuyakuyakoy …

Read More »

Grabe sa pagsisipsip

PARA maaprubahan ang mosyon sa mababang kapulungan ng kongreso na ibalik muli ang parusang kamatayan ay binalewala umano ng pamunuan nito ang “rules on parliamentary procedures” o ‘yung mga panuntunan kung paano magpasa ng mga mosyon. Ayon sa isang kaibigang congressman, masigasig na diniskaril ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang mga panuntunan masuportahan lamang niya ang “pet project” na pagbabalik …

Read More »

Gina Lopez padaraanin sa butas ng karayom ng Commission on Appointments

KATULAD ng inaaasahan ng Usaping Bayan, inupuan ng boksingerong senador na si Manny Pacquiao at mga amuyong nito ang papel ni Ms. Gina Lopez sa bicameral Commission on Appointments kaya hindi agad naaprubahan ang appointment bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources. Dahil dito ay kailangan muling italaga ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte si Ms. Lopez bilang kanyang kalihim …

Read More »

Mag-ingat sa pakikipag-ugnayan sa iba

WALANG masama na makipagkaibigan tayo sa Tsina pero dapat tayong maging maingat sa pakikipag-ugnay sa kanya at sa alin mang bansa sapagkat wala tayong karanasan bilang bansa sa kalakaran ng “geopolitics.” Ito ang epekto ng mahabang panahon ng ating pagpapailalim sa saya ng mga Amerikano pagdating sa ating ugnayang panlabas. Bulag tayo ngayon sa mga malalalim na usapin tungkol sa …

Read More »