NAKALULUGOD na idineklarang Santo ng Simbahang Katoliko Romano ang Martir ng San Salvador na si Arsobispo Oscar Romero. Una kong narinig si San Oscar Romero noong ako ay estudyante sa Pamantasang Santo Tomas noong dekada 80. Hinangaan ko ang Arsobispo ng San Salvador (sa El Salvador ito) dahil inialay niya ang kanyang buhay sa paglilingkod sa mahihirap, pinagkakaitan at inaapi …
Read More »Mga salamisim 12
PURO sabi na magbibitiw sa poder pero hanggang sabi lang kasi ang totoo enjoy sa posisyon, sa kapangyarihan at sa limelight na tinatanggap mula sa media, lokal at internasyonal. Talaga naman oo…masyadong matabil kaya kaliwa’t kanan ang sabit e. *** Binabati ng Usaping Bayan ang Manila International Airport Authority dahil inani nito ang karangalan na maging ISO certified. Mahirap kumuha …
Read More »Mga salamisim 11
TALAGANG totoo ‘yung sinasabi ng matatanda na ang maliliit na nagkaroon ay masahol pa sa talagang mayroon. Parang langaw na nakatungtong lang sa kalabaw ang pakiwari ay mas malaki pa siya sa kalabaw. Nakahihiya ka Tsong…ikaw na dapat magpakita ng hinahon, ikaw pa ang nagbarumbado. Wala ka sa hulog. Dapat sa iyo manahimik na lang at huwag ng maging isang …
Read More »Ang mga pinahihirapan, pinagkakaitan at inaapi sa lipunan
NAPAKAGANDA ng Salita ng Diyos nitong nagdaang Linggo kaya hindi ko matiis na hindi ibahagi sa inyo ang aking mga salamisim o pansariling homilya kaugnay nito. Ang Salita ng Diyos ay inihalaw mula sa Aklat ni San Marcos (9:30-37)*. Ito ang isinasaad ng nasabing tala: 30 At nagsialis sila roon, at nangagdaan sa Galilea; at ayaw siyang sinomang tao’y makaalam …
Read More »Batas Militar
NATATANDAAN ko na Grade 1 ako at nakatira kami sa Leveriza sa Malate nang una kong marinig ang salitang martial law. Sa munti kong edad ay binalot ako ng takot dahil naririnig ko ang usap-usapan na maraming tao ang hinuhuli ang PC Metrocom (ngayon ay Philippine National Police) lalo na ‘yung mga lumalabag sa curfew hour… bagamat maikli naman ang …
Read More »Mga salamisim 8
NAKALULUNGKOT na sa kabila ng pagiging isang bansang agrikultural ng ating bayan ay dumaranas tayo ngayon ng kasalatan sa bigas. Dangan kasi maraming mga taniman ng palay, lalo sa Gitnang Luzon, na ginawang subdivision upang makaiwas ang mga panginoong maylupa o landlord sa land reform. Ang kawalanghiyaang ito ng mga panginoong maylupa ay hinayaan naman kasi ng landlord dominated na …
Read More »Ang buwan ng Agosto
NGAYON ang huling araw ng buwan ng Agosto, ang buwan ni San Bartolome Apostol, isa sa mga disipulo ng panginoong Hesus. Ang kanyang estatuwa sa simbahan ng Malabon ay kakaiba sapagkat makikita ito na may hawak na gulok at nakagayak ng pulang damit. Ito marahil ang dahilan kung bakit ang mga katipunero ay laging isinasalarawan na nakapula at may hawak …
Read More »Mga salamisim 7
MARAPAT lamang na tinanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang alok ng Estados Unidos na bentahan tayo ng F-16 multi-role fighting aircraft dahil nakita niya ito na isang paraan ng manipulasyon upang mapanatili tayong mga Filipino sa ilalim ng laylayan ng mga Kano. Matagal nang mahusay na ginagamit ng mga Kano ang pagbebenta ng mga pinaglumaang armas sa atin para manatili …
Read More »Mga salamisim 6
KAMAKAILAN ay naiulat sa mga pahayagan na si Ilocos Norte Governor Imee Marcos ay nagsabing dapat nang mag-”move on” ang mga tumutuligsa sa kanyang pamilya kaugnay sa madugo nitong paghahari bansa sa loob nang 20 taon. Patutsada ng panganay na babaeng anak ng dating diktador na si Ferdinand Marcos, “the millennials have moved on, and I think people at my …
Read More »Mga salamisim 5
KAHAPON ay ginunita ng marami ang pataksil na pagpatay kay Senador Benigno Aquino Jr., sa tarmac ng Manila International Airport na mas kilala ngayon bilang Ninoy Aquino International Airport. Naganap ang pamamaril ilang araw matapos magkaroon ng isang malaking symposium sa Pamantasang Santo Tomas na nagsalita si dating Senador Jose W. Diokno (RIP) kaugnay sa nagaganap na pandarahas ng rehimeng …
Read More »Mga salamisim 4
SINO ang mag-aakala na makababalik sa poder si Aling Gloria Macapagal-Arroyo o GMA gayong dinurog siya ng kanyang dating estudyante, ang dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III, sa pamamagitan ng mga patong-patong na kaso na isinampa laban sa kanya? Hindi lamang nakabalik si GMA, nakaporma pa at nagawa pang gibain bilang Speaker of the House ang akala ng lahat na …
Read More »Rebolusyonaryong simbahan ng mga dukha
SA araw na ito, ika-3 ng Agosto, ginugunita ang 116 anibersaryo mula nang ipahayag ng teologo at sosyalistang labor leader na si Don Isabelo de los Reyes o Don Belong sa ating bayan ang Iglesia Catolica Filipina Independiente kasama ang mga kasapi ng Union Obrera Democrata, ang unang kilusang manggagawa sa Filipinas. Ang ICFI, na mas kilala ngayon sa pangalang …
Read More »Himagsikang Pangkultura sa CNMI
MAYROON pagbabalik tanaw sa kultura at edukasyon na nagaganap ngayon sa Commonwealth of Northern Mariana Islands bilang pagtatangka ng mga katutubong Chamorro at Carolinian na mapanatili ang kanilang kaakohan o national identity sa gitna ng rumaragasa at kadalasan ay mapanirang kulturang kanluranin, bunsod ng pagiging kolonya nila ng US. Hindi lamang iisang komperensiya at pag-aaral ang nagaganap ngayon sa CNMI …
Read More »Salamat
NITONG nagdaang Biyernes sa Stafford Centre ay pinasaya nang husto ng mga crooner na sina Rey Valera at David Pomeranz ang ating mga kababayan sa saliw ng kanilang mga walang kupas na “love songs.” Tiyak ko na marami sa mga nanood ng konsiyertong ito ang naglakbay pabalik sa panahon, sa pamamagitan nang daan ng mga alaala o ‘yung kung tawagin …
Read More »Mga salamisim 2
MAY nakarating na ulat sa Usaping Bayan mula sa mga nagmamalasakit na kaibigan na nagsasabing maraming “pro-people” na probisyon sa 1987 Constitution ang balak alisin o inaalis na sa ginagawang Duterte Constitution. Halimbawa raw nito ay ‘yung may kaugnayan sa Human Rights at sa papel ng mga kababaihan sa ating lipunan. Kung totoo ang impormasyong ito ay dapat mas lalong …
Read More »Mga salamisim
SABI ng Bangko Sentral mas marami pa rin daw Filipino na walang savings account sa banko. E paano naman makapag-iimpok ang tao, e walang iimpok sa hirap ng buhay. Dapat kumilos ang pamahalaan, katulong ang taong bayan at mga organisadong sektor, para mabago ang ganitong siste na ang mayayaman lamang ang yumayaman at ang mahihirap ay lalong nababaon sa hirap. …
Read More »Sayang…
MAGANDA ang sinimulan sa school year na ito ng Lungsod Quezon na pagbabawal sa pagtitinda ng junk food sa kantina ng mga pribado at pampublikong paaralan, mula elementarya hanggang high school, dangan kasi nagiging problema na natin ang obesity o walang kontrol na paglobo ng katawan ng mga kabataan na nauuwi sa maraming uri ng sakit sa kanilang pagtanda. Ayon …
Read More »Confraternitas Justitiae, A Primer
THE founding of Confraternitas Justitiae was a response to the clamor of Adamson Law School students for a fraternal organization that would address the legal, cultural, political and social issues within the Adamson Law school campus in particular and Philippine society in general. On July 5, 1993 at the front lawn of the historic National Press Club of the Philippines …
Read More »Confraternitas Justitiae
BUKAS ang ika-25 taon na pagkatatag ng Confraternitas Justitiae, dating Knights of the Fraternal Order of Justice, isang progresibong Kapatiran ng mga mag-aaral ng batas sa Adamson University. Naalala ko pa kung sino-sino ang mga dumalo sa pulong nang gabing iyon sa harap ng National Press Club. Iyon ay sina Kapatid na Rolando Calara, Mario Cleto Claris, Romencio Lagrimas, Lyndon …
Read More »Mapanira
TAYONG mga Filipino ay likas na may takot sa Diyos, magalang sa kapwa, lalo sa kababaihan dahil natural sa atin ang pagiging maka-nanay; masayahin, mapagtimpi’t matatag sa harap ng mga suliranin. Gayonman ay malinaw na dahan-dahang nagkakaroon ng kontradiksyon sa ating katauhan, katwira’t damdamin dahil ginigiba ang magagandang katangian ng ating lahi, ng iilan na mapanira nang mabuting asal at …
Read More »Maynila
NITONG nagdaang araw ng Linggo ay ang ika-447 taon na pagkatatag ng Maynila. Ayon sa tala ng mga historyador na Kastila, ang Maynila ang ikalawa sa pinakamantandang ciudad sa Fiipinas, kasunod ang Cebu sa gitnang Visayas. Ang Maynila ay itinatag noong 24 Hunyo 1571 ng conquistador na si Miguel Lopez de Legazpi matapos gapiin ang Kaharian ng Maynila na pinamumunuan …
Read More »Rizal
LAST Tuesday, the Filipino nation commemorated the 157th birthday of arguably one of the most controversial figure in Philippine history, Dr. Jose Rizal. Rizal was born in 1861 in the mystical town of Calamba in the scenic province of Laguna to Francisco Mercado, a Filipino-Chinese merchant; and Teodora Alonzo, who is originally from Bulacan, a province north of Metro Manila. …
Read More »Maestro ng kamatayan?
SA GITNA ng walang pakundangang pagpatay sa mga pari sa loob ng anim na buwang nagdaan ay patuloy pa rin ang panunuligsa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa simbahang Romano Katoliko na lalong nagpapatibay sa hinala na ang mga pagpatay sa mga kleriko ay hindi gawa-gawa lamang ng mga ordinaryong kriminal. Tila isang maestro ng orkestra si Duterte na kumukumpas sa …
Read More »Malaya nga ba tayo?
ANG pagpapahayag ng kalayaa’y tanda ng pagbawi sa sariling kaakohan (national identity) mula sa isang mapanakop na kapangyarihan. Gayonman hindi lahat ng pagpapahayag ng kalayaan ay nauuwi sa tunay na paglaya. Noong isang araw ay ginunita ng pamahalaan ang ika-120 taong Deklarasyon ng Kalayaan ng diktador na si Emilio Aguinaldo. Nguit ang araw ng kalayaan na kinikilala natin ngayon ang …
Read More »Impeachment at Quo Warranto, isang paliwanag (Wakas)
NGAYON na natalakay na natin kung ano ang Impeachment, Quo Warranto, kung sino si Maria Lourdes PA Sereno; at napag-usapan na rin natin mga pangyayari o bagay-bagay bago ang kontrobersiyal na pagkakatanggal sa dating punong mahistrado ay susubukan nating lagumin ang mga pangyayari. Bagamat may legal na opinyon ang Usaping Bayan kaugnay ng mga pangyayari ay hindi na natin tatalakayin …
Read More »