NADAKIP ang 14 suspek na may paglabag sa batas sa serye ng police operations na ikinasa sa lalawigan ng Bulacan, mula Sabado hanggang Linggo ng umaga, 27 Hunyo. Gayondin, inaresto ang anim na drug peddlers sa isinagawang buy bust operations ng mga Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng mga pulisya ng Obando, San Miguel, at Malolos katuwang ang mga elemento ng …
Read More »7 suspek tiklo sa Bulacan (Buy bust vs smuggled ‘yosi’ ikinasa)
SA SERYE ng buy bust operations ng mga awtoridad sa lalawigan ng Bulacan, nadakip sa magkakahiwalay na bayan ang pitong hinihinalang nasa likod ng pagpupuslit ng mga sigarilyo, nitong Martes, 22 Hunyo. Isinagawa ang operasyon ng magkasanib na puwersa ng Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU) at Doña Remedios Trinidad (DRT) Municipal Police Station sa mga bayan ng Norzagaray, Angat, at …
Read More »Ayaw magtrabaho, nagtulak ng ‘bato’ jobless na kelot nasakote
IMBES magsumikap at magbanat ng buto, pagtutulak ng ilegal na droga ang ginawang hanapbuhay ng isang lalaki na nagresulta sa pagkaaresto sa kanya sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 22 Hunyo. Sa ulat mula kay P/Maj. Julius Alvaro, acting chief of police ng San Jose del Monte City Police Station (CPS), kinilala ang suspek …
Read More »BJMP personnel, PDLS 100% bakunado kontra Covid-19 (Sa Bocaue Municipal Jail)
NANAWAGAN ang pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa mga lokal na pamahalaan na ikonsidera ang persons deprived of liberty (PDL) sa kanilang vaccination rollout kontra CoVid-19. Ito ang inihayag ni BJMP chief J/Director Allan Iral kasunod ng isinagawang pagbabakuna ng pamahalaang bayan ng Bocaue sa lalawigan ng Bulacan sa kanilang 148 PDLs at 19 BJMP …
Read More »13-anyos dalagita ginapang sa higaan
HIMAS-REHAS ang isang lalaki matapos arestohin ng pulisya dahil sa pangmomolestiya sa isang batang babae sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 21 Hunyo. Sa ulat na ipinadala kay Bulacan police director P/Col. Lawrence Cajipe, kinilala ang suspek na si Rommel Cariaga, residente sa Brgy. Gaya-gaya, sa nabanggit na lungsod. Nabatid, ang suspek …
Read More »8 tulak, 8 law violators arestado sa Bulacan
NADAKIP ng mga awtoridad ang walong hinihinalang mga tulak ng droga at tatlo pang may iba’t ibang paglabag sa batas sa ikinasang serye ng police operation sa lalawigan ng Bulacan mula Sabado hanggang Linggo ng umaga, 20 Hunyo. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, naaresto ang walong drug suspects sa serye ng buy …
Read More »Kaso ng COVID-19 sa Bulacan bumaba ng 43%
PINASALAMATAN ni Gobernador Daniel Fernando ang health workers at frontliners ng lalawigan ng Bulacan sa kanilang walang kapagurang paglilingkod sa mga Bulakenyo kasabay ng lalo pang pagbaba ng kaso hanggang 43% mula Mobility Week hanggang 19-20 Mayo at mula 8-22 Mayo, hanggang Mobility Week 21, 22-23 Mayo hanggang 5 Hunyo. “Napanatili po natin ang pagbaba ng bilang ng mga kaso. …
Read More »9 katao timbog sa illegal refilling ng butane canister
NADAKIP ng mga awtoridad ang siyam katao kaugnay sa sumbong na sangkot sa ilegal na pagre-refill ng mga butane canister sa bayan ng Baliwag, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 16 Hunyo. Ayon sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, matapos matanggap ang ulat kaugnay sa talamak na pagkakarga at pangangalakal ng tripler …
Read More »No.1 kagawad ng Hagonoy itinumba sa loob ng hardware (Sa Calumpit, Bulacan)
NAGLULUKSA ngayon ang mga mamamayan sa isang barangay sa bayan ng Hagonoy, lalawigan ng Bulacan, nang paslangin ang kanilang no. 1 barangay kagawad ng riding in-tandem sa bayan ng Calumpit, nitong Miyerkoles ng umaga, 16 Hunyo. Batay sa ulat mula kay P/Lt. Col. Ramil Santos, hepe ng Calumpit Municipal Police Station (MPS), kinilala ang biktimang si Romalie “Manet” Gonzales …
Read More »7 pugante arestado, 14 iba pa nasakote (Sa 24-oras na police ops sa Bulacan)
HIMAS-REHAS ang pitong wanted persons samantala sunod-sunod na pinagdadampot ang 14 kataong lumabag sa batas sa serye ng kampanya laban sa krimen na ikinasa ng Bulacan PNP, mula 15-16 Hunyo ng umaga. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nadakip sa bisa ng mga warrant of arrest ang pitong suspek na pinaghahanap ng …
Read More »Hostage-taker patay sa PNP rescue ops
PATAY ang isang lalaking suspek sa pagwawakas ng insidente ng hostage-taking sa bayan ng San Rafael, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes ng hapon, 14 Hunyo. Binawian ng buhay ang hindi kilalang lalaki matapos manlaban sa pulisya na nagtangkang iligtas ang isang menor-de-edad na biktima ng hostage sa nasabing bayan. Ayon sa ulat mula kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director …
Read More »62-anyos na lola sa Bulacan nagtapos ng senior high school (Walang imposible)
LUBOS na hinahangaan ang isang lola sa bayan ng Norzagaray, lalawigan ng Bulacan dahil sa kabila ng kanyang edad ay nagawa niyang makapagtapos ng senior high school. Kinilala si Nanay Jose, 62 anyos na tubong Brgy. Bigte, sa naturang bayan, na binigyang parangal ni Mayor Fred Germar sa nagawang akademikong pagtatapos. Nabatid na biyuda na si Nanay Jose …
Read More »Serye ng police ops umarangkada; 2 tulak, 3 iba pa timbog sa Bulacan
SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang limang personalidad, dalawa sa kanila ay notoryus na tulak samantala tatlo ang sangkot sa iba’t ibang krimen, sa isinagawang serye ng mga operasyon ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Lunes ng umaga, 14 Hunyo. Sa unang buy bust operation na ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Guiguinto Municipal Police Station (MPS), …
Read More »12 sabungero huli sa akto (Kalaboso sa tupada)
KAHIT nasa gitna ng pandemya, patuloy pa rin sa tupada ang ilang sabungero sa lalawigan ng Bulacan hanggang maaktohan sila ng pulisya na nagresulta sa pagkaaresto ng 12 sa kanila sa lungsod ng San Jose del Monte, sa nabanggit na lalawigan, nitong Linggo, 13 Hunyo. Batay sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, …
Read More »2 tulak timbog sa P.34-M ‘bato’
NASAKOTE ang dalawang hinihinalang drug peddlers sa isinagawang drug bust operation ng pulisya sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan nitong Biyernes, 10 Hunyo. Ayon sa ulat mula kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PPO, nagkasa ang Drug Enforcement Unit ng Marilao Municipal Police Station (MPS) buy bust operation sa Villa Roma 5, Brgy. Lias, sa naturang bayan …
Read More »Kagat ng tuta inilihim, totoy patay sa rabies
BINAWIAN ng buhay ang isang 11-anyos batang lalaki nitong Linggo, 6 Hunyo, matapos makagat ng isang tuta sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan. Ayon sa ama ng biktimang hindi na pinangalanan, bago namatay ay ilang araw na nagsuka ang kanyang anak, hindi makakain at hindi makainom ng tubig. Bukod umano dito, naglalaway o dumudura ang kanyang anak …
Read More »13 tulak, sugarol sa Bulacan nasakote 11 arestado sa iba’t ibang krimen
HINDI umubra ang pagiging tigasin ng mga pasaway na tulak at sugarol sa Bulacan nang pagdadamputin sila sa sunod-sunod na operasyon ng pulisya sa lalawigan hanggang nitong Linggo ng umaga, 6 Hunyo. Sa ulat kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nadakip ang apat na tulak sa ikinasang buy bust operations ng Station Drug Enforcement Units (SDEU) ng …
Read More »Puganteng manyakis ng Region 8 nakorner sa Bulacan
MATAPOS ang mahigit apat na taong pagtatago sa batas, naaresto ng mga awtoridad sa lalawigan ng Bulacan ang isang puganteng pinaghahanap ng batas sa Eastern Visayas na nagtatago sa lungsod ng San Jose del Monte, nitong Sabado, 5 Hunyo. Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PPO, nagtulong-tulong ang mga elemento ng 1st Platoon, 2nd PMFC, Warrant Section ng SJDM …
Read More »PNP 24-oras police ops ikinasa 22 law breakers timbog (Sa Bulacan)
(ni Micka Bautista) SUNOD-SUNOD na naaresto ang 22 katao na pawang lumabag sa batas sa loob ng isang araw na police operations sa lalawigan ng Bulacan nitong Martes, 1 Hunyo. Batay sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PPO, nadakip ang siyam na drug suspect sa mga ikinasang buy bust operation ng Station …
Read More »Tiyuhin nagparaos sa dalagitang pamangkin, kalaboso
ARESTADO ang isang lalaki matapos ireklamo ng panggagahasa sa kanyang dalagitang pamangkin sa bayan ng Obando, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 31 Mayo. Sa ulat mula sa Obando Municipal Police Station (MPS), kinilala ang suspek na si Ricky Mendoza, 44 anyos, residente sa Brgy. Panghulo, sa nabanggit na bayan. Nabatid na dinakip ng mga awtoridad ang suspek matapos …
Read More »4 Timbog sa P1.39-M shabu, 4 law violators arestado
KOMPISKADO ang tinatayang P1,394,000 halaga ng hinihinalang shabu na may timbang na 205 gramo habang arestado ang walong suspek na pawang may paglabag sa batas sa sunod-sunod na operasyon na isinagawa ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 31 Mayo. Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nasasamsam ang 14 piraso ng selyadong plastic sachets …
Read More »Barangay officials ‘di puwedeng lumahok sa partisan politics (Kaugnay sa kumalat na sulat sa Bulacan)
PINAALAHANAN ni Senate Minority Leader Frank Drilon ang mga opisyal ng mga barangay na hindi sila maaaring pumasok sa partisan politics. Ginawa ito ni Drilon nang kumalat sa social media ang sinasabing sulat ng isang barangay chairman sa mga residente ng Brgy. Pagala, sa bayan ng Baliuag, lalawigan ng Bulacan na nagtatanong kung susuportahan nila ang kandidatura ni Davao …
Read More »Tren sa Bulacan bibiyahe na sa Disyembre 2021
MAGSISIMULA ang unang biyahe ng mga tren ng North-South Commuter Railway o NSCR Project Phase 1 sa inisyal na ruta nito mula lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan hanggang lungsod ng Valenzuela sa Disyembre 2021. Ipinahayag ito ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa magkasunod na inspeksiyon sa kasalukuyang konstruksiyon ng Meycauayan Station at sa depot o magiging garahe ng …
Read More »Kapitbahay ‘trip’ patayin, kelot tiklo 2 pang law breaker timbog
ARESTADO ang isang lalaking itinurong pumatay sa kanyang kapitbahay, pati ang dalawa pang suspek na may paglabag sa batas sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang Linggo ng umaga, 30 Mayo. Batay sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang suspek sa pamamaslang ng kanyang kapitbahay na si Manuel …
Read More »60 law violators timbog sa Bulacan (Sa 24-oras anti-crime drive)
SA LOOB ng isang araw, nadakip ang 60 kataong may paglabag sa batas sa ikinasang anti-crime drive ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan nitong Linggo, 23 Mayo. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, inaresto ang dalawang wanted persons sa magkahiwalay na manhunt operations ng magkasanib na puwersa ng Regional Mobile Force Battalion …
Read More »