NAARESTO ng mga awtoridad ang dalawang personalidad na pinaniniwalaang tulak ng marijuana kabilang ang isang menor de edad sa isinagawang anti-illegal drug operations sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo ng tanghali, 3 Hulyo. Nagresulta ang ikinasang buy bust operation ng mga operatiba ng Malolos CPS sa Brgy. Lugam sa pagkakadakip nina Ace De Los Arcos, alyas Toh, …
Read More »Nagkakalat ng marijuana sa Bulacan
Sa Jaen, Nueva Ecija
CARETAKER NIRATRAT NG RIDING-IN-TANDEM 
PATAY ang isang caretaker nang barilin ng dalawang armadong lalaking magkaangkas sa motorsiklo sa bayan ng Jaen, lalawigan ng Nueva Ecijia, nitong Linggo, 3 Hulyo. Sa ulat mula sa Jaen MPS, kinilala ang biktimang si Russel Marcelo, noo’y pauwi sa kanilang bahay galing sa inuman nang tambangan ng hindi kilalang mga suspek. Matapos ang pamamaril, nabatid na tumakas ang mga …
Read More »
Sa Angeles City, Pampanga
‘KANO NASABAT SA DRUG BUST
ARESTADO ang isang American national matapos bentahan ng ilegal na droga ang undercover PDEA agent sa ikinasang buy bust operation sa isang motel sa Brgy. Balibago, lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga, nitong Linggo, 3 Hulyo. Kinilala ng mga operatiba ng PDEA Pampanga ang arestadong suspek na si James Baginski, 57 anyos, American national at residente sa Kandi Tower, Brgy. …
Read More »14 law violators kinalawit sa Bulacan
MAGKAKASUNOD na pinagdadampot ng mga awtoridad ang 14 kataong pawang may paglabag sa batas sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Linggo ng umaga, 3 Hulyo. Batay sa ulat na isinumite kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PNP, unang naaresto ang limang suspek sa ikinasang anti-illegal drug operations ng mga operatiba ng mga himpilan ng pulisya ng Baliwag, …
Read More »‘Damo’ ibinenta sa pulis big time tulak tiklo
HINDI nakapalag ang isang big time na tulak nang dakmain ng mga awtoridad matapos bentahan ng tuyong dahon ng hinihinalang marijuana ang isang pulis na umaktong poseur buyer sa bayan ng Baliuag, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 2 Hulyo. Sa ulat mula kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang suspek na si Kenneth Ryan Rodolfo, …
Read More »
Bumatak muna bago umatake
KAWATAN TIMBOG SA BULACAN
PARA lumakas ang loob, bumabatak muna ng marijuana ang isang pinaniniwalaang magnanakaw na naaresto ng pulisya sa lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 2 Hulyo. Sa ulat mula kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang nadakip na suspek na si Arwin Abergas, residente sa Brgy. Saog, bayan ng Marilao, …
Read More »Bulacan Airport Special Economic Zone ibinasura ni Marcos, Jr.
IPINAWALANG BISA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang House Bill No. 7575 na naglalayong gawing Special Economic Zone and Freeport Zone ang Bulacan Airport City. Batay sa liham ni Marcos, Jr., na ipinadala sa tanggapan ng Senate President, sinabi niyang hindi niya sinusuportahan ang naturang bill dahil salungat ito sa layunin ng gobyerno na bumuo ng tax system. Bagaman kinikilala …
Read More »
Para sa ikalawang termino
GOV. FERNANDO NANUMPA NA
“WALA tayong kapangyarihan sa ating mga sarili, maliban sa tiwala na ipinagkaloob sa atin ng ating mga kababayan. Palitan natin ng serbisyo publiko ang kapangyarihan na ipinagkatiwala sa atin.” Ito ang mensahe ni Gobernador Daniel Fernando para sa kanyang sarili at sa kanyang mga kapwa lingkod bayan sa panunumpa para sa kanyang ikalawang termino bilang ika-35 Gobernador ng Lalawigan ng …
Read More »
Sa Nueva Ecija
MOST WANTED RAPIST NASAKOTE
SA PINATINDING Manhunt Charlie operation, nadakip ng mga awtoridad ang top most wanted person (MWP) sa bayan ng Rizal, sa lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Lunes, 27 Hunyo. Ayon kay P/Col. Jess Mendez, acting provincial director ng Nueva Ecija PPO, naglunsad ang mga operatiba ng Rizal MPS ng Manhunt Charlie Operation sa Purok 5, Brgy. Cabucbucan, sa nabanggit na bayan. …
Read More »
Sa pitong araw na SACLEO sa Bulacan
P1.1-M DROGA NASABAT, 413 PASAWAY TIMBOG
NASAMSAM ang mahigit sa P1.1-milyong halaga ng ilegal na droga habang nadakip ang 413 law offenders sa inilunsad na isang linggong Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Unit (SACLEO) ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Lunes, 27 Hunyo. Batay sa ulat na isinumite kay P/Col. Charlie Cabradilla, inaresto ang 125 indibidwal sa serye ng anti-drug bust na ikinasa ng Station …
Read More »
Bangka tumaob sa dagat
4 MANGINGISDA NALUNOD, PATAY ISA NAWAWALA
APAT mangingisda ang nalunod at namatay habang hindi pa nahahanap ang isa, matapos tumaob sa dagat ang sinasakyan nilang bangka sa bayan ng Bagac, lalawigan ng Bataan, nitong Lunes, 27 Hunyo. Ayon sa ulat ni Commodore Armand Balilo, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard, kinilala ang mga namatay na sina Alexander Mesina, Tirso De Guia, Edgar Balboa, at Gregorio Limboc. Nabatid, …
Read More »Holdaper-pusher tiklo, 5 iba pa swak sa hoyo
NALUTAS ng mga awtoridad ang serye ng panghoholdap sa ilang bayan sa Bulacan nang maaresto ang isang lalaking pinaniniwalaang sangkot sa ilegal na droga sa isinagawang operasyon laban sa krimen sa lalawigan nitong Biyernes, 17 Hunyo. Sa ulat mula kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang suspek na si Angelo Capili, residente sa Brgy. Bagna, …
Read More »
Sa Marilao, Bulacan
3 ADIK SA TONG-ITS TIMBOG
DINAKIP ng mga awtoridad ang tatlo katao matapos maaktohang ilegal na nagsusugal sa isang bahay sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 17 Hunyo. Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Bernard Pagaduan, hepe ng Marilao MPS, kinilala ang mga suspek na sina Randy Llano, Benedict Baltazar, at Dianne Dela Paz, pawang mga residente sa Brgy. Lambakin, sa nabanggit …
Read More »
Sa loob ng 24 oras…
10 TULAK, 6 PUGANTE, 6 IBA PA NASAKOTE SA BULACAN
Naiselda sa loob lamang ng 24 oras ang may kabuuang 22 kataong pawang may mga paglabag sa batas sa lalawigan ng Bulacan sa serye ng mga operasyon kaugnay sa g anti-criminality drive ng mga awtoridad nitong Miyerkoles, 15 Hunyo. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, naaresto ang 10 drug suspects sa mga …
Read More »
Guilty sa katiwalian
EX-MAYOR SA PAMPANGA HINATULAN
Hinatulan ng guilty ng Sandiganbayan si dating Guagua, Pampanga Mayor Ricardo Rivera sa kasong katiwalian. Sinampahan si Rivera ng kaso bunga ng hindi natapos na public slaughterhouse sa kanilang bayan noong 2009. Pinatawan si Rivera ng parusang pagkakakulong ng anim hanggang walong taon at hindi na maaring manungkulan sa anumang pampublikong posisyon. Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 3019 o …
Read More »
Sa Pampanga,
KAWATAN NG MOTOR TIKLO SA BATO
Nadakip ng mga awtoridad ang isang pinaniniwalaang talamak na ‘ ‘motornapper’ matapos mang-agaw ng motorsiklo at mahulihan ng hinihinalang shabu sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga nitong Miyerkoles ng umaga, 15 Hunyo. Sa ulat ni P/Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng Mabalacat CPS kay P/Col. Alvin Ruby Consolacion, acting provincial director ng Pampanga PPO, nagkasa ng follow up operation …
Read More »
Sa Norzagaray, Bulacan…
BIKOLANONG TULAK TIMBOG SA SHABU
Nadakip ang isang lalaki na mula sa Bicol sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Norzagaray, lalalwigan ng Bulacan, nitong Martes, 14 Hunyo. Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Cresenciano Cordero, Jr., acting chief of police ng Norzagaray MPS, naglatag ang mga intel operatives ng nasabing police station ng drug buybust operation na nagresulta sa pagkaaresto ni …
Read More »2 biyahero ng ‘bato’ kinalawit sa Bulacan
Arestado ang dalawang hinihinalang mga drug peddlers na nagtangkang magbiyahe ng ilegal na droga sa Bulacan sa ikinasang anti-illegal operations ng pulisya sa lalawigan nitong Martes, 14 Hunyo, sa lungsod ng Malolos. Batay sa ulat ni P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang mga suspek na sina Gerard Pascual, 39 anyos, pedicab driver, residente ng Brgy. …
Read More »May mental disorder nag-amok, nanlaban sa pulis, lalaki patay
NAPATAY ang isang lalaking armado ng matalas na armas matapos manlaban sa nagrespondeng pulis sa ginawa niyang pag-aamok sa bayan ng Sta.Maria, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 13 Hunyo. Kinilala ni P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, ang suspek na si Ricardo Agno, 42 anyos, residente sa Brgy. Sto.Tomas, sa nabanggit na bayan. Nabatid na nag-amok ang …
Read More »
Sa inarestong 100 indibiduwal sa Tarlac
5 DAYUHANG RESEARCHERS INIIMBESTIGAHAN
SUMASAILALIM ngayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad ang limang dayuhan matapos madakip kasama ang ilang indibiduwal sa bayan ng Concepcion, lalawigan ng Tarlac noong 9 Hunyo. Ayon kay PRO3 PNP Regional Director P/BGen. Matthew Baccay, kinilala ang mga dayuhang sina Krystiana Swain, Emily Butler, Nishant Carr, at Keidan Oguri, pawang American nationals; at Christopher Silva San Martin, Chilean national. Kasama …
Read More »
Sa Bataan
P10-M YOSI NASAMSAM
NAREKOBER ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) – Port of Limay ang may P10-milyong halaga ng puslit na sigarilyo sa bayan ng Orion, sa lalawigan ng Bataan, nitong Lunes, 6 Hunyo. Armado ng Letter of Authority (LOA) ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero, sinalakay ng BoC-Limay, Enforcement Security Services (ESS), Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Philippine National Police …
Read More »
Sa pagtatapos ng 150-araw election period
CENTRAL LUZON PNP ‘BACK TO NORMAL’ 
NAGTAPOS ang 150 araw na panahon ng eleksiyon ngunit nasa tuktok pa rin ng sitwasyon ang Police Regional Office 3 na nakasasaklaw sa pitong lalawigan at 14 siyudad sa Central Luzon. Sa ulat mula kay PRO3 Regional Director P/BGen. Matthew Baccay, sa buong panahon ng kampanyahan sa rehiyon ay pangkalahatang naging mapayapa, maliban sa anim na insidente na may kaugnayan …
Read More »
Hinarang, binurdahan ng saksak
KELOT PATAY SA MGA SIGANG SENGLOT
HINDI umabot nang buhay sa ospital ang isang lalaking sakay ng motorsiklo matapos siyang harangin at pagsasaksakin ng mga nakaalitan sa kalsada sa bayan ng Sta. Rosa, lalawigan ng Nueva Ecija. Sa ulat mula sa Sta. Rosa MPS, kinilala ang biktimang si Darius Nepomuceno, 24 anyos, agad binawian ng buhay dahil sa mga tama ng saksak sa kaniyang katawan. Ayon …
Read More »12 Bayan, lungsod sa Bulacan Idineklarang COVID-free na
INIHAYAG ng Provincial Health Office ng Bulacan, 12 bayan at isang lungsod sa lalawigan ang Malaya na sa virus na CoVid-19. Ayon kay Bulacan Epidemiology Surveillance Unit (PESU) officer Brian Alfonso, sa ulat nitong Lunes, 6 Hunyo, ang lungsod ng Meycauayan, at mga munisipalidad ng Balagtas, Baliwag, Bustos, Doña Remedios Trinidad (DRT), Guiguinto, Norzagaray, Obando, Paombong, Pulilan, San Ildefonso, San …
Read More »
Miyembro ng crime group
MWP SA N. ECIJA TIKLO SA MANHUNT CHARLIE
ARESTADO ang isa sa mga nakatalang most wanted persons sa Nueva Ecija sa inilatag na manhunt operations ng pulisya laban sa mga krminal na nagtatago sa lalawigan, nitong Lunes ng umaga, 6 Hunyo. Sa ulat mula kay P/Col. Jess Mendez, acting provincial director ng Nueva Ecija PPO, nagsagawa ang magkasanib na mga elemento ng Talavera MPS, 1st at 2nd PMFC, …
Read More »