Sunday , November 17 2024

Mat Vicencio

Bello: pro-Joma anti-Digong

Sipat Mat Vicencio

MAKAPILI ba itong si Labor Secretary Silvestre Bello III? Sa halip kasing suportahan ang panawagan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na tapusin ang pakikipag-usap sa rebeldeng komunista, lumalabas na ayaw niya itong mangyari. Dapat ay sumusunod si Bello sa kagustuhan ni Digong at hindi kung ano ang gusto ni-yang mangyari. Bakit parang ayaw pa rin bumitaw nitong si Bello at …

Read More »

Hindi ipinagkanulo ang “source”

Sipat Mat Vicencio

IMBES ipagkanulo ang “source” minabuting aminin ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos na walang katotohanan ang kanyang pahayag sa media hinggil sa P100 milyon suhol ng yellow group para sirain ang pamilyang Marcos. Ang pangyayaring ito ay naganap sa hearing ng House committee on good government and public accountability matapos takutin at pagbantaan ni Ilocos Rep. Rudy Fariñas na ipakukulong …

Read More »

Silang apat na kamoteng senador

Sipat Mat Vicencio

BUKOD sa suportado ng taongbayan ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, malinaw na suportado rin ito ng Senado at Kamara. Pinatunayan ito nang aprubahan ng Kongreso ang hinihingi ni Digong na extension ng martial law sa Mindanao hanggang 31 Disyembre 2017, sa katatapos na joint session ng Congress nitong Sabado. Sa botong 261–18, pinagtibay ng mga miyembro ng Senado …

Read More »

Iboykot ang Kamara!

Sipat Mat Vicencio

  WALANG nalalabing alternatibo si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos kundi ang boykotin ang “fake hearing” ng House of Representatives na ipinatawag ni Rep. Rudy Fariñas kaugnay sa pagbili ng provincial government ng mga sasakyang pambukid gamit ang pera mula sa tobacco excise tax. Malinaw na isang uri ng pamomolitika ang ginagawa ni Fariñas laban kay Imee na ang ta-nging …

Read More »

Valenzuela sa ‘kuko’ ni Mayor Rex Gatchalian

Sipat Mat Vicencio

  ANG Valenzuela City ang tinaguriang strike ca-pital of the Philippines noong panahon ng batas militar ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Noong dekada ‘70, ang Valenzuela City ang may pinakamaraming bilang ng welga sa Metro Manila. Kadalasang makikita sa harap ng mga pabrika ay mga nagtitipon-tipong mga manggagawa at nagbabantay ng kani-kanilang picket line. Ang ibig sabihin lang, maraming mga …

Read More »

Walang pumapatol kay Joma

Sipat Mat Vicencio

  KAMAKAILAN ay nagsalita na naman si Joma Sison, ang pinuno ng mga dogmatikong grupo ng komunista sa bansa, at parang sirang plaka nang akusahan si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na hindi raw interesado sa usapang pangkapayapaan. Sabi nitong si Joma, ang pamahalaan daw ay patuloy sa all-out war policy laban sa NPA sa kabila ng mga naunang unilateral ceasefire …

Read More »

Dating Speaker Nograles ipinagtanggol si Imee

Sipat Mat Vicencio

MISMONG si dating House Speaker Prospero Nograles ay hindi pabor sa ginagawa ng mga kongresista, partikular ang panggigipit kay Ilocos Norte Gov. Imee Marcos at sa anim na empleyado ng provincial government na tinaguriang “Ilocos 6.” Galit si Nograles sa ginawa ng isang hindi kilala at maepal na kongresista matapos ipakita at ipagmayabang sa media ang sinasabing magiging kulungan ni …

Read More »

Fariñas ‘sinipa’ sa Ilocos Norte

Sipat Mat Vicencio

KUNG mayroon pang natitirang kahihiyan si Rep. Rudy Fariñas, mabuti sigurong magbitiw na lamang siya bilang kongresista ng First District ng Ilocos Norte. Mantakin ba naman ninyong mismong ang kanyang mga kababayan sa Ilocos Norte ay idineklara siyang “persona-non-grata.” Ang ibig sabihin ng “persona-non-grata” ay unwelcome. Hindi tanggap o hindi nais na maki-ta ang pagmumukha ng isang indibidwal sa isang …

Read More »

Mayor Gatchalian: pro-businessman anti-mamamayan

Sipat Mat Vicencio

KUNG tutuusin, higit na binibigyan ng importansiya ni Mayor Rex Gatchalian ang kapakanan ng mga negosyante sa Valenzuela City kung ihahambing sa ginagawa nitong pagpapahalaga sa kapakanan ng kanyang maliliit na kababayan. Kesehodang maprehuwisyo pa ang mga residente ng mga naglalakihang pabrika sa Valenzuela, basta ang mahalaga sa kanya ay buwis o kung ano mang tulong ang ibinibigay ng mga …

Read More »

Batas Militar tapusin

Sipat Mat Vicencio

MATAPOS ang halos isang buwan na pagpapairal ng Batas Militar ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, maaaring bawiin na niya ito at ibalik sa civilian power ang pagpapatakbo ng pamahalaan ng Mindanao. Walang dapat ipaliwanag si Digong sa kanyang mga kritiko maliban sa pagsasabing isang malaking tagumpay ang pagdedeklara ng Batas Militar matapos lusubin ng teroristang Maute group ang Marawi City. …

Read More »

Alvarez ‘tuta’ ni Fariñas

Sipat Mat Vicencio

SI Rep. Pantaleon Alvarez o si Rep. Rudy Fariñas ba ang Speaker ng House of Representatives? Tiyak ang isasagot ng marami ay si Alvarez. Pero kung pakasusuriing mabuti, luma-labas na ang tunay at ang umaaktong speaker ng Kamara ay si Fariñas. Sa papel o titulo lamang si Alvarez bilang Speaker ng House of Representatives. Maituturing na ‘tuta’ ni Fariñas si …

Read More »

Mayor Gatchalian at ang amoy ng CDO

Sipat Mat Vicencio

  HINDI natin alam kung bakit pinababayaan ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang pa-tuloy na pag-alingasaw ng mabahong amoy na nanggagaling sa pabrika ng CDO. Ang CDO, manufacturer ng meat and fish product ay matatagpuan sa West Service Road, Barangay Paso de Blas, Valenzuela City. Halos araw-araw, prehuwisyo ang idinudulot sa mga residenteng malapit sa CDO dahil sa mabahong …

Read More »

Aguirre, Jurado sinopla si Alvarez

Sipat Mat Vicencio

SI Speaker Pantaleon Alvarez na yata ang maituturing na pinakapalpak at walang kakuwenta-kuwentang lider ng House of  Representatives. Napakalayo ni Alvarez kung ikokompara sa mga nagdaang speaker ng Kamara. Isa kasing katangian ang kinakailangan para maging matagumpay ang lider na Kamara, at ito ay iyong katagang leadership. Pero sa pagkatao ni Alvarez, mukhang mailap ang katagang ito, at sa halip …

Read More »

“Ilocos 6” palayain!

Sipat Mat Vicencio

HALOS dalawang linggo nang nakakulong sa detention cell ng Kamara ang anim na empleyado ng Ilocos Norte Provincial Government matapos silang i-contempt ni Rep. Rudy Fariñas sa isinagawang pagdinig kaugnay sa paggamit ng P66 milyong tobacco excise tax na ipinambili ng mga sasakyan para sa tobacco farmers ng lalawigan. Nakaaawa ngayon ang kalagayan ng tinaguriang “Ilocos 6” dahil sa ginagawang …

Read More »

PAUNAWA

Sipat Mat Vicencio

Humihingi ng paumanhin sa mga tagasubaybay ng SIPAT ang inyong kolum-nistang si Mat Vicencio. Hindi ninyo matutunghayan ang kanyang kolum ngayong Lunes, dahil sa hindi maiiwasang pagtupad ng tungkulin. Muli ninyong mababasa ang SIPAT sa Biyernes. Salamat po sa pag-unawa. – Ed SIPAT – Mat Vicencio

Read More »

Digong dapat mag-ingat sa tactical alliance sa mga armadong grupo

Sipat Mat Vicencio

KUNG inaakala ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na tutulungan siya ng Moro National Liberation Front (MNLF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa pakikipaglaban sa teroristang Maute group at Abu Sayyaf para tuluyang magapi ito, nagkakamali siya. Ang panawagan ni Digong sa MNLF at MILF na sumanib sa AFP para pulbusin ang Maute group ay maituturing na ‘suntok sa buwan.’ …

Read More »

Joma hindi sinusunod ng NPA

Sipat Mat Vicencio

Tama lang na suspendihin ng Philippine government ang nakatakdang fifth round of talks sa National Democratic Front dahil sa ipinalabas nitong direktiba sa kanilang armadong grupo na paigtingin ang opensiba laban sa mga sundalo bilang reaksiyon sa martial law na idineklara ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa Mindanao. Paniwala ng gobyerno, hindi talaga seryoso at sinsero ang NDF sa pakikipag-usap …

Read More »

Motibo ni Fariñas

Sipat Mat Vicencio

HALOS sumabog sa galit ngayon ang mga magsasaka sa Ilocos Norte matapos akusahan ng Kamara ng katiwalian ang mga opisyales ng provincial government hinggil sa paggamit ng pondo mula sa excise tax ng sigarilyong gawa sa lalawigan. Kamakailan, isang imbestigasyon ang ginawa ng House committee on good government and public accountability na ipinatawag mismo ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas …

Read More »

Arogante at mayabang si Taguiwalo!

Sipat Mat Vicencio

ANO ba ang pakialam nang pinagdaanang torture nitong si Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo noong panahon ng martial law sa hindi pagkakakompirma sa kanya ng Commission on Appointments o CA? Sobrang arogante nitong si Taguiwalo! Kung na-bypassed man kasi ang appointment ni Taguiwalo, dapat lang na tanggapin niya ito dahil karapatan ito ng mga miyembro ng CA na hindi siya …

Read More »

Nahihibang si Gen. Eleazar

Sipat Mat Vicencio

NITONG nakaraang Pebrero, idineklara ng Quezon City Police District, sa pamumuno nitong si Chief Superintendent Guillermo Eleazar na drug-free ang kabuuang 19 barangay sa lungsod. Buong tikas at walang kagatol-gatol na sinabi nitong si Eleazar na ang mga barangay sa Quezon City tulad ng Maharlika, Phil-Am, New Era, Novaliches Proper, Capri, Greater Lagro, Greater Fairview, Teachers Village East, Paligsahan at …

Read More »

Praning si Sec. Bello

Sipat Mat Vicencio

ANO na namang kapraningan ang iniisip nitong si Labor Sec. Silvestre Bello III? Hindi porke merong pang-aabusong nagaganap sa hanay ng migrant workers ay ititigil na niya ang deployment ng mga manggagawa sa Middle East. At ano namang trabaho ang ibibigay ni Bello sa mga manggagawang haharangin niya patungong Middle East, aber? Kahit sabihin pa ni Bello na maraming trabahong …

Read More »

Drug test sa Kongreso naburo

Sipat Mat Vicencio

HALOS isang taon na ang nakararaan pero wala pa rin naipatutupad na mandatory drug test sa hanay ng mga kongresista sa kabila ng resolusyong inihain ni Surigao del Norte Rep. Ace Barbers. Takot ba ng mga kongresista na sumailalim sa drug test? O, talagang meron lang mga adik na mambabatas sa Congress kaya hindi umuusad ang resolution na inihain ni …

Read More »

Alvarez sibakin palitan ni GMA

Sipat Mat Vicencio

SI dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang nararapat na mamuno sa House of Representatives kapalit ni Speaker Pantaleon Alvarez. Ang ipinakitang kabastusan ni Alvarez ay sapat na batayan para magkaisa at maging matapang ang lahat ng mambabatas para tuluyan siyang mapatalsik sa puwesto bilang lider ng Kamara. Sa kabila ng deklarasyon ni GMA na hindi siya …

Read More »