Saturday , November 23 2024

Maricris Valdez Nicasio

Tunay na nangyari sa Marawi, inilahad sa Ang Misyon: A Marawi Siege Story

“NAIS kong ipakita ang tunay na nangyari sa Marawi. Marami pa ang nangyayari roon.” Ito ang tinuran ni Cesar Soriano ukol sa kanyang unang idinireheng pelikula, ang Ang Misyon: A Marawi Siege Story na pinagbibidahan ni Martin Escudero hatid ng ABS-CBN Films, CineScreen sa ilalim ng produksiyon ng GreatCzar Media Productions at mapapanood na sa Mayo 30. Sa special screening ng Marawi Siege na ginanap sa Dolphy Theater noong Biyernes ng gabi, inilahad …

Read More »

Concert ni Justin Lee, pinuno ng mga tin-edyer 

MULING pinatunayan ni Justin Lee na hindi lamang siya magaling na aktor kundi isa rin siyang magaling na singer. Sa katatapos na All About Me Concert sa SM North EDSA Sky Dome na ipinrodyus ng SMAC TV Productions, pinatunayan ni Justin ang husay sa pagkanta at pagsayaw. Hindi nga magkamayaw ang mga tin-edyer sa pagsigaw at pagpalakpak na sumugod sa Sky Dome para suportahan ang …

Read More »

Jameson at Janella, nag-deactivate sa social media

KAPWA hindi naka­yanan nina Janella Salvador at Jameson Blake ang mga panglalait na natatanggap sa kani-kanilang social media kaya naman pinutol o nag-deactivate sila ng kanilang account. Mabilis hinusgahan ang pagkatao ni Janella nang nakipagtalo siya sa isang matandang tindera ukol sa sukli at inulan naman ng panghihiya si Jameson nang tanggihan at takbuhan siya ng nililigawan. Timely ang usaping …

Read More »

Optical Media Board sinuportahan ang #PlayItRight ng Globe

IPINAHAYAG ng Optical Media Board (OMB) ang kanilang buong suporta sa #PlayItRight anti-piracy advocacy ng Globe Telecom na layuning mag-educate sa general public laban sa malware, cyber security threats, at access sa illegal digital content at torrent sites. Ani Globe President at CEO Ernest Cu, ang suporta ng OMB, isang government agency na dedicated sa paglaban sa piracy, ay malaking …

Read More »

Kris, sinorpresa si Bistek (sa pa-birthday party ng mga HS friend)

PAGKATAPOS mabalitang magkasamang nanood ng pelikulang Kasal, muling nagkasama sina Kris Aquino at Quezon City mayor Herbert Bautista, sa isang sorpresang pa-birthday party ng mga kaklase ng actor-politician noong high school. Ito’y ginanap noong Miyerkoles ng gabi sa isang restoran sa Quezon City. Sa ipinadalang picture ng isang kaibigan, itsinika nitong malapit sa restoran ang shooting ng pelikulang ginagawa ni …

Read More »

Empoy, kinabog sina Aga at Dingdong sa 41st Gawad Urian

INISNAB ng Gawad Urian ang mga mainstream movie dahil pawang mga indie film ang nominado sa kanilang 41st Gaward Urian 2018. Ang pelikulang Respeto ang nakakuha ng pinakamaraming nominasyon (11) na sinundan ng Balangiga: Howling Wildeness at Tu Pug Imatuy, (9), at The Chanters at Ang Larawan (7). Nakakuha naman ng tig-anim na nominasyon ang mga pelikulang Birdshot, Bhoy Intsik, Kita Kita, at Changing Partners samantalang lima ang sa Smaller and Smaller Circles, at tatlo ang Neomanila. Social …

Read More »

Xia, natupad ang pagiging blogger sa Familia BlandINA

ISANG blogger ang role ni Xia Vigor sa pelikulang Familia BlandINA kaya naman ganoon na lamang ang kanyang excitement. “Marami pong makare-relate na mga tao kasi marami po ang gustong maging blogger, mag-youtube. Kasi marami na ang mahilig magganito. Halos lahat po kasi dream maging blogger. Ako po sobrang thankful ako dahil naging blogger ang role ko rito,” sambit ni Xia nang mag-set visit …

Read More »

Nick Vera Perez, inisnab ang Miss Wisconsin Earth para sa NVP1 Homecoming at album tour

HINDI tinanggap ni Nick Vera Perez, magaling na singer, ang pagho-host sa Miss Wisconsin Earth dahil sa promosyon ng kanyang album na I Am Ready at 15 mall shows at iba pang commitment sa ‘Pinas. Sa ginanap na Grand Homecoming ng NVP1 sa Rembrandt Hotel, ibinalita ng manager ni Nick na inilabas na rin ang tatlo pang single ni Nick, ito ay ang Di Maglalaho, Keep The …

Read More »

SPEEd, Globe may pa-film showing sa FDCP seminar-workshop

MAGKAKAROON ng special screening para sa dalawang nominadong Best Film sa dalawang araw na workshop ng Film Development Council of the Philippines bilang bahagi ng inaabangang 2nd EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd). Mapapanood ang Birdshot ng TBA Production sa * May 26, 6:00 p.m., , Deadma Walking ng T-Rex Enter­tainment sa * May 27, …

Read More »

Willie at Castelo, magtutulong para sa pabahay sa Payatas

BULONG-BULUNGAN na ang posibleng pagtakbong mayor ni Willie Revillame sa Quezon City. Bagamat may balita ring posibleng tumakbo itong Senador dahil kinausap na raw ito ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kung tatakbong mayor si Willie, posible niyang makalaban sina VM Joy Belmonte at Cong. Bingbong Crisologo. Pero bago ito, kamakailan naglibot sina Revillame at Quezon City Rep. Winston ‘Winnie’ Castelo gamit …

Read More »

Wish na NY vacation ng JoshLia, ibibigay ni Kris

MATAGAL nang pangarap nina Julia Barretto at Joshua Garcia na makapagbakasyon sa New York. At ibibigay ito ni Kris Aquino sa kanilang dalawa kapag naging blockbuster ang pelikula nilang I Love You Hater. Nalaman kasi ni Kris habang may photo shoot sila  para sa kanilang pelikula na handog ng Star Cinema na gustong magbakasyon ng JoshLia sa New York na …

Read More »

Anne, handa nang magka-anak

HINDI man komportable si Anne Curtis na pag-usapan ang ukol sa pagkakaroon niya ng anak, sinagot pa rin niya ang mga nangungulit na reporter. Aniya, hindi siya nape-pressure na mabuntis dahil naniniwala siyang kung ibibigay na iyon sa kanila ni Erwan Heyssaff, darating at darating. Iginiit pa niyang sakaling dumating na nga ang kanilang magiging panganay ni Erwan, nakahanda naman siya.

Read More »

Ara, tatakbo para sa mga batang may down syndrome

MALAKI talaga ang puso ni Ara Mina sa mga nangangailangan ng tulong. Hindi na rin bago ang pagtulong niya sa mga nangangailangan lalo na iyong may mga special need tulad ng mga batang may down syndrome. Hindi naman kaila sa atin na ang kapatid niyang si Mina Princess Klenk o Batching ay may down syndrome. Kaya naman muli, isang malaking event ang ginawa ni Ara, ang tARA …

Read More »

Dingdong at Anne, nagdayaan sa pag-ibig

DAYAAN sa pag-ibig. Ito ang ipinakikita ni Direk Irene Villamayor sa kanyang bagong handog na pelikula mula Viva Films at N2 Productions, ang Sid & Aya: Not a Love Story na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Anne Curtis na mapapanood na sa Mayo 30. Anang director, ipakikita nina Anne at Dingdong kung paano nagkakagaguhan sa pag-ibig. Kaya nga nasabi nila na hindi lahat ng I love you ay may love story. …

Read More »

KARLA ibinuking: Daniel at Kathryn, pinag-uusapan na ang kasal

NOONG Sabado’y isa kami sa nakasama para sa set visit ng shooting ng pelikulang ginagawa at pagbibidahan ni Karla Estrada, ang Familia BlandINA sa Plaridel, Bulacan handog ng Artic Sky Production at pinamamahalaan ni Direk Jerry Lopez Sineneng. Sa pakikipag-usap namin kay Karla, walang kaabog-abog na nasabi nitong pinag-uusapan na nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang ukol sa kasal. Bale ba, gagampanan ni Karla …

Read More »

Kris, hanga sa professionalism at husay ni Direk Giselle Andres

NAGUSTUHAN ni Kris Aquino kung paano magtrabaho ang kanilang director sa I Love You, Hater na siGiselle Andres. Napaka-professional at mahusay ani Kris ang bagong director dagdag pa ang kakaibang vision nito. Maging sa dalawang bagets na kasama ni Kris, sina Julia Barretto at Joshua Garcia ay gulat  siya sa pagka-seryoso sa trabaho. “Nagulat ako kasi when I was that young, I did …

Read More »

Bimby, crush na crush si Julia

BINATA na nga ang bunsong anak ni Kris Aquino, si Bimby. Hindi kasi nito ikinaila na crush niya si Julia Barretto. Ani Bimby, crush niya ang dalaga na katrabaho ng kanyang ina sa pelikulang I Love You, Hater ng Star Cinemadahil mabait ito. Bukod sa close rin si Julia sa ina nitong si Marjorie Barretto tulad niya sa kanyang inang si Kris, gandang-ganda rin siya sa dalaga. …

Read More »

Dedikasyon ni Vice Ganda sa industriya, sobra-sobra

TUWANG-TUWA ang Team Vice sa karangalang iginawad ng FAMAS kay Vice Ganda, ang Dolphy Lifetime Achievement Award.  Tiyak na magsisilbi pa itong inspirasyon para lalong ipagpatuloy ni Vice ang pagbibigay-kaligayahan sa lahat ng Filipino saan mang dako ng mundo.  Marami ang natuwa sa natanggap ni Vice na parangal na mismong ang mga anak ni Mang Dolphy ang pumili sa magaling na komedyante.  Rito pinatunayang ang pagbibigay ng Lifetime Achievement Award ay hindi nakabase sa tagal ng isang artista sa industriya kundi sa mga na-achieve o nai-contribute ng kanyang karera.   Hindi naman maide-deny na bagamat ilang taon pa lamang si Vice sa showbiz, sobra-sobra sa isang “lifetime” ang kanyang nakamit na tagumpay na resulta ng kanyang dedikasyon at hard work.  Kasi naman hindi ba, sa pelikula, patuloy na bini-break ni VG ang record na itinatakda niya sa bawat pelikulang kanyang pinagbibidahan.  Sa telebisyon naman, tuloy-tuloy ang pamamayagpag sa ratings ng It’s Showtime, GGV, at ang katatapos lamang na Pilipinas Got Talent.  Ibang level kasi ng kasiyahan ang ibinibigay ng Unkaboggable star  sa mga Kapamilya niya sa North America at sa matagumpay niyang concert series sa US at Canada.  SHOWBIZ KONEK ni Maricris Valdez Nicasio    

Read More »

Riva Quenery, magpapasabog sa RiVlog Live!

UNANG sumikat si Riva Quenery sa kanyang Vlog bago ang pagiging Showtime Girltrends o endorser at performer. Kilalang vlogger si Riva kaya naman nabigyan siya ng YouTube’s Popular Silver Play Buttom award dahil sa kanyang mga vlog na may 100,000 subscribers. At matapos ang isang taon, umabot na agad sa 340,000 followers sa YouTube ang kanyang RIvlog. Dahil dito, nais …

Read More »

Gary, nakalalakad na; Sharon, bumisita

NOONG isang araw, sorpresang binisita ni Sharon Cuneta si Gary Valenciano na kasalukuyang nagpapagaling sa ospital matapos maoperahan sa puso. Ang pagbisita ay ibinahagi ni Angeli Pangilinan sa kanyang Facebook account na naglahad ng sobrang kasiyahan sa ginawang pagdalaw na iyon ng Megastar. Ani Angeli, walang pinapayagang makalapit kay Gary dahil sa posibleng impeksiyon pero may exemption naman daw. Sa …

Read More »

Electrifying production numbers, mapapanood sa Ignite concert ni Regine

“EXPECT a lot of skin,” pagbabahagi ni Regine Tolentino ukol sa kanyang kauna-unahang dance concert, ang Ignite na gaganapin sa May 26, 8:00 p.m. sa Skydome sa SM North Edsa. Tampok sa Ignite concert ang electrifying production numbers choreograph ng magaling na Speed Dancers’ dance director na si Egai  Bautista na tampok ang fabulous costumes designed ni Regine and style …

Read More »

Kasal, grand comeback ni Bea sa pelikula

ITINUTURING na grand comeback ni Bea Alonzo ang pelikulang Kasal simula nang magbida sa How To Be Yours noong 2016. Ang pelikulang ito rin ang unang major project ni Bea matapos ang matagumpay na  primetime teleserye niyang A Love To Last. Ang Kasal din ang pambungad na handog sa engrandeng selebrasyon ng  ABS-CBN-Films, Star Cinema para sa ika-25 anibersaryo sa …

Read More »

CineFilipino Film Festival, nagsimula na

NAGSIMULA na kahapon ang pagpapalabas ng mga pelikulang kahalok sa Cine Filipino Film Festival na nadagdagan ang mga sinehan sa tulong ng Film Development Council of the Philippines. Mapapanood ang mga pelikula hanggang Mayo 15. Ang CineFilipino Filmfest ay mapapanood sa mga sinehan sa Gateway Cinema 4, Greenbelt 1 Cinema 1, Cinelokal Theaters-SM Fairview, SM North Edsa, SM Megamall, SM …

Read More »