Thursday , May 23 2024

Javi Benitez, ayaw magpa-double sa mga delikadong stunt; Kid Alpha One, pang international

NASAKSIHAN namin mismo ang ilan mga delikadong eksena ni Javi Benitez para sa pelikulang Kid Alpha One nang bumisita kami sa shooting nito sa Epic Parc Rainforest sa Tanay Rizal.

Naabutan namin ang paggulong sa mabato at putikan ni Javi na tatlong beses ipinaulit ni Direk Richard Somes para mas perfect pa ang eksena. Walang ka-double si Javi dahil gusto niyang siya mismo ang gumawa kaya naman duguan at puro gasgas ang braso, mukha, at iba pang parte ng katawan ng newbie actor.

Pero balewala ang hirap na iyon dahil pinalakpakan at pinuri naman si Javi ng mga kapwa niya artista, gayundin ng aming grupo na nakasaksi sa eksena.

Sabi nga ni Tonton Gutierrez, na may mahalagang papel sa pelikula, ”He’s a revelation, a natural when it comes to his action scene, napakagaling. His Tagalog kailangan pang i-polish pero madali na ‘yun. But he has improved a lot from the very beginning up to now. Ngayon medyo patapos na kami talagang hasang-hasa na siya when it comes to action even ‘yung drama, at may romantic scenes din, siya na bahalang magsabi ng tungkol dyan.”

Intense ang kanyang pagiging action star. Kung makikita mo ang pag-aaksiyon niya para siyang dati nang action star,” sambit naman ni Juan Rodrigo. “Magaling siya talaga. Newcomer lang siya pero ang titindi agad ng mga ginagawa niya,” giit pa ni Juan.

Sinabi naman ni Javi na na-accept na niyang parte ng pagiging action star ang masugatan. “As much as possible talaga gusto kong ako ang gumawa lahat ng action scene ko. Pero may mga time na ipinagbabawal ng direktor kagaya niyong may mataas na tinatalon or ‘yung malapit sa explosion. Mga 85-95 action scenes ako ang gumagawa.”

Excited naman si Bryan Revilla na mapasama sa Kid Alpha One. Aniya, “I’m very excited from what I’ve seeing sa mga previous na na-shoot nila. And with Direk Richard he’s in good hands. No doubt na Javi is a very promising actor and nothing but a good stuff about him.”

Tila ine-enjoy naman ni Javi ang mga eksenang nagpapagulong-gulong sa putikan dahil naglalaro siya ng football kaya hindi na bago ang ganoon. Bukod pa sa nae-enjoy niya ang mga ginagawa sa pelikula. “Iba pa rin ‘yung nae-entertain ‘yung mga nakakapanood kasi ‘pag nakikita ko sa monitor ‘wow’ iba eh.”

Pasadong action star, 8 out of 10

Samantala, grade 8 out of 10 naman ang ibinigay ni Direk Richard kay Javi bilang action star dahil sa tapang nitong gumawa ng grabeng eksena.

Bilang baguhan nakagugulat ang galing niya at malayo ang mararating niya. Magaling kaya 8 ang grado niya bilang action star,” sambit ni Direk Richard.

Hindi naman itinago ni Javi ang pagka-pressure sa magagandang sinabi sa kanya ng mga co-star niya. “Honored and humbled. And I’ve learned from them the honesty and passion sa craft and having scenes with them marami pa akong matututuhan sa kanila.

I also take it scene by scene, day by day, I did my best sa mga eksena, titingnan na lang natin ang kabuuan na how much effort ‘yung ginawa namin. Sana lumabas ‘yung mga ginawa namin sa final product.”

Bago sumabak sa maaksiyong pelikula si Javi, nag-train siya ng MMA (mixed martial arts) at iba pa gayundin ng gun training sa loob ng tatlo hanggang apat na buwan.

Gusto talaga ni Javi na malinya sa aksiyon pero okey din na maging versatile actor siya. “Sa action kasi, I’ve sporty kaya sa tingin ko mas prefer ko ang ganitong genre tapos bihira pa ngayon ang action. Growing up I look up to sa mga action star.”

Sa kabilang banda, pinuri naman ni Tonton ang napakagandang pagkakagawa ni Direk Richard sa Kid Alpha One.

Ito lang po ang masasabi kong action film na all out. Ibig kong sabihin, hard core to the extent na Hollywood, pang-international ang level. Kapag napanood ninyo kayo na mismo ang magsasabi, ‘oo nga ano pang-hollywood,’” ani Tonton.

Noong una kasi medyo alanganin pa ako pero noong makita ko ang trailer, sabi ko, ‘pang-international ito a.’ Sinabi ko kay Direk, ‘Direk ang ganda ng ginawa mo a, ang galing!’ Pati ‘yung mga scene niya ang ganda. Pwedeng panglaban sa ibang bansa. Wala akong masabi, ang galing talaga,” sambit naman ni Juan.

Kasama rin sa Kid Alpha One sina Christopher de Leon, Joross Gamboa, Sue Ramirez, at marami pang iba.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ralph Dela Paz

Coco at Ruru gustong makatrabaho ni Ralph Dela Paz

MATABILni John Fontanilla PAGKALIPAS ng ilang taon ay nagbabalik showbiz ang aktor, stage actor, at …

June Navaja Vincent Marcelo Piolo Pascual Toni Labrusca

Piolo at Toni wish makasama ng mga bida sa isang BL series

MA at PAni Rommel Placente SINA June Navaja at Vincent Marcelo ang mga bida sa BL series na My Bae-Bi …

Nash Aguas Mika dela Cruz Angelica dela Cruz 

Angelika nilinaw Mika ‘di buntis kaya nagpakasal kay Nash

MA at PAni Rommel Placente INIINTRIGA si Mika dela Cruz.  Buntis daw umano ito kaya bigla …

Jeric Gonzales Ruffy Biazon Trina Biazon Muntinlupa

Jeric Gonzales haharanahin mga Natatanging Ina ng Muntinlupa

RATED Rni Rommel Gonzales PASASAYAHIN at pakikiligin ni Jeric Gonzales ang mga taga-Muntinlupa City dahil haharanahin ng …

Blind Item, Mystery Man, male star

Aktor pa-victim ang drama, matapos magtago super pa-interview na

I-FLEXni Jun Nardo VISIBLE ngayon sa showbiz events ang isang aktor na nasangkot sa isang malaking kontrobersiya …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *