PASLIT pa lang si Jermae Yape ay hilig na niya ang kumanta at sumayaw. Kaya naman hindi niya ine-expect na aabot hanggang sa paglulunsad niya ng single na Summer ang pagkanta-kanta niya. “Sobrang blessing na nakapag-produce ako ng sariling kanta. Gustong-gusto ko itong ‘Summer’ kaya naman thankful din ako,” masayang kuwento ni Jermae na collaboration nila itong Summersingle ni Jheorge Normandia. Kuwento ni Jermae na …
Read More »Christian Bables, ‘di nangapa sa pagbibitaw ng punchlines
MALAPIT sa puso ni Christian Bables ang comedy dahil natural siyang komedyante. Ayon kay Christian na pagbibidahan ang isang romantic comedy movie mula Regal Films, ang Recipe For Love na pinamahalaan ni Jose Javier Reyes at pinagbibidahan nila ni Cora Waddel, “hindi malayo sa akin. I must say ‘yung sense of humor ko malakas din naman talaga. Mahilig akong magpatawa …
Read More »Niña Taduran, 3rd Nominee ng ACT-CIS partylist
MADALAS akong manood ng Wanted sa Radyo at hanga ako sa tulong na ibinibigay kapwa nina Raffy Tulfo at Niña Taduran. Kamakailan nakasama namin sa isang pananghalian si Nina at naikuwento nga nitong siya ang ikatlong nominee ng ACT-CIS o Anti-Crime and Terrorism thru Community Involvement and Support. Pero bago ito’y aware na akong tatakbo siya sa isang partylist dahil …
Read More »RDL owner, ‘di nai-iintimidate sa pagsusulputan ng napakaraming skin care products
“MALAKAS kami sa export!” Ito ang iginit ni Ms. Merce Lim, Executive Vice President for Operations ng RDL Pharmaceuticals, Inc. kung kaya’t hindi sila nag-aalala sa pagsusulputan ng napakaraming skin care products. “RDL is made. We’re already 23 years. Sila seasonal pa lang. We’re not intimidated. Kasi hindi nila alam ang pinagdaanan ng RDL na from scratch na talagang from …
Read More »Tell Me Your Dreams, tribute para sa mga guro
DEDIKASYON, determinasyon, at sakripisyo ng pagiging isang guro ang ipinakikita sa pelikulang Tell Me Your Dreams na pinagbibidahan ni Aiko Melendez. Tinatalakay din sa pelikula na hindi hadlang ang kahirapan para magtagumpay. Itinataguyod ng Tell Me Your Dreams ang values formation ng mga bata, ang karapatan nila sa tamang edukasyon, pagbibigay importansiya sa mga katutubo, at ang ‘di mapantayang dedikasyon …
Read More »Kiray, umeksena sa Class of 2018
PALABAS na sa 150 cinemas nationwide ang teen horror-thriller movie na handog ng T-Rex Entertainment, ang Class of 2018 na pinagbibidahan nina Nash Aguas at Sharlene San Pedro. Pang-millennial ang pelikula kaya tiyak kong magugustuhan ito ng mga kabataan. Sa pelikula’y tiyak na kayo’y matutuwa, maiiyak, magagalit, magugulat, at titili dahil sa mga eksena ng mga estudyanteng nagtungo sa isang lugar para tumuklas ng bagong …
Read More »JM, na-inlove sa istorya ng Kung Paano Siya Nawala
“Naka-connect ako sa kanya,” sambit ni JM de Guzman kung bakit niya tinanggap ang pelikulang Kung Paano Siya Nawala na palabas na sa kasalukuyan, handog ng TBA Studios at pinagbibidahan nila ni Rhian Ramos. Sambit pa ng actor, ”First time kong nabasa ‘yung script, gusto ko na talaga siyang gawin. Ang ganda ng story and character.” Ang Kung Paano Siya Nawala ay ukol sa istorya ni Lio (JM), isang tahimik …
Read More »Hindi ko endorser si Vice, fan niya ako — Gov. Imee Marcos
“HINDI ko endorser si Vice Ganda!” Ito ang iginiit ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos nang makahuntahan namin ito sa isang pananghalian noong Martes para sa kanyang kaarawan sa Nobyembre 12 sa isang restoran sa Quezon City. Nag-viral at binigyang kulay ang pagkakasabay nila ng komedyante sa airport sa Ozamiz City at sinabing ineendoso siya nito bilang senador. Natatawang paliwanag ni Imee, ”Naku tama …
Read More »Ngayon lang ako nakatikim ng engrandeng birthday at pa-cater — Joshua
BONGGANG-BONGGA ang katatapos na 21st birthday ni Joshua Garcia handog ng kanyang fans, ang Tropang Joshua Official na isinagawa sa Fernwood Garden noong Linggo, November 4 na may temang Mafia. Bukod sa mga miyembro ng Tropang Joshua na mayroon pang nanggaling sa ibang bansa, Cebu, at iba pang lugar, inanyayahan din nila ang pamilya at kamag-anak ng actor gayundin ang …
Read More »Regine, 50 songs ang pag-aaralan para sa 3 gabing concert
KUNG excited si Regine Velasquez sa tatlong gabi niyang concert, ang Regine at the Movies, na gagawin sa November 17, 24, at 25 sa New Frontier Theater (dating Kia Theater), mas doble ang excitement namin at tiyak ng fans din Paano’y magaganda ang kasama niya niya sa series of shows. Makakasama niyang una si Piolo Pascual sa Nov. 17, si …
Read More »Allan Paule, napakaitim ng budhi
NAGTAGUMPAY si Yam Laranas para takutin ang kanyang manonood sa pelikulang handog ng Viva Films at Aliud Entertainment, ang All Souls Night na mapapanood na simula ngayon, October 31. Isa kami sa nakapanood ng pelikulang pinagbibidahan nina Andi Eigenmann, Yayo Aguila, at Allan Paule sa premiere night nito noong Lunes ng gabi sa SM Megamall at napasigaw at napagod kami dahil sa katitili at paghihintay ng solusyon kung paano ba matatalo …
Read More »12 entries, maglalaban-laban sa 7th ASOP Music Fest
AMINADO si Jay Eusebio, VP for Television at Marketing ng BMPI Inc., na nagkaroon sila ng malaking problema sa paglipat ng venue ng A Song of Praise (ASOP) Music Ferstival. Kung dati-rati’y sa malaking venue ito isinasagawa, sa Araneta Coliseum, sa ikapitong taon ng ASOP ay nalipat sa New Frontier Theater. Paliwanag ni Mr. Eusebio, hindi available ang Araneta ng November 11, Linggo, …
Read More »Kris, nagbahagi ng pitong sikreto niya sa buhay
ISANG masigla at masayahing Kris Aquino ang nakita namin sa paglulunsad ng isang produkto. Naka-move on na nga ang aktres mula sa ilang araw na stress at depresyon dahil ng panlolokong ginawa ng isang taong pinagkatiwalaan niya. Aminado si Kris na hindi madali ang pinagdaanang pangyayari nitong mga nakaraang araw sa kanyang buhay. Kaya naman kinailangan na niyang magsampa ng kaso laban …
Read More »Angelica at Sarah, aapir sa MatteoXCarlo concert
HINDI itinanggi ni Carlo Aquino na kinakabahan siya sa gagawin nilang konsiyerto ni Mateeo Guidicelli sa November 17, sa Music Museum, ang MatteoXCarlo dahil matagal-tagal na rin namang hindi siya nakapagpe-perform. Ayon sa magaling na actor, G-Mik days pa ang huling performance niya kung music ang pag-uusapan kaya naman happy siya sa gagawin niya. “Kinakabahan ako, pero excited ako dahil gusto ko …
Read More »Pia, goal na makasali ng marathon (after ng sexy pictorial sa GSMI)
“NAKAKATUWA at very happy to be the Ginebra San Miguel Calendar Girl. It’s a company, brand that is very respected and recognized all over the world,” ito ang nasambit ni Pia Wurtzbach nang painitin niya ang isinagawang paglulunsad sa kanya bilang pinakabagong GSM Calendar Girl. Si Pia ang napili ng GSM Inc., para maging 2019 Calendar Girl ng Ginebra San Miguel kasabay din …
Read More »Kris, tumulong pa rin sa mga may breast cancer patient kahit may pinagdaraanan
ISANG artikulo ang aming nadaanan ukol sa ginawang ‘panghaharbat,’ ‘pangho-holdap’ (ito ang itinawag niya sa ginawa niya) ni Ogie Diaz sa isang sikat na personalidad. Ang tinutukoy niya ay si Kris Aquino. Ang artikulong iyon ay isinulat ni Jerry Olea ukol sa isinagawang pagdiriwang ng Kasuso Foundation sa pamumuno ni Ogie. Aniya, isang balita ang ipinarating ni Ogie sa mga …
Read More »Kyline, ‘di na mabilang, mga produktong ineendoso; ‘Di nakikipag-kompetensiya sa kapwa artista
AKMA sa pagiging simple ni Kyline Alcanta ang tagline ng bagong produktong ineendoso niya, ang Symply G Hair and Skin Care na pag-aari ni Mr. Glen Sy, ang Ipasa ang Simply G, Simpleng Ganda. Sa launching ng Symply G sa kanilang newest ambassadress na si Kyline na isinagawa sa Luxent Hotel at pinamahalaan ng kanilang PR na si Wheyee Lozada, …
Read More »Pink Filmfest 2018, aaribang muli
AARIBANG muli sa ilang mga sinehan ang Quezon City International Pink Film Festival (QCIPFF) 2018 sa darating na Nobyembre 14-25. Tumutugon ang filmfest sa ordinansang ibinaba ng Sangguniang Panglungsod ng Quezon na naglalayong protektahan ang mga karapatang pantao ng LGBTQ+ community. Sa mga pelikulang ipapalabas, tinatalakay ang iba’t ibang naratibo hinggil sa lesbians, gays, bisexuals, at transgenders. Hanggang sa ngayon, …
Read More »Regine, nagbalik-Kapamilya!
ANIMO’Y may komosyon sa ABS-CBN kahapon ng hapon dahil sa ginawang pagsalubong kay Regine Velasquez para sa pagpirma nito ng kontrata sa Kapamilya Network. Napaka-engrande ng nangyaring pagsalubong kay Regine na dinaluhan ng mga tagapamahala ng kompanya at ng mister niyang si Ogie Alcasid. Dumalo sa pirmahan sina Dreamscape Entertainment head Deo Endrinall TV Production head Laurenti Dyogi; Cacai Velasquez, manager ni Regine; Chief Operating Officer Cory Vidanes; Chairman of ABS-CBN Mark Lopez; …
Read More »Sharlene, dream maging action star; insecure sa katawan
IKINATUWA ni Sharlene San Pedro ang pagkaka-offer sa kanya ng Class of 2018, ang pelikulang idinirehe ni Charliebebs ‘Beb’s Gohetia at unang pelikulang pagbibidahan nila ni Nash Aguas. “Kakaiba kasi siya at binasa ko ‘yung plot sa harap ng daddy at mommy ko. Ang reaction nila talagang, ‘oy parang kakaiba ‘yan a.’ Ganoon agad ang reaction nila kaya sabi ko, ‘oo nga eh.’ At habang binabasa …
Read More »Nash, klinaro, tampuhan nila ni Alexa; Ilang beses sinuyo
MATAGAL naging magkatrabaho sina Nash Aguas at Alexa Ilacad. Huling pagsasama nila ang TV series na The Good Son ng ABS-CBN. Balitang nagkaroon ng gap ang dalawa kaya naman agad naming kinunan ng komento ang aktor nang makausap ito sa intimate presscon ng Class of 2018 handog ng T-Rex Entertainment kasama si Sharlene San Pedro na mapapanood na sa November 7. Ayon sa aktor nang kumustahin namin siya ukol sa loveteam nila …
Read More »Andi, aarte pa rin, ‘di pa iiwan ang pag-aartista
HINDI na prioridad ni Andi Eigenman ang pagiging aktres kaya naman mas madalas siya sa Siargao. Iyon na kasi ang gusto niyang buhay, simple at malayo sa anumang intriga. Pero hindi natanggihan ni Andi ang All Souls Night na mula sa imahinasyon ni Yam Laranas at idinirehe nina Aloy Adlawan at Jules Katanyag, mga manunulat ng ilan sa mga pinakamalalaking …
Read More »Higher Than High will be a show stopper — Jed Madela
DREAM come true para kay Jed Madela ang isang malaking concert sa Araneta Coliseum. Kaya naman ganoon na lamang ang pasalamat niya sa producer ng kanyang Higher Than High: the 15th Anniversary Concert sa November 16, Biyernes, 8:00 p.m. At mula sa titulong Higher Than High, i-expect na natin ang mga birit, matataas na kanta. “But aside from that, we want to …
Read More »24 transgender, magpapatalbugan para sa Queen of Quezon City
NGAYONG Lunes magaganap ang pre-pageant ng Queen of Quezon City, na 24 transgender beauties na residente ng Quezon City ang maglalaban-laban. Paglalabanan nila ang premyong P300,000 o ang korona bilang Queen of Quezon City. Bukod dito, tatlo pang katapat-dapat ang pipiliin at makapag-uuwi ng P100,000 para tanghaling Lady Equality, Lady Respect, at Lady Pride. Gaganapin ang grand coronation night sa Nov. 10 sa …
Read More »Ms. South Africa, wagi sa Queen of WEMSAP
NAPAKABONGGA ng katatapos na WEMSAP (Web Marketers Specialist Association of the Philippines) Coronation Night 2018 na isinagawa sa Aliw Theater noong Miyerkoles ng gabi. Apatnapu’t limang kandidata ang naglaban-laban para sa limang korona kasama ang pinag-aagawang titulo, ang Queen of WEMSAP. Ang WEMSAP ay isang organization ng legitimate Online Marketing Center na ang focus ay ang pagha-handle ng non-voice accounts sa mainstream ng business …
Read More »