Friday , November 22 2024

Percy Lapid

Walang batas sa nagugutom

MALUPIT ang batas para kay Almira Cartina matapos siyang maa­resto ng mga pulis dahil sa umano ay pagna­nakaw kamakalawa ng umaga sa Marikina City. Agad ikinulong si Cartina sa salang pagnanakaw ng 1 ½ kilong karne mula sa isang meat shop sa nabanggit na lungsod. Kulang kasi ang detalye ng ulat na lumabas sa pahayagan dahil hindi kasi nila marahil itinuturing na …

Read More »

Absuwelto si Faeldon; Napahiya ang Senado

MAKATARUNGAN  ang pagkakadismis ng kaso laban kay dating commissioner Nicanor Faeldon at iba pang opisyal ng Bureau of Customs (BOC) sa P6.4 billion shabu shipment kamakailan. Si Faeldon at iba pang dating Customs officials ay inabsuwelto ng Department of Justice (DOJ) panel of prosecutors dahil sa kawalan ng probable cause o sapat na kadahilanan para sampahan sila ng kaso sa …

Read More »

Roque, hari ng sablay

MAY panibagong bersiyon si Presidential spokesperson Harry Roque sa media kamakalawa tungkol sa umano’y dahilan kung bakit sinibak sa puwesto si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Dionisio Santiago bilang hepe ng Dangerous Drugs Board (DDB). Tahimik na sana ang isyu pero marami ang nagulat na biglang naungkat ang pagkakasibak kay Santiago sa DDB. Sa kanyang …

Read More »

Malaking eskandalo sa BIR kumakalat sa social media

HABANG isinusulat natin ang pitak na ito ay malapit nang umabot sa 700,000 ang views sa Facebook at nakapanood ng kumakalat na video  laban  sa ilang opisyal at tauhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Partikular na binabanggit ang pangalan ni Commissioner Caesar Dulay at ang revenue district officers (RDO) ng BIR sa Parañaque at Pasay City. Umabot na kaya sa kaalaman …

Read More »

Sobrang pang-aapi ng mga manlulupig sa pamilya Corona

NAKAGAGALIT na ang sobrang panggigipit ng Office of the Ombudsman, Sandiganbayan at mga nasa likod ng paghihiganti laban kay dating Supreme Court (SC) chief justice Renato Corona at pamilya. Iniaapela ng naulilang pamilya ni Corona ang inilabas na resolusyon ng Sandiganbayan na pinapayagan ang Ombudsman na mabusisi ang bank accounts ng yumaong chief justice at biyudang si Cristina na naglalaman ng …

Read More »

DBM official pinasasampolan sa anti-corruption campaign ng administrasyong Duterte

DBM budget money

ITINAMPOK natin sa mga nakaraan nating kolum ang maanomalyang gawain ng isang opisyal sa Department of Budget and Management (DBM). ‘Yan po ay hango sa padalang liham sa atin ng isang concerned citizen laban kay Director Elisa Salon ng DBM Regional Office III sa San Fernando, Pampanga. Sa kanyang liham, hinihiling ng concerned citizen kay beloved Pres. Rodrigo “Digong” Duterte na …

Read More »

‘Kerengkeng’ na DBM official na may alagang sweet lover cum driver

DBM budget money

PAGDATING pala sa imoralidad ay walang ipinagkaiba kay suspected illegal drugs protector Sen. Leila de Lima ang isang tiwaling opisyal na matagal nang nagpapayaman sa Department of Budget and Management (DBM). Pagkatapos magkamal ng limpak-limpak na ‘kickback’ mula sa bilyon-bilyong pondo para sa Mt. Pinatubo project ng mga nagdaang administrasyon, ang immoral na DBM official ay sa maanomalyang seminar naman …

Read More »

Corrupt DBM official ‘di takot sa PACC at kay Pres. Duterte

DBM budget money

NILAGDAAN ni Pres. Rodrigo “Digong” Duterte ang Executive Order No. 43 na lumilikha sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) noong nakaraang Oktubre. Pakay nito na imbestigahan ang mga tiwaling opisyal at empleyadong inaabuso ang kanilang tungkulin sa pamahalaan. Kasama sa kapangyarihan ng PACC ang irekomenda na maparusahan ang sinomang opis-yal at empleyadong nagkasala, na kung ‘di man suspendehin ay masibak sa serbisyo.   Pero …

Read More »

Ultimatum ng MMDA sa illegal terminal at Bgy. 659-A execs

GALIT na nagbantang kakasuhan ni Gen. Lim retired Army general at Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Danilo “Danny” Lim ang mga opisyal ng Bgy. 659-A na pinamumunuan ni Chairwoman Ligaya V. Santos sa salot na illegal terminal sa Lawton, sa Ermita, Maynila. Hindi marahil makapaniwala ang dating Army Scout Ranger na hindi seseryosohin ang kanyang naunang babala laban sa mga …

Read More »

Paglusob ng MMDA sa Illegal terminal sa Lawton naitimbre sa Bgy. 659-A bago sinalakay

lawton illegal terminal Danny Lim MMDA

NAGDIWANG maging ang madudungis na bata sa harap ng Philpost building sa Ermita, Maynila na tuwang-tuwang nagsisipaglaro matapos galit na ipasara ni Manila Metropolitan Development Authority (MMDA) Chairman Danny Lim (insert) ang ilegal na terminal ng mga kolorum na UV Express at ang mga ilegal na vendor na nagtitinda sa paligid ng Philippine Postal Office. Habang ipinakikita ng isang UV …

Read More »

Giyera sa Marawi, tapos na; Mabuhay ang mga sundalo!

NATAPOS din sa wakas ang mapamuksang digmaan sa Marawi matapos ang limang-buwan na labanan sa pagitan ng mga sundalo ng ating pamahalaan at mga terorista. Nakamit ang hindi matatawarang tagumpay ng ating mga sundalo sa pagbawi ng Marawi mula sa kamay ng mga naghasik ng terorismo. Pero ang lawak ng pinsalang idinulot ng katatapos na giyera ay hindi biro para sa …

Read More »

Baron Geisler, matino kaysa mga politikong tulisan sa pamahalaan

SABIT na naman sa gulo si Baron Geisler matapos maaresto sa isang kilalang resto-bar sa Quezon City, kamakailan. Dahil daw sa kanyang ”unruly behaviour” kapag nalalango sa alak ay banned sa mga establisiyemento ng naturang resto-bar si Baron. Pero kahit banned ang aktor, siya ay pinahintulutan na makapasok sa resto-bar hanggang sigawan umano at murahin ni Baron ang dalawang lalaking customer nang walang kadahilanan. …

Read More »

P50-M kinupitan ng P1-K nina Argosino at Robles, inabsuwelto sa plunder

sandiganbayan ombudsman

INABSUWELTO ng Office of the Ombudsman sa kasong plunder sina dating Bureau of Immigration (BI) deputy commissioners Michael Robles and Al Argosino na sumabit sa pangingikil ng P50 milyon mula sa dayuhang illegal online gambling operator na si Jack Lam. Pinababa ng Ombudsman sa “graft” at “direct bribery” ang kaso laban sa dalawang dating BI officials mula sa dapat sana ay plunder …

Read More »

Impeachment trial kay Bautista, binaril ni Pres. Rody Duterte

OPISYAL nang tinanggap ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte ang pagbibitiw ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista nitong nakaraang linggo. Naisahan ni Bautista ang mga mambabatas, hindi na nila siya maisasalang sa impeachment trial. Tiyak na ang hindi natuloy na impeachment trial kay Bautista ay ikinalungkot ng mga PR na umaasang malaki ang kikitain kapalit ng serbisyo sa mainstream media …

Read More »

Talupan si Bautista!

MATITINDING unos ang nakatakdang sagupain ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista matapos baliktarin ng Kamara ang naibasurang impeachment case laban sa kanya. Paniwala natin, taktikang-pusit ang pagsusumite ni Bautista ng resignation nang makatunog na patatalsikin siya ng Kamara, kamakalawa. Tiyak na nasabihan ng kanyang mga kaalyado sa Kamara si Bautista bago pa pagbotohan ang pagpapatalsik sa kanya kaya maaga …

Read More »

Mabilis na pagdami ng mga naghihirap

BUMULUSOK daw sa mahigit 15 porsiyento ang ibinagsak ng popularidad ni Pres. Rodrigo “Digong” Duterte sa pinakahuling survey na mukhang ikinataranta ng Palasyo at mga kaalyado ng administrasyon. Ayon sa survey, malaking porsiyento raw sa ibinagsak ng popularidad ni Pres. Digong ay mula sa “Class E” o hanay ng mga maralita na nawawalan ng bilib sa pangulo. Ang pagkadesmaya ng mga …

Read More »

Walang kuwentang rigodon sa Customs

MAAGA pa para husgahan ang liderato ni retired Gen. Isidro S. Lapeña bilang bagong commissioner ng Bureau of Customs (BOC). Pero gusto man natin magtagumpay ang pamahalaan sa pagsugpo ng katiwalian ay mukhang malabong matupad ni Gen. Lapeña ang misyon na malipol ang “tara system” sa Customs. Nagpalabas kamakailan ng Customs Personnel Order (CMO) si Gen. Lapeña para sa re-assignment ng …

Read More »

Kay Gen. Bato: Public service is a thankless job

SINUMBATAN ni Philippine National Police (PNP) chief Ronald “Bato” dela Rosa ang mga pumupuna sa kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga. Tinawag ni Gen. Bato na “ingrato” ang mga aniya’y kritiko na ayon sa kanya ay nakikinabang sa peace and order na idinulot ng war on drugs. Pero hindi kombinsido si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III sa peace and …

Read More »

Disbarment at kasong perjury vs Carandang

DAPAT nang lumayas sa puwesto itong si Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang, sa lalong madaling panahon, matapos umamin sa kanyang mga kasinungalingan laban kay Pang. Rodrigo “Digong” Duterte. Maliwanag na imbento lang pala ng damuhong si Carandang ang bilyong pisong deposito sa banko ni Pangulong Digong matapos pabulaanan ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na galing sa kanila ang umano’y bank …

Read More »

‘Barker’ bawal na sa QC

QC quezon city

BAWAL na sa Quezon City ang “barker” na nagtatawag ng pasahero sa mga illegal terminal at ”parking attendants” na nangonglekta ng bayad sa mga pampublikong lugar na pinaparadahan ng mga sasakyan. Ito ay matapos lagdaan ni Mayor Herbert Bautista noong nakaraang buwan ang City Ordinance No. SP-2612 laban sa mga barker at City Ordinance No. SP-2611 laban sa parking attendants, ayon sa pagkakasunod. Ang mga …

Read More »

Biktima ng palakasan sina Salalima at Diño?

BAKIT may magkaibang bersiyon sa pagbibitiw sa puwesto ni dating secretary Rodolfo Salalima bilang kauna-unahang secretary ng Department of Information and Communications Technology (DICT)? Ayon kay Salalima, dalawang bagay ang dahilan ng kanyang pagbibitiw na hindi niya matagalan: katiwalian at pakikialam. “The deal was ‘no interference, no corruption” ang naging kasunduan nila ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte bago niya tinanggap ang …

Read More »

Ipagbawal na ang fraternity

MINSAN pang napatunayan sa pagkamatay ng batam-batang law student sa University of Sto. Tomas (UST) na si Horacio Tomas “Atio” Castillo III na ang fraternity ay dapat ipagbawal. Ilang beses na rin napatunayan na hindi epektibo ang pagkakapasa ng Anti-Hazing Law of 1995 na ipinagmamalaki ni dating senador Joey Lina laban sa malulupit at nakamamatay na ‘initiations’ sa mga fraternity na maging sa …

Read More »

Kakaibang ‘bomba’ ng Viva Hot Babes sa Plaza Miranda

BASTA’T pera talaga o kapangyarihan ang nangibabaw, may mga nilalang na binibigyang katuwiran ang mali. Tulad na lamang sa nakadedesmayang National Day of Protest rally noong Huwebes sa Plaza Miranda, Quiapo na nauwi sa kabastusan. Sa saliw ng nakakikiliting “Basketbol,” bigay-todo ang ngayo’y matataba nang miyembro ng dating grupong Bibingka Hot Babes, ‘este, Viva Hot Babes na sumikat noong dekada ‘90. …

Read More »

Sino si Arvin Tan?

HABANG kinakapanayam ng mga reporter ang Uber driver na naghatid ng mga gamit ni Horacio Castillo III, ang first year law student na napatay sa hazing ng Aegis Juris Fraternity ng University of Santo Tomas (UST), sa kanilang bahay bago siya napatay sa hazing, biglang sumulpot ang isang alumnus ng UST sa headquarters ng Manila Police District (MPD). Kinilala ang dating estudyante ng UST na …

Read More »