Friday , November 22 2024

Percy Lapid

17 PNP na inabsuwelto sa Ampatuan Massacre bakit ibabalik sa PNP?

POSIBLENG makabalik sa serbisyo ang 17 pulis na kabilang sa mga inab­suwelto ng hukuman sa karumal-dumal na Maguindanao Mas­sacre, ayon sa Philippine National Police (PNP). Pinag-aaralan at pinaghahandaan na rin daw ng PNP sakaling ang mga naabsuwelto ay mag-apply na maibalik sa full-duty status. Santisima! Dahil ba sa inabsuwelto ay dapat silang makabalik sa serbisyo bilang mga alagad ng batas o …

Read More »

‘Di pa tapos ang laban

HINDI pa masasabing ganap nang nakamit ng 57 biktima at kanilang pamilya ang katarungan sa karumal-dumal na 2009 Maguindanao Massacre. Sa ayaw at sa gusto natin, tiyak na iaapela ng mangangatay na pamilya Ampatuan sa Korte Suprema ang kaso dahil ang ibinabang hatol ng mababang hukuman ay hindi pa pinal. Kaya naman maraming tuyong dahon pa ang malalagas sa tangkay …

Read More »

“Bato” off limits sa US

AYON mismo kay dating Philippine National Police (PNP) chief at ngayo’y Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, kanselado na ang kanyang US visa. Si Batogan, este, Bato, mismo ang nag-telegraph ng impor­masyon sa pagkansela ng kanyang visa na ayon sa kanya ay kinompirma ng ilan niyang kaibigan sa US embassy. Naniniwala si Bato ang pagkansela sa kanyang visa ay kaugnay ng matinding …

Read More »

Convicted at fugitive ADD leader in concert: ‘Bro. Eli as Frog Sinatra’

WALA talagang kasa­wa-sawa sa panloloko ang damuhong si Bro. Eli “Kuyukot” Soriano (BEKS), ang puganteng lider ng grupong ‘Ang Dating Daan’ (ADD) at ng samahan na nag­papakilalang “Members of the Church of Drugs International.” Lahat na lang ng klaseng raket, basta’t pagkakakitaan, ay naiimbento ni Bro. Eli para mahuthotan ang mga kasapi ng kanyang huwad na relihiyon. Imbes kasi pagpapalaganap ng …

Read More »

Sa MM mayors at LGUs: Tularan si Mayor Abby!

PANSAMATALANG ipinatigil ni Mayor Abigail “Abby” Binay ang pagbibigay ng business at license permits sa mga service provider ng Philippine Offshore Gambling Operators (POGO) sa Makati City. Ayon sa alkalde, ang pangunahing rason sa agarang pagpapatu­pad ng indefinite sus­pension ay bunsod ng labis na pagtaas sa halaga ng local real estate at paglaganap ng krimen sa lungsod. Karamihan sa mga …

Read More »

Bansa at mamamayan ipinahiya ni Cayetano

NAIS daw paimbes­tiga­han ni Pang. Rodrigo “Digs” Duterte ang mga katiwalian sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC), ang priba­dong Foundation na namahala sa 2019 South­east Asian Games na kasalukuyang idina­raos sa bansa. Sa PHISGOC Founda­tion na pinamumunuan ni House Speaker Alan Peter Cayetano napunta ang P1.5-B mula sa bilyon-bilyong pondo na inilaan sa 30th SEAG para sa broadcast expenses, talent …

Read More »

P50-M ‘kaldero’ tribute sa mga atletang Filipino na hindi nag-aalmusal?

KAHIHIYAN imbes sana’y karangalan para sa bansa at mamama­yan ang idaraos na 2019 Southeast Asian Games (SEAG) mula Nov. 30 hanggang Dec. 11. Pihadong nakarating na sa kaalaman ng mga bansang lalahok sa 30th SEAG ang gagamiting cauldron na naban­sagang kaldero pero korteng banyera. Ang banyera na ipinagawa ni House Speaker Alan Peter Cayetano na hindi naman ginto ay pinagkagastahan ng P55-M …

Read More »

Kumusta ang kaso vs Cogie Domingo?

‘YAN ang tanong maka­lipas ang dalawang taon matapos ang isina­ga­wang buy-bust ope­ration ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lungsod ng Parañaque. Magugunita na noong October 2017, ang dating aktor na si Cogie Domingo ay na­resto ng PDEA operatives matapos mahuli sa akto habang bumibili ng ilegal na droga o shabu. Bukod kay Domingo ay arestado rin sa naturang buy bust …

Read More »

Tambalang ‘Batman and Robin’ ng mag-among “Al” at “Joseph” isinusuka ng rank and file sa BI

TALAGA nga palang isinusuka ang tambalan sa raket ng isang opi­syal at empleyado na nabansagang “Batman and Robin” sa Bureau of Immigration (BI). Ito ang ating natuklasan sa mga natanggap nating tawag at reaksiyon mula sa masusugid na mambabasa ng pitak na ito at mga tagasubaybay ng ating malaganap na programa – ang “Lapid Fire” sa DZRJ-Radyo Bandido (810 Khz/AM) na …

Read More »

‘Batman and Robin’ ng BI isalang sa lifestyle check

PINAIIMBESTIGAHAN  umano ng Presidential Anti-Corruption Com­mission (PACC) ang ilang tiwaling opisyal at kawa­ni ng Bureau of Im­mi­gration (BI) na sangkot sa garapalang human trafficking ng Pinoy tourist workers sa ilang mga bansa sa Middle East. Ang hindi lamang natin tiyak ay kung nasa listahan ng PACC ang tinaguriang ‘Batman and Robin’ na tambalan ng isang opisyal at kawani ng BI …

Read More »

MR sa libel cum harassment sa akin ni wanted ADD leader Bro. Eli, mga alagad ibinasura

MULING napahiya si Ang Dating Daan (ADD) convicted-fugitive leader very Bad Eli “Kuyukot” Soriano (BEKS) matapos maibasura ang hirit na motion for reconsideration (MR) sa kasong libel na inihain laban sa inyong lingkod ng kanyang mga alipores. Sa inilabas na resolusyon na pirmado ni Assistant Provincial Prosecutor Francisco Aquino Samonte, Jr. (may petsang October 26), ibinasura ng Catanduanes Prosecutor’s Office ang …

Read More »

ICAD, make or break kay VP Leni Robredo

MAAGANG sinimulan ang pagpapakawala ng mga negatibong open­siba laban kay Vice President Leni Robredo matapos tanggapin ang alok sa kanya ni Pang. Rodrigo “Digs” Duterte na pamunuan ang kam­panya ng pamahalaan kontra illegal drugs. Ang masaklap, hindi pa nakapagsisimula sa pagkakatalaga sa kanya bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD), si VP Robredo ay agad nirapido ng mga nakaiinsultong …

Read More »

P10-M bullet proof SUV ng BI official

GAANO kaya karami ang banta sa buhay ng isang opisyal sa Bureau of Immigration (BI) para bumili ng bullet proof na sasakyan? Marami sigurong atraso ang damuhong BI official kaya’t siya ay nagpasiyang bumili ng bullet proof SUV na P10 milyon ang halaga.\ Para sa BI insiders, ang pangunahing atraso ng BI official na kanilang alam ay modus niya na ipitin …

Read More »

Albayalde at 13 “Ninja cops”‘guilty until proven innocent’?

NAGHAIN na raw ng kaso ang Criminal In­vestigation and Detec­tion Group (CIDG) laban kay dating Philippine National Police (PNP) chief Gen. Oscar Alba­yalde at sa tinaguriang “Ninja cops” na sangkot sa modus na ‘agaw-bato’ noong 2013 sa Pampanga. Si Albayalde ay sinampahan ng mga kasong kriminal: paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) for misappropriation; misapplication or …

Read More »

13 ‘Ninja Cops’ itutumba?

NABABAHALA si da­ting Criminal Inves­tigation and Detection Group (CIDG) chief at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Maga­long sa seguridad ng 13 tinaguriang “Ninja cops” na sangkot sa ‘agaw-bato’ noong 2013 sa Pampanga. Sa isang panayam, sabi ni Magalong: “I hope that those involved in the 2013 drug bust in Mexico, Pampa­nga, will finally realize that they are on their own.” Dahil …

Read More »

Deportation ng 106 Pinoy illegal workers mula Iraq

IPINAGMALAKI ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ang napaulat na pitong tourist workers ang naharang umano ng kanyang mga tauhan sa Ninoy Aquino Inter­national Airport (NAIA) bago makaalis patu­ngong Malaysia, kama­kailan. Ayon kay Morente, lima sa kanila ay peke ang mga dokumento at mula sa Malaysia magtutungo sana sa Australia para magtrabaho. Napag-alaman pa umano ng mga BI personnel …

Read More »

Kasong libel sa akin ng ADD at convicted- fugitive leader “Bad Eli Soriano” ibinasura

MISTULANG sampal sa makapal na pagmu­mukha ni convicted at fugitive “Ang Dating Daan” leader Bro. Eliseo F. Soriano ang pagka­kabasura sa inihaing kaso ng kanyang mga alagad sa Members of the Church of God International (MCGI) laban sa inyong lingkod, kamakailan. Kumbaga sa boksing, hindi man lang naka-first round ang pangha-harass sa akin ng mga damuho matapos ibasura ang kasong libel …

Read More »

Pasiklab na ‘bagman’ nagregalo ng Lexus sa nililigawang Pinay

USAP-USAPAN ngayon ng mga kababayan nating Pinoy sa California ang isang alyas Jojo na animo’y may sariling Central Bank kung makapagwaldas ng salapi sa Estados Unidos ng Amerika. Naging palaisipan ang maluhong paggasta ni alyas Jojo ng limpak na dolyares sa US of A hanggang ang balita ay kumalat sa Filipino community na siya ay ‘bagman’ ng isang mataas at aktibong …

Read More »

Grace Poe, walang alam!

NILAGDAAN ni Pang. Rodrigo “Digs” Duterte, kamakailan, ang Republic Act 11458 na nagpapalawak sa RA 53 at kilala rin sa tawag na Sotto Law. Sakop na ngayon ng batas ang mga nasa broad­cast at online media na hindi maaring pilitin ninuman – maging ng hukuman – na isiwalat ang source na pinag­mulan ng naisapublikong impormasyon, kompara sa dati na limitado lamang …

Read More »

Human smuggling pa sa BI-Cebu at Davao

KAILANGAN muna sigurong may mga kaba­bayan tayong mapa­hamak at maabuso para mag-aksaya ng panahon ang mga mambabatas sa Senado at Kamara na imbestigahan ang tala­mak na human smug­gling at deployment ng Pinoy tourist workers sa ilang mga bansa sa United Arab Emirates (UAE). Wala sa bokabularyo ng mga tiwaling ahente at kawani ng Bureau of Immigration (BI) ang salitang malasakit, basta’t …

Read More »

Human smuggling at ‘Kambingan’ ni alyas “Joseph” sa DMIA-Clark

MASUWERTENG nila­lang itong si Commis­sioner Jaime Morente, walang mambabatas sa Senado at Kamara na interesadong imbes­tigahan ang talamak na human smuggling, ang dating ‘tabakohan’ ng mga tiwaling kawani at ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Sa mga nakaraan ay natalakay natin ang garapalang sindikato ng “escort service” sa palusotan ng ‘Pinoy tourist workers’ sa NAIA, …

Read More »

“Constitutional crisis” sa warrantless arrest?

NAKATAKDA na raw ipatupad ang warrant­less arrest sa Huwebes (Sept. 19) laban sa mga napalayang preso na nagawaran ng Good Conduct Time Allow­ance (GCTA). Dahil sila ay ituturing na pugante, posibleng ‘shoot-to-kill’ ang mga hindi susuko kapag inabot sila ng 15-araw na deadline ni Pang. Rodrigo “Digs” Duterte. Kaawa-awa naman ang mga nadamay lang sa nabigong pagpapalaya kay dating Calauan, Laguna …

Read More »

Illegal online gambling ni “Richard Pale-Pale”

IPINAGBAWAL ni Prime Minister Hun Sen sa bansang Cambodia ang online gambling na pina­tatakbo ng mga Intsik. Dahil diyan, 6,000 Chinese nationals ang lumalayas kada araw at umabot na sa 120,000 ang nagsilayas sa Cam­bodia mula nang ipatupad ang pagbabawal sa online gambling, ayon sa Interior Ministry General Department of Immigra­tion ng nabanggit na bansa. Sinabi ni Ath Bony, tagapagsalita ng …

Read More »

‘Ignorante’ si Lacson?

SANA ay nagbibiro lang si Pang. Rodrigo “Digs” Duterte na taguriang ignorante si Sen. Panfilo “Ping” Lacson dahil sa kanyang paninindigan na labag sa batas ang pagtanggap ng mga pulis ng anomang regalo. Nakalimutan yata ni Pres. Digs na si Lacson ay beterano at may mahabang karanasan bilang law-enfrocer at senador na mambaba­tas. Si Lacson ay dating miyembro ng Metropolitan Command …

Read More »