Tuesday , November 30 2021

Percy Lapid

Lim sa Maynila; Calixto sa Pasay

NGAYONG araw ang simula ng opisyal at naaayon sa batas na pangangampanya para sa mga lokal na kandi­dato sa buong bansa. Umpisa na ng kam­panya pero bigo ang mga katunggaling kadi­dato nina dating Mayor Alfredo Lim sa Maynila at Rep. Emi Calixto-Rubiano sa Pasay na maiangat ang kanilang sarili sa mga totohanang survey. Sina Lim at Calixto-Rubiano ay kapwa biktima ng …

Read More »

Lugi ng PCSO sa STL kanino napunta?

ISANG nagngangalang Lino Espinosa Lim Jr., ang lumiham sa Om­budsman at humihiling na imbestigahan ang mga ari-arian na pinanini­walaang nakamal ni ‘jueteng whistleblower’ Sandra Cam habang nakaupong board director ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). May mga ari-arian daw na itinatago si Madam S. Cam na nasa pangalan ng kanyang mga kapatid na sina Purisima Martinez at Martin Cam, at anak …

Read More »

‘Sense of propriety’ ng Senado sa P8-B kontrata ng Hilmarc’s sa kapinsalaan ng mamamayan

LAKING-GULAT natin na ang Hilmarc’s Con­struction Corp., na naman pala ang naka­dale ng malaking kon­trata sa itatayong gusali na paglilipatan ng Sena­do sa lungsod ng Taguig. Ang Hilmarc’s ay matatandaang inim­bestigahan ng Senado mula 2014 hanggang 2016 sa mga maano­malyang proyekto na ibinulgar ni dating vice mayor Ernesto Mercado laban sa pamilya ni dating Vice President Jejomar ‘Jojo’ Binay sa …

Read More »

“Unholy alliance” ng PCSO at STL cum ‘jueteng lords’

KATIWALIAN ang sina­sabing rason kaya raw sinibak ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte sa puwesto si retired Marine general Alexan­der Balutan bilang general manager ng Philippine Charity Sweep­stakes Office (PCSO). Malaki umano ang ibinagsak ng kita ng PCSO sanhi ng hindi naaabot at inaasahang target income – partikular sa koleksiyon ng Small Town Lottery (STL), ayon sa Palasyo. Isa raw sa tinukoy …

Read More »

Mayor Fred Lim: Tuloy ang laban!

PINASINUNGALINGAN ni dating Mayor Alfredo S. Lim at pambatong kandidato ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Maynila na siya ay umatras na bilang kandidato sa pagtakbong alkalde ngayong darating na eleksyon. Hindi po totoo at malaking FAKE NEWS ang pag-atras daw ni Lim na sigurado at wa­lang duda na nagmula sa kampo ng kanyang mga kalaban. Sa kanyang …

Read More »

Team Calixto pa rin ang patok sa Pasay

TIYAK na mamamaga na naman ang butse ng mga nagkakalat ng pani­nira laban sa ‘Team Ca­lixto’ mula sa kampo ng nag-aala-tsambang kandidato sa Pasay kasunod nang napalat­halang resulta ng survey sa pahayagang The Manila Times, kamaka­lawa. Sa survey na isina­ga­wa ng RP Mission and Development Foun­dation Inc. (RPMDInc.) sa 2,500 respondents ay kasama ang mga kandidato sa tiket ng Team …

Read More »

‘Pinuno’ sa Senado dapat pag-isipan

KUNG dito pala sa bansa isinilang ang isa sa pinaka-mahusay na direktor ng mga pelikula sa Holywood na si Steven Spielberg ay walang kapagapag-asa si Lito Lapid na maging senador. Pangahas na ipinag­malaki ni alyas Pinuno, siya raw ay magaling na direktor sa pelikula bilang kalipikasyon na ipinangangalandakan sa muli niyang pagtakbo. Sa harap ng media, ang nakadidiring sabi niya: “Nagdidirek …

Read More »

Mga bilanggo, inirehistro ng Comelec; pabobotohin sa 2019 midterm elections

MALAWAKANG dayaan ang posibleng maga­nap sa eleksiyon na naka­takdang iraos ngayong Mayo sa sandaling ma­ka­boto ang mga bilanggo na nagawang irehistro ng Commission on Elections (Comelec). Ating napag-ala­man, ang Comelec ay nagsadya sa City Jail ng mga lungsod sa Metro Manila para sapilitang itala ang mga preso noong nakaraang taon. Ibig sabihin, pasok ang pangalan ng mga bi­lang­go sa listahan ng …

Read More »

Kailangan ng ahensiya na hiwalay sa Comelec

KAHAPON pa lang ang simula ng opisyal at 90-araw na campaign pe­riod para sa mga bago at reeleksiyonistang kan­didato sa Senado kahit ang iba, sa totoo lang, ay mahigit isang-taon nang kumakam­panya. Muli tayong makari­rinig ng mga nakakiki­labot at makatindig-bala­hibong talumpati mula sa mga kandidato na mag­papaligsahan sa pagsa­salita para makahakot ng mapabibilib na botante. Uso na naman ang panunuyo, …

Read More »

Kenneth Dong na akusado sa P6.4-B shabu shipment sa DOJ compound nadakip

NADAKIP na ng Na­tio­nal Bureau of Inves­tigation Anti-Organized and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD) ang ‘negosyanteng’ si Kenneth Dong, isa sa mga principal accused sa importasyon ng P6.4-billion shabu shipment na nailusot sa Bureau of Customs (BoC) at nasa­bat sa isang bodega sa Valenzuela City noong 2017. Ang pag-aresto kay Dong at kanyang mga co-accused ay ipinag-utos ng hukuman sa bisa ng …

Read More »

Nilangaw na pelikula ‘bad omen’ kay “Bato” sa pagtakbong senador

MALAMANG kaysa hindi, sa kangkungan pulutin si dating Philippine National Police (PNP) chief retired Gen. Ronald dela Rosa kapag hindi nakaisip ng panibagong gimik matapos langawin sa takilya ang kanyang biopic na “BATO” The Movie. May malaking epek­to siyempre sa pagtakbong senador ni Bato ang miserableng pagkalugi ng pelikula na pinagbidahan pa man din ng nagmamagaling, ‘este, magaling na aktor na …

Read More »

Deployment ng DH sa ME itigil na lang

INULAN na naman ng batikos si Pang. Rodrigo “Digong” Duterte kama­kailan sa kanyang paha­yag tungkol sa kaso ng rape o panghahalay sa mga kababaihang over­seas Filipino workers (OFWs). Sa kanyang talum­pati, ang sabi raw ni Digong: “For those working as slaves overseas, rape comes with the territory. Kasali sa kultura.” Palibhasa, sa mga nakagawiang estilo ng pagkukuwento at paraan ng pananalita …

Read More »

DFA records sinabotahe; imbestigahan si Coloma sa kontrata ng passport

LUMABAS din sa wa­kas ang tunay na rason kung bakit kinailangan ipatupad ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa renewal ng pasa­porte ang muling pagsu­sumite ng panibagong birth certificate (BC) sa mga aplikante. Napilitan ang DFA na ibulgar ang malalim na katotohanan sa pagkawala ng mga lumang records pagkatapos wakasan ang maanomalyang kontrata sa pag-iimprenta ng pasaporte na iginawad ng rehimeng …

Read More »

Vindicated si Mangaong, ibinalik na BoC-XIP chief

TIYAK na napakamot sa ulo at napapailing pa ang mga damuhong nasa likod ng inilargang ‘demo­lition job’ sa media matapos muling maita­laga sa kanyang dating puwesto si Atty. Ma. Lourdes Mangaoang bilang hepe ng Bureau of Customs X-ray Inspection Project (BoC-XIP). Kaya’t wala na si Mangaoang sa pas­senger services ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na pinagtapunan sa kanya ni ngayo’y …

Read More »

Paggunita sa ika-94 kaarawan ni Ka Erdy

KAMAKALAWA ay ka­a­rawan ng pumanaw na dating executive minis­ter ng Iglesia ni Cristo (INC). Bilang pag-alaala sa kanyang ika-94 kaara­wan ay muli nating bali­kan ang ating pitak na napalathala, January 6, 2017, sa pahayagang ito, ‘Ang Ka Erdy’: ”Nitong Lunes (2 Enero) ay ika-92 taon ng kapanganakan ni Bro. Eraño “Ka Erdy” G. Manalo, dating executive minister ng Iglesia Ni Cristo …

Read More »

Absuwelto si Bong Revilla dahil sa ‘technicality’ lang; Vendetta pinaghahandaan

KOMPIYANSANG-KOM­PIYANSA si dating Sen. Ramon “Bong” Re­vil­la, Jr., na muling ma­nanalo sa susunod na eleksiyon kaya naman nagbantang bubu­wel­tahan ang mga umano’y kalaban sa politika sa sandaling makabalik sa Senado. Sa isang panayam sa kanya, tiniyak ni Bong na gagamitin ang anting-antot, este, anting-anting para paghigantihan ang mga may ginampanang papel sa pagkakasampa ng kasong plunder laban sa kanya kaugnay ng …

Read More »

Pondo ng pamahalaan sinisindikato ni Diokno

NAGAWA pang pagta­wanan ni Department of Budget (DBM) sikwatari, ‘este, Secretray Benja­min Diokno ang ipina­sang resolusyon laban sa kanya ng mga mam­babatas na kaalyado ng administrasyon. Sa ipinasang House Resolution 2365 na suportado ng over­whelming majority sa Kamara, hinihiling ng mga mambabatas na kaalyado ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte ang pagsibak kay Diokno kasunod ng nabulgar na “insertion” o ‘pagsingit’ …

Read More »

Kahit inabsuwelto ay convicted si Bong sa ‘bar of public opinion’

LILINISIN daw ni dating senador Ramon “Bong” Revilla, Jr., ang nayu­rakang dangal ng kani­lang angkan kasunod ng pagkakaabsuwelto sa kanya ng Sandigan­bayan First Division sa kasong plunder. Nananaginip nang gising si Bong kung inaa­kala niya na magagamit niyang deodorizer na pampabango ang pag­pa­pawalang-sala sa kanya ng Sandigan­bayan. Paano papuputiin ni Bong ang mantsado niyang reputasyon kung maliban sa Sandigan­bayan ay walang …

Read More »

Lim tuloy ang laban

PINAGTAWANAN lang ni dating Mayor Alfredo ang balitang siya ay umatras na sa pagtak­bong alkalde ng Maynila. Sa panayam natin sa kanya kahapon, sinabi ni Lim na walang katotohanan ang balita at kathang-isip lang na inimbento ng kanyang mga kalaban para siya siraan. Nang maitanong na­tin ang pakay ng pani­nira laban sa kanya, mahinahong sagot ni Lim: “Wala siguro silang maipakita …

Read More »

True-to-life story: ‘Ang Probinsiyano’ version ng Vietnam

SA bansa na lang natin talaga hindi naipatu­tupad ang kawastohan ng batas laban sa mga ilegal na nagpapa­yaman at kanilang mga protektor. Pero sa Vietnam, da­la­wang dating hene­ral ng pulis ang naha­tulan kamakailan sa pina­igting na kampanya ng kanilang pamahalaan laban sa katiwalian. Siyam hanggang sam­pung taon na pag­ka­bilanggo ang ipinataw na parusa sa pinaka­mataas na opisyal ng pambansang pulisya ng …

Read More »

‘Swing’: 29 Volvo trucks naglaho sa Port of Cebu?

PINAYOHAN ni Sen. Richard “Dick” Gordon si bagong Bureau of Customs (BoC) Com­missioner Rey Leonardo Guerrero sa ginanap na pagdinig ng Senado sa naglahong P11-B shabu shipment na pina­nini­walaang nakasilid sa apat na magnetic lifters na natunton ng Philippine Drug Enforcement A­gen­cy (PDEA) sa GMA, Cavite. Binalaan ng mambabatas si Guerrero nitong November 22 na mag-ingat at hindi dapat basta magtiwala …

Read More »

Kaso vs Mangaoang: “defense mechanism”

MALAKING katatawanan ang napabalitang paghahain ni dating commissioner at ngayo’y Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) director general Isidro Lapeña ng mga kasong slander at libel sa Taguig City Prosecutor’s Office laban kay dating Bureau of Customs (BoC) X-ray chief Ma. Lourdes Mangaong nitong nakaraang linggo. Ayon kay Lapeña, sinira raw ni Mangaoang ang kanyang reputasyon sa multi-bilyones na halaga ng …

Read More »