Friday , November 22 2024

Percy Lapid

Illegal terminal queen sa Maynila lagot sa NBI

PINAKAKASUHAN ni Pres. Rodrigo R. Duterte ang sinomang opisyal ng barangay na babalewalain ang kampanya laban sa mga illegal parking at illegal terminal ng mga sasakyan sa lansangan. Tiyak na nangangatog na ang operator na nagkakamal sa pinakamalaking illegal terminal ng mga kolorum na sasakyan sa Maynila na nakasasakop sa Liwasang Bonifacio  at Plaza Lawton na pinagkakakitaan din ng City …

Read More »

Betrayal of public trust at ang death penalty bill

MARAMI ang napailing at napakamot sa ulo nang italaga ni Pres. Rodrigo R. Duterte ang singer-musician na si Jimmy Bondoc sa puwesto bilang assistant vice president for entertainment ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor). Mabilis nating idinepensa sa ating malaganap na programang ‘Lapid Fire’ sa Radio DZRJ (810 Khz.) ng 8TriMedia Broadcasting Network si Bondoc dahil ang puwestong pinaglagyan …

Read More »

Walang sinasanto ang batas sa SoKor

IKINULONG na ang babaeng pangulo na si Park Geun-hye matapos mapatalsik sa puwesto noong nakaraang buwan dahil sa pagtanggap ng suhol sa malalaking negosyante sa South Korea (Sokor). Si Park ang ikatlo sa mga dating pangulo ng Sokor na nabilanggo sa kasong treason o pagtataksil sa tiwala ng mamamayan at pagtanggap ng suhol. Walang special VIP treatment at sa kulungan …

Read More »

Pres. Digong estadista sa gawa, hindi sa salita

ALLERGIC si Pres. Rodrigo R. Duterte sa kung ano-anong mga titulo, ‘di tulad ng ibang politiko na masiba sa karangalan. Ang matawag na statesman o estadista ay tatak na nababagay lamang itawag sa isang tunay na mahusay at matinong lider. At ang pagiging estadista ay sa gawa lamang napatutunayan, hindi sa pananalita. Ipinamalas ni Pres. Digong ang katangiang ito nang …

Read More »

Erap and co., kasuhan sa anomalous contract ng Army and Navy Club

MALI ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) kaya naibasura ang inihain nilang petisyon sa Court of Appeals (CA). Hindi pinaboran ng CA 15th Division ang petition for certiorari and prohibition na inihain ng VACC para mapigil ang pribadong casino na itatayo ng Oceanville Hotel and Spa Corp., sa makasaysayang Army and Navy Club (ANC) sa Maynila. Sa resolusyon na …

Read More »

Si ‘stone-faced’ ninong ni Stonefish sa binyag

HINDI makapaniwala ang maraming supporters ni Pang. Rodrigo R. Duterte nang mapabalitang si ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada ang isa sa mga nag-ninong sa binyag ng apong si Stonefish (Marko Digong Duterte Carpio), bunsong anak nina Davao City Mayor Inday Sarah Duterte-Carpio at asawa nitong si Atty. Maneses Carpio. Sa dinami-rami nga naman ng respetado at marangal …

Read More »

Mayor Lim magsasalita sa isyu ng vote-buying; Iregularidad, ibubulgar

NAKATAKDANG magsalita si Mayor Alfredo Lim upang ibulgar ang mga iregularidad at malawakang vote-buying na naganap sa eleksiyon noong nakaraang taon sa Maynila. Panauhin ngayong umaga si Lim sa Kapihan sa Manila Bay, isang forum ng mga aktibong print at broadcast media practitioners na lingguhang idinaraos sa Café Adriatico sa Malate. Liliwanagin ni Lim na wala pang pinal na desisyon …

Read More »

Kailan natin tutularan ang South Korea laban sa mga magnanakaw

KINATIGAN ng Constitutional Court ang pagpapatalsik sa babaeng pangulo ng South Korea na si Park Geun-hye sa kasong corruption at betrayal of public trust nitong nakaraang linggo. Napakabilis ng mga pangyayari pagkatapos ibulgar sa  media noong October 2016 ang pangingikil ng matalik na kaibigan ni Park Geun-hye na si Choi Soon-sil nang milyon-milyong dolyares mula sa malalaking negosyante ng South …

Read More »

Mighty Corp., untouchable?

BALEWALA rin ang ipinuhunang sakripisyo ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR) sa kampanya ng pamahalaan laban sa talamak na pananabotahe sa ekonomiya. Ito ay matapos magpalabas ng temporary restraining order (TRO) si Judge Tita Bughao Alisuag ng Manila Regional Trial Court (RTC) nitong March 6 na pinapaboran ang interes ni Alex Wong Chu King at …

Read More »

Sinibak si Laviña hindi nag-resign

KOMPIRMADONG sinibak sa puwesto ni Pres. Rodrigo R. Duterte (PRRD) ang kanyang dating campaign spokesperson na si Peter Laviña bilang hepe ng National Irrigation Administration (NIA). Ito ay taliwas sa pagbabangong-puri ni Laviña na kusa raw siyang nagbitiw sa puwesto at para pasinungalingan ang nakarating na sumbong kay PRRD sa umano’y malimit na “palipad-hangin” nitosa mga may transaksiyon sa NIA …

Read More »

Balbon na desisyon ng Comelec first div sa Lim vs. Erap case

IPINAGWAGWAGAN ng kampo ni ousted president at convicted plunderer Joseph ‘Erap’ Estrada na ibinasura na ng Commission on Elections (Comelec) ang inihaing protesta ni Mayor Alfredo Lim laban sa kanya at sa mga tumayong miyembro ng City Board of Canvassers (CBC) kaugnay nang malawakang pandaraya at vote-buying sa Maynila noong 2016 elections. Balbon ang resolusyon na ipinagmalaki ng kampo ni …

Read More »

Betrayal of public trust at ang death penalty bill

LIGTAS na ang sinomang gagawa ng heinous crime o kasuklam-suklam na krimen oras na maipasa at maisabatas ang muling pagbuhay sa Death Penalty Bill na niluluto sa Kamara. Ipinagmalaki ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, chairman ng House justice committee, na limitado lang sa mga kasong may kinalaman sa illegal drugs ang napagkaisahan nila na masakop at hindi na kasali …

Read More »

Restore rule of law; D-5, Jinggoy at Bong sa city jail ikulong

LUNGKOT at habag ang aking nadama sa mga karaniwang preso na siksikan sa mga karaniwang kulungan nang ipakita ang kuha ng bagong bahay ni suspected illegal drugs protector Sen. Leila de Lima sa VIP custodial center ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame na ipinatayo ng nakaraang administrasyon ni Ngoyngoy, este, Noynoy Aquino. Malayong-malayo sa karaniwang kulungan ang kinaroroonan …

Read More »

Online gambling permit ni Kim Wong dapat bawiin ng PAGCOR at ni Domingo

KADUDA-DUDA ang nakabibinging pananahimik ni Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) chair Andrea ‘Didi’ Domingo sa nabulgar na 30 permit sa offshore online gambling na kanyang inaprobahan. Walang ibinibigay na paliwanag si Chairman Domingo kung ano ang naging pamantayan o basehan na ginamit ng PAGCOR sa mga naaprobahan nilang permit para sa online gambling operation sa bansa, isa rito ang …

Read More »

Illegal terminal queen ng Lawton nangangarap maging radio blocktimer

NABULGAR sa malaganap na programa ng respetado at premyadong brodkaster na si Julius Babao sa DZMM tele-radyo ng ABS CBN ang matagal nang hindi nabubuwag na sindikato ng illegal terminal sa barangay na may sakop sa Plaza Lawton sa Maynila, nitong nakaraang linggo. Ipinakita ang modus kung paano isinasagawa ng mga sinasabing tauhan ng barangay ang ilegal na pangongolekta ng …

Read More »

Si Kim Wong na pala ang boss ng PAGCOR

WALANG kasablay-sablay ang ating kolum na pinamagatang: “ILLEGAL ONLINE GAMBLING SOSOLOHIN NI ‘SCHEME’ WONG” na nalathala noong 30 Disyembre 2016. Sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Commitee nitong nakaraang linggo, itinanong ni Sen. Richard ‘Dick’ Gordon kung may katotohanan na ang kontrobersiyal na negos-yanteng si Kim Wong ay napagkalooban ng 20 permit ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) para …

Read More »

Honorable thieves

PILIT na pilit at malabnaw ang paliwanag ni Mindoro Oriental Rep. Reynaldo Umali para bigyang katuwiran ang self-serving version ng Kamara na ipuwera ang kasong plunder sa muling pagbuhay ng death penalty o parusang bitay. Hindi natin alam kung saang planeta hinugot ni Umali ang baluktot niyang paniwala na may tsansa raw magbago ang mga magnanakaw sa pamahalaan kaysa karaniwang …

Read More »

Kamara self-serving sa death penalty law

PAGSASAYANG na lang ng panahon at pera ng taongbayan ang pagpapasa ng batas na maibalik ang parusang bitay o death penalty sa bansa. Hindi pa man nailalarga ni beloved Pres. Rodrigo R. Duterte ang mabagsik na kampanya kontra-katiwalian sa pamahalaan ay pinagtatangkaan nang tanggalan ng ngipin ang kanyang panukalang pagbabalik sa death penalty law. Nagsabwatan, ‘este, nagkasundo raw ang mga …

Read More »

Pasasalamat kay PRRD at reklamo vs embassy staff sa Tokyo, Japan

ISANG kababayan natin na naninirahan sa Tokyo, Japan ang nais magpaabot ng pasasalamat kay Pang. Rodrigo R. Duterte. Sa ipinadalang e-mail sa atin, ikinuwento ni Gng. Ai Tanaka kung paano niya nakaharap at nakamayan si Pang. Digong. Siya ay masugid na tagasubaybay ng ating programang “Lapid Fire” sa Radio DZRJ-810 Khz., na sabayang napapanood sa buong mundo via live streaming …

Read More »

Tagilid si Kit Tatad sa rumor mongering

PINATIKIM ng malutong na mura ni Pang. Rodrigo R. Duterte si dating senador Francisco “Kit” Tatad na ngayo’y sumusulat ng kanyang kolum sa isang pahayagan. Balita natin, si Tatad ay walang ginawa kundi magsulat ng pawang negatibo laban kay Pang. Duterte mula nang matalo ang kanyang manok na si dating vice president Jejomar Binay. Wala naman sanang masama sa pagbatikos …

Read More »

Digong kay ‘Bato’: Purgahin ang PNP

KOMBINSIDO si beloved Pres. Rodrigo R. Duterte na sinasamantala ng mga scalawag sa hanay ng pulisya para isabotahe ang inilunsad na giyera ng pamahalaan laban sa talamak na problema ng illegal na droga sa bansa. Inatasan ni Pres. Digong si Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa na maglunsad ng giyera laban sa mga kung ‘di …

Read More »

Ahas sa palasyo

UMALINGASAW ang lihim na pagtatagpo kamakailan ng isang mataas na Malacañang official at isang kontrobersiyal na Metro Manila Mayor sa restaurant ng isang kilalang 5-star hotel sa Maynila. Narinig na pinag-uusapan ng dalawa ang kasong plunder sa Sandiganbayan. Ipinakikiusap raw ng alkalde sa mataas na opisyal ng Palasyo na kung maari ay idiga nito kay beloved Pres. Rodrigo R. Duterte …

Read More »

OFW binitay sa Kuwait

ISANG kababayan na naman nating OFW ang binitay sa middle east nitong Miyerkoles. Siya ay si Jakatia Pawa, tubong Zamboanga, na nagtatrabaho bilang kasambahay na nahatulan sa kasong pagpatay sa anak ng kanyang amo noong 2007 sa bansang Kuwait. Pero ang malungkot, ilang oras bago niya harapin ang kamatayan ay saka lamang nakarating sa kaalaman ng kanyang pamilya ang nakatakdang …

Read More »

‘Tanggapan’ ni Sueno

ITINANGGI ni Local Government Secretary Ismael Sueno na tumatanggap siya ng payola mula sa ilegal na jueteng. Pero sinabi ni Sueno na may nauulinigan siyang kumukubra ng payola ngunit kasalukuyan pa niyang inaalam kung sino ang tumatanggap para sa kanya. Lumalabas na matagal nang hindi alam ni Sueno na binabambo siya sa ulo ng isa o ilan sa mga nakapaligid …

Read More »