Friday , October 4 2024

Erap and co., kasuhan sa anomalous contract ng Army and Navy Club

00 Kalampag percyMALI ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) kaya naibasura ang inihain nilang petisyon sa Court of Appeals (CA).

Hindi pinaboran ng CA 15th Division ang petition for certiorari and prohibition na inihain ng VACC para mapigil ang pribadong casino na itatayo ng Oceanville Hotel and Spa Corp., sa makasaysayang Army and Navy Club (ANC) sa Maynila.

Sa resolusyon na isinulat ni presiding Justice Ramon Garcia at sinang-ayunan nina Associate Justices Leoncia Dimagiba at Jhosep Lopez, si-nabi ng CA na nilabag ng VACC ang “hierarchy of courts” sa inihaing petisyon na dapat ay unang idinulog sa regional trial court (RTC).

Sabi ng CA, sa mababang hukuman dapat maghain ng civil case ang VACC para hilingin na mapawalang bisa ang nilagdaang kasunduan sa pagitan ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor), Manila City Hall, National Historical Commission (NHC) at ng kompanyang Vanderwood Management Corp.

Suspetsa natin, sadyang kunwa-kunwarian lang ang kaso kaya sa CA inihain ng VACC ang nabasurang petisyon.

Matagal na tayong duda sa kredibilidad at sinseridad ng ilang personalidad sa VACC pagda-ting sa pagsasampa ng mga kaso, lalo pa’t kung si Ferdinand Topacio na wala pang naipapanalong kaso ang kanilang abogado.

Kadalasan, ang mga sinasampahan ng VACC at ni Topacio ng reklamo ang nananalo, at sa bandang huli ay nagiging kaalyado pa sila ng kanilang kinakasuhan.

Basura naman kasi ang inihaing petisyon ng VACC kaya ibinasura sa CA.

PARDON KAY ERAP
DAPAT BAWIIN

MALIWANAG na paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang kaso na dapat isampa laban sa mga may kinalaman at nagsabwatan sa maanomalyang kontrata sa pagpapaupa ng ANC sa Pagcor.

Kasama sa mga dapat kasuhan sa Office of the Ombudsman ang NHC at ang ibang ahensiya na pumayag ipagiba ang ANC na sandaang-taon mahigit nang nakatayo at itinuturing na heritage o pamana ng ating kasaysayan.

Maanomalya ang pinasok na kontrata ni ousted president at convicted plunderer Joseph ‘Erap’ Estrada sa Oceanville na walang deklarasyon na dumaan ito sa tamang proseso ng bidding sa ilalim ng Procurement Law.

Kuwestiyonable rin ang pagpapaupa ng Oceanville ng ANC sa Vanderwood na tulad rin nila ay isang pribadong kompanya.

Nakapaloob sa kuwestiyonableng kontrata na pinapayagan ng City Hall na ipakontrata rin ng Oceanville sa iba ang pasilidad ng Army Navy and Club sa loob ng dalawampung taon.

Sila-sila lamang ang gumawa ng kasunduan na hindi nakabatay sa proseso ng batas.

Sinabi ni Chairperson Andrea ‘Didi’ Domingo na labag sa batas ang ginawang pagpasok sa kontrata ng nakaraang Pagcor administration na pinamunuan ni Cristino “Bong” Naguiat, Jr.

Ayon kay Didi Domingo, puwede lamang umupa ang Pagcor sa direktang may-ari ng property.

Bukod diyan, sa Pagcor din kinuha ng Vanderwood ang mahigit P200-M na gagamitin para raw sa gusali na itatayo pa lamang.

Ibig sabihin, ang gobyerno ay niluto sa sarili nitong mantika.

Mahigpit na ipinagbabawal sa batas ang pagpasok sa anomang kontrata na disadvantageous to the government o agrabyado ang pamahalaan.

Ang anomang kasunduan na hindi nakabatay sa sentido-kumon ay labag sa batas.

Saan ka hahanap ng gago, bobo at estupido na papayag umupa kung sa kanya rin pala kukunin ng magpapaupa ang salaping ipagpapatayo ng kanyang uupahan?

Bale ba, katabi lang ng ANC ang Museo Pambata na pagtatayuan ng pasugalang casino.

Kaya hindi pa natatapos ang kuwento sa pagbasura ng CA sa malaking katarantaduhan at katakawan ni Erap sa pagsira at paglapastangan sa ANC na pamana ng ating kasaysayan.

Kahit kumpare pa ni Erap ang pamangkin ni Ombudswoman Conchita Carpio Morales na manugang ni Pres. Rodrigo R. Duterte ay hindi dapat palagpasin ang ganitong kawalanghiyaan.

Ang mali ay mali, at hindi kailanman puwedeng maging tama ang mali.

Sa anomal-yang ‘yan pa lang ay dapat nang bawiin ni Pres. Digong ang iginawad na pardon ni GMA kay Erap at ibalik siya  sa kulungan para tapusin ang habambuhay na sentensiya sa kanya ng San-diganbayan.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Delusional, kung ‘di man desperada

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. DELUSIONAL na marahil ang ating Bise Presidente, si Inday …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Suwerteng QCitizens, bibilhan ng condo ni Mayor Joy B.

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAPAKASUWERTE talaga ng QCitizens sa pagkakaron ng isang Alkalde na ang …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Talento mo sa paggawa ng parol, isali sa “Kumukutitap 4” ng QC

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW ba ay isa sa daang libong QCitizens na may itinatagong …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Paglalantad sa backdoor

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MATAPOS mapanood ang privilege speech ni Senator Raffy Tulfo …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Serbisyo ng LTO, hanggang Sabado na

AKSYON AGADni Almar Danguilan PASO na ba ang inyong lisensiya sa pagmamaneho at hindi makapag-renew …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *