Friday , October 11 2024

Honorable thieves

00 Kalampag percyPILIT na pilit at malabnaw ang paliwanag ni Mindoro Oriental Rep. Reynaldo Umali para bigyang katuwiran ang self-serving version ng Kamara na ipuwera ang kasong plunder sa muling pagbuhay ng death penalty o parusang bitay.

Hindi natin alam kung saang planeta hinugot ni Umali ang baluktot niyang paniwala na may tsansa raw magbago ang mga magnanakaw sa pamahalaan kaysa karaniwang kriminal na pumapatay.

Parang sinabi na rin ni Umali na mas mabigat ang isang kilong bakal kaysa isang kilong bulak, hehehe!

Sabi pa ni Umali, pera lang daw ang isyu at wala namang pinapatay sa pagnanakaw.

Ibig sabihin ba ni Umali ay libreng magnakaw sa pera ng gobyerno basta’t pagkatapos ay huwag lang uulitin?

Kaya naman hindi napabilib ni Umali si Sen. Panfilo “Ping” Lacson na ‘di komporme na ipuwera sa death penalty ang kasong plunder.

Tama si Sen. Ping, maituturing na genocide ang katumbas na krimen ng pagnanakaw sa salapi ng pamahalaan, lalo ang pandarambong, kompara sa kriminal na paisa-isa ang pinapatay.

Bago siya naging mambabatas, si Umali ay dating mataas na opisyal ng Bureau of Customs (BOC).

Matagal-tagal din pinamunuan ni Umali ang tanggapan ng Run After the Smugglers (RATS) ng Customs bilang director, pero parang wala yata tayong matandaan na may naipakulong siyang smuggler sa panahon ng administrasyon ni dating Pang. Gloria Macapagal Arroyo.

Aber, sino-sino o ilan kaya ang magagamit na reperensiya ni Umali sa mga nakasama ni-yang mandurugas at smuggler sa Customs, pagkatapos ng isa, dalawa o hanggang tatlong beses ay nagpakabait at tumigil na sa pagna-nakaw?

Mabuti pa ang durugista ay may pag-asang magbago, pero wala tayong alam na naimbentong rehabilitation para sa mga magnanakaw.

May maipakikita ba na credential si Umali ng doctorate bilang nagpakadalubhasa sa human behaviour?

Ang pagkasadlak sa anomang krimen ay beyond human control kaya nga tayo may mga batas.

Pero kung ebidensiya na imposibleng gumaling at malunasan pa ang sakit ng mga adik na magnanakaw sa pamahalaan ay hindi tayo mauubusan ng maihahalimbawa.

Katunayan, ang labis na pagkagumon sa pagnanakaw sa salapi ng bayan nga ang dahilan kung bakit hindi nasasawata ang political dynasty na pasalin-salin sa iilang angkan kahit maliwanag namang ipinagbabawal ito sa Saligang Batas.

Pagnanakaw at pagsasamantala rin ang dahilan kung bakit marami ang ayaw nang lisanin ang politika.

ERAP, ICON
SA PLUNDER

Si ousted president at convicted plunderer Joseph ‘Erap’ Estrada at ang anak niya na si dating Sen. Jinggoy Estrada ay ilan lamang sa maliwanag na ebidensiya na hindi pa naiimbento ang gamot para malunasan ang sakit na pandarambong.

Hind ba’t nagawa pa nilang magsabwatan para mailagay ang P100-M Priority Development Assistance Fund (PDAF) ni Jinggoy sa Maynila kahit kasalukuyan na siyang iniimbestigahan sa pagbubulsa ng kanyang pork barrel bilang senador na nabuko lang ng Commission on Audit (COA)?

Walang pinapangarap ang mga tiwali sa pamahalaan kung paano magagawang marangal at kagalang-galang ang krimen ng pagnanakaw at pandarambong sa pamahalaan.

Sinasadya nila ang paglikha ng baluktot na batas para hindi mapanagot sa malaking krimen laban sa mamamayan.

Ginagamit nilang barometro o sukatan sa pagnanakaw si Erap kaya walang umiimik at hinayaan pa ang patuloy nitong pag-abuso sa Maynila, imbes imbestigahan.

Hanggang ngayon ay bulag, pipi at bingi ang lahat sa hindi pagtupad ni Erap sa hatol ng Sandiganbayan.

Nakapaloob sa desisyon ng Sandiganbayan kay Erap noong 2007 na ibalik ang kanyang mga ninakaw sa pamahalaan, kasama ang mga interes.

Ayon sa mga abogado na ating nakausap, mababalewala raw ang desisyon ng Sandiganbayan kapag hanggang sa Setyembre ngayong taon ay nabigong ipatupad ng pamahalaan ang paghabol sa mga salaping ninakaw ni Erap at pagkompiska sa kanyang mga ari-arian.

Kasama sa hatol ng Sandiganbayan kay Erap ang pagsasauli sa kanyang kinulimbat na P545-million na payola sa jueteng;  P130-million tobacco excise tax share ng Ilocos Sur; P189.7-million kickback sa GSIS at SSS stocks sa Belle Corp., at ang P3.23-billion deposito sa “Jose Velarde” account sa Equitable-PCI Bank, Binondo branch sa Maynila.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Unang hamon sa integridad ni Torre

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. WALA pang isang linggo mula nang tanggapin niya ang …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Naggagandahang obra ng PDLs, bida sa BIDA ng BJMP

AKSYON AGADni Almar Danguilan BIDANG-BIDA ang mga naggagandahang obra ng mga persons deprived of liberty …

Dragon Lady Amor Virata

Mga police security ng kandidato alis muna

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata PAG-UUSAPAN na sa Commission on Elections (Comelec) ang araw …

Sipat Mat Vicencio

Lapid, Abby tagilid na kandidato ni Bongbong

SIPATni Mat Vicencio HINDI kakayaning makapasok sa ‘Magic 12’ ang lahat ng kandidato ni Pangulong …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Mapayapang eleksyon, target ni PRO3 RD PBG Maranan

AKSYON AGADni Almar Danguilan UMUPO na bilang Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 3 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *